You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com



 
FILIPINO 7
Pagsusuri ng Kultura
sa Awiting-Bayan

Ikawalong Linggo
Modyul 8

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul
na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa
paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul .

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong kwaderno.


Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling pinag-aaralan.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang lawak ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag
na pagsasanay para lalong maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay
magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman,kasanayan at konseptong kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may kapareha.

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong


aralin.

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang lawak ng iyong pagkatuto sa


bagong aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahat ang natutuhan


o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Kulturang Nakapaloob
1 sa Awiting-Bayan

Inaasahan

Sa bahaging ito, masusukat ang lawak ng iyong natutuhan sa mga naunang aralin.
Kaya nga inaasahang sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Makapagsuri ng kulturang nakapaloob sa awiting-bayan.

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang tama kung wasto ang sinalungguhitang salita at kung mali
isulat ang tamang salita upang maging wasto ang pahayag. Gawin ito sa inyong
kwaderno.

1. Ang awiting-bayan ay tulang nilapatan ng himig.


2. Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng isang tiyak na pangkat sa isang tiyak na
yugto mg panahon
3. Mahalagang pag-aralan ang awiting-bayan sapagkat kakikitaan ito ng kultura ng
lugar na pinagmulan nito.
4. Ang awiting-bayan ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kung kaya’t hindi tiyak
kung sino ang sumulat nito.
5. Sa bawat gawain ng ating mga ninuno ay walang tiyak na awiting-bayan

Balik-tanaw

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang uri ng awiting-_bayan na tinutukoy sa


pahayag. Isulat sa kwaderno ang letra ng tamang sagot.

a. Oyayi c. Sambotani e. Kundiman


b. Diona d. Kumintang f. Talindaw

1. Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipagsapalaran


2. Inaawit habang namamangka
3. Awitin sa pagpapatulog ng sanggol
4. Awit sa kasal
5. Awit ng pag-ibig
6. Awit sa pakikidigma

3
Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Bahagi ng kulturang minana natin sa ating mga ninuno ang ilang mga panitikang
lumaganap sa pamamagitan ng pagsasalin-salin gamit ang bibig o dila. Kabilang dito
ang mga awiting-bayan na nagsimula bilang isang tula na nilapatan ng tono o musika.
Ang awiting-bayan ay masasabing masining na pagpapahayag ng saloobin at
kinagisnang paniniwala na nakatutulong sa higit na pagbibigkis at pagpapayabong sa
kulturang kinagisnan. Nagsisilbi rin itong tulay ng kahapon at ngayon sapagkat sa pag-
unawa at pagsusuri sa mga awiting-bayang ito, makikilala at mauunawaan natin ang
paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno na maaari rin nating maging gabay sa ating
pang-araw-araw na gawain at pagharap sa buhay sa kasalukuyan. Kaya nga sa araling
ito ay pag-aaralan natin at susuriin ang ilang awiting-bayan.

Gawain 1

Panuto: Pakinggan mo ang isang awiting-bayan mula sa youtube. Sagutin ang


Mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
iyong kwaderno.

https://youtu.be/irydqcYOY5c
Sa awiting ito masasalamin natin ang likas na katangian ng mga taga-Visayas na
lubhang masayahin. Matapos ang paghahanap-buhay at kumita ng sapat na salapi ay
nagkakaroon pa sila ng sapat na panahon para makapaglibang sa pamamagitan ng pag-
inom ng tuba (isang uri ng inumin na mula sa niyog). Ang libangang ito ay isang paraan din
ng mga taga-Visayas upang magkaroon ng oras sa pakikipagkuwentuhan sa kanilang mga
kaibigan, kamag-anak o kapamilya. Kadalasang ang pagsasama-samang ito ay may
kasama ring awitan.

1. Ang awitin ay mula sa ____________.


A. Luzon C. Visayas
B. Mindanao D. NCR

4
2. Ang hanapbuhay ni Felimon sa batay sa awitin ay _______________.
A. Magsasaka C. Mang-aawit
B. Tindero D. Mangingisda
3. Naging bahagi ng buhay ni Felimon ang pakikipagkalakalan sa mercado.
Ang mercado ay nagangahulugang ___________________.
A. Tindahan C. Sari-sari store
B. Palengke D. Grocery
4. Matapos ang maghapong pagtratrabaho, ano ang naging libangan ni
Felimon?
 Pagtitinda C. Pag-inom ng tuba
 Pagpunta sa mercado D. Pangingisda
5. Sa anong bahagi ng awit nasalamin ang kultura ng mga bisaya?
 Sa uri ng kanyang hanapbuhay
 Sa pakikipagkalakan sa mercado
C. Sa uri ng paglilibang matapos ang maghapon
D. Sa himig ng awitin

Gawain 2

Panuto: Magsagawa ng panayam sa ilang taga-Visayas sa pamamagitan ng


socia-media tulad ng FB o maaaring sa kasama sa bahay. Narito ang mga
ihahanda mong tanong sa iyong panayam:

