You are on page 1of 21

7

Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 7
Ikapitong Linggo

Ang Wika
Ang wika ay isang masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos paraang
arbitraryo upang magamit ng
mga tao sa pakikipagtalastasan
na nabibilang sa iisang kultura.

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat-etinikong Pilipino.
Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan, mga timugang kapuluan ng Luzon, at
maraming bahagi ng Mindanao. Sila ang pinakamalaking pangkat-etniko
sa paghahating heograpikal ng bansa kung ituturing bilang iisang pangkat, na
bumibilang ng halos 33.5 milyon. Malawakang nakikibahagi sila
ng kulturang pandagat na may malakas na tradisyon ng Romano Katoliko na
pinagsamahan sa mga elemento ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga siglo
ng pakikipag-ugnay at kapwa pandarayuhan lalo na sa mga dagat
ng Kabisayaan, Sibuyan, Camotes, Bohol, at Sulu; at sa mga iilang liblib na lugar ay
pinagsamahan sa mga sinaunang impluwensyang animistiko-
politeyistiko (hal. Katutubong Katolisismo). Karamihan ng mga Bisaya ay nagsasalita
ng isa o higit pang mga wikang Bisaya, ang pinakasinasalita rito ang Sebwano,
kasunod ng Hiligaynon (Ilonggo) at Waray-Waray.
Masayahin ang mga naninirahan dito at kakikitaan ng malaking impluwensiya
ng Katolisismo na hatid ng mga mananakop na Kastila kaya naman mababanaag sa
mga imprastraktura nito. Tanyag ding maituturing ang Visayas sa mga pagdiriwang o
festivals. Isa sa mga kultura ng Visayas ay ang Sinulog. Dito ipinapakitang gilas
angiba't-ibang mga kasuotan na mayroon ang mga "Bisaya" at ito ay ang
pagsasayawan na iniaalay para kay Mama Maria at sa batang anak niyang si Sto.
Niño. Bukod pa rito ay nakaukit na sa kasaysayan ng pulo ang kabayanihang
ipinakita ni Lapu-Lapu nang makipaglaban ito sa Kastilang mananakop na si
Magellan.
Ang Modyul 7 ay naglalaman ng akdang pampanitikan ng na
maipagmamalaki ng mga taga Bisaya ang epiko na Labaw Donggon na kakikitaan
ng kabayanihan, pakikipagsapalaran at kultura ng mga taga Bisaya. Iba’t ibang
gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng
mga akdang pampanitikan upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin. Ito ay ang:

Aralin 4 - Labaw Donggon (Epiko ng Iloilo)

Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga


taga-Bisaya sa kinagisnang kultura.
F7PU-IIg-h-10

1
Subukin Natin

Bago mo simulan ang aralin, susubukin muna ang iyong dating kaalaman sa
mga paksang tatalakayin. Sundin ang panuto sa bawat bahagi at maging tapat sa
pagsagot.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang
sagot
ang titik ng tamang sagot.

1.Siya ang lalaking may makisig na pangangatawan na umibig kay Abyang 


   Ginbitinan.
A. Labaw Donggon  C. Anggoy 
B. Buyong   D.Humadapnon 

2. Ang Labaw Donggon ng mga taga-Bisaya ay isang akdang _____


A. Tula                                           C. Epiko
B. Maikling kuwento D. Dula

3.Ang mga sumusunod ay katangian ng paglalahad maliban sa isa.


A. Nagbibigay ng panuto sa mambabasa
B. May layuning magpaliwanag o magbigay linaw
C. Ito ay maaari pasalita o pasulat
D. gumagamit ng mga salitang nag-uugnay ng isang ideya sa kasunod 
                Ideya

4. Nagustuhan ni Labaw Donggon ang isang pang babae sa katauhan ni


Nagmalitong Yawa ngunit si Nagmalitong Yawa ay may asawa na si Buyong
Saragnayan.Paanong nilabananni Labaw Donggon si Buyong?
A.  Inbinaon ni Labaw sa lupa si Buyong hanggang ito ay mamatay
B.  Sa kagustuhang matalo ni Labawa Donggon si Buyong kaya ito’y 
                sinunog
C. Inilublob ni Labaw si Buyong sa ilalim ng tubig hinampas ni Labaw 
si Buyong ng matitigas na puno
D. Si Buyong ay napakawala ng lakas hanggang sa tangayin ng hangin 
               si Labaw Donggon na naging sanhi ng kanyang kamatayan 

5. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng tunay na pangyayari sa akdang 


