You are on page 1of 11

Masaya at puno ng

pagmamahalan ang
pamilya ni Grace, ngunit
dumating ang di niya
inaasahang pangyayari.
Umalis ang kanyang ina
upang sumama sa ibang
lalaki. Sumunod ay ang
pagkamatay ng kanyang
ama sa labis na
pagkalungkot. Lalong
naramdaman ni Grace
ang pag-iisa hanggang
sa dumating sa buhay
niya si Rod. Ang lalaking
tanging minahal niya sa
kabila ng maiinit na
tingin sa kanila ng mga
tao na labis naman
niyang ipinagtataka.May
mali ba sa kanilang
relasyon?

Vic Perez
Mariel Arellano
Chesca Fababaer
Marinel Perez
Judy Ann Rayos

Grace Roxas, 19 taon, anak nina Leny at Rodrigo, palaging


mag-isa
Leny Roxas, 38 taon, iniwan ang pamilya para sumama sa
ibang lalaki
Rodrigo Roxas, 42 taon, lubos na nagmamahal sa asawa,
namatay dahilan sa lubos na kalungkutan
Rody, ang lalaking nagpapakita kay Grace at naging
kasintahan niya
Mirriam, tiyahin ni Grace, nagpapaaral sa kanya
Cory, 20 taon, kaklase ni Grace
Kris, 19 taon, kaklase ni Grace
Riza, 19 taon, kaklase ni Grace
EKSENA 1: ANG KATOTOHANAN
Sabi nila, napakaswerte mong tao kapag buo ang
iyong pamilya, na paggising sa umaga ay mukha nila ang
iyong makikita. Masayang naglalambingan, nagkukulitan,
punong-puno ng pagmamahalan. Yung tipong parang walang
katapusan. Yung hindi ka na hahanap pa ng ibang tao na
makapagpapasaya sayo, sapagkat sa kanila pa lang ay
kuntento na ako.
Habang naglalakad si Grace pauwi ay naririnig na niya
ang hiyawang nagmumula sa kanilang bahay.
RODRIGO: Ano? Hanggang dito na lang?
LENY: Sawang-sawa na ako! Hindi ko na kaya pang tumagal
sa piling mo!
Patuloy ang pagpatak ng luha ni Rodrigo. Nahihirapan
man siyang magsalita dala ng kaniyang pag-iyak ay nagawa pa
rin niyang magsalita.
Mga Tauhan

RODRIGO: Bakit may nagawa ba kong mali? Hindi pa ba


sapat lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo? Akala ko ba
ayos tayo. Parang kailan lang ay masaya pa tayo. Mahal natin
ang isa't isa. Bakit sumusuko ka na ngayon?

RODRIGO: Naging manhid ako. Nagbingi-bingihan sa kung


anong naririnig ko tungkol sayo. Wala akong ginawa sapagkat
umaasa ako na darating yung oras na maibabalik pa natin kung
ano tayo dati.

LENY: Ayoko na. Hayaan mo na lang ako. Pakiusap.

LENY: Wala. Walang na tayong ibabalik sa dati. Ayoko na.

RODRIGO: Ang dali mo namang sumuko. Akala ko ba...

Akmang bubuksan ni Leny ang pinto ngunit bago pa


man niya ito magawa ay nabuksan na ni Grace.

LENY: Oo, akala ko kaya ko pang tumagal sayo. Nahihirapan


na ko.
RODRIGO: Nahihirapan? o Dahil may iba ka na?
Hindi magawang makaimik ni Leny. Tahimik lang ang
buong paligid at ang tanging maririnig lamang ay ang
paghikbi ni Rodrigo.

