You are on page 1of 9

FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)

Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Modyul sa

FLT 208: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2-


Panitikan ng Pilipinas

(FINALS)

Gawain
4.1.1. Gumawa ng tsart katulad ng nasa ibaba. Sa unang hanay, kopyahin
ang napiling dalawang (2) salawikain sa itaas. Sa ikalawang hanay, tukuyin
ang sukat( gansal o pares) at sabihin ang bilang ng pantig nito. Sa ikatlong
hanay, tukuyin ang tugma

Salawikain Sukat Tugma

Pares(7) Magalaw - Mababaw


Kung tubig ay
magalaw(7)

Ang ilog ay
mababaw(7)

Pares(7) Hiyaya - Tunganga


Ubos-ubos biyaya,(7)

Bukas nama’y
tunganga(7)

4.1.2 Pagsusuri sa Nilalaman ng Salawikain. Batay sa napili mo sa unang


gawain, ipaliwanag ang literal na sinasabi ng salawikain sa ikalawang hanay.
Sa ikatlong hanay, ipaliwanag ang sa tingin mong iba pa nitong gustong
sabihin.
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Salawikain Literal na kahulugan Iba pang kahulugan

Kung tubig ay magalaw Pagkakaroon ng Ang taong hindi


masalita ang totoong
kakulangan sa pag-
Ang ilog ay may malawak na
mababaw unawa sa gawang kaalaman.
mabuti at nararapat.

Pagwawaldas na hindi Ang pag gastos o pag


Ubos-ubos biyaya, iniisip ang bukas. abuso sa bagay na
meron tayo.
Bukas nama’y
tunganga

4.1.3 Gumawa ng sarili mong bugtong. Sundin ang mga pamantayan sa


ibaba.
➔ Kailangang mayroon itong wastong tugma at sukat. Sikaping gawing higit pa sa
payak ang antas ng iyong tugmaan.
➔ Kailangan ay mayroong malinaw na larawang naipakikita ang iyong bugtong, na
parehong nagpapalinaw at nagtatago sa pinahuhulaang bagay.
➔ Kailangan ay tiyak na natutukoy ng iyong bugtong ang pinapahulaang bagay.
Ibig sabihin, hindi maaaring mayroon itong ibang bagay pang natutukoy.
1. HINDI NAKIKITA NGUNIT MAPINSALA
KAHIT SINO AY MAAARING MAHAWA.
Answer: COVID/CORONA VIRUS

2. ITOY MAIHALINTULAD SA ISANG KANTA NI MOIRA


NA NAGSASABING “LAYO NG LAYO BAT KA LUMALAYO?”
Answer: SOCIAL DISTANCING

3. KAPAG SINUSUOT PARANG HINDI MAKAHINGA,


KAPAG BINABABA AY MAAARING MAHAWA?
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Answer: FACEMASK
4.1.4 Talakayin ang mga sumusunod.

1. Ano-ano ang sinaunang paniniwalang ipinakita sa Hudhud ni Aliguyon? Bakit ito


mahalag?

Ang sinaunang paniniwalang ipinakita sa Hudhud ni Aliguyon ay ang pagsamba sa


kapaligiran o kalikasan at ang pagsamba sa madaming diyos, kung saan madaming
ritwal silang ginagawa at sakripisyo sa kanilang paniniwala dahil sila ay naniniwala na
ito ay makapagdadala ng magandang pangyayari o kabuganaan sa kanilang
nasasakupan o sa kanilang tribu. Bago naganap ang labanan sa pagitan ni Aligayon at
Pumbakhayon sila ay parehong nagdasal at humingi ng pahiwatig. Sila ay nag alay ng
tandang sa ritwal at sa idao o isang itim na ibon na hawak ang propesiya bago
makipagdigma. Sa kanilang tribu ang paniniwala na ito ay mahalaga lalo na kapag sila
ay makikipagdigmaan. Ang kanilang paniniwala sa ritwal na ito ay sila ay gagabayan ng
mga diyos na kanilang sinasamba.

2. Ilarawan si Aliguyon? Bakit ganito ang napiling katangian ng bidang tauhan ng


mga
mananalaysay?

Aliguyon, isang mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa


paghawak ng sibat. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng
kanyang ama. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang
kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Tinuruan din
siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang
na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan
ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ito ang mga katangiang pinili ng mga mananalaysay para sa bidang si


Aliguyon dahil ito ang mga pinahahalagahan ng kanilang kultura nang panahong
iyon.

