You are on page 1of 2

Sa Mundo ng Kahapon

ni: Quenley T. Maibo


Sa tuwing natatanaw ko ang takip silim sa bakuran
Kumikintal na naman sa aking isipan ang mapait na nakaraan.
Nakaraan na hindi ko lubos maisip na aking sasapitin
Mula sa sakit at pighati na iniwan mo sa akin.

Sa aking pagdilat bumabakas ang imahe mong kay sarap titigan


Na para akong isang lulong at ayaw kong itoy tigilan.
Puso koy di magkandamayaw sa saya at galak
Bunga ng pag-ibig mong kasing bango ng isang bulaklak

Minsan hinanap kita at natanaw ka sa hagdanan


Batid kong may hinihintay ka sa iyong kinatatayuan
Ngunit laking gulat koy babae ang iyong kasama, kayakap at kabiruan.
Puso koy parang tinutusok ng milyong karayom at wala akong kamuwang-muwang
kung ano ang dahilan.

Walang tigil sa pag-agos itong tubig sa mga mata ko.


Gusto kong sumigaw nang iwanan na ako ng sakit na nasa puso
Sapagkat batid kong ako lang ang umaasa na mamahalin mo rin
Ang simpleng katulad ko na dumi lang sa iyong paningin.

TAKDANG-ARALIN
ni: Quenley T. Maibo
~BEEP-BEEP~
Naimulat ko ang aking paningin sa lakas ng businang gumising sa aking pagkakahimbing. Tumingin ako sa
kaliwa ko at saka napabuntong-hininga. Nakatulog na naman pala ako sa byahe sa sobrang pagod na dinanas ko
mula sa eskwelahang humubog ng lubos sa aking pagkatao. Teka hindi ko napansin na sobrang dami na naman
palang tao sa jeep na sinasakyan ko ngayon na halos magkapalit-palit na ang aming mga mukha sa sobrang
siksik, kasi naman itong driver na ito gusto pa yatang gawin kaming sardinas sa sobrang siksik . Matanda,
bata, mga kabataan ang puro sakay ng jeep. Mayroon singkit, malaki ang mata at ibat-ibang hitsura na meron
sila at natitiyak kong kagaya ng pagkakaiba ng hitsura nila ay magkakaiba rin ang katangiang bumabalot sa
kanilang pagkatao. Minsan naisip ko na sana pareho-pareho nalang ang bawat nilalang na nilikha ng maykapal.
Yung iisa ang hitsura, pagkatao, estado sa buhay at maging pananaw sa buhay. Iyong iisa ang takbo ng isip ng
bawat isa para walang sinoman ang pwedeng manghusga ng kapwa nila pero alam kong ilusyon ko lamang iyon at
malayo sa mundong kinabibilangan ko ngayon. Mundong punong-puno ng kaguluhan na talamak sa ibat-ibang uri
ng krimen kagaya ng kaso sa droga, panggagahasa at pangguguyo ng kapwa o mas kilala natin sa tawag na
human trafficking hindi ko lubos maisip kung bakit marami sa kanila ang mas pinling maligaw ng landas kaysa
magpakabuti at pag nasa kasukdulan na ng pangyayari dun na sila iiyak at sisisihin ang nasa itaas pero kung
iisipin mo hindi naman talaga ang diyos ang gumagawa ng ating kapalaran eh, ang alam ko talaga sya lang ang
gumagabay sa atin at tayo talaga itong gumagawa ng sarili nating kapalaran at nagbibigay ng kulay sa ating
pagkatao. Hindi ko nga alam sa iba kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para manisi ng kapwa at ng nasa
itaas. Pero kung iisipin mo bakit kaya punong-puno ang ating bansa ng kaguluhan na halos ikamatay na ng iba.
Pero kung tatanugin kita sino nga ba ang may kasalan sa lahat ng krimen na meron ang bansang ito , ikaw ba o
yang katabi mo?
iha, nandito na tayo sa babaan ng pasahero, kanina ka pa naming ginigising mula dyan sa pagkakatulala mo.
Dalian mo at gabing-gabi na
pasensya na po kayo manong. Tsk,tsk.

Kapag hindi tulog, tulala naman sa byahe. Nag-iisip kasi ako ng

isasagot mamaya sa gagawin kong takdang-aralin. HEHEHE HE!

You might also like