GRACE: Ma...
Tanging ang salitang yun lamang ang nasambit ni
Grace kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Wala siyang
magawa kung hindi pagmasdan na lamang ang kaniyang ina sa
paghakbang papalayo sa kanilang mag-ama.
EKSENA 2: PAGDADALAMHATI

Ngunit tama nga sila. Lahat ay maaaring magbago at


sa pagbabagong ito, hindi ako naging handa.
RODRIGO: Bakit hindi ka makaimik? Dahil ba totoo?
LENY: Paano mo...
Masakit para kay Rodrigo ang lahat ng nangyayari.
Hindi niya inaasahan na ang dating magandang samahan ay
mauuwi sa ganitong sitwasyon.
RODRIGO: Sa labas. Usap-usapan ka. At oo, alam ko lahat.
Matagal na.
Walang makukuhang sagot mula kay Leny. Nanatili
syang walang kibo.

Ilang araw na ang nakalilipas mula nang umalis si


Leny at ilang araw na rin mula noon ang inilalagi ni Rodrigo
sa paglaklak ng alak. Tanging alak lamang ang naging kasakasama niya sa bawat oras na lumilipas kasabay ng pagtugtog
ng kanyang gitara.
Masakit para sa akin na nakikita ko ang aking ama sa
ganoong sitwasyon. Wala akong magawa kung hindi ang
hayaan sya at umasa na darating araw na makalilimutan din
niya ang lahat. Ngunit nagkamali ako, habang tumatagal ay
mas lumalala ang mga pangyayari. Sa tuwing dumarating ako
sa bahay ay naroon siya't nagpapakalunod sa alak,
tumutugtog ng gitara habang inaawit ang kantang kanyang
isinulat noon pa. Kinakanta nya ito sa tuwing sinusuyo nya si
inay sa tuwing magkakagalit sila.
*********

RODRIGO: Grace, halika.


Bitbit na naman ni ama ang kanyang gitara. At sa
pagkakataong yoon ay alam ko na dahilan ng pagtawag nya
sa akin kaya madali akong lumapit sa kanya.
AKO: Nagkaroon na naman ba kayo ng tampuhan ni inay?
Kakantahin ba ulit natin na sya?

mariing nakapikit ang mga mata. Nakapikit ngunit patuloy ang


pag-agos ng luha habang umaawit.
Babaeng nililiyag
San ka man naroroon
Ikaw ay mahal ko
San man ako tumungo
Ako'y patawarin mo,
Tanggapin ang pagsusumamo
Nitong puso ko

Mapapangiti si ama sa mga sinambit ko.


RODRIGO: Oo anak. Halika, samahan mo ako. Naroon sya sa
kusina.
At doon ay kakantahan ni ama si ina habang
tumutugtog ng kanyang gitara. Ako naman ay nakangiting
sumasayaw sa saliw ng kanta ni ama.
Babaeng nililiyag
San ka man naroroon
Ikaw ay mahal ko
San man ako tumungo
Ako'y patawarin mo,
Tanggapin ang pagsusumamo
Nitong puso ko
**********
Masayan kami ng mga panahong iyon. Punong-puno
ng pagmamahalan, ngunit ngayon. Ibang-iba na. Napakalaki
na ng agwat ng ngayon mula sa noon.
Pagkarating ni Grace sa bahay ay nadatnan niya ang
amang umiiyak. Nakayakap ang kanyang ama sa gitara at

Paulit-ulit niya itong kinakanta. Hanggang sa iminulat


niya ang kanyang mga mata. Natigil siya. Pinagmasdan niya
ang anak na noo'y nakatitig sa kanya.
RODRIGO: Halika anak. Maupo ka sa tabi ko.
Wala sa sariling sambit ng ama.
Umupo ako sa tabi niya, ngunit di ako nagsasalita.
RODRIGO: Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang
iyong ina noong bago pa lamang kaming magkasintahan?
Nanatili akong tahimik at hinayaang magsalita ang
aking ama.
RODRIGO: Mahal na mahal namin ang isa't isa noong mga
panahon na iyon. Tutol man ang mga magulang niya sa aming
relasyon. Sabay namin iyong ipinaglaban hanggang sa
dumating ang araw na napagod ang mga magulang niya,
hinayaan nila kami. Nagtagumpay kami ng mga panahong
yon. Nagpakasal kami. Ang saya-saya ko ng mga panahong
yon.