3. Paano mo ilarawan ang labanan sa pagitan ni Aliguyon at Pumbakhayon?


FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Ang labanan sa pagitan ni Aliguyon at Pumbakhayon ay anak sa anak ang


nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na
sa paghawak ng sibat.

4. Ano ang sinasabi ng epikong ito tungkol sa pagturing ng mga Ifugao sa


digmaan?

Itinuring ng mga ifugao na ang digmaan ay isang patagisan ng lakas at


palakasan  na may pananalig sa diyos. Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina
Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay,
karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at
pagmamalasakit sa Inang Bayan.  Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga
Ipugaw ang kanilang kadakilaan.  Inaawit ang kanilang katapangan.  Hindi
mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang
mandirigma.  Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang
dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.

5. Anong aral ang makukuha ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng epikong ito?

 Mahalaga ang epiko upang maibahagi sa mga kabataan ang mga kwento at


nilalaman nito, at magkaroon sila ng maraming kaalaman.
 Mahalaga ang epiko, sapagkat ang mga aral na mayroon ito ay sadyang
natatangi at maaaring magbigay inspirasyon sa mga kabataan.

Yunit 4.2.Paghahanay ng mga Panitikang Dapat at Di-dapat Itinuturo sa Uri ng mga


Mag-aaral:
Gawain
4.2.1. Basahin ang Maikling Kwentong Aloha sa sunod na pahina at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

1. Ano kaya ang rason bakit Aloha ang ipinangalan sa bida sa kwento?

Aloha ang ipinangalan sa bida ng kwento dahil ito ay isang kuwento ng isang

lalaki, si Dan Martel na ang ama ay isang milyonaryo mula sa Hollywood at nagtapos

bilang kapitan ng koponan ng Football mula sa kanyang unibersidad, USC (University of

Southern California).
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

ALOHA- alitang Olelo Hawaii, isa sa pinakamatatandang buhay na wika sa


daigdig. Katumbas ito ng “kumusta” o “paalam" at ng “pag-ibig” at “pagkagiliw”
o affection.  Ikinakabit ito sa ibang salita upang maging gamit-pambati, gaya ng
“aloha kakahiaka” (magandang umaga), “aloha auinala” (magandang tanghali),
at “aloha ahiahi” (magandang gabi).

“Aloha” sa DEOGRACIAS A. ROSARIO: Ang Sining ng Maikling  Kuwento na tinipon at


sinuri ni Romeo G. Dizon at inilathala ng KAL UP (ang bersyong ito), “ALOHA” sa kauna-
unahang limbag, at “Aloha!” sa iba pang mga antolohiya. Wala akong nakalap na
impormasyon ukol sa pagbabago-bagong ito.
Ginawaran ng karangalang Kuwentong Ginto noong 1932,  ang “ALOHA” ay
nagtamo ng mga medalyang ginto sa “Ilaw at Panitik” at “Kalipunan ng mga
Kuwentista”. Sa “Paunang Salita “ ng unang limbag ng kuwento, sinasabi ni Alejandro
G. Abadila -- hurado ng naturang patimpalak -- na ito ay “perlas ... sa gitna ng mga
perlas....Sinasalamin ko ang “ALOHA”, sa kanya’y namalas ko ang aking larawang
kayumanggi, ang larawan ng aking lahi”. Sa pagsusuma, sinasabi ni Abadilla na
ang “ALOHA” ay “makasining sapagka’t nangangayupapa sa paanan ng Kagandahan,;
teckniko, sapagkat ang ‘tatlong pagkakaisa’ na kinakailangan sa isang ... maikling katha
ay na sa balangkas ng diwa ni Deogracias A. Rosario; at may dakilang tinutukoy sa
pagkakasulat, sapagka’t may lihim na hangaring magpabulaan sa isang paniniwalang
tila di gumagalang sa kabanalan ng isang Dios.” Sampung libong kopya ang bilang ng
unang limbag ng ALOHA (Rosario, Deogracias A. 1933. Anak Ko at ALOHA. Maynila:
Benipayo Press at Fotograbado).

2. Bakit nakarating sa Honolulu si Dan Merton gayong siya ang mula sa California?

Nagsimula ang kwento sa bakasyon ni Dan Merton sa Hawaii regalo na ng


kanyang ama sakanyang pagtatapos. Nang makapagtapos si Dan Merton sa
Unibersidad ng South California, ang naging gantimpala sa kanya ng kanyang ama ay
isang pagliliwaliw sa “Paraiso ng Pasipiko” – ang Haway. Bagong labas sa kolehiyo, may
pangalan at tanyag  palibhasa’y kapitan ng mapagwaging koponan sa football   ng
kanilang paaralan; anak ng milyonaryo sa Hollywood at sadya namang magandang
lalaki, si Merton ay naging “idolo” ng mga sakay sa Malolo, nang minsang tumulak  ito
buhat sa Los Angeles hanggang Honolulu.

