You are on page 1of 36

FILIPIN

O
Tukuyin ang mga
sumusunod kung Tulang
Panudyo, Tugmang De
Gulong, Palaisipan,
Bugtong.
1. Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

2. Bata, batuta, nagsuot sa lungga


Hinabol ng daga .
3. Bayad muna bago baba
 
4. Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat?

 
5. Di matingalang bundok
Darak ang nakakamot
KARUNUNGANG-BAYAN
• Ito ay isang sangay ng panitikan kung
saan nagiging daan upang maipahayag
ang mga kaisipan na nakapapabilang
sa bawat kultura ng isang tribo.
KARUNUNGANG-BAYAN
•Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating
mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla,
“Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig
sabihin.” Ito ang ipinalalagay na pangunahing
dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga
akdang patula.
Tula/Awiting Panudyo
• Ito ay may sukat (measure) at tugma (rima).
• Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan
ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam.
Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito
ay kilala rin sa tawag na pagbibirong patula.
Tula/Awiting Panudyo
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo
Tula/Awiting Panudyo
Batang makulit
Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit
Tula/Awiting Panudyo
Batang makulit
Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit
Tugmang De Gulong
•Ang tugmang de gulong ay mga
paalalang makikita sa mga
pampublikong sasakyan gaya
ng dyip, traysikel, o bus.
Tugmang De Gulong
• Ang mga tugma o paalalang ito ay
karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di
kaya naman ay mayroon talagang
makabuluhang mensaheng nais iparating
sa mga pasahero.
Tugmang De Gulong
•Karaniwan ding inihahango ang
mga tugmang ito sa mga
kasabihan o salawikaing
Pilipino.
Tugmang De Gulong
1. God knows Hudas not pay.
2. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa
pinto, sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay
huminto.
3. Basta drayber, siguradong sweet lover.
Tugmang De Gulong
4. Miss na sexy, kung gusto mong malibre,
sa drayber ka tumabi.
5. Ang di magbayad walang problema, sa
karma pa lang bayad ka na.
Bugtong
• Ito ay isang pangungusap o tanong na may
doble o nakatagong kahulugan na nilulutas
bilang isang palaisipan (tinatawag ding
palaisipan ang bugtong).
Bugtong
•Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan
ng paglalarawan. Binibigkas ito nang
patula at kalimitang maiksi lamang.
Bugtong
• Maliit pa si Totoy, marunong nang
lumangoy.
SAGOT: isda
• Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang
anak.
SAGOT: kalabasa
Palaisipan
• Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan.
Layunin nito ang pukawin at pasiglahin
ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-
tipon sa isang lugar.
Palaisipan
• Kadalasang nililikha ang mga palaisipan
bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin
namang magmula ito sa seryosong
matematikal at lohistikal na suliranin — sa
mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay
na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa
pagsaliksik sa matematika.
Palaisipan
•Anong meron sa aso na meron din sa pusa,
na wala sa ibon, ngunit meron sa manok, na
dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa
palaka?
Palaisipan
•May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sombrero. Paano nakuha ang bola nang di
man lamang nagalaw ang sombrero?
Palaisipan
•Sa isang kulungan ay may limang
baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa,
ilan ang natira?
Sagutin Natin!
• Ano ang mga katangian ng sumusunod batay
sa ating tinalakay?
a. Tula/ Awiting Panudyo-
b. Tugmang de Gulong-
c. Bugtong-
d. Palaisipan-
Sagutin Natin!
• Anong kultura ng mga Pilipino ang ipinapakita
sa mga karunungang bayang nabanggit?
• Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo
mapapanatili ang mga kulturang bayan na
meron tayo?
Sagutin Natin!
• Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang
mga akdang pampanitikan na tulad ng mga ito
• Masasabi mo bang may likas na talinong
taglay ang ating mga ninuno batay sa mga
anyong ito ng panitikan? Paano mo ito
mapatutunayan?
Sagutin ang mga sumusunod na bugtong
at palaisipan.
1. Heto na si Kaka, Pabukabukaka.
2. Isang supot ng uling, Naroroo’t bibitin
bitin
3. May ulo’y walang buhok, May tiyan,
walang pusod
Sagutin ang mga sumusunod na bugtong
at palaisipan.
4. May sampung aso sa itaas ng gusali,
May nakita silang pusa sa ibaba,
Tumalon sila sa gusaling iyon. Ilan ang natira?
5. Anong tinapay ang hind kinakain ang gitna?
Ibigay ang hinihingi ng pahayag.
1. Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng
isang tribo.
2. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa
isang lugar.
Ibigay ang hinihingi ng pahayag.
3. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang.
4. Ito ay mga paalalang makikita sa mga
pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel,
o bus.
Ibigay ang hinihingi ng pahayag.
5. Ito ay isang uri ng akdang patula na
kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o
mang-uyam.
Alamin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod.
1. Basta driver, sweet lover.
2. Ang tunay na Ala-eh, sa kanin,
nagsasabaw ng kape
3. Nang munti pa’y minamahal, nang
lumaki na’y pinugutan.
Alamin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod.
4. Aanhin pa ang gasolina kung dyip ay sira na.
5. Si Maria kong dende
Nagtinda ng gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi
Alamin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod.
6. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong
na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang
mga kapitbahay kung saan babagsak ang
itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog
ng tandang?
Alamin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod.
7.  Anong bagay ang ginagawa ng
manggagawa pero di niya ginagamit?
Na siyang binibili rin ng bumili pero di
niya rin gagamit? Na siyang gagamitin
ng gumamit pero di niya nakikita?
Alamin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod.
8. Sariling-sarili mo na, ginagamit pa ng iba.
9. Bata Batuta, Isang pera, isang muta
10. Tatay mong may bulutong, Puwede nang
igatong
Nanay mong maganda, Pwede mong ibenta

You might also like