You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Labrador District

ACTIVITY SHEETS
sa FILIPINO 4, KUWARTER I

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t


ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan. F4WG- If-j-3

Kasanayan sa Pagkatuto:

Nasasagot ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi


tungkol sa sariling karanasan. (F4WG-If-j-3)

Paglalarawan:
PAKSA: PANGHALIP PANAO
Panghalip na panao ang ginagamit na pamalit sa ngalan ng tao. Ito ay may panauhan at kailanan.
Panauhan Kailanan
Isahan Dalawahan Maramihan
Una kata. kita kami, tayo amin, atin
( nagsasalita ) ako, ko, akin kanita, ta namin, natin
Ikalawa ikaw, ka, mo kayo, inyo
( kausap ) iyo ninyo
Ikatlo
( pinag-uusapan) siya, niya sila, nila
kaniya kanila
Kaukulan ng Panghalip Panao
Kaukulan ang tawag sa kakayahan ng panghalip na nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.
Tatlo ang Kaukulan ng Panghalip Panao
1. Palagyo- ginagamit na paksa
Halimbawa: Ako ay tumutulong sa mga biktima ng sakuna.
- ginagamit na kaganapang pansimuno
Halimbawa: Ang tagapamahala ng donasyon ay siya.
- ginagamit na kaganapang panpanaguri
2. Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng pangngalan
Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation center.
3. Paukol- Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o layon ng pang-ukol.
Halimbawa: Bibigyan ko ang mga nasalanta ng bagyo ng mga damit.

Halimbawa:
1. Pangungusap: Akin ang aklat na ito.
Panghalip na Panao: akin
Panauhan: una
Kailanan: isahan
Kaukulan: paari
2. Pangungusap: Saan kaya sila pupunta?
Panghalip na Panao: sila
Panauhan: ikatlo
Kailanan: maramihan
Kaukulan: palagyo
3. Pangungusap: Bibigyan ko ang mga bata ng pagkain.
Panghalip na Panao: ko
Panauhan: una
Kailanan: isahan
Kaukulan: paukol

Inihanda ni:

THELMA U. DULATRE
Teacher III

Pangalan:____________________________________________________Petsa:_________
Baitang/ Seksyon:_____________________________________________Iskor: _________

I.Pamagat ng Gawain: Guhitan Mo Ako…


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto:Salungguhitan ang panghalip na panao na ginamit sa pangungusap.


1. Pupunta ako sa bukid mamayang hapon.
2. Kami ay masayang naliligo sa ulan.
3. Magkikita sila sa parke bukas ng umaga.
4. Kumain ka na ba?
5. Ikaw ba ay nakagawa na ng iyong takdang aralin?
6. Magkapatid ba kayo?
7. Saan tayo mamamasyal bukas?
8. Para sa iyo ang regalong ito.
9. Siya ay tahimik na nagbabasa ng aklat sa silid aklatan.
10. Sinabi ko kanina na maglinis bago umalis ng bahay si Mario.

II. Pamagat ng Gawain: Piliin Mo Ako…


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto:Piliin sa loob ng panaklong ang wastong panghalip na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Salungguhitan ito.
1. ( Siya, Kaniya, Niya ) ang kapatid kong nakatira sa Maynila.
2. Sa ( tayo, niya, akin ) ang aklat na iyan.
3. Maganda ang proyektong inilunsad ( tayo, ikaw, niya ).
4. Kanino ( tayo, ikaw, mo ) binili ang magandang telang iyan?
5. Ang ( niyang, kaniyang, tayong ) kotse ay makabago.
6. Ang guro ( tayo, nila, ka ) ay mabait at maunawain.
7. Saan ( ka, mo, ikaw ) gustong magtrabaho pagkatapos mag-aral?
8. ( Ikaw, Ka, Tayo ) ba ay sasama sa akin?
9. Kailan ( ikaw, tayo, iyo ) gagawa ng ating proyekto?
10. Ang ( aming, tayong, kayong ) bahay ay nakatayo sa isang maliit na bakuran.

