You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Labaw Donggon
Mga
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisusulat ang isang tekstong naglalahad sa pagpapahalaga ng
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul


na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralang modyul

2
Aralin
Panitikan ng Visayas: Repleksiyon
1 ng Kulturang Kabisayaan

Inaasahan
Sa modyul na ito inaasahan na mapapalawak mo ang iyong pang-unawa sa mga
epiko ng taga-Visayas lalo na ang kanilang kaugalian at paniniwala.

Upang magabayan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul, ginamitan ito ng


iba’t ibang istratehiya katulad ng kolaboratibong gawain, pagkamalikhain, at
mapanuring pag-iisip.

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

● Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga


Taga-Visayas sa kinagisnang kultura

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa kwarderno ang sagot sa bawat
katanungang isinasaad ng pangungusap.

Si Labaw Donggon ay isang makisig na mandirigma na nagpapakasal sa


sinumang ninais niya na magandang babae. Nagkagusto siya kay Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata na mayroon ng asawa na si Buyong Saragnayan ngunit sinabi
nito na siya ay papayag lamang kung matatalo ni Labaw Donggon ang asawa niya.

Naglaban ang dalawang lalaki ng maraming taon pero hindi nagtatagumpay si


Labaw Donggon. Siya ay nabihag at ikinulong kasama ng mga baboy hanggang sa
siya ay nabingi at nawala sa sarili. Iniligtas siya ng dalawa niyang anak at napatay
ang asawa ni Nagmalitong Yawa. Siya ay naiuwi sa kanyang mga asawa ay inaruga
siya ng mga ito.

1. Si Labaw Donggon ay isang makisig na mandirigma sa kanilang lugar.


Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit __________.
A. malakas C. mahiyain
B. mahina D. mabait

2. Siya ay nabihag at nakulong kasama ng mga baboy hanggang sa siya ay


nabingi at nawala sa sarili. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.________.
A. nawala C. nadukot
B. nahuli D. nakalaya

3
3. Anong katangian ang ipinapakita ni Labaw Donggon sa akda na isa sa
tradisyon ng mga taga-Visayas ?______
A. Paggalang sa mga kababaihan
B. Mahilig sa magagandang babae
C. Pagtakwil sa mga anak
D. Pagiging magiting

4.Sa pagliligtas ng anak ni Labaw Donggon sa kanya, anong kultura ng


mga taga-Visayas ang makikita rito?
A. Pagtalikod sa gampanin bilang anak
B. Pagsuway sa magulang
C. Pagtakwil sa magulang
D. Pagmamahal sa magulang

5. Ang mga magulang ng lalaki ang naglalahad ng magandang hangarin ng


nanliligaw sa kanyang sinusuyong dalaga. Anong kultura ang
masasalamin dito?
A. Mahina ang loob ng manliligaw
B. Nanliligaw pati ang mga magulang ng lalaki sa dilag.
C. Malinis ang hangarin ng manliligaw sa nililigawang dilag.
D. Nagpapakitang-gilas ang mga pamilya ng lalaki sa nililigawan.

Balik-tanaw
Panuto: Kilalanin ang pagdiriwang o festival na ginaganap sa Visayas.
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

https://pinoyfestivals.wordpress.com/differe
https://guidetothephilippines.ph/ar https://pinoyfestivals.wordpress.com/differ
nt-luzon-festivals/top-five-must-see-visayan-
ticles/history-culture/sinulog- ent-luzon-festivals/top-five-must-see-
philippines-festivals/
visayan-philippines-festivals/
festival-cebu-guide

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sinasabing bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, marami na tayong


kalipunan ng iba’t ibang anyo ng panitikan sapagka’t tunay namang mahilig
magkuwento, magbasa at magsulat ang ating ninuno. Sa pamamagitan ng modyul
na ito makikilala ng mga mag-aaral ang kabayanihan ng mga tauhan mula sa Epiko
ng mga taga-Visayas.

