You are on page 1of 7

NORTHWESTERN UNIVERSITY

Don Mariano Marcos Ave., Laoag City, Ilocos Norte


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

DIAGNOSTIC TEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
School Year 2022-2023

Name: ____________________________ Date: ______________________________


Section: ___________________________ Score: ______________________________

PAGPIPILI. Panuto: Basahin at unawain ng maigi ang bawat pangungusap at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsusulong ng kabutihang panlahat?
A.pulitika C. lipunang sibil
B.simbahan D. fraternity at gang
2. Ito ang pamantayan o gabay ng tao na makatutulong sa kanya sa pang-araw-araw na
pagpapasya.
A. Karapatan C. Batas
B. Moralidad D. Dignidad
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kaugnay na pagpapahalaga ng
katarungang panlipunan.
A. Katotohanan C. Pagmamataas
B. Pagmamahal D. Pagkakaisa
4. Kung isasabuhay mo ang iyong pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa
iyo?
A. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinabahagi ng magulang, guro at kaibigan.
B. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
C. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
D. Pagpili ng kurso ayon sa talent, hilig at kakayahan
5. Sa ilalim ng Prinsipyo ng Subsidiarity, nabibigyang-diin ang kahalagahan ng __________.
A.lider C. may kapangyarihan
B.bawat indibwal D. pangulo
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng batas?
A. Pagsusukat ng kilos
B. Pagpaparusa sa lahat
C. Pinapalaganap
D. Para sa kabutihang panlahat
7. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa
at makipagtulungan?
A. makiangkop C. makipagkasundo
B. makialam D. makisimpatya
Diagnostic Test Page 1 of 7
8. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng kilos-
loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang sumusuporta rito?
A. Nangangailangan ito ng pagkilala sa sarling interes lamang.
B. Ang katarungan ay umiiral kapag mayroong kompetisyon at may naaagrabiyado
C. Kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa hindi
lamang dahil siya ay tao kundi dahil siya ay namumuhay sa lipunan ng mga tao.
D. Natatamo ito kapag nahahadlangan ang pamumuhay at buhay ng kapwa.
9. Ito ang pamantayan o gabay ng tao na makatutulong sa kanya sa pang-araw-araw na
pagpapasya.
A. Karapatan C. Batas
B. Moralidad D. Dignidad
10. Ang _______ ay may dignidad hindi dahil sa kanyang estado sa lipunan kundi dahil sa
kanyang pagkatao.
A. bagay C. hayop
B. tao D. pangyayari
11. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman
sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan
mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay,
pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan D. Talento
13. Alin sa mga sumusunod na salita ang nauugnay sa lipunang pulitikal?
A.pangangailangan
B.Patakaran
C. kapangyarihan
D. pamayanan
14. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may
angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang
mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo
na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
15. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pangunahing yunit ng lipunan?
A.Paaralan C. Pamilya
B.Simbahan D. Ospital
16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na batas moral?
A. Sinasaklaw nito ang lahat
B. Ito ay imbensiyon ng tao
C. Ito ay umiiral at mananatiling iiral
D. Ito ay hindi nagbabago
17.Ito ay isa sa mga kaugnay na pagpapahalaga ng katarungang panlipunan at tinataglay ito ng
isang tao hindi dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay,
kundi dahil sa kanyang pagkatao.
A. Katotohanan C. Dignidad
B. Pagmamahal D. Pagkakaisa
Diagnostic Test Page 2 of 7
18. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng wasto tungkol sa lipunan?
A.Ito ay tumutukoy sa lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na
magkaugnay sa dugo.
B.Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang
kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.
C.Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa.
D.Ito ay isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na
magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan.
20. Ito ay natatamo kapag may pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng
katarungan.
A. Katotohanan C. Dignidad
B. Pagmamahal D. Kapayapaan
21. Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang
magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High School.
A. talento C. kasanayan
B. hilig D. pagpapahalaga
22. Ito ay isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang
kaisipang ng mga mag-aaral.
A.Paaralan C. Pamilya
B.Simbahan D. Ospital
23. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa
________________.
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
C. Mataas na tiwala sa sarili
D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
24. Ito ang itinuturing na siyang puso ng pagkakaisa.
A. Katotohanan C. Dignidad
B. Pagmamahal D. Kapayapaan
25. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo
ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o
pagkabagot.
A. talento C. kasanayan
B. hilig D. mithiin
26. Ito ay isang pagpapahalagang kaugnay ng prinsipiyo ng subsidiarity at solidarity na
nagsasaad ng kahalagahan ng malinaw na layunin o hangarin hindi lang ng isang
indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.
A.Pagkakaisa C. Pagiging responsable
B.Interest D. Matatag na samahan

