You are on page 1of 14

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T

IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

Ipinasa ni:
Donna Jane Peteros
Mag-aaral ng seksyon Fayol

Ipinasa kay:
Bb. Nova Mae Ejara
Guro sa asignaturang Filipino

Petsa:
Ika-1 ng Abril taong 2021
Talaan ng Nilalaman

Tekstong Naratibo
Hiraya: Ang Huling Binukot 2

Tekstong Impormatibo
Bakit Madalas Magprocrastinate
Ang Mga Estudyante 4

Tekstong Deskriptibo
Ang Pinakapaborito Kong Tao 6

Tekstong Prosedyural
Paano Gumawa Ng Cut-off Shorts 8

Tekstong Argumentatibo
Aklat o Gadget? 10

Tekstong Persweysib
Pagbasa’y Ugaliin, Pag-aaral Ay
Mahalin 12

i
Tekstong
Naratibo
Hiraya: Ang Huling
Binukot

1
HIRAYA: ANG HULING BINUKOT

Sa isang bundok sa Panay, Bukidnon ay nakatira ang isang binukot. Si Hiraya ay


isang dalaga na napiling gawing binukot mula ng siya ay tatlong-taong gulang pa
lamang. Siya na lamang ang nag-iisang binukot sa kanilang tribo kung kaya't labis
siyang iniingatan at nirerespeto ng lahat.

Si Hiraya ay lumaki at nagkaisip ng hindi nakakalabas sa kanyang silid. Hindi


siya pinapayagang makita ng kahit na sino maliban na lamang sa kanyang pamilya. Tila
isang prinsesa kung ituring ngunit ganoon pa man ay malungkutin si Hiraya. Madalas
niyang pangarapin ang makalabas at maranasan ang normal na buhay. Paminsan-
minsan ay iniisip niya kung ano kaya ang buhay sa ibang panig ng mundo, kung ano
ang pakiramdam na malayang makapaglakad sa labas ng kanyang tahanan.

Isang araw ay kinausap siya ng kanyang ina na si Alora tungkol sa kanyang pag-
aasawa. Sinabi nito na may napili na ang kanilang pamilya na mapapangasawa umano
ni Hiraya. Galing ito sa isang marangyang angkan mula sa kabilang mundok. Ngunit
hindi ito ang nais ni Hiraya. Hindi niya nais magpakasal sa isang lalaking hindi niya
kilala. Takot din siya na ipilit ng kanyang ina na gawing binukot din ang kanyang anak
pagdating ng panahon. Gayunpaman, wala na siyang magagawa sapagkat ang
kanyang ina ang palaging nasusunod. Sa huli, ay pumayag na lamang ang binukot.
Ilang gabi itong bumabagabag sa kanyang isipan. Labis ang kanyang pag-aalala at
kalungkutan kung kaya't kinausap siya ng kanyang matalik na kaibigan at nagapagsilbi
niya na si Sinag. Agad naman isiniwalat ni Hiraya ang kanyang dinadamdam kung
kaya't bumuo sila ng plano upang makatakas sa araw ng kasal.

Araw na kasal, abala ang lahat sapagkat isang napakalaking padiriwang at


pagtitipon-tipon ito sa kanilang tribo. Si Hiraya naman ay inaayusan na ni Sinag at ng
kanyang ina na si Alora. Kinakabahan man sa gagawing pagtakas ay buo ang luob ni
Hiraya na isakatuparan ito. Siya ay sawa at pagod na sa ganitong buhay, at ayaw niya
na ang kanyang magiging supling ay matulad sa kanya kung kaya't sigurado na siya sa
desisyong ito. Lumabas na si Sinag upang kunin ang kasuotan ni Hiraya ngunit
matapos ang ilang sandali ay nagsisisigaw ito. Agad namang sumunod si Alora sa labas
upang tingnan ang nangyari. Ayon kay Sinag, may sumabotahe sa kasuotan ng binukot
at pati ang mga alahas ay nawawala. Nagpupuyos sa galit ang matandang Alora at
inutusan na ipaghalughog sa buong tribo ang mga nawawalang alahas. Nasisigurado
niyang iisang tao lamang ang may gawa nito. Ang kanina'y puno ng sigla na mga
mamamayan ay nabalutan ng pangamba sapagkat isa sa kanila ay magnanakaw.
Napangiti na lamang si Sinag nang kanyang mamataan ang isang dalagang
gumagapang sa kakahuyan suot ang kasuotang panlalaki ng kanilang tribo. Lingid sa
kaalaman ng lahat na planado ang kaguluhang ito upang makatakas ang binukot.
Habang hinahanap ng lahat ang nawawalang palamuti sa katawan, tumatakas na ang
nakatakdang ikasal na si Hiraya dala ang mga alahas. Nang makalayo na ang dalaga
ay nagkunwari namang bumalik sa silid si Sinag upang ianunsiyo na nawawala ang
binukot. Labis na nagimbal ang lahat.