Bakas sa kanya na talagang masaya sya. Nakangiti


sya. Sana ganito na lang sya palagi.
RODRIGO: Akala ko hanggang sa huli ganoon lang kami,
pero nagkamali ako. Siguro kasalanan ko rin lahat. Masyado
ko syang minahal. Siguro nagsawa na sya sakin kaya humanap
sya ng iba.
Ang hirap makita na unti-unting nilalamon ng pighati
ang pagkatao ni ama.
RODRIGO: Sana. Sana maibalik ko yung dating kami. Yung
mga panahong masaya pa kami. Yung kaya nya pa akong
ipaglaban. Yung mga panahong mahal na mahal pa namin ang
isa't isa.
Patuloy ang pagpatak ng luha ni ama. Muli syang
pumikit. Isinandal niya ang kanyang likuran sa sofa habang
kayakap ang kanyang gitara na iniregalo pa sa kanya ni inay.
Kumanta syang muli. Paulit-ulit.
Paakyat na si Grace sa kuwarto niya nang biglang
tumigil ang kanyang ama sa pagkanta kasabay ng pagbagsak
ng gitara. Lumingon sya sa kinaroroonan ng kanyang ama.
Wala na. Wala na ang kanyang ama. Namatay sya kasabay ng
pangarap na sana bumalik sa dati ang lahat. Bumalik sa
nakaraan kung saan masaya sila ni Leny. Panahong mahal na
mahal nila ang bawat isa.
EKSENA 3: MISTERYOSONG LALAKI
Lumipas ang mga araw. Ramdam na ramdam ni Grace
ang pag-iisa maging sa paaralan hanggang sa kanilang bahay.
Pumapasok na siya ng kolehiyo sa tulong ng kanyang tiyahin
na si Mirriam. Drafting ang kinuha niyang kurso sapagkat
hilig niya ang pagguhit at isa sa palagi niyang iginuguhit ay

ang lalaking hinahangaan niya. Palagi niyang nakikita ang


lalaking ito sa kanilang paaralan maging sa kanyang
panaginip. Sa klase, isang araw, maririnig ang iba't ibang
usapan tungkol kay Grace.
CORY: Napapansin mo ba ang kakaibang ikinikilos ni Grace?
Wirdo na nga kung sino-sino pa ang nakikita. Mukhang
nahihibang na.
KRIS: Nung isang araw pa niyang iginuguhit ang lalaking
iyan na para bang ang saya-saya niya.
RIZA: Kaya nga. Kahapon nakita ko syang nakatulala sa
labas. Para syang may pinagmamasdan na kung sino habang
abot tainga ang ngiti.
CORY: Hindi ko na rin maintindihan ang babaeng yan.
Oo. Naririnig ni Grace lahat ng mga usap-usapan sa
kanya pero wala syang pakialam. Nabubuhay iyang walang
malapit na kaibigan mag-iaa niyang hinaharap ang lungkot na
nararanasan. Nghunit ang mahalaga ay masaya sya sa tuwing
nakikita nya ang lalaking iyon.
EKSENA 4: SI ROD
Sa paglalakad ni Grace pauwi ng bahay ay nakita niya
ang lalaking kanyang hinahangaan. Sinundan niya ito. Ngunit
bigla itong nawala sa kanyang paningin kung kaya't
napagdesisyunan na lamang niyang umuwi. Pagtalikod niya ay
nabigla sya sa lalaking biglang sumulpot sa kanyang harapan
na naging dahilan kung bakit siya napaupo sa lupa.
Bakit ang putla niya? Wala ba syang dugo? Biglabigla na lamang siyang sumusulpot sa kung saan. Ang mga
katanungan ni Grace habang pinagmamasadan ang lalaki.

