You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Pagbuo ng Sariling
Paghahatol
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob
na akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhay at pakikpagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

2
Aralin
PAGBUO NG SARILING PAGHAHATOL
1
Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob


sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Visayas

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat sa iyong kwaderno ang
sagot.

1. Ang bulong ay dapat na gamitin kapag may kaaway.


A. Sang-ayon C. Sigurado
B. Di-Sang-ayon D. Hindi ko alam
2. Masasalamin sa awiting-bayan ang mayaman at makulay na kulturang Pilipino
sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
A. Sang-ayon C. Siguro
B. Di-Sang-ayon D. Hindi ko alam
3. Hindi man makatotohan ang mga alamat, naging instrumento naman ito ng
pagtuturo ng wastong asal, paghahanap ng katotohanan, at pagpapayabong ng
kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.
A. Sang-ayon C. Siguro
B. Di-Sang-ayon D. Hindi ko alam
4. Ang epiko ay pagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan sa isang
partikular na lugar.
A. Sang-ayon C. Siguro
B. Di-Sang-ayon D. Hindi ko alam.
5. Tanging ang lugar lamang ng Visayas ang mayaman sa kultura at panitikan.
A. Sang-ayon C. Siguro
B. Di-Sang-ayon D. Hindi ko alam.

Balik-tanaw
Panuto: Bumuo ng sariling paghahatol o pangangatuwiran mula sa mga
ipinakikita sa larawan na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-
Visayas. Gawin ito sa kwaderno.

3
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
A. Basahin at unawain ang talataan.

Hinilawod
(Epiko ng Visayas)
https://www.youtube.com/watch?v=_JLpsBh6DBQ&pbjreload=101

Noong unang panahon, may isang Diyosa ng kalangitan na nagngangalang


Alunsina na nakapag-asawa ng isang mortal, si Datu Paubari. Nagsilang ng tatlong
malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina, Labis-labis ang kaligayahan ng mag-
asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw
Donggon, Humadapnon at Dumalapdap. Pinatawag nila ang paring si Bungot-
Banwa upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa tatlo.
Pagkatapos ng ritwal, ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas at makikisig
na binata. Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ay nagpakita ng interes sa
mga magagandang babae. Nang marinig niya na may magandang babae sa
Handug, nagpaalam siya sa kanyang ina upang hanapin ang kanyang mga
magiging asawa. Nagtungo agad siya sa bayan ng Handug na nasa bukana ng Ilog
Halawod upang hanapin ang dalagang si Anggoy Gitbitinan. Bago niya nakuha si
Anggoy Gitbitinan, nakipaglaban muna siya sa isang halimaw. Nang napatay niya
ang halimaw ay ikinasal agad sila at naglakbay pabalik sa bayan ni Labaw
Donggon.
Inihabilin niya ang kanyang asawa sa kanyang ina upang hanapin ang isa
pang babae na gusto niyang maging pangalawang asawa. Siya ay naglakbay
patungo sa Tarambang Burok at nagtagumpay siya na mapaibig ang dalaga na si
Anggoy Doroonan. Hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan na naman
niyang may napakagandang babae, si Sinagmaling Diwata na asawa ni
Saragnayon, ang Diyos ng kadiliman. Ipinagpaalam niya sa kanyang mga asawa
ang kanyang balak at inihabilin niyang muli ang mga ito sa kanyang ina. Naglaban

4
ng maraming taon sina Saragnayan at Labaw Donggon para sa kamay ng nag-
iisang diwata na si Sinagmaling Diwata. Ngunit sa kasamaang
palad, natalo si Labaw Donggon. Iginapos ni Saragnayan ang mga
kamay at paa ni Labaw Donggon at ikinulong sa isang kulungan sa ilalim ng
kanilang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak na ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Kapwa nila hinanap ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong
ang magkapatid sa karagatan. Nakipaglaban sila kay Saragnayan upang
pakawalan nito ang kanilang binilanggong ama. Nang napatay nila si Saragnayan,
hindi pa rin nila natagpuan si Labaw Donggon. Tumulong na rin ang ibang
miyembro ng pamilya sa paghahanap kay Labaw Donggon.
Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila si
Labaw Donggon ngunit wala na ang dating kakisigan at lakas nito. Sila’y
nagtulungan at nagsagawa agad ang pamilya ng isang ritwal at seremonya para
maibalik ang dating lakas at kisig ni Labaw Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling
nagbalik sa dati ang lahat.