Tatlong taon na ang lumipas ngunit wala ng nakakaalam kung nasaan na ang
kanilang prinsesa. Maging si Sinag ay wala ng balita sa kanilang dating binukot.
Nangangamba man ang lahat ngunit para kay Sinag, ito ang makabubuti para sa
kanyang matalik na kaibigan— ang matupad ang pangarap.

2
Tekstong
Impormatibo
Bakit Madalas Mag
Procrastinate Ang
Mga Estudyante

3
BAKIT MADALAS MAGPROCRASTINATE ANG MGA
ESTUDYANTE

Madalas mabasa sa social media o di kaya'y marinig sa mga videos ngayon ang
salitang procrastination o “pagpapaliban” sa Filipino. Ngunit ano nga ba ito? Ito ay ang
pag-aantala o pagpapaliban ng isang bagay na dapat sana ay gawin na sa lalong
madaling panahon.

Mga Negatibong Epekto Ng Procrastination

Ang oras ay ginto at isa sa malaking bahagi ng pagiging produktibo ay ang


agarang pagsisimula sa mga gawain. Sa kasamaang palad, marami sa atin ang
pumapalya doon. Halimbawa na lamang nito ay kadalasang gawain lalo na ng mga
kabataan ngayon— ang pagtambay sa mga social media sites sa kabila ng tambak na
gawain. Ang ganitong kaugalian ay mayroong mga dulot na negatibong epekto na
maaaring ikasira ng iyong huhay. Ilan riyan ay ang pagsasayang ng oras, pagkawala ng
mga oportunidad, hindi pag-abot sa mga layunin, pagkasira ng career at reputasyon, at
maraming pang-iba. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga estudyanteng madalas
magprocrastinate ay may malaking tyansa upang maranasan ang mas malalang antas
ng frustration, stress, at pagkabalisa o anxiety. Sa ibang kalagayan, maaari din itong
mag dulot ng mas malalang bagay tulad na lamang ng depresyon. Ngunit bakit nga ba
madalas gawin ang pagpapaliban, lalo na sa mga mag-aaral sa panahon ngayon?

Mga Posibleng Dahilan Ng Procrastination Sa Estudyante

Base sa iba’t-ibang pag-aaral, madalas ang pagproprocrastinate ng isang mag-


aaral sa kadahilanang hindi ito gaanong importante para sa kanila, walang sapat na
kakayahan upang gawin ito, o di kaya'y hindi nila alam kung paano ito simulan. Kung
susuriin, lahat ito ay nagsisimula sa mga isyu at kakulangan ng isang mag-aaral tulad
na lamang ng kakulangan sa motibasyon, mababang tiwala sa sarili, takot sa pagkabigo
at marami pang iba. Sa ibang kaso, maaaring ang rason ng pagpapaliban ng isang tao
sa isang gawain ay dahil sa kanyang fixed mindset ngunit ayaw naman na magkaroon
ng pagkakamali. Halimbawa, sakanyang, ang mga abilidad na wala sa kanya ngunit
kailangan upang matapos ang isang gawain, ay imposible ng matutunan pa. At dahil sa
takot siyang magkamali, mas nanaisin na lamang niyang ipagpaliban na lamang ito.
Kung tutusin, maaaring sabihin ng iba na ang pagproprocrastinate ay isang gawain ng
mga taong nais lamang tumakas sa gawain ngunit para sa mga nakararanas ng
prokrastinasyon, hindi ito basta lamang pagiging irresponsable. Isa itong pagsubok na
ang kalaban mismo ay ang sarili.