Napakaraming pumapasok sa isipan ni Grace ngunit


hindi niya ito pinansin. Ang mahalaga ay kaharap niya ngayon
ang lalaking kaniyang hinahangaan.
LALAKI: Pasensya ka na. Nabigla ba kita?
GRACE: Ah.. Eh.. Hindi naman gaano.
LALAKI: Akin na ang kamay mo, tulungan na kitang
tumayo.Pasensya ka na ulit.

LALAKI: Ako si Rod. Kumukuha ako ng kursong Musical


Theater.
Parehas pala sila ni Ama ng kurso. Magaling din
siguro siyang kumanta.
Sumabay na ako sa kanya hanggang sa kaniyang pag-uwi.Ang
kanyang pagkamaginoo sa kaunting oras ng pagsasama ay
napakasaya. Dumating ang oras na kailangan na naming
magpaalam sa isa't isa.
EKSENA 5. PAG-IISA

Ang lamig ng kamay nya. Bigla akong kinilabutan.


Haaaay.. Ganito ba talaga ang pakiramdam pag nasa ganito
ng sitwasyon? Na hinahawakan ng lalaking iyong
hinahangaan ang iyong kamay? Nilalamig ako.

Dumating ang oras na hindi ko na muli maramdaman


ang kasiyahan na nararamdaman ko sa tuwing siya'y aking
nakikita. Ang aking nakasanayan na pag-iisa ay nagbalik muli
dahil sa kanyang pagkawala.

LALAKI: Saan ka ba kasi pupunta?


RIZA: Grace, anong problema?
GRACE: Ano kasi.. Pauwi na ako.
GRACE: Ah, wala.
LALAKI: Sa pagkakaalam ko ay hindi rito ang daan papunta
sa inyong bahay.
GRACE: Pa.. paano mo naman nalaman?
LALAKI: Ah.. Kasi.. Wala, naisip ko lang.
Bakit nya alam? Sinusundan nya rin ba ako? Bakit
nauutal din siya? Hala. Pag-ibig na ito.
LALAKI: Ano nga pala ang iyong pangalan?
Pag-iiba ng lalaki sa kanilang usapan.
GRACE: Ah, ako si Grace. Ikaw ba?

Mababakas sa mukha ni Grace ang lungkot.


Mapapabuntong hininga na lamang siya sabay takip ng
dalawang palad sa mukha.
Gaya ng nakasanayan niyang gawin, uuwi siya sa
kanilang bahay ng nag-iisa.
Lumipas ang isang linggo na hindi niya nasisilayan
ang mukha ng lalaki. Batid niyang ang ganitong sitwasyon ng
pag-iisa ay hindi na iba sa pang-araw-araw nyang pamumuhay
ngunit tila naging doble ang sakit na kanyang nadarama
kumpara sa dati nung siya'y nag-iisa.
EKSENA 6. PAGBABALIK

Naging normal ang takbo ng bawat araw para kay


Grace. Ang paggising sa umaga ng walang dahilan kung hindi
ang pagpasok sa eskwela.
Sa pagtungo ni Grace sa paaralan ay mamataan niya
ang isang pamilyar na lalaki. Naaaninag niya ang isang lalaki
na nababalutan ng liwanag sa madilim na sulok ng isang
abandonadong bahay. Ganun pa man ay hindi maitatanggi ang
dulot na ngiti sa kanyang mga labi ng magtama ang kanilang
mga mata. Hindi agad siya nakakibo habang nakikita niyang
papalapit sa kanyang kinatatayuan si Rod.
ROD: Kumusta kana?
Hindi inaalis ni Rod ang kanyang tingin kay Grace.
GRACE: Mabuti naman. (Maaalala muli niya ang
pagkalungkot sa pagkawala nito ng isang linggo..) Bakit ang
tagal mong nawala?

