You are on page 1of 4

ALAMAT NG ROSAS

Isang araw , may isang dalaga na nagtataglay ng angking kagandahan , siya


ay si Rosa. Mga buhok na abot hangang beywang,mapupulang
labi,matatangos na ilong at mala - anghel na mga mata ay isa sa mga kaakitakit na tinataglay ni Rosa kaya hindi maipagkakaila na maraming
nagkakandarapa sa kanya . Ngunit sa likod ng kagandahang taglay ni Rosa ay
kabaliktaran din ang pag-uugali nito. Iniwan sila ng kanilang ama at sumama sa
ibang babae kaya gano`n na lamang ang kanyang pagklasuklam sa mag lalake
. Ang kanyang ina na lamang na si Aling Teresa at ang kaniyang bunsong
kapatid na si Rosal na lamang ang magkasangga sa buhay .
Gabi-gabi na lamang na may bumibisita sa kanila para umakyat ng ligaw
sa dalaga na ma`y mga dalang kakanin at mga bulaklak . Mapa-mayaman man
o mahirap ang mga lalake ay nagkakasundo para sa pagpipilahan ng
panliligaw sa dalaga . Ngunit hindi nila alam na si Rosa ay hindi na
nakakaramdam ng pag-ibig sa mga lalake simula noong iwan sila ng kanilang
ama . Para sa kaniya laruan lamang ang mga lalake at hindi dapat seryusohin.
Ayaw ni Rosa na mangyari sa kaniya ang nakaraan kung saan dumanas sila ng
matinding
unos
.
Isang gabi , bago pa lang natapos kumain ng hapunan ang mag-ina
ay may narinig sila na kung anong ingay na naggaling sa labas.Tinignan ni
Rosa at nakita niya ang mga nagkukumpulan na lalake sa pagpipilahan .
Limitado ang oras na ibinigay ni Rosa sa kaniyang mga manliligaw kaya kung
tapos na ang oras ay wala na siyang tatanggapin na bisita . Nagmistulang
harden ang bahay ni Rosa dahil sa napakaraming bulaklak . Isa lang ang nakaagaw pansin yun ay ang "Pulang Bulaklak" na binigay sa kaniya ni Miguel ang
napakatagal niyang manliligaw . Si Miguel lang kasi ang nagbibigay sa kaniya
ng pulang bulaklak kaya nagtataka siya kung saan nito kinuha ng binata dahil
madalas kasi pare-pareho lang ang ibinibigay ng ibang manliligaw ni Rosa .
Mahalimuyak ang pulang bulaklak na ibinigay ni Miguel sa kaniya kaya gabigabi
niya
itong
ina-amoy.
Kapag may kaharap na lalake si Rosa ay bumabalik ang mga
pangyayari noong iniwan sila at tila sumasariwa ang mga sugat nito.Dumating
ang araw na sinagot ni Rosa si Miguel hindi

dahil sa mahal niya ang binata ngunit gusto miyang paasahin at saktan ang
puso nito . Sobrang saya ng binata sa naging desisyon ni Rosa .
Naging masaya sila sa mga nagdaan na araw . Pinaparamdam ni
Miguel kung gaano ka-importante at kamahal niya si Rosa dahil siya pinili ng
dalaga sa lahat ng mga manliligaw nito .Pansamantalang nakatira muna si
Miguel
sa
bahay
nila
Rosa
.

Isang araw , umuwi na si Miguel galing sa trabaho eksaktong


nakita niya si Rosa na may kasamang lalake . Nag-uusap ang mga ito at
nagtatawanan pa. Wala lang siya dito dahil baka matalik lang niya itong
kaibigan
.
Ngunit naging sunod-sunod na ang mga pangyayari , nakita
niya itong magkahawak kamay sa sala at magkatabi pa. Hindi na nakapag-pigil
si Miguel . Lumabas ng patakbo ang lalake na kasama ni Rosa.
Miguel : Rosa, naging masaya ka ba kahit kaunti sa pagsasama natun ??
Rosa
:
Gusto
mo
bang
malaman
ha
?!
HINDI
!
Miguel
:
Minahal
mo
ba
ako
,
Rosa
??
Rosa : Hindi miguel , kailanman hindi kita natutunang mahalin ..
Sa mga narinig na iyon ni Miguel ay hindi niya napansin na
may tumulo sa kanyang mga mata . Kahit hindi siya minahal ng dalaga ay
lubos parin niya itong minahal . Binigay niya kay Rosa huling "Pulang Bulaklak"
para maalaala siya nito dahil bibigyan niya ng oras ang dalaga para makapagdesisyon
.
Ngunit pagka-hawak ni Rosa sa bulaklak ay nawala ito
bigla-bigla at naiwan ang pulang bulaklak sa na may bahid na dugo kay Rosa .
Naguluhan si Miguel sa pangyayari at sinabihan kaagad sina Aling Teresa at si
Rosal
.
Itinanim niya ang bulaklak sa kanilangt bakuran . Untiunti naman itong tumubo . Dumarami ang mga bulaklak at tinik nito . Tinawag
nila itong "Rosa" at hindi naglaon ang "Pulang Bulaklak" ay tinawag na
"ROSAS"...

