You are on page 1of 3

Alliah Cyrelle Mendoza January 28,2019

Grade 10-Rizal Sir Renz Africa

Habang nakatulala ako sa magandang tanawin sa labas ng


silid kung saan ako nakaupo at maraming bagay ang pumasok sa
aking isipan.Isa sa mga pinakamasasayang alaala ng ako ay nasa
sekondarya pa lamang.Dito kong naranasan mabigo, umibig,masaktan
at higit sa lahat matuto. Napakabilis ng mga pangyayari halos di
mo akalain na ang dating mga tinedyer na humahanap ng mga
karunungan ay higit pa ang nakuha at natutunan.
Naalala ko pa noon na ang dating metikulosong babae ay
isang perpektong flight attendant na , si Missy Denielle Salazar,
matarantahing tao na ngayo’y magiging katulong mo upang maging
kalmado sa loob ng eroplano.Higit sa lahat nakakatulong narin sya
sa kanyang mga magulang napatayuan nya ito ng bahay at
nakatutulong narin sa mga pinansyal.Kung may mag-aalaga sayo sa
eroplano ay mayroon ding maghahatid sayo sa kinaroronan mo,unahin
natin si Grand Uon Pajanel na isa na ngayong piloto,dating naiwan
pero di ka iiwang mag-isa sa ere.Ihahatid ka sayong pupuntahan at
hindi ka hahayaang masaktan kagaya ng kanyang mga
naranasan.Naging isang mabuti syang tao at naging katulad ng
kanyang ama na tumutulong rin sa iba upang maabot ang mga
pangarap nila.Pero syempre mayroon pang isang piloto na
makakasama mo sa paglalakbay mo,si Renz Albert Villanueva,oo
masungit at mainitin ang ulo nya pero dati yun ngayon nakuha nan
yang maging kalmado at gaya parin ng dati ay iniisip nya parin
ang kapakanan ng iba.Nag mamay-ari na si Renz ng hekta hektaryang
lupain.
Umalis naman tayo sa ere at pumuntang lupain.Para sa
ating mga tao mahalaga ang kaligtasan,bigla kong naalala si
Francine Villanueva ang artistahin naming kaklase na kung noo’y
mahina ang pangangatawan ay hindi mo mapantayan ang kanyang
kalakasan.Naitaguyod niya ang kanyang ina sa kahirapang
pinagdaanan at iniahon ito patungong kaginhawaan.
Sa paglipas ng panahon paganda ng paganda na ang
Pilipinas.Syempre ilang mga gusali narin ang mga ipinatayo ng isa
sa mga noo’y ,maingay at makulit kong kaklase na si Ruen Jay
Antonio,isa na siyang engineer ngayon,di mo aakalaing sa trabaho
ay makikita mo sya na sobrang seryoso.Kung dati ay kulang siya sa
focus ay iba na ngayon para sa kanya kung trabaho,trabaho at may
panahon para sa mga kasiyahan.Hindi naman magpapatalo ang
mapagmahal kong kaklase na si Herralyn Quiambao,isang engineer
din ngunit nasa ibang bansa siya at naging sikat dahil sa mga
gawang kamangha mangha.Hindi lamang siya sikat sa Pilipinas kundi
pati narin sa buong mundo.Syempre di rin magpapatalo ang
Electical Engineer na sobrang inosente at mapaniwalain na si
Vince Evan Agbayani,na ngayo’y napakaseryosong tao. Makukumbinsi
mo lamang siya sa isang bagay kung mayroon kang mapapatunayan
kagaya lamang ng kaniyang mga pinakita.Isa na siya sa mga
hinahangaan naging huwaran ng iba ang mga batang nangangarap.
Para rin ulit sa usaping kasikatan,isa sa mga
matagumpay na businessman sa buong Pilipinas ngayon si Ray Carl
Cabael,masasabing halos isang probinsya na ang lawak at dami ng
kanyang mga ari-arian.Dating tahimik siya ngunit ngayon di mo
matatalo ang pagsasalita pag dating sa negosyo.Kung kasikatan
muli di magpapatalo ang pinakasikat kong kaklase na tinitiliaan
ng pagkamilyon milyong babae ngayon si Danielle Rico Elaco isa na
sa mga manlalaro ng Pilipinas at malaki na ang naiambag para sa
bansa sa larangan ng sports.Napakarami ko nang sikat na kaklase
noon dagdag pa dito ang hari ng rampahan si Claudio Angelo
Yabut,isa na siyang Runway Model,higit pa rito ay naging cover
narin siya sa iba’t ibang magazine.Isa rin siyang vlogger sa
youtube na mayroon nang milyon milyong subscriber at syempre
malamang milyon milyon ring pera.
Higit sa mga pagiging sikat mayroon din akong mga
kaklase na kung saan ay handang magpakasait maligtas lang ang
iyong buhay.Isa na rito si Allyssa Marie Faner ,isang magaling sa
Doctor sa napakagandang ospital,napakaraming tao na ang
nagtitiwala sa kanya at iyon ang itinuturing niyang
kayamanan.Ganon din naman si Kezia Fadriquela na nurse sa ibang
bansa na nakakbingwit ng lalaking doctor sa ospital na
pinapasukan nya.Higit na maganda ang
buhay nya sakin dahil nakahanap siya ng taong makakasama niya sa
hirap at ginhawa.Sinong mag aakala na ang babaeng tulad nya na
pihikakan sa pagmamahal ay makakahanap ng taong di niya
inaasahan. Idagdag pa rito si Czarina Ruby Angela De Sagun na
nagamit ang pagiging maintindihin at pagiging masayahin niya
upang makatulong sa mga taong nawalang na ng pag-asa sa buhay
dahil sa mga pinagdaan sa pisikal na pangangatawan.Isa na siyang
Physical Therapist kagaya ko at mas naging malapit narin siya sa
kanyang mga magulang at iyon ang higit na nagpasaya sa kanya kesa
sa kung ano pa mang kayamanan.
Pagdating naman sa katatagan ay nangunguna sa Pauline
Margaret Vivar,isang abogado na nagkarooon na ng maraming tiwala
dahil sa kanyang mga naipakita at napatunayan.Sinong mag aakala
na ang dating iyakin ay magiging matatag at handang dumepensa
para sa ikakabuti ng iba.Hindi naging hadlang ang kanyang mga
pinagdaanan upang maabota ng kanyang mga pinapangarap.Hindi ko
naman makakaligtaan ang landas na tinahak ni Leide Jyrine
Calambas ,isang butihing guro na naghahatid sa mga estudyante
patungo sa kanilang mga pinapangarap.Isa siyang napa kagaling na
guro at mayroon naring sariling tahanan at mga
sasakyan.Napagtapos nya rin sa pag aaral ang kanyang kapatid.
Hindi naman ganoon katas ang narating ko katulad ng
iba,naging maayos at masaya ang buhay ko dahil nakatulong ako sa
aking mga magulang at nasunod ko ang mga pinapangarap ko.Naidala
ko na ang mga magulang ko sa ibang bansa at napagtapos ko narin
sa pag-aaral ang aking bunsong kapatid.Higit pa ang naabot ko sa
pinapangarap ng puso ko.
At bigla akong nagulumihanan dahil nakatulala nanaman
ako sa labas ng bintana ng silid aralan at nakalimutan kong may
klase pa pala sa asignaturang Filipino.

You might also like