You are on page 1of 7

BEJOC, APRIL MAE C.

BSBA HRM blk 1

PANITIKAN

BINIBINING JEAN JUNE RODRIGUEZ

KARUNUNGANG BAYAN MGA HALIMBAWA NITO AT KAHULUGAN

SALAWIKAIN

Mga matatalinghagang mga salita na nagpapahayag ng mga aral na magiging


batayan sa magandang pag-uugali.

HALIMBAWA:

1. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan.

Maraming klase ng kaibigan sa mundo may mga tunay at mapagpanggap,


misan nasusubok ang pagkakaibigan sa kagipitan, ang mga mapagpanggap ay iwan
kang luhaan, ang mga tunay ay di magaatubiling ikay matulungan.

2. Ang taong tamad, kadalasa’y salat.

Ang pagiging tamad ay walang maaani sa sarili kundi kakulangan sa mga


bagay bagay na nakakabuti.

3. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Ang magandang asal ay maipagmamalaki higit sa kung anong pilak na


maaring makamit ng mga tao. Yaman sa pilak ay maaring kamtin ng nakakarami at
maubos ngunit ang magandang asal ay habang buhay na yaman na maipapamana pa
at mapapalago.

4. Pagkapawi sa ulap, lumilitaw ang liwanag.

Sabihin nalang natin na ang ulap ay ang ating mga suliranin, at gaya ng
ulap natatangay ito ng hangin, ang hangin ang kakatawan sa mga sulosyon natin, at
ang liwanag ang kakatawan sa kaginhawaan. Walang permaminte sa mundo mapa
kasiyahan man o kalungkutan, lahat ay napapalitan.

5. Ang gawa sa pagkabata, ay dala hanggang sa pagtanda.

Kung ano ang iyong mga natutunang gawi nuong mosmos pa lamang kay
siya ring gawain hanggang sa pagtanda, mabuti o masama.
SAWIKAIN

Salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng di


tuwirang kahulugan.

HALIMBAWA:

Taingang kawali – nagbibingi-bingihan

Si Jose ay nagtataingang kawali na naman.

Siling labuyo – taong kahit maliit ay matapang, malakas at magaling.

Nakakapanindig balahibo ang pagiging siling labuyo ni Agnes.

Pusong bakal – walang puso

Isang pusong bakal ang gumahasa sa walong buwan na gulang na bata.

Pasang krus – mabigat na dalahin

Parang may pasang krus si Dahlia kung titngnan sa mukha pa lamang.

Panakip butas – panghalili kapalit

Ayon kay Marcus ay panakip butas lamang si Emily.

BUGTONG

Isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutos


bilang palaisipan.

HALIMBAWA:

1. Likido ang ikinanabuhay niya, hangin ang ikinamamatay niya.

Lampara

Umiilaw lamang ang lampara kapag ito ay nilagyan ng gasolina ang telang
nakakonekta dito, at sa pamamagitan ng malakas naihip ng hangin maaaring sa paligid
o sa ating bibig ay namamatay ang liwanag nito.
2. Ito naming pinsan ko, saka lang kikilos kung pinapalo.

Pako

Kapag may ikokonektang kahoy at pako ang gagamitin, ay saka lamang


ito kikilos kapag pinapalo ng martilyo.

3. Bahay ni Donya Ines, napapaligiran ng butones.

Atis

Ang laman ng atis kay maraming itim na buto na nagmumukhang butones,


ang balat naman ng atis ay mukhang bubong ng bahay.

4. Isang baging, iisa ang dahon.

Saranggola

Ang baging na tinutukoy ay ang pisi nito at ang dahon ay bagay na


nagpapatangay sa hagin na kadalasang gawa sa papel o sa plastik ito ay saranggola.

5. Munting bolang itim, katas ay nakakalasing.

Ubas

Ang ubas ay kilala sa paggawa ng alak, ibat ibang uri ng alak na kapag
nasobrahan ka sa paginom ay iisa lang kalalabasan, tulog sa kalasingan.

PALAISIPAN

Ito ay isang suliranin na uri ng bugtong na tumutulong upang mahasa at subukin


ang katalinuhan ng mga makikinig.

1. May isang bola sa lamesa tinakpan ito ng sumbrero. Pano ito nakuha na di
nagalaw ang sumbrero.

- Butas ang toktok ng sombrero


upang makuha ang bola ng hindi iniaangat o galawin ang
sombrero kailangan butas ang sombrero upang makuha ang
bola sa toktok nito.

2. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa lupa ay ahas, sa tao ay kuto


Ano ang gumagapang sa kabayo?

- Plantsa
Ang kabayong tinutukoy ay ang kagamitang ginagamit upang
matanggal ang gusot sa damit. At ang tawag sa lamesa para sa
plantsa ay kabayo.

3. Kaano ano mo ang biyenan ng asawa ng kapatid mo.


- Nanay
Dahil ang ibig sabihin ng biyenan ay ang magulang ng
pinakasalan na babae o lalaki. At ang tanong ay tungkol sa
kapatid mo dahil dito ang biyenan ng asawa ng kapatid mo ay
magulang mo.

4. Merong limang magkakapatid na kuba, apat ay lalaki at isa lang ang babae, ang
apat na lalaking kuba ay nakapagasawa ren ng apat na kuba at ang anak nila ay
naging kuba rin, ang isang babae naman ay nagasawa ng hindi kuba, at ang
anak nila ay hindi kuba, tanong, bakit hindi nagging kuba ang anak nila?

