Professional Documents
Culture Documents
Aralin 3-Indarapatra
Aralin 3-Indarapatra
Sulayman
(Epikong Mindanao)
Tara!
"Ang pagtulong at
pagmamalasakit sa iba hatid ay
kapayapaan at magandang
relasyon sa kapuwa"
Mayroon ka bang kilalang superhero? Sino siya? Subukin mo nga siyang
iguhit o ipakilala sa loob ng kahon. Isulat mo rin ang mga katangiang taglay
niya kung bakit mo siya hinahangaan.
Alam Mo Ba?
Ang mga superhero ay binuhay at natawag na mga tauhang nagtataglay ng pambihirang
kapangyarihan. Mula ang mga ito sa komiks, pelikula, o iba pang babasahin at panoorin. Sila ay mga
tauhang may kakaibang lakas, katalinuhan, at superpowers gaya ng paglipad, pagiging invisible,
pagiging immortal o walang kamatayan at iba pang kakayahang wala sa pangkaraniwang tao. Ang
kanilang lakas ay karaniwang nanggagaling sa isang anting-anting o agimat na ipinagkakaloob ng
mga diwata o natatanging nilalang. Sa umpisa, ang mga superhero na ito ay mga pangkaraniwang
tao lamang ngunit dahil sa kabutihan ng kanilang puso ay napagkakalooban sila ng natatanging
kapangyarihan upang ipagtanggol ang mga naaapi at iligtas ang sanlibutan laban sa masasamang
nilalang. Ilan sa kilalang superherong likha ng mga manunulat na Pilipino ay sina:
1. Captain Barbell
2. Darna
3. Panday
4. Krystala
Natutukoy ang mga Salita sa Tulong ng mga
PahiwatigIbigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa
tulong ng mga pahiwatig na titik sa bawat panaklong.