3. Ano ang nais ipabatid ng ginawa ni Noemi nang siya ay magpalit at ipakita ang
kaniyang pagiging Kanaka?

Ang nais ipahiwatig ni Noemi ay ang sumusunod:

 Siya ay isang isang tunay na Kanaka, subali’t halimbawa ng dalagang may


mataas na pinag-aralan.
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

 Ang tunay na pagmamahal ay hindi matutumbasan ng salapi o anumang


bagay sa mundo.
 Matutong tanggapin ang mga bagay na hindi mo kayang tutulan.

4. Paano mo mailalarawan ang ama ni Dan sa pag-aalok niya ng pera sa dalaga


upang ang anak nito ay kaniyang layuan?

Ama ni Dan Merton; taliwas sa kagustuhan ng anak namapangasawa ang isang


kanaka.
Mailalarawan ko na ang ama ni Dan Merton ay nagpapahiwatig ng (racial
discrimination) o diskriminasyon sa lahi kung saan siya ay tutol sa
mapapangasawa ng kanyang anak na si Noemi na isang tunay na kanaka.

Ipaliwanag: Ang Silangan ay para sa Silangan Lamang.


Ang pangungusap na ito ay kinuha sa sa maikling kuwento na ‘’Aloha” kung saan
nagpapakita o nagpapahiwatig ng discriminasyon sa lahi. Nangangahulugan ito na
dapat ang taong nasa silangan dapat makapag asawa ng kanyang kalahi lamang.

Yunit 5
Gawain E.1 Pumili ng isang nobela mula sa mga sumusunod sa ibaba at basahin ang
buod nito. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
*Sampaguitang walang bango
*Mga Ibong Mandaragit
1. Ano ang saysay sa iyo ng nobelang napili?

 SAMPAQUITANG WALANG BANGO

Masasabi kong ang pakiki apid o pagtataksil ay isang kasalanan na kalian man ay hindi
mababago sapagka’t ang kasalan na ito kapag ginawa ay buong pamilya ay masisira
pati dignidad na iyong pinakaingat-ingatan. Kasalanan ito sa Diyos sapagkat nangako ka
kasama ng taong mahal mo na handa mong makasama pang habambuhay sa harap
ngdambana na siya lamang ang taong mamahalin mo bukod sa Diyos ay wala ng iba.
Malaki rin ang epekto nito sa buhay ng tao. Masasabi kong nasa huli ang pagsisisi,
sapagkat sa bawat gawain na ating ginagawa ay may epekto ito hindi lamang sa ating sarili
bagkus pati na rin sa ating kapwa.

2. Paano mo isasabuhay ang aral na nakuha mo sa nobelang napili?

Kung darating sa punto ito ang buhay ko, hindi ko gagayahin ang ginawa ni
pakito na nakiapid sa may asawa at ginamit ang kahinaan ni nenita sa mga
pangyayari.
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Yunit 6. Ang pagtuturo ng di-tradisyunal o alternatibong pagtataya

Gawain- Diskusyon.
6.1.Ipaliwanag ang magandang implikasyon ng paggamit ng Pormal na Pagtataya
upang matasa ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Ang pagtatayang pormal ay nagaganap habang isinasagawa ang proseso ng


pagtuturo at pagkatuto. Sinusukat nito ang pagbabago ng pagkatuto ng mag-aaral sa
klase. Halimbawa, kapag may ginagamit na teknik ang guro sa gawain sa klasrum, ang
pagtatayang pormal ang magbibigay hudyat sa guro kung gagamitin pang muli ang
napiling teknik sa sunod na gawain at sa ibang pangkat ng mag-aaral. Nakatutulong
ito upang mabatid ng guro ang kanyang husay sa pagtuturo.