III. Pamagat ng Gawain: Buuin Natin!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Buuin ang usapan sa ibaba sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong panghalip


panao sa bawat patlang.
Bing: Magandang umaga sa 1__________Denice.
Denice: Magandang umaga rin sa _2_________ Bing.
Bing: Nakapunta ka na ba sa Encantadia?
Denice: Hindi pa. _3_________, nakapunta ka na ba?
Bing: Oo, nakapunta na _4_________. Kasama ko ang aking mga magulang, sina kuya
Henry at Nene. _5_________ pa nga ang nagyaya sa akin sa pagpunta roon.
Denice: Kasama rin ba ang lola at lolo mo?
Bing: Hindi _6_________ nakasama dahil nagbakasyon sila sa Quezon.
Denice: Naku sayang naman. Kailan ulit 7___________ pupunta roon?
Bing: Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag pupunta ulit 8__________.
Denice: Sana makasama ako sa pagpunta _9___________.
Bing: O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa. Natitiyak kong papayag at matutuwa_10__.

Pangalan:__________________________________________________Petsa:______________
Baitang/ Seksyon:___________________________________________Iskor: ______________

I.Pamagat ng Gawain: Kilalanin ang Panghalip na Ginamit


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: A. Basahin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na


ginamit sa bawat pangungusap at isulat sa patlang bago bilang ang
panauhan nito.
____________1. Mila, san nagpunta ang Kuya Pablito mo?
____________2. Inay, dadalhin ko kay Tiya Lorna ang sulat na ito.
____________3. Mabuti pa ay sumama na ako mamaya kay Tiya Lorna sa pagpunta sa Maynila .
____________4. Nag- ayos sandali si Aling Nelia at lumakad na sila.
____________5. Kailan daw malalaman ang resulta ng inyong paligsahan?
Panuto: B. Basahin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa
bawat pangungusap at isulat sa patlang bago bilang ang kailanan nito.
____________6. Maawain ako pagkat inihahandog ko ang lahat ng tulong sa dukha’t busabos.
____________7. Masaya ang klase pagkat nagpapakitaan sila ng mga dalang lumang gamit sa
bahay.
____________8. Ibigay ninyo ang mga regalong ito sa mga bata sa lansangan.
____________9. Pupunta si Ginang Gonzales sa atin upang magbigay ng tulong.
____________10.Kunin sa kanila ang bagong aklat sa Filipino.

II. Pamagat ng Gawain: Ang Pangngalan at ang Panghalip


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Gamitin sa pangungusap na may panghalip panao ang mga sumusunod na pangngalan.
1. bola
Pangungusap:_________________________________________________________________
2. Lola Nancy
Pangungusap:_________________________________________________________________
3. bulaklak
Pangungusap:_________________________________________________________________
4. aklat
Pangungusap:_________________________________________________________________
5. larawan
Pangungusap:_________________________________________________________________
6. sapatos
Pangungusap:_________________________________________________________________
7. paaralan
Pangungusap:_________________________________________________________________
8. upuan
Pangungusap:_________________________________________________________________
9. bayabas
Pangungusap:_________________________________________________________________
10.damit
Pangungusap:_________________________________________________________________

III. Pamagat ng Gawain:Pagmasdan Mo Ako!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Mula sa bawat larawan bumuo ng tiglimang
pangungusap na may panghalip panao.
A.

1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________
4._______________________________________________________________________
5._______________________________________________________________________
B.

6._____________________________________________________________________
7._____________________________________________________________________
8._____________________________________________________________________
9. _____________________________________________________________________
10._____________________________________________________________________

Pangalan:__________________________________________________Petsa:______________
Baitang/ Seksyon:___________________________________________Iskor: ______________