Sabay sina Rod at Grace patungong paaralan. Sa


kanilang paglalakad ay makikita ni Grace ang matatalim na
tingin sa kanya ng mga kapwa niya mag-aaral. Nagtataka siya
kung bakit kakaiba ang kanilang ikinikilos ngunit hindi na
lamang niya ito pinansin sapagkat sanay na siyang
pinagtitinginan dahil sa lagi nitong pag-iisa. Ngunit iba na
ngayon dahil may kasama na siya na isang lalaki na
napakagwapo at maginoo. Marahil ito ang dahilan ng kanilang
masasamang tingin.
GRACE: Dito na lang ako.
ROD: Sige. Sa kabilang building pa ako.
Pumasok na sa loob ng klasrum si Grace ngunit agad
rin namang lumabas dahil may nais siyang itanong kay Rod.
Labis ang pagtataka ni Grace sa mabilis na pagkawala
ni Rod gayong napakalayo pa na lakarin nito patungo sa
kabilang building.

ROD: Pasensya kana. May pinuntahan lamang ako.


EKSENA 7. NASAAN KA?
GRACE: Saan ka nagpunta?
ROD: Sa malayo.
Hindi na nakaimik si Grace sapagkat batid niyang
ayaw na nitong ipaalam.

Matapos ang klase niya sa major ay agad siyang


nagtungo sa building ng mga kumukuha ng kursong musical
theater. Nais niyang ibigay kay Rod ang kanyang iginuhit.
GRACE: Saan po rito ang room ng mga kumukuha ng musical
theater?

GRACE: Ganun ba.


ESTUDYANTE: Anong taon at seksyon po?
ROD: Papasok kana?
GRACE: Oo. Ikaw, sabay na tayo!

Hindi nakaimik si Grace dahil hindi niya alam ang


isasagot sa estudyante.
ESTUDYANTE: Ano pong pangalan?

GRACE: Rod?
Napaisip si Grace nang bahagya ng napagtanto nito na
paano niya makikita ang hinahanap kung ang apelyido nito ay
hindi niya alam at tanging pangalan lamang o maaaring ito
lang ay isang palayaw.
ESTUDYANTE: Pasensya na po pero hindi ko po kilala ang
hinahanap nyo.
Patuloy lamang sa paghahanap si Grace. Lahat ng
kanyang makakasalubong na mga mag-aaral ay kanyang
pinagtatanungan ngunit wala siyang nakuhang sagot kundi ang
pare-parehas nilang sinasabi na wala silang kilalang Rod.

Natauhan si Grace sa boses na kanyang narinig.


Nagulat siya ng nakita niyang si Rod pala ang napagkamalan
niyang multo. Natatawa siya sa sarili dahil inakala niyang
multo ito gayong ang mukha ay parang isang anghel.
GRACE: Rod! (Tatawa-tawa sabay yakap kay Rod)
ROD: Hoy, sobra na yan. Matapos mo akong sabihan na multo
magnanakaw ka pa ng yakap.
Napabitaw sa pagkakayakap si Grace. Titingnan niya si
Rod ng masama sabay akmang aalis palayo rito.
ROD: Uy, biro lang!
Patuloy sa paglakad si Grace nang biglang hawakan
siya ni Rod.

EKSENA 8. ABANDONADONG BAHAY


Habang pauwi na si Grace sa kanilang bahay ay
nakaagaw muli sa kanyang atensyon ang isang lugar na
ipinagbabawal puntahan. Isa itong bahay at makikita ang
pagiging malinis nito bagamat isa na itong abandonado. Hindi
namamalayan ni Grace na malapit na siya sa may pintuan at
akmang bubuksan ito.

GRACE: Pasensya kana kung nayakap kita at nasabihan na


multo. Nabigla lang naman ako. (Sarkastikong sabi ni Grace)
ROD: Nagbibiro lang ako, wag mo iyong seryosohin.
(Natatawang sinasabi)
GRACE: Anong nakakatawa?

GRACE: Aaaaaaah! Aaaaaaaah!

