You are on page 1of 15

Sining ng Matatalinghagang

Pagpapahayag

Dr. Michelle Alipio-Medina


SA PAGGAMIT NG MATATALINGHAGANG
SALITA….

A. Para sa mga manunulat:


1. Nasasalamin ang lawak ng karanasan, ng
dami ng mga nabasa at lalim ng kultura.

2. Nahuhubog nito ang intelektwal na kakayahan


ng isang indibidwal.
3. Nasusukat ang galing ng isang manunulat
4. Nagbabahagi ng kaalaman sa mga bagay-
bagay.

B. Para sa mga mambibigkas:


Isang hikayat sa madlang nakikinig ang mahusay
na paggamit ng mga matatalinghagang salita.
• IDYOMA

IDYOMA
• Isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi
komposisyunal – hindi binubo
ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na
nabuo.
• Di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng
isang lugar
• Tinatawag din na sawikain.
• IDYOMA

Butas ang bulsa – WALANG PERA

• Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka


nagsusugal.

Ilaw ng tahanan – INA

• Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa


pagluluto.

Bahag ang buntot - DUWAG

• Bakit ba bahag ang buntot mo?


• SALAWIKAIN

SALAWIKAIN

• Uri ng matalinghagang
pagpapahayag na karaniwang
binubuo ng dalawang masining na
pangungusap upang magpahayag
ng mga kaisipan, kaaralan,
pagpapahalaga at mabuting
gawing pantao.
• Nagsisilbi ring gabay para sa
pagpapabuti ng kalagayang
panlipunan.
• Salawikain

Kung may isinuksok, may madudukot

• Kailangang magtipid at matutong mag-impok. Hindi sa lahat ng oras ay may


pera.

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

• May ilang tao na saka lang tumulong o magbibigay kung huli na ang lahat at
hindi na kailangan.

Aanhin ang bahay na bato kung kuwago ang nakatira

• Mas mahalaga ang mabuting ugali kaysa sa materyal na bagay tulad ng bahay,
pera o kasuotan.
• KASABIHAN

KASABIHAN

• Uri ng panitikan na bahagi ng


kulturang Pilipino.
• mga tradisyunal na pananalita na
ginagamit batay sa katutubong
kalinangan, karunungan, o
pilosopiya mula sa buhay ng tao
• pahayag na nagbibigay payo at
nagsasaad ng katotohanan.
Madaling maintindihan ang mga
salitang ginagamit.
• KASABIHAN

KASABIHAN

• Mga Halimbawa
• 1.Ang pagsasabi ng tapat,
pagsasama ng maluwat.
2.Titingkad ang iyong
kagandahan, kung maganda ang
iyong kalooban.
3.Ang masipag sa buhay, umaani
ng tagumpay.
• ALUSYON

Alusyon
• Tinatawag din na tukoy
ayon kina Bisa at Sayas
(1966).
• Pamaraang panretorika na
gumagamit ng pagtukoy sa
isang tao, pook, katotohanan,
kaisipan o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong
sulok ng alaala ng isang
taong may pinag-aralan.
Mga Uri ng Alusyon

1. Alusyon sa Heograpiya

• Ang bundok Apo ang Mt. Everest ng Pilipinas.

2. Alusyon sa Bibliya

• Tila nabuhay sina David at Goliat sa magkapatid na


iyan.

3. Alusyon sa Mitolohiya

• Sa kanyang ganda nabuhay si Venus ng Gresya


Mga Uri ng Alusyon

4. Alusyon sa Literatura

• Nabuhay si Balagtas nang magtalumpati ang


kanilang pinuno.

5. Alusyon sa Kulturang Popular

• Si Gerald ang Vice Ganda sa kanilang klase.


• TALINGHAGA

Talinghaga

• Ayon kay Panganiban (1985),


ito ay metapora. Mas
mahabang pahayag kaysa sa
salawikain. Magkakaugnay
ang mga salita at nagtataglay
ng mga kaisipang kailangang
matukoy sa gayon ay
maunawaan ang kahulugan
nito.
TALINGHAGA mula kay Panganiban
(1985)

Magdalita ang niyog,


Huwag magpakatayog;
Kapag uwang ang
umuk-ok, masasaid pati
ubod.
• Magdalita- Magtagumpay
• Niyog- Tao
• Uwang- Mga bagay na mapanira
sa tao
• Umuk-ok- Manira
• Ubod- pagkatao (sarili)
Salawikain
• “Walang ligaya sa lupa, na di dinidilig ng luha.”
• KAHULUGAN: hindi mo mararanasan ang isang kaligayahan kung hindi mo ito pinaghihirapan,
hindi man ikaw ang naghirap dito, may ibang taong malapit sayo na naghirap para sa iyo.
Palaisipan
• May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang
pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag
ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?
Sagot: 5
Bugtong
• Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
Kawikaan
• Siyang lumalakad na kasama ng marunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-
ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” – Kawikaan 13:20
• KAHULUGAN: Maging matalino sa pagpili ng kaibigan, dahil malaki ang papel nito sa magiging
katauhan mo pagdating ng panahon.
May mga katanungan?

ANDREWS CAMPUS, CARITAN SUR, TUGUEGARAO CITY, 3500 CAGAYAN HTTP://CSU.EDU.PH PHONE: (078)-844-0098/
0099

You might also like