You are on page 1of 18

Aralin 3: EPIKO

(Ikatlong Linggo)

Panitikan: Indarapatra at Sulayman


Wika at Gramatika: Pang-ugnay na
ginagamit sa Sanhi at Bunga
BALIK-ARAL
1. Ito ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng hayop
bilang tauhan?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Anong hayop ang nais ulamin si Pilandok?
4. Ano ang bali-balitang ugali mayroon ang ating
pangunahing tauhan?
5. Sino ang nakatalo kay Pilandok?
6. Anong ginawa ng mga suso upang matalo si Pilandok?
7. Ano ang gintong aral ang nakuha sa pabula?
Pang-ugnay na ginagamit sa
Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay tumutukoy sa
ugat o dahilan ng naging ng
isang pangyayari ito’y
matutukoy sa pamamagitan
ng mga panandang ito.
Sapagkat
Dahil sa
Palibhasa
Kasi
Halimbawa
1. Nawala ang tiwala ni Gilbert sa
kanyang kaibigan, sapagkat
nalaman niyang sinisiraan siya
nito sa kanyang mga kamag-anak.
2. Dahil sa malakas na pag-ulan,
bumaha sa maraming Probinsya.  
 3. Agad siyang nakapasok sa
trabaho sa pamahalaan,
palibhasa’y anak siya ng artista.
4. Siya ay pinauna sa mahabang
pila, kasi meroon siyang
kapansanan.
samantalang ang bunga naman
ay tumutukoy sa naging
kinalalabasan ng isang
pangyayari. Ito’y matutukoy sa
pamamagitan ng mga panada
tulad ng mga sumusunod:
Kaya
Bunga nito
Tuloy
Dahil dito
Halimbawa
1. Kaya siya ang nanalo sa isang
paligsahan,dahil siya ay napakahusay.
2. Palaaway at nanakit sa kanyang
mga kalaro si James, bunga nito
nilalayuan na siya ng kanyang mga
kaibigan.
3. Nagpakita ng husay sa
pagkanta si Gemma,tuloy s’ya ang
napili upang ilaban sa paligsahan
sa pagkanta sa ibang bayan.
4. Luminis ang tubig sa Manila
Bay, dahil dito, dinarayo na ito ng
mga tao.
1. Ano ang napansin mo sa mga larawan?
2. Ano-ano ang mga katangian sa larawan ang
hindi makikita sa katangian ng isang
ordinaryong tao?
3. Maituturing ba silang bayani? Bakit?
4. Batay sa larawan ano ang katangian ng isang
epiko?
EPIKO
Galing sa salitang Griyego “epos” na ang
kahulugan ay “awit” Bawat rehiyon ay may
bukod tanging epiko.

Ito ay tumatalakay sa mg kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang makababalaghan .
EPIKO
Kwento ng kabayanihan noong unang panahon
na punong-puno ng mga kagila-gilalas na
pangyayari.

Ang mga pangunahing tauhan ay nagtatanglay


ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at
kadalasang buhat sa lipi ng mga diyos 0 diyosa .
Halimbawa ng Epiko

Hudhud ni Aliguyon ( Epiko ng


Ibalon ( Epiko ng Bicol) Ifugao) Biag ni Lam-Ang (Epiko ng Ilokano)

Maragtas ( Epiko ng Bisaya) Bantugan ( Epiko ng Mindanao) Hinilawod ( Epiko ng Panay)


INDARAPATRA AT SULAYMAN
Epiko ng Maguindanao
Indarapatra at Sulayman
1. Sino-sino ang itinuturing na bayani ng mga taga
Maguindanao?
2. Ibigay ang kanilang katangiang taglay?
3. Bakit kailangang iligatas ng mga bayani ang mga taga
Maguindanao?
4. Ano ang hiniling ni Indarapatra sa Diyos?
5. Sino ang pinakasalan ni Indarapatra?
6. Anu-ano ang mga tinuro ang iniwan ni Indarapatra sa
taga- Maguindanao?

You might also like