You are on page 1of 15

7

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 4
Panitikang Bisaya: Salamin ng
Mayamang Kultura, Tradisyon, at
Kaugalian ng Kabisayaan

-0-
Panimula
Ang modyul na ito ay naglalaman ng epiko mula sa Lambunao, Iloilo (ang kabisera ng
Kanlurang Visayas) na pinamagatang Labaw Donggon. Bahagi rin ng modyul na ito ang
pagtalakay sa mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklino) na
makatutulong upang masuri ang pagkakaiba ng mga salita batay sa tindi ng kahulugang
ipinapahayag.

Aalamin natin kung paano nakatutulong ang mga pangyayari sa epiko na


makapaglarawan ng aspetong pangkultura ng Visayas tulad ng kanilang kaugalian,
kalagayang panlipunan at paniniwala. Gayundin, kung paano isasaayos ang mga simpleng
mga salita batay sa tindi ng pagpapakahulugan.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F7PU-IIg-h-10 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga


ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura
F7PT-IIc-d-8 Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang
F7PT-IIe-f-9 paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas
ng kahulugan (pagkiklino), mga di-pamilyar na salita mula sa akda, at
mga salitang nagpapahayag ng damdamin

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng pangalan,
taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.

Pangalan: ______________Taon/seksyon: ____ Petsa: ____ Bilang ng Modyul: 4

1. Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa
iba pang akdang pampanitikan?
A. nagtataglay ng kapangyarihan C. naglalakbay sa malayong lugar
B. naiibang pagkilos at pagsasalita D. nakikipaglaban hanggang sa mamatay

2. Ano ang karaniwang paksa ng epiko?


A. kabayanihan B. kahusayan C. karangalan D. katatagan

3. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba’t ibang lugar
mula sa kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa sumusunod ang
dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga akdang pampanitikan
katulad ng epiko?
A. May mga pakikipaglabang nagaganap.
B. Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
C. Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noon.
D. Magkaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan ang epiko noon sa kasalukuyan.

1
4. Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang kabataang
tulad mo?
A. pagiging malakas sa pakikipaglaban
B. pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala
C. paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin
D. pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok

5. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan katulad ng


epiko?
A. Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa.
B. Paghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito.
C. Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito.
D. Pagbabasa ng mga akda tuwing oras ng asignaturang Filipino lamang.

6. “Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw Donggon sapagkat kaagad siyang lumaki


pagkasilang pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas, at natuto kaagad
magsalita.” Anong pangyayari sa epiko ang masasalamin sa bahaging ito?
A. pakikipagtunggali ng bidang tauhan sa ibang lahi
B. pagpapakita ng pag-ibig ng pangunahing tauhan
C. pakikipagsapalaran ng tauhan upang maghiganti
D. pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan

7. Ano ang tawag sa pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi


ng kahulugang nais ipahiwatig?

A. Denotasyon B. Konotasyon C. Pagkiklino D. Pagtataya

Para sa bilang 8 - 10
Panuto: Tukuyin ang tamang pagkakasunod - sunod ng mga salita batay sa tindi o antas ng
pagpapakahulugan. Magsimula sa pinakamababang antas hanggang sa
pinakamatindi.

8. 1 – mayaman 2 – marangya 3 – masagana 4 - maunlad

A. 1234 B. 1432 C. 2341 D. 3421

9. 1 – pagliyag 2 – pagsinta 3 – paghanga 4 - pagmamahal

A. 1423 B. 4312 C. 3214 D. 3421

10. 1 – inalagaan 2 – kinupkop 3 – tinangkilik 4 - kinalinga

A. 3241 B. 2134 C. 1234 D. 4312

2
Aralin Labaw Donggon
1 (Epiko mula sa Lambunao Iloilo)

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. naisusulat ang isang tekstong naglalahad ng pagpapahalaga sa kultura


ng Kabisayaan;
2. naipapaliwanag ang mahahalagang detalye ng epikong nabasa.

Balikan/Pagganyak
Panuto: Isulat sa kahon ang isang mahalagang tao sa iyong buhay na maituturing mong
bayani. Ilahad kung anong kabayanihan ang kanyang nagawa na siyang lubos
mong ipinasasalamat o ipinagmamalaki.

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
________________________________________

Matapos mong maipakilala ang isang taong nagpakita ng kabayanihan sa iyo, ngayon
naman ay ating alamin ang kabayanihang ipapakita ng mga tauhang inilalahad sa Epikong
pinamagatang Labaw Donggon.

3
Tuklasin
Basahin at unawain ang epiko mula sa Lambunao, Iloilo upang mapatunayan mo na ang mga
pangyayari dito ay maaaring maglarawan ng aspetong pangkultura tulad ng kaugalian,
kalagayang panlipunan, paniniwala o prinsipyo ng mga tagaVisayas.