ROD: Wala. (Nakangiti habang nagsasalita)

Nanlaki ang mga mata ni Grace nang nakita niya ang


ang isang lalaki na nakaputi na nagbukas ng pintuan.

GRACE: Bakit ka nandito?


ROD: Ito ang bahay namin. Nakakatakot ba?

ROD: Grace! Anong problema?


GRACE: Tulong! May multo!
ROD: Hoy! Hindi ako multo sa gwapo kong ito?

Halata sa mukha ni Grace ang pagkagulat sa narinig


ngunit agad naman nya itong binawi.
GRACE: Ah. Hindi naman. Napakalinis nga rito. (Lilingalinga sa paligid maging sa loob na bahay).

GRACE: Nasaan ang mga magulang mo?

tambol at ang nakaagaw sa akin ng atensyon ay ang gitara na


wari ba'y nakita ko na noon. Kapansin- pansin ang putol na
string nito kung kaya't nilapitan ko ito. Nang hinawakan ko
nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa aking katawan.

ROD: Wala na sila.

ROD: Grace, anong ginagawa mo rito?

GRACE: Pa-pasensya kana.

GRACE: Pasensya na kung pumasok ako ng walang paalam.


(Hindi iimik si Rod) Hilig mo talaga ang musika, ano? (Sabay
tingin kay Rod).

ROD: Ako lang ang nakatira rito.

ROD: Ok lang.
Ang kanilang pag-uusap ay nahantong sa mabuting
pagkakaibigan. Naging masaya ang pagsasama nilang dalawa
lagi silang magkasama. Ang bahay nina Rod ang nagsilbing
tagpuan nilang dalawa sa tuwing kinakailangan nila ang isa't
isa. Naging mabuting kaibigan sa kanya si Rod na humantong
naman sa pagkahulog ng kanyang loob sa binata.

ROD: Oo. Ito na ang buhay ko. Iyang gitarang iyan ang
pinakamahalaga sa lahat.
GRACE: Kaya pala kahit sira na ay hindi mo pa rin itinatapon.
(Bakas ang pagkalungkot sa kanyang mukha para kay Rod.)
ROD: Tama na nga iyan. Tayo na sa baba at magmeryenda.

Lumipas ang mga araw at ganon lang ang sitwasyon


namin. Sabay kaming naglalakad pauwi. Hinahatid nya ako.
Ang saya. Ang sarap sa pakiramamdam. At hindi ko
naiiwasang isipin na gusto na nya rin ako. Lumipas ang mga
araw nagtapat siya ng pag-ibig sa akin. Niligawan nya ako sa
loob ng tatlong buwan at matapos nito ay binigay ko na sa
kanya ang aking kasagutan na siyang lalong nagpatibay ng
aming samahan.

GRACE: Sige.
Matapos kumain at kasalukuyang naghuhugas si Rod
ng pinagkainan nila ay bumalik si Grace sa silid upang
kuhanin ang gitara. Nais niyang ipaayos ito bilang regalo niya
kay Rod para sa unang buwan nila bilang magkasintahan.
GRACE: Rod, uuwi na ako at maggagabi na.

EKSENA 9: GITARA
ROD: Ihahatid na kita.
Narito ako ngayon sa bahay nina Rod. Nasanay na rin
ako sa paglabas-masok dito ngunit sa aking pag-iikot-ikot ay
nakaagaw sa aking atensyon ang isang kwarto na kailanman
ay hindi ko pa nakikita ang loob. Dahan-dahan ko itong
binuksan at lubha akong namangha sa aking nakita. Punongpuno ng mga kagamitang pang-musika. May mga cd na
maayos na nakasalansan, ang maliit na piano sa sulok, may

GRACE: Hindi na malapit lang naman eh.


ROD: Sigurado ka?
GRACE: Oo. Wag ka ng mag-alala.

EKSENA 10. MISTERYO SA GITARA.


