You are on page 1of 3

FILIPINO 6

I.LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral sa Ika-anim na baitang ay


inaasahang magagamit ng wasto ang inuulit na pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-
ibang sitwasyon ng 75% na kwastuhan.

F60L-lla-e-4

II. PAKSANG ARALIN:


A.Aralin: Magagamit ng wasto ang inuulit na pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang
sitwasyon.
B. Sanggunian: Alab Filipino Book, Module
C. Kagamitan: Activity sheets, Tarpapel,

III. PAMAMARAAN:
A.Panimulang Gawain:
1. Balik Aralin
Tungkol saan ang ating tinalakay kahapon?

B.Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
1. Ano ang inyong nakikita?
2. ilarawan ang nasa larawan
3. Pwede mo bang gamitin ang salitang ito sa pangung usap?
: Lagi nating pakatandaan na kapag magsusulat tayo ng isang pangungusap ang unang
titik ay malaki at nagtatapos ng tuldok.
2. Paglalahad
Ngayong araw ay matututuhan natin ang wastong paggamit ng inuulit na pang-uri
sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
3. Pagtatalakay
Ano ang pang-uri?
-Salitang naglalarawan sa pangalan o panghalip. Maaari nitong mailarawan ang
isang tao, bagay, hayop, o pangyayari.
May apat na kayarian ang pang-uri ito ay ang Payak, Maylapi, Inuulit, at
Tambalan.

Ano ang Inuulit?


- Inuulit ang salitang ugat o bahagi lamang nito.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda naman ng larawang ipininta niya.
Sira-sira na ang sapatos ko at kailangan ng palitan.

4. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Piliin ang inuulit na pang-uri sa mga nabanggit na pangugusap at sabihin
kung ano ang inilalarawan ng pang-uri na ito.
1. Pagod na pagod si shella ng umuwi sa bahay.
2. Iyak ng iyak ang bata.
3. Mahal na mahal ko ang akin ina
4. Ang buti-buti mo kapatid, sanay pagpalain ka ng poong maykapal.
5. Hiya-hiya si ana sa maling ginawa niya sa kanyang pamilya.

Gawain 2:
Panuto: Tingnan mabuti ang larawan. Gumawa ng pangungusap gamit ang inuulit
na pang-uri at sabihin kung ano ang inilalarawan ng inuulit na pang-uri na ito.
1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 3:
Panuto: Punan ang puwang ng inuulit na pang uri upang mabuo ang pangungusap.
Piliin ang angkop na inuulit pang-uri na nasa kahon.

Kaakit-akit tuloy-tuloy Lakas-lakas sari-sari sarap na sarap

1. Ang ________ ng ulan kagabi.


2. ______ ang paninda sa palengki.
3. ______siya habang kumakain ng hilaw na isda.
4. ______ ang daloy ng tubig sa amin.
5. _______ ang kanyang ganda.

5. Paglalahat
Ano ang inuulit na pang-uri?
-Inuulit ang salitang ugat o bahagi lamang nito

6. Paglalapat
Panuto: Ilagay ang T kung ito ay gumagamit ng inuulit na pang- uri at M kung hindi.
1. Ang taba-taba ni pedro.
2. Ang ganda-ganda ng bulaklak sa harden.
3. Ang sarap ng saging
4. Pantay pantay ang haba ng mga prutas.
5. Malungkot ang aking ina.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Gamitin ang wastong inuulit na pang-uri sa paglalarawan sa iba’t- ibang
sitwasyon. Piliin ang inuulit na pang-uring ginamit at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ang sakit-sakit ng aking katawan.
2. Araw-araw kitang hinihintay.
3. Uhaw na uhaw na ang lahat ng tagaroon, at iba sa kanila ay nagkasakit na.
4. Araw-araw si Pedro nagtratrabo para sa kanyang pamilya.
5. Mahinang-mahina na ang matandang babae kaya naghanap ng tubig ang
kaniyang anak.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng talata basi sa iyong nararamdaman. Bilugan ang mga inuulit na pang-uri na
iyong ginamit.

You might also like