LABAW DONGGON
(Epiko ng Lambunao, Iloilo)

Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina at Buyung
Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang lumaki pagkasilang
pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas, at natuto kaagad magsalita.

Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang isang babaeng
nagngangalang Anggoy Ginbitinan.

Kaagad niyang narating ang lugar ng babae at napasang-ayon niyang magpakasal sa


kaniya. Hindi pa nagtatagal na sila ay nakasal, umalis na naman si Labaw upang suyuin ang
isa pang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito ay naging asawa rin ni Labaw.

May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng nagngangalang


Nagmalitong Yawa, Sinagmaling Diwata kaya’t pinuntahan na naman niya. Ngunit si
Nagmalitong Yawa ay may asawa na, si Buyong Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong
Saragnayan ang asawa kay Labaw kaya’t sila ay naglaban.

Tumagal ng maraming taon ang paglalaban sapagkat kapuwa sila may taglay na
pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito’y tumagal ng pitong taon sa
ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng matitigas na puno ngunit nalasog lamang
ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay pa rin ito.
Napagod si Labaw at siya naman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay nanatiling
nakatali sa ilalim ng bahay nina Buyong.

Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugun. Nagpaalam siya sa ina


upang hanapin ang kaniyang ama. Nagkaanak din si Anggoy Ginbitinan, si Asu Mangga.
Nagpaalam din sa ina si Asu Mangga upang hanapin ang ama. Nagkita ang magkapatid at
nagsama sila upang mapalaya ang ama sa mga kamay ni Buyong sa isang labanan. Naglaban
ang dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto
si Buyong at isang kawan ang dumating. Sa ganitong pagkakataon nagtulong ang magkapatid
at nagtagumpay sila. Ngunit hindi mamatay-matay si Buyong. Si Barunugan ay humingi ng
tulong sa kaniyang lolang si Abyang Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay silang
magkapatid ng isang baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong. Natagpuan naman agad ng
magkapatid ang baboy-ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at nagdilim nang
mapatay ng magkapatid si Buyong.

Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit wala ito sa


silong ng bahay ni Buyong. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay

4
tumulong din sa paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila si Labaw na hindi na makarinig at
hindi na magamit ang pag-iisip. Pinaliguan ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si
Labaw, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti. Samantala si Buyung
Humadapnon at Buyung Dumalapdap ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan
at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang
kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais
niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. “Gusto kong magkaroon ng
isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil


mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Masayang-masaya si
Labaw ng naibalik ang kaniyang lakas at sigla ng isip at ang kaniyang tinig ay umalingawngaw
sa buong lupain.

TALASALITAAN:
Kagila-gilalas - kamangha - mangha
Napasang-ayon - napapayag
Nalasog - nadurog
Nagapi - nadaig
Baboy - ramo - mabangis na uri ng baboy

Suriin / Talakayin

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan
na punung-puno ng mga kagilagilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino
ay may maipagmamalaking epiko.

Alam mo ba na….

sa pagbabasa ng epiko, agad na makikita ang kakaibang katangian ng pangunahing


tauhan. Mauuri sa alinman sa sumusunod ang kaniyang katangian: pisikal, sosyal,
supernatural, gayundin ang intelektuwal at moral na katangian. Katulad ng alamat at ibang uri
ng akdang pasalaysay, binubuo ng tauhan, tagpuan at banghay ang elemento ng epiko.

Ang isang tauhan ng epiko ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang


supernatural o di pangkaraniwang katangian. Kadalasan ang paksa ng epiko ay umiikot
sa tauhan kasama ang kaniyang pakikipaglaban sa mahihiwagang nilalang, anting-anting, at
ang kaniyang paghahanap sa magulang o sa kaniyang minamahal.

Mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan sapagkat dito pinakikilos at pinag-iisip


ang mga tauhan. Inilalarawan din sa tagpuan ang suliraning kakaharapin ng tauhan sa daloy
ng mga pangyayari lalo na kung di-pangkaraniwang mga tauhan ang ginagampanan nila.
Isang magandang simula ng epiko ang paglalarawan sa tagpuan.

5
Ang banghay ay ang bahaging tumutukoy sa pangyayari. Maingat na inilalahad
ang magkakasunod na pangyayari. Ang mga bahagi ng banghay ay simula, gitna at wakas.
Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay pumapasok din ang ibang elemento tulad
ng tunggalian, suliranin, kasukdulan at kakalasan.

Itinuturing din na ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng


mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.

