You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa FILIPINO 2

I. Mga Layunin

1. Natutukoy ang wastong salita na naglalarawan sa isang bagay gamit ang patinig, katinig,
diptonggo at klaster.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita o pagbigkas gamit ang wastong
patinig, katinig, diptonggo at klaster.
3. Nabibigkas ng wasto ang tunog ng patinig, katinig, kambal-katinig, diptonggo at klaster.
F2PN-Ia-2

II. Nilalaman
Aralin: Patinig, Katinig, Diptonggo at Klaster
Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian:
K to 12 MELCs
K to 12 Kagamitan ng Mag-aaral
Filipino Q2 Modyul
B. Kagamitan: larawan, powerpoint presentation, plaskard, marker

Integrasyon- Health, ESP, Music


Etratehiyang Nagamit - Differentiated Instruction, Group Collaboration
Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto, Pagpapahalaga sa kalusugan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Drill
Laro: SPIN THE WHEEL
Ang wheel ay naglalaman naman ng mga patinig at katinig. Bawat piling mag-aaral ay iikutin
ang wheel at kung saang titik ito mapatapat ay iisipan nila ng halimbawang salita.

2. Balik-Aral
Isulat ang nawawalang titik sa Bagong Alpabetong Filipino.

1. Cc, ______, Ee, ______,Gg


2. Jj, ______,Ll, _______,Nn
3. Oo, Pp, ______, ______,Ss
4. Uu, Vv, ______, _______
5. Aa, _______, _______, Dd

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ng video ang guro tungkol sa Alpabetong Filipino. Panonoorin ito ng mga
bata. Pagkatapos nilang mapanood ng isang beses, maaaring ulitin ito para sundan ng mga
bata. (Video – Alpabetong Filipino)

2. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan na nagsisimula sa patinig, katinig, kambal katinig, diptonggo at
klaster.
Patinig
Katinig Kambal-Katinig/Klaster Diptonggo
A – aso, aklat, araw
H – hagdan Pl – plato Oy – baboy
E – eroplano, elepante, ekis
P – pusa Gl – globo Ay – bahay
I – ilaw, ibon, isa
B – baka Br – braso Aw – sayaw
O – oso, orasan, ospital
U – ubas, ulan, ulap

3. Pagtalakay
Batay sa napanood na video at ipinakitang larawan. Sasagutin ng mga bata ang mga tanong:
(Habang sumasagot ang mga bata, talakayin na ang bawat isa)
1. Ilang ang patinig sa alpabetong Filipino? Ano-ano ang mga ito?
2. Ilang naman ang katinig sa Alpabetong Filipino? Ano-ano naman ang mga ito?
3. Ayon sa panggalan ng mga larawan kanina, ano ang kambal katinig o klaster?
4. Ano naman ang napansin ninyo sa diptonggo?

4. Pagsasanay
Magpapakitang muli ang guro ng mga larawan. Sabihin kung ito ay patinig, katinig, klaster o
diptonggo. Bigkasin ang mga salita at gamitin sa pangungusap.
1. 3. 5.

2. 4.

*Magbigay ng iba pang mga halimbawa

5. Paglalahat
Ilan ang patinig sa ating alpabeto?
Ilana ng katinig?
Ano ang klaster o kambal katinig?
Ano ang diptonggo?
 May 5 patinig at 23 katinig sa Alpabetong Filipino.
 Ang klaster o kambal katinig ay salitang nagsisimula sa dalawang magkaibang
katinig.
 Ang diptonggo ay salitang pinagsama ang patinig at w o y sa hulihan ng salita

6. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Patinig
Buoin ang mga salita naglalarawan sa bawat larawan. (Gamitin sa pangungusap habang
inilalahad sa kaklase)

__bas __tlog __sda

Pangkat 2 – Katinig
Buoin ang mga salita naglalarawan sa bawat larawan. (Gamitin sa pangungusap habang
inilalahad sa kaklase)

__ais __alabasa

__along ___inya

___aging
Pangkat 3 – Diptonggo
Isulat ang pangalan ng bawat larawan at salungguhitan ang diptonggo. (Gamitin sa
pangungusap habang inilalahad sa kaklase)

____________ _________

____________ ____________

Pangkat 4 – Kambal-katinig o Klaster


Gamitin sa pangungusap ang salitang prutas. Salungguhitan ang klaster na ginamit.

prutas - ______________________________________________________

IV. Pagtataya
Kilalanin ang ngalan ng mga larawan. Bigkasin at isulat ang nawawalang tunog ng patinig,
katinig, diptonggo at klaster para mabuo ang pangalan ng mga ito. Ilagay sa puwang ang
salitang nabuo upang makumpleto ang pangungusap.

1. ___ spada

Ang _____________ ng kawal ay mahaba.

2. __asa

Nabasagi ni Ana ang __________.

3. ap_ _

Nagliliyab ang _______ sa kubo.

4. _ _ato
Naghugas ako ng _________ kanina.

5. sis_ _
Bumili si tatay ng limang _________.
V. Karagdagang Gawain
Gumuhit ng limang larawan na ang pangalan ay nagsisimula sa patinig, katinig, klaster at
diptonggo.

VI. Mga Tala


Pumasok - ____ Liban - ____

VII. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-
aaral na naka-unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

IM = _____

5 x __ = _____ _____ / _____ = _____


4 x __ = _____ _____ / _____ x 100 = ______
3 x __ = _____
2 x __ = _____
1 x __ = _____
0 x __ = _____

You might also like