Mga Gawain
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod batay sa binasang akda. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Sino si Labaw Donggon? Ano-ano ang kanyang mga katangian?

2. Sino-sino ang naging asawa ni Labaw Donggon?

3. Makatuwiran ba ang pakikipaglaban ni Labaw Donggon kay Saragnayan?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Anong katangian ni Labaw Donggon ang dapat tularan bilang Pilipino?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

B. Panuto: Suriin ang mga ideyang nakapaloob sa binasang akda kung sumasang-
ayon ka o hindi. Lagyan ng ang kolumn ng mapipiling sagot pagkatapos ay
ipaliwanag ito. Gayahin ang pormat sa iyong kwadreno.

5
Di-
Sang-ayon Sang-ayon Paliwanag

1. Pagpapaalam ni
Labaw Donggon sa
kanyang ina bago
hanapin ang
mapapangasawa

2. Pagkahilig ni Labaw
Donggon sa
magagandang babae

3. Pagkikipagtunggali ni
Labaw Donggon kay
Saragnayan

4.Paghahanap ng
magkapatid sa kanilang
ama na si Labaw
Donggon

5. Pagtutulungan ng
pamilya ni Labaw
Donggon upang
maibalik siya sa dati
niyang lakas at kisig

Tandaan

Sa pagpapahayag ng ideya maaari kang magbigay ng hatol o puna. Ang


pagbibigay hatol ay pagpapasya kung matuwid o hindi ang isang sitwasyon o
pangyayari sa isang kasanayan na maaring malinang sa paghahayag ng ideya,
maaaring sang-ayon o hindi sang-ayon. Ginagamit ang mga salitang oo/opo,
sang-ayon ako, talaga, sigurado, sige, tiyak, tunay at walang duda kung
sumasang-ayon o tinatanggap ang isang ideya. Hindi, di, ayaw, huwag at wala
naman ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng pagtutol sa isang
ideya.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Gawain 1: Ikaw ang Humatol.
Panuto : Bumuo ng sariling paghahatol o pangangatuwiran sa kasunod na
tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

6
Sa iyong palagay, nararapat bang palaganapin ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan tulad ng bulong, awiting-bayan at epiko
na salamin ng kanilang kultura? Ipaliwanag ang sagot.

Gawain 2: Tanong Ko… Sagutin Mo


Panuto : Sagutin ang kasunod na tanong. Gayahin ang grapikong
representasyon sa iyong kwaderno.

Tanong ko...

Naniniwala ka bang may magagawa


ang bawat isa upang mapigilan ang
nakamamatay na sakit na
lumalaganap sa mundo?
Ipaliwanag ang sagot. Sagot mo...

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang baway aytem. Isulat sa iyong kwaderno ang
sagot.
1. Masasalamin sa mga akdang pampanitikan ang kultura sa isang lugar.
A. Sang-ayon ako. C. Siguro.
B. Di ako sang-ayon D. Hindi ko alam.
2. Totoong nagpakita ng katapangan at kakisigan si Labaw Donggon sa kanyang
pakikipaglaban kay Saragnayan. Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng....
A. Pagtutol C. Pagsang-ayon
B. Pagtanggi D. Pag-aaalinlangan