Hango sa aklat na Tudla I, nina Jamine Obrero, et al;


Sta. Teresa Publications, Inc. Quezon City;2010

Isaisip

Ang Labaw Donggon ay inaawit na parang pasyon sapagkat itinuturing itong


isa sa pinakamatandang akdang pampanitikan ng mga Pilipino. Pasaknong ang paraan
ng pagkakasulat. At kapag ibinubuod ito, maaaring patalata na ang paraan ng
pagkakasulat.
May mga aspekto ng pagpapahalaga sa kasalukuyan na impluwensya ng
nakaraan, at makatutulong ang katutubong panitikan tulad ng epiko para ito ay
maunawaan. Ito ang dahilan kaya ang mga akdang ito ay pinahahalagahan at
binibigyang saysay hanggang sa kasulukuyan.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa akdang “Labaw


Donggon”.Isulat ang mga sagot sa isang buong papel.

1. Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan at pantulong na tauhan sa epiko? Gamitin


ang kasunod na graphic organizer sa pagsagot.

Pamagat ng Epiko
Labaw Donggon

Pangunahing Tauhan Katulong na Tauhan


__________________________________ ____________________________________
__________________________________ ____________________________________
__________________________________ ____________________________________
__________________________________ ___________________________________
6
___
2. Bakit nakipagtunggali si Labaw Donggon kay Buyong?

_________________________________________________________________

3. Isulat ang supernatural o kakaibang katangian ni Labaw Donggon at ng kaniyang


katunggaling si Buyong?

Labaw Donggon Buyong

______________________ ____________________
______________________ ____________________
______________________ ____________________
______________________ ____________________
______________________ ____________________

4. Anong damdamin ang nangibabaw sa mga tauhan sa bawat pangyayari nang


ayon sa iba’t ibang tagpuan?
____________________________________________________________

Pagyamanin/Karagdagang Gawain

A. Panuto: Magbigay ng dalawa o higit pang kultura ng mga Kabisayaan na sumasalamin


sa akdang Labaw Donggon. Ipaliwanag kung paano ito inilahad sa epiko.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

7
Aralin Mga Salitang iba-iba ang Digri o Antas
2 ng Kahulugan (Pagkiklino)

ALAMIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. naiaantas ang mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin;


2. nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang angkop na salita.

Balikan/Pagganyak
Nais kong ibahagi mo ang iyong naramdaman habang binabasa ang epikong
Labaw Donggon. Piliin ang angkop na emojis na nasa ibaba at ipaliwanag ang
dahilan bakit ito ang iyong napili. Isulat ang titik at pagpapaliwag sa sagutang
papel.

A.
B. C. D.

E.
F. G. H.

I.
J. K. L.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
Suriin / Talakayin

Ang pagkiklino (Clining) ay pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa


intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig. Ito ay isang kasanayan sa paglinang
ng talasalitaan na paghahanay ng salita batay sa digri o antas ng kahulugan.
(madali, katamtaman at mataas na kahulugan)

Halimbawa:
poot

suklam

galit

inis

tampo

pikon

Batay sa kahulugan, ang pikon ay damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay


lamang. Ang tampo naman ay munting galit na madaling mawala. Ang inis ay ang tumatagal
na tampo at ang galit naman ay ang tumatagal na inis. Kapag tumitindi naman ang galit sa
dibdib na matagal nawala, ito ay nagiging suklam na. Hanggang sa may matinding galit na
halos gusto nang makapanakit, iyan ang tinatawag na poot.

Makikita sa mga halimbawa na ang pagkiklino ay ang pagkakasunod ng mga salita


batay sa tindi ng pagpapakahulugan na kung saan, ang nasa pinakaibaba ay ang salita na
may pinakamababang tindi na pagpapakahulugan habang ang nasa pinakaitaas ay ang
may pinakamatinding pagpapakahulugan.

Mga halibawa nito:


hagulgol Maganda Matalino
hikbi Kaakit-akit Marunong
iyak nakabibighani mautak

ISAISIP

Ginagamit ang pagkiklino sa pagbibigay ng mga kahulugan ng


mga salitang magkasingkahulugan ngunit magkaiba ang tindi o intensidad
sa pagpapakahulugan.

9
ISAGAWA

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na salita ayon sa digri o antas ng kahulugan
(pagkiklino). Ilagay sa pinakamababang kahon ang salitang may
pinakamababang antas sa kahulugan at sa pinakaitaas naman ang may
pinakamatinding pagpapakahulugan.

1. kalungkutan, kapighatian, kalumbayan

2. galak, tuwa, saya

3. iyak, hagulgol, hikbi

4. tawa, halakhak, ngiti

5. mautak, matalino, marunong

10
PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gamitin sa isang makabuluhang pangungusap ang bawat salita. Isulat sa kahon
ang sagot.

1. Kapighatian

2. Galak

3. Nakipagtuos

4. Makitil

5. Lumisan

11
TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng pangalan,
taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.

