You are on page 1of 5

Week :3

Title : ALAMAT
Subject : Filipino 8
Subject Teacher : Mikko L. Domingo

Course Objective:

Narito ang mga kasanayang dapat mong matutunan at magawa nang buong husay.

Pakikinig (F8PN-Ig-h-22)

 Nakikinig nang may pagunawa upang : - mailahad ang layunin ng napakinggan - maipaliwanag ang
pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari

Pag-unawa sa Binasa (F8PB-Ig-h-24 )

 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: - paghihinuha batay sa mga ideya
o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa

MGA KATANGIAN NG EPIKO

1. Matalingha o malalim ang mga pananalita sa epiko.

Ang epiko ay hitik sa mga metapora o iba pang mga tayutay. Dahil hindi literal ang mga pananalita sa epiko,
kailangan itong basahin nang mabuti upang maunawaan ang kahulugan ng bawat mga taludtod.

2. Ang mga tauhan ay may bansag o pagkakakilanlan.

Kadalasang may ikinakabit na paglalarawan sa pangalan ng tauhan


upang mas madali itong maalala ng mga mambabasa. Napapadali rin
nito ang pagkilala sa personalidad ng naturang tauhan.

3. Direktang pananalita mula sa mga tauhan.

Mababasa sa epiko ang mismong dayalog na sinasalita ng tauhan. May


mga linyahan ng tauhan na tumatatak sa mga mambabasa.
Kadalasang dito nagmumula ang mga sikat ng kawikaan.

4. Naglalaman ng mga kababalaghan o di-kapanipaniwalang


pangyayari.
Madalas na eksaherado ang mga eksena sa mga epiko. May taglay na
kapangyarihan rin ang mga pangunahing tauhan na ginagamit nila
upang matalo ang kalaban.

5. Nagpapakita ng agwat sa

pagitan ng mga tao at mga diyos.

Ipinakikita sa epiko na ang mga diyos ay laging nakahihigit sa mga tao dahil sa
taglay nilang kapangyarihan.

6. Malawak o maraming tagpuang nasasangkot.

Ang pangunahing tagpuan sa epiko ay maaaring hango sa


isang tunay na umiiral na lugar sa mundo, mayroon rin
namang piksyon na tagpuan. Pero hindi lang sa isang
tagpuan umiikot ang epiko. Maaari itong maging sa ibang
panig ng mundo o sa kalawakan pa nga.

7. Buhay pag-ibig ng pangunahing tauhan.

Bukod sa pakikipagdigma at paggapi sa kalaban, layunin


din ng pangunahing tauhan na mahanap ang kaniyang iniibig at na masaya silang mamuhay nang magkasama sa
wakas ng kwento.

8. Aral ng kabayanihan.

Ang ipinakitang kabayanihan at magagandang katangian ng


pangunahing tauhan ay isang huwaran para sa mga katutubo.

MGA ELEMENTO NG EPIKO

•Banghay

•Matatalinghagang salita

•Sukat at indayog

•Tagpuan

•Tauhan

•Tugma
MGA HALIMBAWA NG EPIKO •Bantugan (Mindanao)

Sa Pilipinas: •Bidasari (Mindanao)

•Biag ni Lam-ang (Ilocos) Sa Buong Mundo:

•Hudhud (Ifugao) •Iliad at Odyssey (Gresya)

•Alim (Ifugao) •Siegried (Alemanya)

•Ibalon (Bikol) •Kalevala (Finland)

•Hinalawod (Panay) •Ramayana (India)

•Humadapnon (Panay) •Kasaysayan ni Rolando (Pransiya)

•Maragtas (Bisayas) •Beowulf (Inglatera)

•Darangan (Maranao) •El Cid (Espanya)

•Sundiata (Mali)

•Epiko ni Haring Gesar (Tibet)

-The End-

NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Pagsusulit bilang isa

Ibigay ang mga tauhan sa buod ng Epiko at tagpuan nito ilagay ang mga kasagutan sa ibaba ng kuwento

Biag ni Lam-ang Buod (Epikong Ilokano)


Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siya ipanganak ni
Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy.
Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang bata si Lam-ang
dahil kaya na niyang magsalita at may taglay siyang kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang
kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-
ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na
nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siya, nakita niya ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay
niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siya sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan siya. Nang maligo siya
sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang
nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siya sa nasabing lugar,
kasama ang tandang at aso niya. Nakarating siya matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni
Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga
hiling ng magulang nito kaya ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siya ng berkakan,
isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labi at sa tulong ng kaniyang tandang, muli
siyang nabuhay at namuhay nang matiwasay.

ACTIVITY/OUTPUT

Ang lyong PeTa

Upang matiyak na makakamit mo ang mga nasabing layuning pampagkatuto, narito ang gawaing dapat
mong maisakatuparan: Sa mga nakaraang linggo ay naging kapansin-kansin ang pagdami ng mga mag-aaral na
madalas lumiliban sa kanilang mga klase. Ikaw ay nabibilang sa mga miyembro ng Student Council ng inyong
paaralan at isa sa inyong mga proyekto ang magbigay tulong sa inyong mga guro upang malaman ang mga
dahilan nito. Ikaw ay gagawa ng isang maikling papel na naglilista ng ilan sa mga dahilan ng pagliban ng mga
mag-aaral sa inyong paaralan at magmumungkahi ng ilan sa mga pamamaraan na maaring gawin ng inyong
mga pinuno sa paaralan upang maibsan ang suliranin.

Prepared by:
Mikko L. Domingo
Subject Teacher

Checked by:
Mrs. Janice J. Tamayo
JHS Principal

You might also like