7
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagtutol sa isang ideya?
A. Huwag tularan ang kanyang mga maling kasanayan.
B. Siguradong natuwa ang kanyang mga anak nang makita siya.
C. Walang dudang pareho silang nagpakita ng lakas sa naganap na
labanan.
D. Tama lamang ang sinapit niya sa kanyang kalaban dahil sa kanyang
kasamaan.
4. Maraming kababayan natin ang tiyak na nahihirapan sa buhay dahil sa
pandemya na kumakalat sa mundo. Alin sa mga salita sa pangungusap ang
nagpapahiwatig ng pag-sang-ayon?
A. marami C. natin
B. dahil D. tiyak
5. Kahanga-hanga ang pinakitang dedikasyon ng mga frontliners upang
mapanatiling ligtas ang lahat sa kumakalat na sakit. Alin sa sumusunod ang
nagpapahayag ng pagtutol sa ideya?
A. Tama ka. Ibinubuwis nila ang kanilang buhay para sa kaligtasan
natin lahat.
B. Hindi totoo ang ipinakikita nilang dedikasyon sa mga mamamayan.
C. Siya nga. Dapat silang hangaan.
D. Sang-ayon ako sa kanilang katapangan sa pagsugpo sa sakit.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Mahalaga ba ang pagdadamayan kahit sa hindi kapamilya? Paano mo
maipakikita ang pagdamay o pakikiisa lalo na sa panahon ng kalamidad o
pandemya? Ibigay ang iyong sariling paghahatol. Isulat sa iyong kwaderno ang
sagot.

8
Sanggunian
https://www.google.com/search?q=albularyo+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUKEwiLsevums_qAhUK6ZQKHS2m
BkgQ2-
cCegQIABAA&oq=albularyo+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1C2gA5Y25UOYPyZDmgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAK
ABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=BPAOX4ufB4rS0wStzJrABA&bih=576&biw=1349&hl=en&hl=en#i
mgrc=n3SqWJxZU_H7hM
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/cartoon-mother-holding-her-son-
https://www.youtube.com/watch?v=LK4fRG6x7Zs
https://www.youtube.com/watch?v=p7C8pMimVpg
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fannconcious.wixsite.com%2Fmysite%2Fsingle-
post%2F2018%2F03%2F31%2FA-Good-
Visit&psig=AOvVaw3BLO_hYKNTBCSutWwOfHuK&ust=1594901141663000&source=images&cd=vfe&ved=0CA
IQjRxqFwoTCODtwJOcz-oCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fsteemitimages.com%2F0x0%2Fhttps%3A%2F%2Fw
ww.wikihow.com%2Fimages%2Fthumb%2F5%2F5d%2FGreet-People-from-the-Philippines-Step-
08.jpg%2Faid47567-v4-728px-Greet-People-from-the-Philippines-Step-
08.jpg&imgrefurl=http%3A%2F%2Fbusy.org%2F%40grace44%2Fmano-or-pagmamano-the-filipino-gesture-of-
showing-respect-to-elders&tbnid=N8Jeyht7j4v8-
M&vet=12ahUKEwjmkvutn8_qAhUIeZQKHRo4AkMQMygCegUIARC-
AQ..i&docid=yWOYwYYPcgqkpM&w=728&h=546&q=pagmamano%20cartoon&hl=en&ved=2ahUKEwjmkvutn8
_qAhUIeZQKHRo4AkMQMygCegUIARC-AQ
https://www.youtube.com/watch?v=_JLpsBh6DBQ&pbjreload=101

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Liezl M. Evangelista, HT VI
Manunulat: Rosemarie P. Reyes, MT II
Tagalapat: Alma N. Dimapilis, MT I

9
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok
1. B
2. A
3. A
4. A
5. B

Balik-tanaw
Unang larawan- paggamit ng bulong sa pangggamot ng mga albularyo
Ikalawang larawan- pagpapakita ng respeto sa mga matatanda

Gawain
A. 1. Ang isa sa anak nina Abyang Alunsina at Datu Paubari.
2. Anggoy Gitbitinan at Anggoy Doroonan
3. Hindi. Dahil ang napupusuan niyang babae ay mayroon ng asawa.
4.Ang kakisigan at katapangan nito

B. 1. Sang-ayon- respeto sa magulang


2. Di-sang-ayon- magmahal ng isa lamang
3. Di-sang-ayon- may asawa na ang kanyang ipinaglalaban
4. Sang-ayon- ito ay kanila pa ring ama sa kabila ng mga nagawa nito
5. Sang-ayon- pamilya ang unang dapat na tumulong sa kapamilya

Pangwakas na Pagsusulit
1. A 6. A
2. C 7. B
3. A 8. A
4. D 9. A
5. B 10. D

10

You might also like