Pangalan: ______________Taon/seksyon: ____ Petsa: ____ Bilang ng Modyul: 4

1. Ano ang karaniwang paksa ng epiko?


A. kabayanihan B. kahusayan C. karangalan D. katatagan

2. Ano ang tawag sa isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang kababalaghan at di-kapani-paniwala?
A. alamat B. epiko C. maikling kwento D. pabula

3. Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa
iba pang akdang pampanitikan?
A. nagtataglay ng kapangyarihan C. naiibang pagkilos at pagsasalita
B. naglalakbay sa malayong lugar D. nakikipaglaban hanggang sa mamatay

4. Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang kabataang
tulad mo?
A. pagiging malakas sa pakikipaglaban
B. pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala
C. paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin
D. pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok

5. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan katulad ng


epiko?
A. Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa.
B. Paghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito.
C. Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito.
D. Pagbabasa ng mga akda tuwing oras ng asignaturang Filipino lamang.

6. “Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw Donggon sapagkat kaagad siyang lumaki


pagkasilang pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas, at natuto kaagad
magsalita.” Anong pangyayari sa epiko ang masasalamin sa bahaging ito?
A. pakikipagtunggali ng bidang tauhan sa ibang lahi
B. pagpapakita ng pag-ibig ng pangunahing tauhan
C. pakikipagsapalaran ng tauhan upang maghiganti
D. pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan

12
7. Alin sa sumusunod ang katangian ni Labaw Donggon ang hindi kapani-paniwala at hindi
nangyayari sa tunay na buhay?
A. Hindi natatakot lumaban para sa pag-ibig
B. Pagkasilang pa lamang ay agad na itong tumayo at nagsalita.
C. Matapang na naglalakbay sa malayong lugar kahit wala ang ina.
D. Madaling magkagusto ng babae at laging may pagnanais na pakasalan ito

8. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba’t ibang
lugar mula sa kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa sumusunod
ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga akdang pampanitikan
katulad ng epiko?
A. May mga pakikipaglabang nagaganap.
B. Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
C. Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noon.
D. Magkaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan ang epiko noon sa kasalukuyan.

9. Ano ang nagpalungkot ni diwatang Abyang Alunsina batay sa akda?


A. Ang pagkamatay ng sariling asawa.
B. Ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan bilang diwata.
C. Ang pag-agaw ng kanyang kapatid sa kanyang minamahal.
D. Ang paglisan ni Labaw Donggon sa kanilang lugar kahit batang-bata pa ito.

10. Ano ang tawag sa pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi
ng kahulugang nais ipahiwatig?

A. Konotasyon B. Denotasyon C. Pagkiklino D. Pagtataya

Para sa bilang 11 - 15
Panuto: Tukuyin ang tamang pagkakasunod - sunod ng mga salita batay sa tindi o antas ng
pagpapakahulugan. Magsimula sa pinakamababang antas hanggang sa
pinakamatindi.

11. 1 – pagliyag 2 – pagsinta 3 – paghanga 4 - pagmamahal

A. 1423 B. 4312 C. 3214 D. 3421

12. 1 – mayaman 2 – marangya 3 – masagana 4 - maunlad

A. 1432 B. 1234 C. 2341 D. 3421

13. 1 – lumbay 2 – hapis 3 – lungkot 4 - pighati

A. 2341 B. 1243 C. 3214 D. 1423

14. 1 – inalagaan 2 – kinupkop 3 – tinangkilik 4 - kinalinga

A. 3241 B. 2134 C. 1234 D. 4312

15. 1 – kaakit - akit 2 – nakabibighani 3 – maganda 4 - marikit

A. 1234 B. 3214 C. 3412 D. 4312

13
14
Aralin 1- Isagawa
1. Pangunahing Tauhan
• Matapang at hindi
sumusuko
• Babaero o madaling
Aralin 2- Isagawa magkagusto ng babae
• Matalino at malakas
1. Kalumbayan Katulong na Tauhan
Kapighatian • May paninindigan
Kalungkutan • Hindi namamatay
2. Saya
• Malakas at palaban
Tuwa
2. Sapagkat nais niyang agawin
Galak
si Nagmalitong Yawa na
3. Hagulhol
asawa ni Buyong.
Hikbi
3. Labaw Donggon – kasisilang
Iyak
pa lamang ay agad na lumaki
4. Halakhak
at nakapaglalakbay sa
Tawa
malayong lugar.
Ngiti
Buyong – hindi namamatay
5. Mautak
sa labanan maliban lamang
Marunong
kung may papatay ng isang
Matalino
baboy-ramo.
4. Katapangan para sa pag-
ibig.
Susi sa Pagwawasto
• https://brainly.ph/question/924050
vector-17194545
• https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/super-hero-woman-cartoon-character-
donggon-epikong-bisaya_936.html
• https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-labaw-
• https://blog.mailup.com/2018/05/emoji-email/
Mga Larawang ginamit:
▪ Supplemental Filipino High School Grade 7 Quarter 2
▪ Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan
Pinagbatayan:
Sanggunian:

You might also like