You are on page 1of 3

FILIPINO 6

I.LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral sa Ika-anim na baitang ay


inaasahang magagamit ng wasto ang Maylapi na pang-uri sa paglalarawan sa
iba’t- ibang sitwasyon ng 75% na kwastuhan.

F60L-lla-e-4

II. PAKSANG ARALIN:


A.Aralin: Magagamit ng wasto ang Maylapi na pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang
sitwasyon.
B. Sanggunian: Alab Filipino Book, Module
C. Kagamitan: Activity sheets, Tarpapel,

III. PAMAMARAAN:
A.Panimulang Gawain:
1. Balik Aralin
Tungkol saan ang ating tinalakay kahapon?

B.Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
1. Ano ang inyong nakikita?
2. ilarawan ang nasa larawan
3. Pwede mo bang gamitin ang salitang ito sa pangung usap?
: Lagi nating pakatandaan na kapag magsusulat tayo ng isang pangungusap ang unang
titik ay malaki at nagtatapos ng tuldok.
2. Paglalahad
Ngayong araw ay matututuhan natin ang wastong paggamit ng maylapi na pang-
uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
3. Pagtatalakay
Ano ang pang-uri?
-Salitang naglalarawan sa pangalan o panghalip. Maaari nitong mailarawan ang
isang tao, bagay, hayop, o pangyayari.
May apat na kayarian ang pang-uri ito ay ang Payak, Maylapi, Inuulit, at
Tambalan.

Ano ang Maylapi?


- ito ang mga pang-uring binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Halimbawa:
Masayahin na si Kiko kahit noong maliit pa siya.
Mapula ang kanyang pisngi.

4. Mga Gawain
Gawain 1.
Basahin sa harap ng mga mag-aaral ang maikling kwento tungkol sa “Dalawang
Anghel” by Thess Tecla Zerauc Azodnem at ipatukoy sa kanila kung ano ang mga
Maylapi na pang- uri ang nabanggit sa kwento.

Gawain 2:
Panuto: Tukuyin ang maylapi na pang- uri sa pangungusap at isulat sa pisara.
1. Ang tubig sa talon ay malinis.
2. Si kuya Angelo ay masipag na mag-aaral.
3. Ang maganda niyang damit ay nasira.
4. Halika’t hawakan mo ang aking kamay.
5. Huwag mo akong bibitawan.

Gawain 3:
Panuto: Punan ang puwang ng maylapi na pang uri upang mabuo ang
pangungusap. Piliin ang angkop na maylaping pang-uri na nasa kahon.

Malakas maraming matulin


magandang malaking

1. ________ang ulan kagabi.


2. Binili ko ito sa ______ tindera.
3. Inilagay ko ang bulaklak sa _______ plorera.
4. Nalimutan kong lagyan ito ng _______ tubig.
5. ______ ang takbo ng aming sinakyan
5. Paglalahat
Ano ang maylapi na pang-uri?
- ito ang mga pang-uring binubuo ng salitang ugat at panlapi.

6. Paglalapat
Panuto: Ilagay ang T kung ito ay gumagamit ng maylapi na pang- uri at M kung
hindi.
1. Ang bata ay mataba.
2. Ang ganda ng jgusais cold spring.
3. Ang sarap ng saging
4. Ang bata ay umiiyak.
5. Malungkot ang aking ina.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Gamitin ang wastong maylapi na pang-uri sa paglalarawan sa
iba’t- ibang sitwasyon. Piliin ang maylapi na ginamit at isulat sa inyong sagutang
papel.
1. Masakit ang aking katawan.
2. Isang araw nagkaroon ng malaking problema sa kanilang bayan.
3. Maawain si ninong kaya akong kaniyang tinulungan.
4. Ang malawak na parke ay malinis.
5. Mabango ang bulaklak sa bakuran

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng isang boung talata basi sa inyong kapaligiran at bilugan ang mga maylapi na
pang-uri na iyong ginamit.

You might also like