6.2.Ipaliwanag ang magandang implikasyon ng paggamit ng Alternatibong Pagtataya


upang matasa ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Ayon naman ni Petro Feketa (2009), “Knowledge must be expressed to be


assessed.” Maraming mga estudyante ang nahihirapan at hindi gaanong umaangat sa
tradisyunal na pagtataya, ang tinatawag na pasulat na pagsusulit. Samantalang, kung
sa mga interaktibong mga gawain, nagiging aktibo sila at masasabing sila ay umaangat
sa antas ng kasanayan. Nagpapatunay lamang ito sa pilosopiyang, “Behind active
learning, comes from the idea that every students learns differently.” Kung kaya,
nagkaroon pa ng isa pang uri ng pagtataya, ang alternatibong paraan, na sumusukat sa
kakayahan at kasanayan ng mga estudyante mula sa natamong kaalaman sa pagtuturo.

6.3.Bakit mahalaga na magkaroon ng varayti (Pormal at Alternatibong Pagtataya) sa


paraan ng pagtataya sa ating mga mag-aaral?

         Ayon kay Bridgett Michelle Lawrence (2010), “Classroom assessment is one of
the most important tools teachers can use to understand the needs of the students.”
Sa pahayag na ito, sinasabing ang pagtataya ay mahalagang kasangkapan upang
masukat ng guro ang kaalamang natamo ng mga estudyante. Matutuklasan ng guro
ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat indibidwal. Kung gayon, mabibigyang gabay
siya upang mas mapaunlad ang paraan ng pagtuturo at mabigyang direksyon ang mga
estudyante tungo sa pagkatuto.

Gawain 6.4. Ano ang iyong mahalagang natutunan hinggil sa iba’t ibang paraan ng
pagtuturo ng panitikan/literatura?
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

Sa pamamagitan ng panitikan maaari kang matuto ng iba't ibang kaalaman o


impormasyon na hindi masyadong nababanggit. Maaari ding lumawak ang kaalaman
mo dahil sa malalalim na bokabukaryo na nasa panitikang iyon. Maaari ka ding
makatuklas ng magagandang kwento sa bawat panitikang iyong nababasa.
6.5. Bakit mahalaga ang pagtuturo ng panitikan?
Ang pag-aaral ng panitikan ay nagbibigay-daan sa mga kabataan na magkaroon
ng kakayahang mag-isip nang kritikal tungkol sa iba't ibang paksa, mula sa iba't ibang
teoretikal na pananaw. Sa pamamagitan ng mga libro, malalaman nila ang tungkol sa
iba't ibang makasaysayang kaganapan at magsisimulang maunawaan ang malawak na
hanay ng mga kultura. Sa esensya, ang English Literature ay tutulong sa mga
estudyante na maunawaan ang iba't ibang karanasan mula sa iba't ibang pananaw, na
tumutulong sa kanila na maging mas bukas ang isipan at empatiya. Pinalalawak nito
ang kanilang mga abot-tanaw at nagbibigay-daan sa kanila na maunawaan ang mundo
sa kanilang paligid sa mas malalim na antas.

6.6. Ano ang implikasyon ng pagtuturo ng bagong kritisismo sa panitikan?

Ayon sa librong Kritisismo ni Soledad S. Reyes

(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo p.55-67)

Ang Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng


kilusang modernismo sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong pananaw dahil
sa magkaugnay na mga pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at
sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.

            Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay
sa Bagong Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang sarili
bilang tagapagsuri hindi ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng ideolohiya, hindi ng
manunulat kundi ng akdang pampanitikan. Sa makabagong pananaw, sa madaling
salita, hindi na binibigyang halaga ang sumususnod na mga element: ang may-akda,
ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa. Walang kabuluhang mabatid ang
intensiyon ng may-akda sa kanyang paglikha sapagkat siya ay isang indibidwal na
pumasok sa sistema ng pagsulat na may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso
ng panitikan.
FLT 208- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
Pangalan: Loredo, Jessa Mae D. Kurso at Taon:BEEd 2A

            Bukod rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa
lamang na sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang
maging instrument para ipahayag ang ideolohiya o pananaw.Bilang pagbubuod,
maituturing ang Bagong Kritisismo bilang prudukto ng makabagong sensibilidad: ng
kilusang modernism sa teorya at krititsismo. Pinatunayan ng pananaw na ito na may
sapat na kakayahan ang kritisismo upang gawing obhektibong siyensiya ang pag-aaral
at maging ang interpretasyon ng panitikan.

Bilang karagdagan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa wikang Ingles ng mga


mag-aaral, ang pagtuturo ng panitikan ay nakakaakit din sa kanilang imahinasyon,
nagkakaroon ng kamalayan sa kultura, at hinihikayat ang kritikal na pag-iisip tungkol sa
mga plot, tema, at karakter.

You might also like