Pagbasa sa akda:
Labaw Donggon
(Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay


napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang
pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa
kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae
na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay
nagpakasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan
na katulad niya na may kapangyarihan din.
“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa” sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya.
“Handa akong kalabanin ka” sagot ni Labaw kay Saragnayan.
Maraming taon silang naglaban gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi
mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan
kaysa kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay iginapos at ikinulong sa kulungan ng baboy ni
Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy
Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang
anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong
makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong
ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni
Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa
kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng
mahabang buhok.
Kailangan ninyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan
bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.
Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang
Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at
pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay
nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito
na siyang buhay ni Saragnayan.
Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam
na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang
anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong
laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng

5
labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa
lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang
lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila


sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit
ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang
mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw
ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at
Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang
magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na
nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil
mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Muling naibalik
ang kanyang lakas at sigla ng isip kaya masayang-masaya si Labaw at ang kanyang
tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

Hango:https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-labaw-donggon-
epikong-bisaya_936.html/page/0/1

Mga Gawain
Gawain 1.Paglinang ng Talasalitaan:

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

Itinali Nilunod Pinalo

Kamangha- Mangha dumagundong

1. Si Labaw Donggon ay kilala dahil sa kaniyang kagila-gilalas na


katauhan.

2. Inilublob ni Labaw Donggon si Buyong sa tubig at ito’y tumagal ng


pitong taon sa ilalim ng tubig.

3. Hinampas ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay


pa ito.

6
4. Natalo si Labaw at siya ay iginapos at ikinulong sa kulungan ng baboy
ni Saragnayan.

5. Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa


buong lupain.

Gawain 2: Pagtalakay sa Akda


Panuto: Isa-isahin ang kahanga-hangang katangian ni Labaw Donggon. Isulat sa
kwaderno ang sagot.

Gawain 3: Pagsusuri sa Akda


Panuto: Ilahad ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kultura ng mga
taga-Visayas. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Pangyayari sa akda Kultura ng mga taga-Visayas

7
Tandaan

Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa


kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi
kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng
mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala,
kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan nagmula ang akda.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang
“awit”. Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay
“Dakilang Likha”.
Mga Elemento ng Epiko

Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:

 Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring


maging payak o komplikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati
sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan,
kakalasan, at wakas.
 Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga
salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan.
 Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig,
lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig.
 Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang
mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at
desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang
mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.
 Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa
madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento
ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking
kapangyarihan.
 Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat
taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.

Hango sa: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/

Pag-alam sa mga Natutuhan


Gawain 1: Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
Panuto: Bilang isang kabataan, Isa-isahin ang magagandang kulturang Pilipino
na nararapat mangibabaw sa panahon ngayon na dumaraan ang bansa
sa matinding pandemya. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

8
Kulturang Pilipino

Gawain 2: PAGSULAT NG TALATA


Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
magandang kultura ng mga Pilipino. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Si Labaw Donggon ay isang makisig na mandirigma na nagpapakasal sa


sinumang ninais niya na magandang babae. Nagkagusto siya kay Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata na mayroon ng asawa na si Buyong Saragnayan ngunit sinabi
nito na siya ay papayag lamang kung matatalo ni Labaw Donggon ang asawa niya.

Naglaban ang dalawang lalaki ng maraming taon pero hindi nagtagumpay si


Labaw Donggon. Siya ay nabihag at ikinulong kasama ng mga baboy hanggang sa
siya ay nabingi at nawala sa sarili. Iniligtas siya ng dalawa niyang anak at napatay
ang asawa ni Nagmalitong Yawa. Masaya siyang naiuwi sa kanyang mga asawa.

9
1. Piliin ang katangiang maglalarawan kay Labaw Donggon__________
A. Si Labaw Donggon ay makisig sa kanilang lugar
B. Si Labaw Donggon ay pinakamahina sa lahat
C. Si Labaw Donggon ay matulungin
D. Si Labaw Donggon ay masipag na tao

2. Anong tradisyon ng taga-Visayas ang ipinapakita ni Labaw Donggon


sa mga kababaihan?_____________
A. Pamamanhikan C. Pagsisibak ng kahoy
B. Panliligaw D. Pagtatanim

3. Ang mga magulang ng lalaki ang naglalahad ng magandang hangarin ng


nanliligaw sa kanyang sinusuyong dalaga. Anong kultura ang
masasalamin dito?
A. Mahina ang loob ng manliligaw
B. Nanliligaw pati ang mga magulang ng lalaki sa dilag.
C. Malinis ang hangarin ng manliligaw sa nililigawang dilag.
D. Nagpapakitang-gilas ang mga pamilya ng lalaki sa nililigawan.