Diagnostic Test Page 3 of 7


27. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa MALIBAN sa isa __________.
A. Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa
B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan
C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at
Teknolohiya
D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan
28. Ito ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng panahon upang magawa ang tamang gawain sa
tamang panahon.
A. Pamamahala ng panahon C. Pamamahala sa gamit
B. Pamamahala ng pagkain D. Kagalingan sa paggawa
29. Kung isasabuhay mo ang iyong pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa
iyo?
A. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinabahagi ng magulang, guro at kaibigan.
B. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
C. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
D. Pagpili ng kurso ayon sa talent, hilig at kakayahan
30. Ito ay isang pagpapahalagang kaugnay ng prinsipiyo ng subsidiarity at solidarity na
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng matibay na bigkis sa pagitan ng mga
magkakapitbahayan.
A.Pagkakaisa C. Pagiging responsable
B.Interest D. Matatag na samahan
31. Ito ay ang pagganap o pagtupad ng kinakailangang gawain upang makamit, matapos o
mabuo ang inaasahang bunga na kasiya-siya at may mataas na uri ngpagkakagawa.
A. Pamamahala ng panahon C. Kasipagan sa paggawa
B. Pamamahala ng pagkain D. Kagalingan sa paggawa
32. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang
isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
A. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan
B. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
C. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
D. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
33. Ito ay isang prinsipiyo na nagsasaad ng angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa
pangagailangan ng tao.
A.Prinsipiyo ng Subsidiarity C. Prinsipiyo ng Proportion
B.Prinsipiyo ng Solidarity D. Prinsipiyo ng Pagkakaisa
34. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamataas na layunin ng paggawa?
A. Pagtulong sa mga nangangailangan.
B. Pagkamit ng kaganapan bilang tao.
C. Pag-angat ng kultura at moralidad.
D. Pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.
35. Ito ang dapat na isinasaalang-alang upang masimulan ang epektibong pamamahala ng oras.
A. Pagtakda ng tunguhin sa paggawa
B. Pagsimula sa tamang oras
C. Pagtapos bago ang takdang oras
D. Pagpapabukas sa gawain