- Dahil hindi kuba ang apelyido ng kanyang napangasawa


Ang Kuba dito ay isang apilyedo na sa tradisyon ay mga lalaki
lamang ang maaring ipamana ang apilyido nila, samantalang sa
babae ay kung ano ang apilyedo ng napangasawa ay siya ring
magiging apilyedo niya.

5. Siya ay may anim na target sina;


Sanny, Yohey, Nilda, Moymoy, Ochoco, at Ibarra.
Para makumpleto ang misyon kailangan patayin niya sila ng magkakasunod,
Sa paanong pagkakasunod sunod ang pagpatay? Sino ang mauuna at sino ang
mahuhuli?

- Moymoy, Ibarra, Sanny, Yohey, Ochoco at Nilda. MISYON.


Upang mabuo ang misyon sa pamamagitan ng unang titik ng
pangalan at makabubuo ng salitang misyon.

BULONG

Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon sa anyong padasal.

HALIMBAWA:

1. Tabi tabi po ingkong


2. Makikiraan po
3. Tabi tabi po, alsisin mo po ang sakit ng pamilya ko
4. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo
5. Huwag kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit

Bulong ng mga Bagobo ng Mindanao


“nagnakaw ka ng bigas ko’
Umalwa sana mata mo,
Mamaga ang katawan mo,
Patayin ka ng mga anito.”

Bulong sa Ilocos
“huwag magalit kaibigan,
Ami’y pinuputol lamang
Sami’y napagutusan”

Bulong sa Bicol
“dalagang malaki, dalagang maliit,
Ayto ang ngipin kung sira na ay pangit,
Sana ay bigyan mo ng kapalit.”

KASABIHAN

Maayos na pagkakasulat o salitang nagpapahayag na lalong hindi malimot na


kahulugan.

1. Kung anong itinanim ay siya ring aanihin.

Kung kabutihaan ang nangingibaw sa iyong mga gawa ay


kabutihan din ang iyong aanihin, ganoon din ang kasamaan, masamang gawi
masamang ani.

2. Kung saang gubat, ay mayroong ahas.

Kahit saang masukal ang ahas ay nakabantay lamang kaya lagging


magingat pagkat may mga ahas na iba ang kamandag.

3. Ang taong nagigipit kahit sa patalim man ay kumakapit.

Iisang bagay lamang ang tao ay di nauubusan ito ay problema,


kaya minsan nakakagawa tayo ng masama malutas lamang ang suliranin.

4. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Ang kasabihang ito ay nababagay sa mga chismosa na walang


iang ginagawa kundi makialam sa mga tao. Kaya nga ang iba kahit anong pilit
na isekreto ay malalalaman parin ng maraming tao.

5. Kung sino ang pumutak, ay siyang nanganak.

Minsan ang aspetong ito ng karakter ng tao ang nalilimot, ang mga
taong may kasalanan ay dada ng dada, samantalang ang mga wala ay
manantiling tahimik dahil alam nila na kung sino yung putak putak ay siyang
naganak.
KAWIKAAN

Kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa


buhay.

1. Kapag may tiyaga, may nilaga.

Ito ay nangangahulugan na kung ikaw ay matiyaga sa buhay ay


mayroon kay mararating.

2. Daig ng maagap ang masipag.

Sa mga gawain kahit anong sipag hanggat hindi maalam ay


kukulangin lang din ang nasimulan.

3. Kung mi itinaim, may aanihin.

Kapag nagtanim ka ng palay, aani ka ng palay. Kung nagtanim ka


imahinasyon aani ka ng hangin kaya kaibigan ikilos mo yan.

4. Kung maiksi ang kumot matutong mamaluktot.

Hanggat hindi sapat matutu kang magtiis, daratng din ang araw na
ang lahat ay nasa tama.

5. Kung walang apoy, walang usok.

Katulad na lamang ng pagbabangayan kung walang tao nakikisali


upang palakihin ang apoy ng nagaaway walang mas malaking problemang
darating, ngunit dahil sa may gumagatong ang usok ay kakapal ng kakapal
hanggang sa ang lahat ay di makahinga nadamay na.

ANONG URI NG TEORYA NASASAKOP ANG BIAG NI LAM-ANG?

Ang biag ni Lam-ang ay nasasakop sa maraming teorya isa na dito ay ang


teoryang eksistensyalismo sapagkat sa pagsilang pa lamang ni Lam-ang ay may
karapatan o naglagay na siya ng karapatan sa kanyang sarili, ang karapatang pumili na
sarili niyang pangalan. Maaari din itong maging bayograpikal sapagakat nilalahad nito
ang mga karanasan ni Lam-ang ng siyay maglakbay upang hanapin ang pumatay sa
kanyang ama at makipagdigmaan sa mga kaaway. At ang panghuli ito ay nasasakop sa
teoryang romantisismo dahil ipinamalas ni Lam-ang ang kanyang pagmamahal sa
kanyang ama na sa murang edad pa lamang ay nais na niyang makipaglaban upang
maipaghigante ang ama, at ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta, na kayang
sumisid sa dagat na may nakatirang halimaw o kumakain ng tao na hayop para lamang
mapatunayan na totoo ang kanyang pagsinta handa siyang mamatay para dito kahit
alam niya na may mangyayaring masama ay ginawa pa rin niya sa ngalan ng pagibig.

You might also like