Ang pagtulong sa mga estudyante upang muli silang magkaroon ng motibasyon


at tiwala sa sarili ay isang malaking hakbang upang mailigtas sila laban sa mga
negatibong epekto nito. Ang mga programa upang labanan ito ay isang magandang
paraan upang makatulong sa mga magiging pag-asa ng bayan.

4
Tekstong
Deskriptibo

Ang Pinakapaborito
Kong Tao

5
ANG PINAKAPABORITO KONG TAO
Tigreng nagtatago sa katawan ng tao. Sa loob ng patpating katawan niya'y
nakatago ang matapang at walang inuurangang personalidad. Ngunit sa kabila nito,
siya ang taong may busilak na kalooban na handang tumulong, tenga na handang
makinig sa kahit anong aking sasabihin, braso na handang yakapin ako sa tuwing
lumuluha, ang pinakapabotio kong tao—ang aking kaibigan.

Lahat tayo ay may iba't-ibang klase ng taong nakasasalamuha sa araw-araw tulad


ng ating mga kaibigan, kaklase, kakilala, kapamilya. Sa dami ng tao sa ating paligid,
iilan lamang ang may kakayahan na haplusin ang ating puso at kilalanin ang ating
kaluluwa.

Bibihira lang kami magkasama ngunit sa bawat pagpasyal at pagkikita namin,


puno ito ng tawanan at asaran. Parang mga aso't pusa kung nagsama, hindi mawawala
ang bangayan at kantsawan. Ang tawa niya'y matinis, masakit sa tenga at nakakarindi,
ngunit ito ay madalas kong ipagdasal na aking marinig. Ang magandang ngiti niya na
nakakahawa sa tuwing makikita, ay may madalas na tinatagong kalokohan. Ang mga
biro niya ay mas madalas na corny kaysa sa nakakatawa, ngunit nakatutuwa naman ito.
Ang kanyang mga singkit na mata ay tila nagiging mata ng isang asong gutom sa
tuwing humihingi ng pabor na ako na lamang ang gumawa ng kanyang mga takdang-
aralin kapalit ng isang balot ng aking paboritong sitsirya. Ngunit sa kabila ng kanyang
pagiging maloko, masisiguradong malalapitan siya sa oras ng problema. Hindi siya
katulad ng ibang mga kaibigan na magaling magpayo. Samakatuwid, ang mga payo
niya ay minsan kalokohan at hindi nakakatulong. Ngunit magaling siyang makinig.
Handa siyang malungkot kasama ka. Handa siyang mamroblema na tila ba kanya itong
personal na problema. Handa siyang mag-alala katulad ng pag-aalala ng isang
magulang sa anak. Pagkatapos ay magbibiro nanaman siya upang subukang mapangiti
ako. Mga munting galaw na siyang haplos sa munti kong puso.

Kakaiba at hindi karaniwan ang aming samahan kumpara sa ibang magkaibigan.


Siya ay nag-iisa sa pitong bilyong tao sa buong mundo at siya ang aking paborito.

6
Tekstong
Prosedyural

Paano Gumawa Ng
Cut-Off Shorts

7
PAANO GUMAWA NG CUT-OFF SHORTS

Sa halip na bumili ng isang pares ng mga cut-off na shorts sa tindahan, maaari


kang makatipid ng pera at magpatuloy na suot ang iyong paboritong maong sa
pamamagitan ng paggawa ng iyong sariling mga cut-off shorts. Ang kailangan mo lang
gawin ang mga ito ay isang matalim na pares ng gunting, isang lapis, at ang madaling
proseso ng tatlong hakbang na ito.