Dinala ni Grace ang gitara sa mga shop na nag-aayos
ng gitara ngunit wala kahit isa ang makaayos nito. Lahat ay
sinasabing hindi nila alam ang dahilan kung bakit napakahirap
nitong ayusin gayong string lang naman ang sira rito.
Sinubukan ni Grace ang lahat maging siya ay sumubok ngunit
wala talaga. Ibinalik na muli ni Grace ang gitara sa bahay nina
Rod. Sa pagiging abala niya sa eskwelahan at pagtatrabaho ay
ito na lamang muli ang araw na nabisita niya ang kasintahan.
Hindi na niya madalas makasama ang kasintahan dahil
kinakailangan niyang tumulong sa kanyang tiyahin sa tindahan
nito tuwing sabado at linggo.
ROD: Buti at napadalaw ka? Akala ko nakalimot kana?
GRACE: Pasensya kana kung madalang na ako makabisita sa
iyo. Alam mo...
ROD: Hindi mo na kailangang magpaliwanag kung paulit-ulit
lang din ang dahilan.
GRACE: Sige, aalis na ako. (Umalis si Grace sa bahay nina
Rod ng may sama ng loob rito.)
Habang nagpapahinga si Grace sa may terrace nila ay
nakarinig siya ng tugtog ng gitara. Mabilis niya itong
pinuntahan at nakita niya ang isang lalaking nakaputi hawak
ang isang gitara at kumakanta.
Babaeng nililiyag
San ka man naroroon
Ikaw ay mahal ko
San man ako tumungo
Ako'y patawarin mo,

Tanggapin ang pagsusumamo


Nitong puso ko
.............
Habang kumakanta si Rod ay makikita ang blankong
mukha ni Grace.
ROD: Sorry sa mga nasabi ko kanina.
GRACE: Ka... Kanino mo nalaman ang kantang iyan?
ROD: Hah. Maganda ba? Ginawa ko ang kantang ito para sa
iyo.
Tumakbo si Grace patungo sa loob ng kanilang bahay
at naiwan si Rod nang may pagtataka sa mukha.
Dali-dali nagtungo si Grace sa silid ng kanyang mga
magulang. Hinalungkat niya lahat ng mga gamit ng kanyang
ama. Nangangatal ang buo niyang katawan habang hawakhawak ang isang folder. Binuklat niya ito at sinipat ng ayos..
Babaeng nililiyag
San ka man naroroon
Ikaw ay mahal ko
San man ako tumungo
Ako'y patawarin mo,
Tanggapin ang pagsusumamo
Nitong puso ko
......
GRACE: Ang mga letra ng bawat kanta, paanong katulad din
ng kaniyang kinanta ganoong si ama lamang ang tanging may
alam nito. At ang gitara paano iyon naayos?

Batid sa mukha ni Grace ang pagkalito sa mga


nangyayari. Nang titiklupin na ni Grace ang papel ay may
nakita siya sa likuran nito. Isang larawan na may babae at
lalaki na tila masaya sa isa't isa. Pinagmasdan niya itong
mabuti ngunit ang kanyang pagkalito ay napalitan ng
pagkakilabot sa mga nangyayari sa kanyang buhay.
GRACE: Paano nangyari ang lahat ng ito? Paano kami
nagkaroon ng picture na magkasama ni Rod? At ang gitarang
hawak niya ay kay ama. Kay ama iyon na iniregalo ni ina.
Binasa ni Grace ang nakasulat sa ibaba ng larawan
Mahal kong Leny,
Ako'y patawarin sa aking nagawa, sanay tanggapin
mo puso kong sayo'y nangungulila. Mahal kita at ayokong
maghiwalay tayo nang dahil lamang sa konting tampuhan na
inaamin ko namang kasalanan ko.
Sana magustuhan mo ang kantang ginawa ko para sa
iyo. Akoy patawarin mo.
Nagmamahal,
Rodrigo

***Wakas***

You might also like