Professional Documents
Culture Documents
Q2. Iii Pagbuo NG Mga Hakbang Upang Baguhin o Paunlarin
Q2. Iii Pagbuo NG Mga Hakbang Upang Baguhin o Paunlarin
HAKBANG UPANG
BAGUHIN O PAUNLARIN
ANG PAGGAMIT NG
KALAYAAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
MGA LAYUNIN
Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng
pagkakaroon o kawalan ng Kalayaan;
Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan
ang Kalayaan;
Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa
mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay
may kakambal na pananagutan para sa
kabutihan; at
Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang
baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng
Kalayaan.
PAGSUSURI
INTRODUKSYON
Maymga kabataang nag-aakala na
ang Kalayaan ay kapangyarihan na
gawin ang anumang naisin ng tao.
Kung susuriin, ayon kay De Torre,
ang tao ay walang kakayahang
gawin palagi ang anomang
kanyang naisin.
Sa kabila ng limitasyong ito ng
Kalayaan ng tao, ang tao ay tunay
na malaya sa kanyang pagpili o
pagpasya.
ANO ANG KALAYAAN?
Binigyankahulugan ni Santo Tomas De Aquino ang
Kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at ang paraan
upang makamit ito.”
Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin
ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na
bagay o kilos.
ANO ANG KALAYAAN?
Hindi Malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng
kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang Kalayaan
ay hindi lubos, at ito ay may limitasyon.
Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas
Moral.
Ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa
paggamit ng tunay na Kalayaan at nagtatakda
ng hangganan na ito. Ang batas moral kung gayon
ay alintuntuning kailangang sundin na
nagbibigay hugis at direksiyon sa Kalayaan.
ANO ANG KALAYAAN?
Ayon Kay Santo Tomas de Aquino “Katangiang
ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang
kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at
ang paraan upang makamit ito”