Upang makapagsimula, pumili ng isang lumang pares ng mga jeans na kasya sa


iyo ngunit may kaunting sira na. Pagkatapos ay magpasya sa haba ng iyong mga cut-
off. Para sa iba, mas maganda ang shorts na hanggang sa itaas lamang ng tuhod,
habang ang iba ay mas nais ang mas maikli. Dahil para sa iyo ang iyong gagawin ay
maaari kang pumili kung gaano kahaba ang cut-off shorts na iyong nais.

Matapos pagpasyahan ang haba ng iyong shorts, oras na upang markahan at


gupitin ang mga ito. Itabi ang maong sa isang ibabaw at markahan ang lugar na
kailangan mong putulin gamit ang isang lapis. Tiyaking tuwid ang mga linya sa bawat
binti ng maong upang ang maging pantay ang pagputol. Pagkatapos ay gumamit ng
matalas na gunting upang maputol ang denim at alisin ang mga binti mula sa iyong
maong. Kung ang pagputol ay hindi pantay-pantay, gamitin ang gunting upang pantayin
ito.

Pagkatapos ng pagputol, tapusin ang iyong mga cut-off. Hilahin ang ilang mga
hibla ng sinulid mula sa gupit sa dulo nh bawat binti ng shorts. Patuloy na hilahin ang
mga ito hanggang sa lumutas ang dulo upang makalikha ng isang palawit na 1/4
pulgada ang haba. Labhan ang mga shorts matapos guntingin upang mas malinis ang
dulo nito. Mapapansin mo na ang mga gilid ay may ilang mahahabang kuwerdas
pagkatapos na malabhan. Gamitin ang gunting upang alisin ang mga mas mahahabang
kuwerdas na ito.

Panghuli, subukan ang shorts at tingnan ang iyong sarili sa salamin. Kung
ginamit mo ang iyong paboritong pantalon at sinundan ang simpleng proseso na ito,
maaaring magkaroon ka ng bagong paboritong pares ng shorts.

8
Tekstong
Argumentatibo

Aklat O Gadget?

9
AKLAT O GADGET?
Kasabay ng pag-abante ng teknolohiya sa panahon ngayon ay ang
katotohanang mas maraming kabataan ang mayroon nito kumpara noon. Kung kaya't
ang kaisipan na palitan ng mga gadget ang mga tradisyunal na aklat ay nagbibigay ng
katuturan para sa karamihan. Ngunit, ito nga ba talaga ang mas makabubuti?

Hindi na bago ang makakita ng mga estudyanteng palaging may hawak na


tablet, laptop, o di kaya’y cellphone at ngayong ang edukasyon ay natatamasa sa
pamamagitan ng online class, mas madalas na nagagamit ang ganitong mga
teknolohiya sa pag-aaral. Ating sukatin ang kalamangan at kahinaan ng pagamit ng
mga gadget sa pag-aaral.

Una, ang mga gadget ay napatunayan na isa sa mga epektibong kagamitan sa


pag-aaral hindi lamang sa kadahilanang natatanggal nito ang paghihirap na magbitbit
ng sangkatutak na libro. Ito rin ay nakakatipid ng oras. Ang paghahanap ng mga
bagong impormasyon mula sa iba't-ibang mapagkukunan tungkol sa leksyon gamit ang
internet ay mas mapapabilis at mapapadali. Isang bagay na imposibleng mangyari kung
ang gamit ay isang aklat lamang. Batay naman sa mga siyentipikong pag-aaral, ang
isang mag-aaral umano ay madaling mamroblema at ma-stress kapag hindi ito
nakakasabay sa klase. Isang bagay na maaaring masolusyonan ng teknolohiya sa
pamamagitan ng paggamit multi-media learning. Maaari itong makatulong sa mga mag-
aaral upang alalahanin kung ano ang kanilang pinag-aralan.

Gayunpaman, kung ang paggamit ng mga gadget ay mayroong kalamangan,


mayroon din naman itong kahinaan.

