You are on page 1of 3

Kwentong kababalaghan:

Sumama Ka Na

Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan siya habang
naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi siya sinundo ng kanilang
driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo sa bahay nila. Naiinis siya dahil sa
sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya sinabihan na hindi siya masusundo. Kung kaya sa sobra
niyang inis ay nakaya niyang lakarin ang kalagitnaan ng gabi.

Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang kanyang
nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin sa pagdaan niya sa
isang malkaing puno ng mangga, kung kaya’y binilisan niya ang paglakad hanggang nakarating siya sa
kanilang bahay.

“Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit kaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy mo, nasaan
na siya? Ang tanong ng kanyang ina.

Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at dali-daling
umakyat sa taas.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad kanina. Sa
tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang. Napabangon siya sa
kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan. Tiningnan niya ang paligid ng
kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy. Ngunit sa paghahanap niya ay wala siyang
makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan. Tinawag na naman ulit ang kanyang pangalan ng
makatatlong beses. At doon ay nagsimula na siyang kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at
kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa
mga di kanais-nais niyang napapansin. Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw
hanggang sa makatulog na.

At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang klase dahil
masyado na siyang late. Kung kaya’y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi pumasok. Nagdahilan
na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam.

Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may palaging
sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya. Ngunit hindi niya
malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring iyon. At ni minsan ay hindi niya
ito piagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay mas lalo pang lumala ang kanyang
nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya kinaya pang itago ito sa kanyang mga magulang kaya’t
ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay takot narin ang kanyang mag magulang sa maaaring mangyari sa
kanilang anak.
Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang nagpahinga at
humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses.

“Rosa, Rosa…” tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid.

Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot siya sa tinig
na kanyang narinig.

“Sino yan? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit ka nakapasok? Takot na tanong ni Rosa sa boses.

Bigla itong nagpakita kay Rosa.

“Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin”

Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng anak ay bigla na
lamang nawala ang lalaki.

“Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?”

Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito napasigaw.

Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na nakasuot ng
itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay natatakot si Aling
Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring naganap sa kanyang anak. Malaki ang
kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay sinusundan ng isang masamang nilalang. Hinala niya na
baka nagkakagusto ito sa kanyang anak dahil marami na rin siyang narinig na mga ganitong kwento.
Kaya kinabukasan ay pumunta sila sa isang manggagamot para malaman kung sino ang taong may
gusting kunin si Rosa. Pinatingin na rin nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na
rin nila itong pinakunsulta sa doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa pagpapatingin nila
sa isang manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa kanyang hinala, na ang kanyang anak
ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya gustong isama nito. At iyon nga ang hula ng isang
manggagamot na may isang maitim na lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang na tulad sa’tin.

Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito.

Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang asaynment nang biglang lumitaw ang lalaki sa kanyang
harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay
sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya. Nagtataka si Rosa dahil ang lalaking
dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang nakita niya ngayon ay isang pangit at namumula
ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang dalhin ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa
ang sinabi ng manggagamot na kapag nagpatalo siya at sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa,
kaya pilit niyang nilabanan ang mga ginagawa ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na
Panginoon. Sa pakikipaglaban niya ay hinimatay sila.

Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at walang malay si
Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak.
Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa manggagamot
at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya. Wala rin silang magawa
kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at huwag nang gambalain pa.

‘Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki at si Rosa ay
namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.

You might also like