ALAMAT
NG PINYA

Noong unang panahon ay my mag inang naninirahan sa lib-lib na lugar sa laguna. Ang mag

inang si aling Rosa at Pinang, si Pinang ang ka isa isang anak ni aling Rosa kaya
mahal na mahal niya ito at lahat ng hilingin ni Pinang ay ibinibigay ni aling Rosa.
Wala nang mhihiling pa si Pinang sa pag aarugang ibinibigay ng kanyang ina na si
aling Rosa. Halos lahat ng kailangan niya'y nakahanda na sa araw-araw at walang
oras na hindi siya inaasikaso ni aling Rosa. At dahil sa mahal na mahal siya ng
kanyang nina ay minabuti nitong turuan si Pinang ng mga gawaing bahay upang
bata palang ay matuto na siya. Ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na
nya ang mga gawaing bahay, Kaya't pinabayaan nalang niya si Pinang. Isang araw
umuwi si Pinang galing sa palaruan at inabutan nya ang kanyang ina na nag lilinis
ng bahay.

"Pinang anak tulungan mo nga ako maglinis ng bahay at para lang sumasama ang
aking katawan" sambit ni aling Rosa.
"Pero inay pagod din ako galing sa laruan" agad na sagot ni Pinang at sabay talikod
sa ina at dumeretso sa kanyang silid.
Kaya ala ng nagawa si aling Rosa kundi ipag patuloy ang paglilinis ng bahay, at si
Pinang naman ay sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog sa kanyang higaan.
Nang magising si Pinang ay magtatakip silim na kaya agad siyang lumabas ng silid
upang hanapin si aling Rosa, ngunit wala ito sa sala pati narin sa kusina kaya
nagtuloy si Pinang sa silid ng kanyang ina at doon niya natagpuan si aling Rosa na
nakahiga sa kanyang papag. lumapit si Pinang upang gisingin ang kanyang ina
upang itanong kung ano ang kanilang hapunan.
Ngunit sa pag sayad ng kanyang palad sa braso ni aling Rosa ay bigla syang
nagulat dahil sa sobrang init ng kanyang ina.
"Inay.. inay.. ang sbi ni Pinang" agad namang nagising si aling Rosa.
"Anak mataas ang lagnat ko at masakit ang aking katawan, maaari mo ba akong
ipag- lugaw" sambit ni aling Rosa.
At mabilis namang sumunod si pinang at nag salang siya ng lugaw, ngunit sa
kanyang pag lalaro ay nakalimutan na niya na my lugaw siyang niluluto, Kaya
nanikit ito sa palayok at nasunog. Nag Pasensya nalang si aling Rosa, napagsilbihan
naman siya kahit papaano ng kanyang anak.
Umabot ng matagal ang sakit ni aling Rosa kaya napilitan si pinang na gumawa ng
mga gawaing bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang
posporo kaya itinanong niya ky aling Rosa kung nasaan ito. Nang sumunod na araw
naman ay sandok naman ang kanyang hinahanap sa kanyang ina. At halos araw
araw ay wala siyang ginawa kundi tanungin si aling Rosa sa mga bagay na hindi pa
niya sinusubukang hanapin ng mabuti. Kaya nayamot si aling Rosa sa kakatanong
ni pinang, kaya't na wika niya na.
"Naku Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata at nang makita mo ang
lahat ng mga bagay at hindi ka tanong ng tanong sa akin."
Dahil alam niyang galit ang kanyang ina ay dinalang umimik si Pinang at naisip din
niya na my pag kakamali siya, kaya nag paalam na siya sa kanyang ina upang
hanapin ang sandok.
Ngunit kinagabihan ay tinatawag ni aling Rosa si Pinang ngunit walang sumasagot,
kaya napilitan siyang bumangon at nag handa ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling na si aling Rosa subalit ganundin katagal
nawawala si Pinang. Kaya agad itong pumunta sa mga kalaro ni pinang at pati sa
mga kapit bahay ay ipinag tanong niya ito. subalit walang makapag sabi o
makapag turo kung nasaan si Pinang.
At malungkot siyang umuwi patungo sa kanilang tahanan ng matanaw niya ang
isang napakagandang halaman na noon lamang niya nakita ang ganung klaseng
halaman.

Kayat inalagaan niya ito ng mabuti tulad ng pag aaruga at pag aalala sa anak
niyang si pinang. At hindi nagtagal ay lumaki ang halaman at nag bunga ito, na
ikinagulat ni aling Rosa nang makita niya ang hugis nito, ay mistulang ulo ng tao na
napapalibutan ng maraming mata.
Biglang naalala ni aling Rosa ang huli niyang sinambit sa kanyang anak na si
Pinang, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang mga
hinahanap. At sabay ang pag agos ng napakaraming luha sa kanyang mga mata, at
laking pagsisi niya dahil sa tumalab ky Pinang ang kanyang mga winika.
Kaya lalo niyang inalagaang mabuti ang halamang ito at tinawag niyang Pinang. At
sa haba ng panahon at sa pagsalin-salin ng mga kawikaan itoy tinawag na "PINYA"

You might also like