Ayon sa siyensa, ang palaging pagtutok sa mga gadget ay maaaring magdulot


ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad na lamang ng sakit sa ulo, sakit sa mata,
pagkalabo ng paningin at computer vision syndrome. Isa pa sa kahinaan nito ay madali
itong masira. Kapag aksidenteng nahulog ito ay hindi na ito magagamit pa. May
posibilidad rin na ito ay manakaw o di kaya ay maiwala ng mga mag-aaral. Isang bagay
na mahirap bigyang solusyon pagkat ito ay mas mahal kaysa sa mga aklat at ang ibang
mga magulang ay kapos upang agad nakabili ng kapalit. Ang isa pang problema sa
mga gadget ay ang baterya nito. Kapag ubos na ang baterya ng isang cellphone o
laptop, hindi ito magagamit ng ilang oras. Isang bagay na hindi magiging problema sa
paggamit ng aklat.

Sa pangkalahatah, hindi dapat palitan ng mga produkto ng teknolohiya ang


tradisyunal na mga aklat. Bagkus, mas mainam na pareho itong gamitan sa loob ng
klase. Ano man ang magagandang bagay na dulot ng paggamit ng gadget ay hindi
dapat nito (eliminate) ang halaga ng mga libro.

10
Tekstong
Persuweysib

Pagbasa’y Ugaliin,
Pag-aaral Ay
Mahalin

11
PAGBASA'Y UGALIIN, PAG-AARAL AY MAHALIN
“Ang taong hindi nagbabasa ay walang kalamangan sa taong hindi marunong
bumasa.” Sa kabila nito, ang pagbabasa ay hindi gaanong pinapahalagahan ng iba.
Ngunit bakit nga ba ito mahalaga sa buhay ng isang indibidwal?

Ang kasanayan sa pagbabasa ay nangangahulugan bilang abilidad ng isang


indibidwal na makaintindi ng isang teksto. Ito ay isang bagay na sinasanay mula pa
lamang sa pagkabata at ay mahalaga upang maging kapakipakinabang. Kung ating
mamahalin ang pagbabasa, matututunan din nating mahalin ang pag-aaral. Paano?
Una, dahil ang pagbabasa ay tumutulong bumuo sa kaisipan. Ang pag-intindi sa isang
konteksto ay isang paraan upang mas umunlad ang abilidad ng isip ng isang indibidwal.
Pinapalawak nito ang imahinasyon at pagkamalikhain ng isang tao. Sa pagbabasa, ang
isang tao ay maaaring makarating sa iba't-ibang parte mundo kahit pa nakaupo lamang
ito. Sa katunayan, ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ang mga batang mahilig
magbasa ay mas nagiging aktibo sa pag-aaral. Sa madaling salita, ang pagbabasa ay
nakatatalino.

Pangalawa, dito tayo nakakadiskibre ng mga bagong bagay at kaalaman.


Tinutulungan nitong umanlad ang ating emosyon, at saykolohikal na pag-iisip. Ang
taong marunong bumasa ay nakakakalap ng mga bagong impormasyon at nakakakuha
ng bagong mga ideya sa buhay. Ang taong nagbabasa ay hindi nagiging ignorante.
Kung gayon, masasabi natin na ang pagbabasa ay isang HABIT ng taong WELL
EDUCATED.

Panghuling rason kung bakit mahalagang magbasa ay ang katotohanan na ang


dahil dito ay nakakakuha tayo ng iba't-ibang kasanayan o skills. Kasali riyan ang
pagkakaroon ng malawak na bokabularyo at komprehensyon, pagiging matatas, at
pagkakaroon ng critical na pag-iisip. Maaaring magamit ng mga mambabasa sa
kanilang buhay ang mga impormasyon at kaalaman ang kanilang natutunan pagkat ang
pagbabasa ay hindi lamang nagpapayaman sa ating kaalaman kundi ito rin ay
pinapatalas upang ating mapag-aralan at suriin ang mga bagay sa mas mabuting
paraan.

Iyan ay ilan lamang sa marami pang benepisyo ng pagbabasa. Bilang isang


mag-aaral, ako ay naniniwala na malaking tulong ang pagbabasa upang makamit ang
ating pangarap kung kaya't pagbabasa ay ating ugaliin at ang pag-aaral ay mahalin.

12

You might also like