4. Si Asu Mangga at si Buyung Baranugun ay ang mga anak ni Labaw Donggon.


Noong nalaman nilang nakulong si Labaw Donggon dahil kay Buyung
Saragnayan,pumunta ang magkapatid sa malayong lugar upang mahanap
at matulungan si Labaw Donggon. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita sa
akda ng mga taga-Visayas sa kanilang magulang?_____________
A. Pagsuway sa utos ng mga magulang
B. Pagtalikod sa gampanin bilang anak
C. Pagtutulungan ng bawat pamilya
D. Pagiging marespeto sa magulang

5. Sa pagliligtas ng anak ni Labaw Donggon sa kanya, anong kultura ng mga


taga-Visayas ang makikita rito?
A. Pagtalikod sa mga gampanin bilang anak
B. Pagsuway sa magulang
C. Pagtakwil sa magulang
D. Pagmamahala sa magulang

6. Isa sa mga kaugalian ng mga taga-Visayas ang pagbibigay -respeto sa


kababaihan, alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa kaugalian ng mga
taga-Visayas sa panliligaw?
A. Pagsisibak ng kahoy
B. Pag-igib ng tubig
C. Pagsasayaw sa harap ng magulang
D. Wala sa nabanggit

7. Anong katagian ni Labaw Donggon ang di kabilang sa mga sumusunod:


A. mayabang C. matipuno
B. malakas D. magalang

8. Kilala ang mga taga-Visayas na isa sa pinakatradisyonal pagdating sa


pagdiriwang sa kanilang lugar, alin sa mga sumusunod ang
di kabilang dito?
A. Sinulog Festival
B. Ati-atihan Festival
C. Masskara Festival
D. Panagbenga Festival

10
9. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa tradisyon ng taga-Visayas?
A. Pagdiriwang ng Kapistahan
B. Pagsusunog ng papel bilang pagtaboy sa malas
C. Pagpapakasal bago magkapamilya
D. Pagiging maasikaso sa mga panauhin

10. Ilahad ang bahagi ng akdang nabasa na masasalamin ang kultura at


kaugaliang ipinapakita ng mga taga-Visayas________________.
A. Kilala bilang masayahin at magalang
B. Pagpapakita ng kaugalian sa pag-aasawa
C. Pamahiin ng mga nakakatanda
D. Pagpapahalaga sa kanilang wika

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang mga natutuhan at naramdaman sa


araling tinalakay.

Sanggunian
https://guidetothephilippines.ph/articles/history-culture/sinulog-festival-cebu-guide
https://pinoyfestivals.wordpress.com/different-luzon-festivals/top-five-must-see-visayan-
philippines-festivals/
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-labaw-
donggon-epikong-bisaya_936.html/page/0/1
https://www.deviantart.com/alexeikazansky/art/Labaw-Donggon-92435513

11
Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Liezl M. Evangelista, HT VI
Manunulat: Vanessa H. Ordillano, Teacher I
Tagalapat: Alma N. Dimapilis, MT I

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Panitikan ng Visayas: Repleksiyon ng Kulturang Kabisayaan

Unang Pagsubok Balik-Tanaw

1. A 1. Sinulog Festival

2. Dinagyang
2. A Festival

3. Masskara
3. A Festival

4. D

5. C

Gawain 1 Gawain 2 Pangwakas na Pagsubok

1. Kamangha-mangha 1. Matapang 1. A 6. C

2. Nilunod 2. Makisig 2. A 7. A

3. Pinalo 3. Malakas 3. C 8. D

4. Itinali 4. C 9. B

5. Dumagundong 5. D 10. C

12

You might also like