I.Pamagat ng Gawain: Pag-aayos ng mga Salita o Parirala


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Ayusin ang mga salita o grupo ng salitang ibinigay upang makabuo ng
pangungusap. Salungguhitan ang panghalip panaong ginamit sa bawat
pangungusap.
1. masayang/ sa parke/sila ay/ naglalaro
Pangungusap:________________________________________________________________
2. mamaya/ pupunta ang/sa inyo/ mga guro
Pangungusap:________________________________________________________________
3. kayo sa inyong/ maglinis na/ silid-aralan
Pangungusap: ________________________________________________________________
4. bibigyan / ko siya/ ng pagkain/ mamaya
Pangungusap:________________________________________________________________
5. ang aking/akin na/ sapatos
Pangungusap: ________________________________________________________________
6. mananghalian/ sa amin/ na kayo
Pangungusap: ________________________________________________________________
7. ay pupunta/ sa bukid/ sila Inay at Itay
Pangungusap: ________________________________________________________________
8. mamamasyal/ saan/ kaya sila
Pangungusap: _______________________________________________________________
9. ka kay/ pumunta / Mang Juan
Pangungusap: _______________________________________________________________
10. si Mia/ umiiyak/ ay nasugat/ dahil siya
Pangungusap: _______________________________________________________________

II. Pamagat ng Gawain: Hanapin Mo Ako.


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Hanapin ang mga panghalip panao na ginamit sa pangungusap. Isulat ang mga ito sa
talahanayan. Isulat din ang panauhan, kailanan at kaukulan ng bawat panghalip.
1. Sa kabukiran ako namasyal kahapon ng umaga.
2. Si Lito ay sasama sa inyong magtatanim ng palay.
3. Sa amin nagbakasyon si Inday.
4. Pupuntahan kita sa inyo mamayang hapon.
5. Mahalin ang inyong mga magulang.
6. Bakit kailangan nating magtiis upang mabuhay?
7. Siya ang napiling pinakamagaling kumanta sa lahat ng nakilahok sa patimpalak.
8. Kayo ang naatasang gumawa ng mahihirap na gawain.
9. Pinagalitan sila ng guro dahil hindi sila nag-aaral mabuti.
10. Saan kaya natin kukunin ang perang gagamitin upang matulungan ang mga nangangailangan?

PANGHALIP PANAO PANAUHAN KAILANAN KAUKULAN

III. Pamagat ng Gawain: Basahin Natin!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Basahin kung paano ka magiging gintong hiyas ng iyong magulang. Matapos mo
itong basahin, ibigay ang hinihiling ng talaan.

Ang Gintong Hiyas ng Magulang

Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa ay nag-uusap tungkol sa


pinakamahalagang bagay sa kanilang buhay. Para kay Cita, ang kanyang kabuhayan, ginto, at
alahas ang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kanyang tatlong anak ang natatangi
niyang hiyas.
Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak na sasabihing ang kanyang anak
ang natatangi nilang hiyas at pag-asa sa kinabukasan.
Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga magulang?
Hindi sapat na batiin at bigyan sila ng regalo tuwing sasapit ang araw ng mga Ina at Ama.
Kailangang ang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sa pag-aaral upang
magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung ito ay maisasagawa ng mga anak, ano kayang
damdamin ang mangingibabaw sa kanilang tahanan?
Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalas nating ipagwalang-bahala.
Kabaliktaran naman ang ginagawa ng ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa
atin. Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahang sumasalubong sa atin?
Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’y bunga narin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya ang
mangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating mga magulang sa bawat maibigan natin?
Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin at igalang ang ating mga magulang.
Wala silang maaaring kapalit pa sa daigdig na ito.

PANGHALIP PANAO KAILANAN PANAUHAN KAUKULAN

Pangalan:__________________________________________________Petsa:______________
Baitang/ Seksyon:___________________________________________Iskor: ______________
I.Pamagat ng Gawain: Sumulat Tayo
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na panghalip panao sa pangungusap.


1. ako ______________________________________________________________________
2. ko ______________________________________________________________________
3. siya ______________________________________________________________________
4. ikaw ______________________________________________________________________
5. kayo ______________________________________________________________________
6. tayo ______________________________________________________________________
7. kanila ______________________________________________________________________
8. ka ______________________________________________________________________
9. iyo ______________________________________________________________________
10. inyo ______________________________________________________________________

II.Pamagat ng Gawain: Ilarawan Mo Ako!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang larawan. Mula rito, sumulat ng isang maikling
talata na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na ginagamitan ng
panghalip panao.

