You are on page 1of 25

KARUNUNGAN BAYAN

Bb. Ivy Joy B. Ocio


KARUNUNGANG BAYAN (FOLK SPEECH)

  Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng


panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan
tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo. Mayroong iba’t ibang
uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan. Ang
Karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa
pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural. 
  
 KARUNUNGANG
BAYAN

 SANGAY NG
 SALING LAHI
PANITKAN

 KULTURA AT
 PAGKAKAKILANLAN
TRADISYON
SALAWIKAIN
Isang patalinghagang pahayag
na ginagamit ng mga matatanda
noong unang panahon upang
mangaral at hikayatin ang mga
kabataan sa mabubuting asal. 
MGA MAHUHUSAY NA TAGAPAG TIPON NG MGA SALAWIKAING

TAGALOG  
PADRE GREGORIO MARTIN
MARIANO CUADRADO

DAMIANA EUGENIO – gumawa ng


masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain
na umiiral sa Pilipinas.
MGA
KATANGIAN NG
SALAWIKAIN
• Payak at maikli lamang ang
pangungusap 
• Kinasasalamin ng mga puna sa buhay 
• May tugma ang karamihan 
• Pag-uulit ng mga salita 
MGA HALIMBAWA NG
SALAWIKAIN
 Walang masamang kanya,
     Walang mabuti sa iba.

 May tainga ang lupa


    May pakpak ang balita.

 Kapag may isinuksok


     May madudukot     
                                                            

  
Ito ay mga patalinghagang
pananalita. Ito ay paraan ng
SALAWIKAIN pagpukaw at paghasa ng kaisipan ng
tao. Nakalilibang bukod sa
nakadaragdag ng kaalaman.
• Hulog ng langit  - Biyaya o
suwerte
HALIMBAWA • Maluwang ang turnilyo - luko
          NG - luko o nawawala sa sarili
SALAWIKAIN • Makati ang dila - madaldal
• Bukambibig - laging
sinasambit
BUGTONG
•  Pahulaan  sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binubuo ng isa o
dalawang taludtod na maikli at
may sukat at tugma. Layunin nito
ang hasain ang kaisipan ng mga
mag-aaral, Tinatawag itong
“riddles” sa wikang Ingles.
HALIMBAWA NG
BUGTONG

• Munting palay, puno ang buong


bahay.
• Dala mo, dala ko, dala ka ng iyong
dala.
• Di hari, di pari , nagsusuot ng sari -
sari.
.
PALAISIPAN

 Ito’y gumigising
sa kaisipan ng tao
upang bumuo ng
isang kalutasan sa
isang suliranin.
 HALIMBAWA NG PALAISIPAN

May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano


nakuha ang bola na di man lang nagalaw ang sumbrero. 

SAGOT:  Butas ang tuktok ng sumbrero. 


•Ang bulong ay isang malaking bahagi
ng kultura ng mga Pilipino, isa sa mga
halimbawa nito ang mga sinasambit
BULONG
ng mga sinaunang Pilipino kapag
napapadaan sa hindi pamilyar na
lugar o di kaya’t napapadaan sa
punso, na pinaniniwalaang tahanan
ng mga duwende
HALIMBAWA • Huwag magalit kaibigan, aming
NG pinuputol lamang ang sa ami’y
BULONG napag-utusan.
KASABIHAN
Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother
Goose o Nursery Rhymes. Ito ay ang mga tulang pambata o tugmang walang diwa o
mababaw ang isinasaad na kahulugan.

     HALIMBAWA: Putak ng putak batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.


Kauri ng salawikain na ang mga
kabataan lamang ay laging
nagtataglay ng aral sa buhay.

KAWIKAAN
HALIMBAWA: Ang taong
matiyaga, anuman ay
nagagawa.
AWITING/
KANTAHING
 BAYAN
( Folk Song )
• Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na
nagpapahayag ng dadamin, kaugalian, at karanasan ng
mga taong naninirahan sa isang pook.
Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo
Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago dumating ang mga mananakop.
MGA HALIMBAWA NG
AWITIN/ KANTAHING
BAYAN:
• Oyayi - Awiting  panghele sa
bata o lullabies”
• Soliranin - Awit sa paggaod
o “towing”
• Kumintang - Awit sa
pandigma o “war/battle
songs”
• Kundiman - Awit sa pag-
ibig o “Love songs”
•Dalit - Awit na panrelihiyon o
“Hymns”
•Diyona - awitin tungkol sa
kasal o “nuptial/courstship
songs”
•Talindaw - awit sa
pamamangka/ pagsagwan
•Maluway - awit sa sama-
samang paggawa o “work
songs”
•Kutang-kutang - awiting
pansalansangan o “street
songs”
•Pananapatan -
Panghaharana o “serenades”
•Sambotani - awit
pagtatagumpay o “victory
songs
•Balitaw - mga awitin ng
panghaharana sa mga Bisaya
•Dung-aw - awit para sa mga
pumanaw ng mga Ilokano
•Pangangaluwa - Awit para sa
araw ng mga pumanaw ng
mga Tagalog o “dirges”
Maraming Salamat po!

You might also like