You are on page 1of 2

Alamat ng Pulang Rosas

Ni Daphne Aquino
Sa isang liblib na lugar sa Luzon, nakatira ang isang magandang dilag
na nagngangalang Rosa. Pumanaw na ang kaniyang ama, kaya ina na lang
ang kaniyang kasama.
Isang araw, habang naglalakad pauwi si Rosa, may nakita siyang
katawan ng lalaking nakahandusay sa kalsada. Diyos ko! Anong nangyari
dito? Tulong! Tulong! sigaw ng dalaga. Mabuti na lamang at may dumaan na
jeep sa kalsada nila. Dali-daling dinala ni Rosa ang lalaki sa kaniyang
tahanan. Ina! Ina!sigaw ng dalaga. O Rosa, mabuti naman at nakauwi ka
na--- Naputol ang sinasabi ng ginang dahil sa nakita. Sino yan? Dali! Ihiga
mo sa kama! tarantang sabi ng ina. Sinunod naman ni Rosa ang utos ng
ginang. Ginamot ng ina ang sugat ng lalaki. Di nagtagal, nagising na rin ang
lalaki.
A-aray! Nagising si Rosa sa narinig. Dali-dali siyang pumunta sa
kabilang kwarto upang tingnan ang lalaki. Sino ka? Nasaan ako? tanong ng
lalaki.
Huminahon ka. Huwag kang mag-alala. Dinala kita rito dahil nakita kong
nakahandusay sa kalsada ang katawan mo. Ako nga pala si Rosa. Ikaw anong
pangalan mo? sagot ng dalaga. Ako naman si Pedro. Salamat sa iyong
kabaitan Bb. Rosa, tatanawin ko itong isang utang na loob pahayag ng
binata. Naku! Walang anuman. Ano bang nangyari sayo? Bakit ka
nakahandusay sa kalsada? tanong ni Rosa. A-ano.. Yun ba? Naku! Wala
yon. Napaaway lang ng kaunti nauutal na sagot ni Pedro. Ganun ba, o
sige, humiga ka muna, magluluto lang ako ng sopas para sayo sabi ng
dalaga. Salamat At tuluyan na ngang umalis sa silid ang dalaga.
Di nagatagal ay umalis na rin si Pedro sa tahanan ng mag-ina. Lubos
siyang nagpasalamat sa mga ito.
Isang araw, bumisita ng biglaan si Pedro kina Rosa. Magandang araw
po! bati ni Pedro. Magandang umaga naman iho! tugon ng ina. Nariyan
po ba si Rosa? tanong ng binata. Oo iho, Sandali lamang at tatawagin ko
siya sagot ng ina. Nagulat si Rosa sa biglaang pagadalaw ni Pedro. Dati kasi,
sinasabi muna nito sa dalaga bago ito pumunta. At dahil nga halos arawaraw na sila nagkikita, hindi maiwasang mahulog ni Rosa sa binata. O
Pedro! Hindi ko alam na darating ka. Umupo ka muna. Sabi ni Rosa.
Salamat tugon ng binata. Bakit biglaan ang pagpunta mo rito?
nagtatakang tanong ng dalaga. Rosa, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
Sa halos araw- araw nating pagkikita, sa tingin ko nahuhulog na ako sayo.
Isama mo pa ang taglay mong ganda at kabaitan. pag-amin ng binata.
Nabigla si Rosa sa pag-amin ni Pedro. Maaari ba kitang ligawan? tanong ng

binata. Matagal na hindi nakasagot ang dalaga. Nakaramdam siya ng saya


noong panahong yon. Oo naman Pedro. Maaari mo akong ligawan.
Mahinang sagot ng dalaga. Talaga? Naku! Hindi ka magsisisi sa desisyon
mo. Salamat Rosa! masayang pahayag ni Pedro.
Araw-araw, hindi pumapalya sa pagbibigay ng bulaklak si Pedro kay
Rosa. Madalas na rin silang lumabas. Nang lumaon, sinagot na rin sa wakas
ni Rosa si Pedro. At ngayong araw, sineselebra nilang dalawa ang unang
anibersaryo nila bilang magkasintahan. Nagkakasiyahan sila nang biglang
may dumating na grupo ng kalalakihan.
Pedro! galit na sigaw ng isa sa kanila. Nagulat si Perdo sa nakikita.
Ito ang lalaking pinagkautangan niya ng malaki. Si Bogart. Siya rin ang rason
kung bakit siya natagpuan ni Rosa na nakahandusay sa kalasada noon.
Siguro naman mayroon ka ng pera ngayon? Baka naman nakalimutan mo
na ang kasunduan natin? Kapag hindi ka nakabayad ngayon din, alam mo na
siguro ang mangyayari sayo. sabi ni Bogart. Pedro, sino ba ang mga ito?
takot na tanong ni Rosa. Hinawakan ni Pedro ang pisngi ni Rosa at sinabing,
Rosa, mahal ko. Patawad at may mga bagay akong hindi nasabi sayo. Pero
tandaan mo, mahal na mahal kita. Delikado ang mga lalaking ito. Gusto kong
tumakbo ka at humingi ng tulong sa pulis. Mahal na mahal kita at hinalikan
niya ito sa labi. Mahal na mahal din kita Pedro sagot ni Rosa.
Iyak ng iyak si Rosa habang tumatakbo palayo sa kinaroroonan ni
Pedro. Agad siyang humingi ng tulong sa pulis. Pagkarating sa lugar na yon,
nakita ni Rosa na may nakatutok na baril kay Pedro. Agad agad siyang
tumakbo sa harap ni Pedro. BOOM! Isang putok ng baril sa puso ni Rosa.
Nagulat ang lahat. Agad tumakbo ang mga lalaki ngunit nahabol sila ng
pulis.
Nanghihinang lumapit si Pedro sa duguang katawan ni Rosa. Ro-sa,
Ro-sa mahinang sabi ng binata. Ma-hal-na-ma-hal ki-ta P-Pedro Ito ang
huling pahayag ni Rosa. Rosa! Rosa! Gumising ka! Rosa! Huwag mo akong
iwan! Rosa! nagwawalang sigaw ni Pedro. Humagulgol ang binata. Mula sa
patak ng dugo ni Rosa ay may tumubong halaman na hindi pamilyar kay
Pedro. Isa itong bulaklak na may pulang talutot at may mga tinik. Pinulot ng
binata ang bulaklak at sinabing Rosas, tatawagin itong Rosas.
Nang lumaon, nakilala ng mga tao ang pulang bulaklak na tinawag
ngang Rosas. Sinasabing simbolo ito ng pagmamahal. Kaya naman, ito na
rin ang madalas ibigay ng mga lalaki sa kanilang babaeng napupususan. Ito
ang alamat ng Pulang Rosas.

You might also like