.
_______________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Rubrik para sa pagsulat ng talata

Batayan Puntos ( 10 )
Nilalaman/ Paglalahad ng Kaisipan 3
Organisasyon/ Pagkakaugnay ng Pangungusap 3
Paggamit ng angkop na panghalip panao sa usapan 3
Mekaniks sa pagsulat ( bantas, margin, indention, etc.) 1

III.Pamagat ng Gawain: Pag-usapan Natin!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG- If-j-3

Panuto: Gumawa ng usapan batay sa ibinigay na paksa. Gamitan ito ng panghalip panao.
Pista sa Nayon

Rubrik para sa pagsulat ng usapan

Batayan Puntos ( 10 )
Nilalaman/ Paglalahad ng Kaisipan 3
Organisasyon/ Pagkakaugnay ng Pangungusap 3
Paggamit ng angkop na panghalip panao sa usapan 3
Mekaniks sa pagsulat ( bantas, margin, indention, etc.) 1

Susing Sagot

I. 1.ako 6. kayo
2. kami 7. tayo
3. sila 8. iyo
4. ka 9. siya
5. ikaw 10. Ko

II. 1. siya 6. nila


2. akin 7. mo
3. niya 8. ikaw
4. mo 9. tayo
5. kaniya 10. amin

III. 1. iyo 6. sila


2. iyo 7. kayo
3. ikaw 8. kami
4. ako 9. ninyo
5. sila 10. Sila

I. Panhalip Panauhan
1. mo ikalawa
2. ko una
3. ako una
4. sila ikatlo
5. inyo ikalawa
6. ako una
7. sila ikatlo
8. ninyo ikalawa
9. atin una
10 kanila ikatlo

II. at III. Ang mga sagot ng mga mag-aaral sa parting ito ay magkakaiba-iba.

I. 1. Sila ay masayang naglalaro sa parke.


2. Pupunta ang mga guro sa inyo mamaya.
3. Maglinis na kayo sa inyong silid- aralan.
4. Bibigyan ko siya ng pagkain mamaya.
5. Akin na ang aking sapatos.
6. Sa amin na lang kayo mananghalian.
7. Sila Inay at Itay ay pupunta sa bukid.
8. Saan kaya sila mamamasyal?
9. Pumunta ka kay Mang Juan.
10. Umiiyak si Mia dahil siya ay nasugat.

II.
Panghalip Panao Panauhan Kailanan Kaukulan
1.ako una isahan Paukol
2. inyo ikalawa maramihan Paukol
3. amin una maramihan Paukol
4.kita una dalawahan Paukol
5.inyo ikalawa maramihan Palagyo
6.natin una maramihan Paukol
7.siya ikatlo isahan Palagyo
8.kayo ikalawa maramihan Palagyo
9.sila ikatlo maramihan Paukol
10.natin una maramihan Paukol

III.
Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan
Kanila Maramihan Ikatlo Paukol
Kaniya Isahan Ikatlo Paukol
Kaniya Isahan Ikatlo Paukol
Niya Isahan Ikatlo Palagyo
Kanila Maramihan Ikatlo Paari
Nila Maramihan Ikatlo Palagyo
Mo Isahan Una Palagyo
Iyo Isahan Ikalawa Paukol
Iyo Isahan Ikalawa Paukol
Sila Maramihan Ikatlo Paukol
Kanila Maramihan Ikatlo Paukol
Natin Maramihan Una Paukol
Atin Maramihan Una Paari
Atin Maramihan Una Paukol
Tayo Maramihan Una Palagyo
Sila Maramihan Ikatlo Palagyo
Atin Maramihan Una Paukol
Tayo Maramihan Una Palagyo
Nila Maramihan Ikatlo Palagyo
Atin Maramihan Una Paari
Tayo Maramihan Una Palagyo
Atin Maramihan Una Palagyo
Natin Maramihan Una Paari
Sila Maramihan Ikatlo Palagyo
Atin Maramihan Una Paari
Natin Maramihan Una Paukol
Atin Maramihan Una Palagyo
Sila Maramihan Ikatlo Palagyo

I, II,III, Ang mga sagot ng mga mag-aaral sa parting ito ay magkakaiba-iba.

Mga Sanggunian:
 Kagawaran ng Edukasyon, 2015 Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4, Batayang
Aklat sa Filipino, Ikaapat na Baitang Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600, Sunshine Interlinks Publishing
House, Inc.
 Mga larawan, google images

You might also like