You are on page 1of 24

MAGANDANG ARAW!

“NARITO
PO”
Layunin:

- maisa-isa ang mga KARUNUNGANG BAYAN


- matukoy ang kalahagahan ng KARUNUNGANG
BAYAN
KARUNUNGANG
BAYAN
SALAWIKAIN, SAWIKAIN, BUGTONG, PALAISIPAN,
BULONG
KARUNUNGANG BAYAN
Ang karunungang bayan ay isang sangay ng
pantikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa
bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa
pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na
nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural. 
Mga
Karunungang
bayan
1. Salawikain – Isang patalinghagang
pahayag na ginagamit ng mga matatanda
noong unang panahon upang mangaral
at akayin ang mga kabataan sa mabuting
asal.
Pangkat ng Salawikain:

1. Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay


at sa batas ng buhay.
2. Nagpapahayag ng mabuting asal.
3. Nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao.
4. Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan sa
buhay at kalikasan ng tao.
5. Nakapagpapatawa
Katangian ng Salawikain:

1. Maikling pangungusap
2. Payak
3. Karaniwang mga pananalita
4. Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
5. May tugma ang karamihan
6. Pag-uulit ng mga salita
Mga halimbawa ng Salawikain:

Walang masamang kanya


May tainga ang lupa Walang mabuti sa iba.

Aanhin pa ang damo


Kung patay na ang kabayo

Kapag may isinuksok


May madudukot
SAWIKAIN
Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang
paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng
tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng
kaalaman.
Halimbawa:
Hulog ng langit – biyaya o suwerte
Makati ang dila – madaldal
Bukambibig – laging sinasambit
Anak pawis – dukha
BUGTONG

Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo


ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at
tugma. Halimbawa:
Munting palay, puno ang buong bahay.
Dala mo, dala ko, dala ka ng iyong dala.
Di hari, di pari, nagsusuot ng sari-sari.
PALAISIPAN
Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
Halimbawa.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito
ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
na di man lang nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero
BULONG
Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may
nadadaanang punso sa lalawigan na
pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga
duwende o nuno.
Halimbawa:
Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol
lamang, ang sa ami’y napag-utusan.
Naunawaan ba ang ating tinalakay?
PANG WAKAS NA PANALANGIN
PAALAM
AT
SALAMAT!

You might also like