1. Saang lugar sa Visayas ka lumaki o nakatira?


2. Ano ang karaniwang katangian ng mga taga-Visayas?
3. Paano kaya kayo naiba sa mga taga-Luzon o taga-Mindanao batay sa inyong:
a. Paraan ng pamumuhay
b. Libangan
c. Pamilya

Gawain 3

Panuto: Matapos mong basahin at pag-aralan ang mga nalaman mo sa iyong mga
panayam, Isulat sa bahaging ito ang iyong natuklasan kultura ng mga taga-
Visayas at ang kaugnayan nito sa kanilang mga awiting-bayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________

5
TANDAAN
Mahalagang pag-aralan natin ang mga awiting-bayan upang makilala natin ang
ating nakaraan at magsilbing bahagi ng ating kasalukuyan sapagkat bilang Pilipino,
maipagmamalaki lang natin ang ating sariling kultura kung higit nating kilala ang
ating pinagmulan.
Ilang pagkakataon na ring napatunayan ang kapangyarihan ng awit tulad ng
pag-awit ng oyayi ng ina upang mapatahimik at mapatulog ang kanyang sanggol, ang
kundiman na inaawit ng mangingibig upang maipadama ang nararamdaman sa
kanyang iniibig, ang kutangkutang na inaawit kaugnay ng pagtratrabaho na maaaring
maging paraan upang mapagaan at maging masaya ang paggawa at marami pang
ibang paraan upang maramdaman natin ang tunay na kahalagahan at kapangyarihan
nito.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Gawain 1: Pagtukoy sa Awiting-bayan

Panuto: Tukuyin kung anong awiting ang nasa loob ng kahon at iangkop ito sa
kasunod na larawan.

Sa Ugoy ng Duyan

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw


Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

MATUDNILA

Matud nila ako dili angay


Matud Nila ikaw dili malipay
Nga magmamanggad sa imong gugma
Kay wa ako’y bahanding nga kanimo igasa

Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro sa umaga paggising
Maghapong nakayuko ay agad iisipin
Di man lang makaupo Kung saan may patanim
Di man lang makatayo masarap ang pagkain

6
1. ___________________________ 2. _______________________

3. _________________________

Gawain 2:Pagguhit ng Kulturang Pilipino mula sa Awiting- bayan

Panuto: Humanap ng isang awiting-bayan at iguhit ang angkop na kulturang


Pilipino na ipinakikita nito. Gawin ito sa kwaderno.

7
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang angkop na kasagutan. Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang masasalamin sa ating mga awiting-bayan?


 Sining C. Damdamin
 Kultura D. Panitikan
2. Ito ay anyong tula na nilapatan ng himig.
 Awiting-bayan C. Kundiman
 Talindaw D. Soliranin
3. Naipadarama ng isang ina ang kanyang pagmamahal sa anak sa
pamamagitan ng awitin na kilala bilang __________________.
 Diona C. Kumintang
 Kutang-kutang D. Oyayi
4. Ang “Magtanim ay Di Biro” ay isang awiting-bayan na nagpapakita ng
kalagayan ng mga _________________.
 Tagalalawigan C. Manggagawa
 Magsasaka D. Tagapagtanim
5. Ang pag-aaral ng mga awiting-bayan ay makatutulong sa:
 Pagkilala sa mga bumuo ng mga awiting-bayan
 Pagpapahalaga sa mga kaugaliang Pilipino
C.Pagpapanatili ng magagandang kulturang Pilipino
D.Paglinang ng talent ng bawat Pilipino

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Sumipi ng bahagi ng isang awit na maglalarawan sa iyong naramdaman
matapos ang ating aralin. Gawin ito sa kwaderno.

_________________________________________
Bahagi ng awit _________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
Damdamin at saloobin sa paksa _______________________________

8
SANGGUNIAN

MELCs sa FILIPINO 7 - Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan F7PB-III-12


https://youtu.be/irydqcYOY5c
https://www.google.com.ph/search?q=different+culture+in+the+philippines&tbm=isch&hl=
en&chips=q:different+culture+in+the+philippines,online_chips:tradition&hl=en&ved=2ahUK
Ewj4pb_z3NbqAhVG15QKHUL-
ASEQ4lYoAXoECAEQDQ&biw=1349&bih=625#imgrc=E3GEY0jeiJtWVM

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Liezl M. Evangelista, HT VI
Manunulat: Nelia N. Amoy, MT I
Tagalapat: Alma N. Dimapilis, MT I

SUSI NG PAGWAWASTO
Mga Gawain Balik Tanaw Pag-alam sa
Unang Pagsubok
Gawain 1 1. C Natutuhan
1. Tama
1. C 2. F Gawain 1
2. Tama
2. D 3. A 1. Magtanim ay Di
3. Tama
3. B 4. B Biro- Kutang-kutang
4. Tama
4. C 5. E 2. Matud Nila-
5. May tiyak
5. C 6. D Kundiman
3. Sa Ugoy ng Duyan-
Pangwakas na Oyayi
Pagsusulit
1. B
2. A
3. D
4. B
5. C

You might also like