Diagnostic Test Page 4 of 7


36. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
A. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
B. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
D. Ito ay Gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
37. Sinasaklaw nito ang lahat ng mga pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay
magiging tahanan.
A.Lipunang Pampolitika C. Lipunang Sibil
B.Lipunang Pang-ekonomiya D. Prinsipiyo ng Subsidiarity
38. Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapwa nang may pagmamahal sa kapwa
at sa kaniyang lipunan.
A. Pakikilahok C. Paglilingkod
B. Bolunterismo D. Pananagutan
39. Ito ay isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng isang tunguhin at isinasaad dito na
makatotohanan, maaabot, at mapanghamon.
A. Specific C. Attainable
B. Measurable D. Time-bound
40. Ito ay hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
A. Misyon C. Propesyon
B. Bokasyon D. Tamang direksiyon
41. Siya ay isang kilalang pilosopo na nagsabi na bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan.
A.Sto. Tomas De Aquino C. Max Scheler
B.Joseph De Torre D. Karl Marx
42. Ito ay isang tungkulin na dapat isakatuparan ng lahat ng may kamalayan at pananagutan
tungo sa kabutihang panlahat.
A. Pakikilahok C. Paglilingkod
B. Bolunterismo D. Pananagutan
43. Ito ay isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng isang tunguhin at isinasaad dito na
kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan
ang iyong tunguhin.
A. Specific C. Attainable
B. Measurable D. Time-bound
44. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
A. Bokasyon C. Tamang Direksiyon
B. Misyon D. Propesyon
45. Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa
samasamang pagtuwang sa isa’t isa.
A.Lipunang Pampolitika C. Lipunang Sibil
B.Lipunang Pang-ekonomiya D. Prinsipiyo ng Subsidiarity
46. Hindi nakalahok si Martin sa Brigada Iskwela ng kanilang barangay dahil inalagaan niya
ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis
tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok
ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon C. Sama-samang pagkilos
B. Konsultasyon D. Pagsuporta

Diagnostic Test Page 5 of 7


47. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at
may malinaw na layunin sa paggawa.
A. Kasipagan C. Masigasig
B. Tiyaga D. Malikhain
48. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?
A. Sarili, simbahan, at lipunan
B. Kapuwa, lipunan, at paaralan
C. Paaralan, kapuwa, at lipunan
D. Sarili, kapuwa, at lipunan
49. Ito ay isang anyo ng lipunan na tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o
namamagitan sa nagpadala at pinadalhan.
A.Media C. Paaralan
B.Simbahan D. Pamilya
50. Ito ay ang pagpapahalagang taglay ng isang tao kapag siya ay nagpapatuloy sa paggawa
sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
A. Kasipagan C. Masigasig
B. Tiyaga D. Malikhain
51. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa buhay
maliban sa:
A. Suriin ang iyong ugali at katangian
B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Sukatin ang mga kakayahan
D. Tipunin ang mga impormasyon
52. Ito ay isang anyo ng lipunang sibil na nagsisilbing gabay natin sa espiritwal na kaganapan.
A.Media C. Paaralan
B.Simbahan D. Pamilya
53. Ito ay isang katangian na tinataglay ng isang tao kapag siya ay may likas na inklinasyon
na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
A. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
B. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan
C. Pagiging palatanong
D. Pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan
54. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t
isa at makipagtulungan?
A. makiangkop C. makipagkasundo
B. makialam D. makisimpatya
55.Sa paggawa ng Personal na MIsyon sa buhay kinakailangan na gamitan mo ito ng SMART.
Ano ang kahulugan nito?
A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
56. Alin sa mga sumusunod and hindi palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan?
A. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
B. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
C. Nagtatrabaho kapag gusto lamang
D. Hindi umiiwas sa anumang gawain

Diagnostic Test Page 6 of 7


57. Ang grupong Gabriela ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na naging isang
pampolitikong partido. Sa kanilang pagsulong ay naisabatas ang mga sumusunod, maliban
sa:
A.Women in Development and Nation-Building Act (1995)
B.Rape victims Assistance and protection Act (1998)
C.Anti-Violence Againts Women and Their Children act (2004)
D.Naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano
at Muslim
58. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.
A. Upang siay ay hindi maligaw
B. Upang matanaw niya ang hinaharap
C. Upang mayroon siyang gabay
D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
59. Ito ang itinuturing na kabaliktaran ng kasipagan.
A. Kagalingan C. Kalokohan
B. Katamaran D. Kabutihan
60. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at
kapuwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. Kapayapaan C. Kaligayahan
B. Kaligtasan D. Kabutihan

Inihanda ni:

DAPHNEE MAE A. AGUDONG


Guro

Iwinasto ni:

MILDRED M. CHAN
Head, Junior High School

Inaprobahan ni:

ROSEMARIE T. TEODORO
Acting Principal, BED

Diagnostic Test Page 7 of 7

You might also like