    Labaw Donggon?
A. Si Labaw Donggon ay naging pihikan sa mga kababaihan
B. Nagkaroon ng mga babaeng kinakasama si Labaw Donggon 
C. Nagapi ni Baranugan si Buyong at ito ay napalayas sa kanyang 
               kaharian
D. Sa wakas ng epiko naging bugnutin si Labaw dahil gusto niyang 
               magkaroon ng anak na lalaki

2
6. Ang labaw Donggon ay ang akdang ipinagmamalaki ng mga taga ______.
A. Leyte C. Cebu
B. Antique D. Iloilo

7.  Alin sa mga sumusunod ang naglalahad tungkol sa kakisigan ni Labaw    


     Donggon?
A. Si Labaw Donggon ay may paninindigan sa kanyang tungkulin
B. Lahat ng magagandang babae na natitipuhan ni Donggon ay 
     ginagawang asawa niya 
C. Naging modelo siya sa larangan ng pag-aasawa 
D. May matalas na pag-iisip at may pagmamalasakit sa kanyang kapwa

8. Aln sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?


A.   Minsan nagpaalan si Donggon sa kanyang ina upang hanapin ang 
                 isang babaeng nagngangalang Abyang Ginbitinan
B.   Si Labaw Donggon ay maituturing na bayani ng mga taga Iloilo
C.  Napagsang-ayon niyang pakasalan niya si Anggoy 
D.  Muli na namang umalis si Labaw Donggon upang suyuin
                ang isang babaeng nagngangalang Doroonon 

9. Sa paglalahad maaari tayong gumamit ng mga sumusunod maliban sa isa.


A. paggamit ng sapagkat, ngunit C. paggamit ng susunod
B. paggamit ng una, ikalawa … D. paggamit ng isa pa.

10.Nagkaroon ng anak si Anggoy Doroonan kay Donggon na si ______


A. Buyong C. Baranugan 
B. Humadapnon D. Asu Mangga

11 Inilahad sa bandang hulihan ng epiko na si Labaw Donggon ay ____


A.  Namuhay na mag-isa na lamang sa buhay
B.  Si Labaw Donggon ay humiling sa dalawang asawa na nais niyang 
                asawahin si Nagmalitong Yawa
C. Tuluyang namatay sa sanhi ng pakikipagtunggali kay Buyong
D. Naging payapa ang kanilang pamayanan

12.Sino sa mga sumusunod ang hindi naging kabiyak ni Labaw Donggon. 


A. Ginbitinan C. Alunsina
B. Doroonan D. Nagmalitong Yawa

 13. Inilahad sa epiko ng Kabisayaan, may pagkakahawig ba ito sa epiko ng 


        Mindanao? 
A. Opo dahil pareho silang may angking kapangyarihan ang tauhan
B. Wala po, dahil simple lamang ang takbo ng epiko ng Bisaya 
C. Parehong tama ang A at B dahil ito’y may kabuuan 
D. Lahat ay tama

3
 14. Maari bang tawaging tula ng kabayanihan ang epiko?
A. Hindi, dahil wala itong pinapakitang kabayanihan
B. Hindi, dahil nakasulat ito sa anyong patalata
C. Opo, dahil tungkol ito sa kabayanihan  
  D. Lahat ay tama

 15. Bago dumating ang mga Kastila, mayroon na ba tayong sariling akdang 
       Pampanitikan?
A. Wala, dahil kulang tayo sa kaalaman noon 
B. Wala, dahil ang mga kastila lamang ang nagturo sa atin sa 
               larangan ng pagsulat at pagbasa
C. Mayroon, dahil bago dumating ang mga Kastila marami na rin ang 
                marunong magbasa at magsulat
           D. Lahat ay tama

4
Aralin
EPIKO
4
A. Panitikan: Labaw Dongon (Epiko ng Iloilo)
Tekstong Naglalahad

Balikan Natin

Bago talakayin ang susunod na aralin, muli mong balikan ang nakaraang
talakayan sa pamamagitan ng ilang inihandang gawain.

Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay na nanghihikayat ang mga patlang upang
mabuo ang ideya ng talata. Piliin ang tamang sagot sa sa kahon.

sadyang tunay at -ng upang


talaga ngunit totoong kaya tulad

(1)___________ na ang pagdiriwang sa Pilipinas ay isang paraan


(2)__________ ipakilala ang isang lugar at mapanatili ang kultura. llan sa mga
kilalang festival ay patuloy sa taunang pagdiriwang. Bilang pasasalamat,
(3)__________ tumutugtog (4)_____ sumasayaw sila. Kilala ang Dinagyang Festival,
isang pistang panrelihiyon na ginaganap sa Iloilo sa buwan din ng Enero.
(5)__________ ng Ati-atihan, mayroon din itong kasuotan, ang kasuotang pandigma
sa parada habang may saliw ng musikang nagmumula sa tambol. (6)__________
ginaganap ito para parangalan ang Sto. Niño (7)__________ ang mga Ati bukod sa
nabanggit na pasasalamat sa Sto. Niño ay (8)__________ pagdiriwang ng
pagbebenta sa Panay. (9)__________ kagigiliwan ang pulo ng Visayas
(10)__________ano pang hinihintay? Hala bira, adto na ta!

Tuklasin Natin
icon
nanagsu
sulat Mataposmong punan ng kasagutan sa anyong paglalahad ang gawaing
balikan, sa pagkakataon ito matutunghayan ang isa pang gawaing lalong
magpapalinaw sa tungkol sa paglalahad.

BAGO BUMASA
Gawain 2: Piliin Mo!
Sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kahon, piliin ang mga pahayag na
naglalahad tungkol sa kultura ng mga taga-Visayas.

5
1. Talaga namang napakaganda ng Kabisayaan. Una, may mga
tanawin itong maipagmamalaki kumpara sa iba. Ikalawa, may
maganadang kaugalian ang mga mamamayang nakatira dito at ang huli
mayaman sa katutubong kultura ang Kabisayaan.

BALIKAN
2. Ang Maragtas ay isang Epiko na punong-puno ng gintong -aral
naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga Datu.Lumisan ang mga Datu
sa Borneo sakay ng Balangay isang uri ng sasakyang pandagat
pagkatapos sinama nila ang kani-kanilng mga asawa at naninirahan sa
pulo ng Panay.

3. Isa sa sikat na epiko ng mga Ilokano ay ang Biag ni Lam-Ang na


tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng batang si Lam-Ang. Hangad niyang
ipagtanggol ang kanyang lahi laban sa mga mapagkamkam.

4. Kilala ang Cebu City bilang Queen City of the South. Itinuturing na
kabisera ng kultura ng mga Sugbuanon. Dito makikita ang lumang Kruz ni
Magellan. Dahil dito maituturing na sentro ng Katolisismo ang lalawigan ng
Cebu.

5. Sikat ang mga Bisaya sa kanilang pangunahing pagkain. Una, ang


barbecue, ikalawa, lumpia at higit sa lahat mahilig din silang magluto ng
kaning niluto sa dahon ng niyog. Maaaring ito ay pamana pa sa kanila ng
mga Kastila.

Gawain 3: Ilahad Mo Nga!


Gamit ang mga larawang sa bawat kahon maaari mong mailahad ang mga ito
sa pamamagitan ng anyong pasulat.

6
Talakayin Natin

PANITIKAN
Hala Bira! Hala Bira! Kakaiba ang Kabisayaan kung ihahambing sa Luzon at
Mindanao dahil ito ay binubuo ng hiwa-hiwalay na pulo. Matutunghayan dito ang
pulo ng Panay na pinaniniwalaang pinagdaungan ng mga Datu o balangay mula sa
Borneo. Napapabilang sa pulo ng Panay ang mga lalawigan ng Iloilo, Capiz, Antique
at Aklan na kilala sa magagandang dalampasigan, sa katunayan sa Malaybalay
Aklan matatagpuan ang isa sa maipagmamalaki ng bansa ang sikat sa buong
mundo, ang Boracay Beach na maituturing na Paraiso. Makikita rin sa Kabisayaan
ang Negros Island, pulo ng Cebu na kinikilalang pinakamatandang lungsod sa bansa
at pinaniniwalalang pinagmulan ng Kristiyanismo sa bansa dala ng mga Kastila ,
pulo ng Bohol bagamat maliit kumpara sa iba ngunit may-angking gandang itinatago
, pulo ng Leyte na halos kakambal ng pulo ng Samar.
Hindi lang kilala ang pulo ng Kabisayaan sa ganda ng mga dalampasigan
maging sa usaping kultura ay tradisyon ay hindi magpapahuli ang Kabisayaan.
Mayaman at makulay ang kanilang kultura nariyan ang Ati-atihan ng Aklan at ba pa.
Kung ang Mindanao ay may maipagmamalaking akdang pampanitikan
maging ang Kabisayaan ay mayroon ding sinaunang akda. Dito natin
matutunghayan ang isa sa mga maipagmamalaki ng mga taga Iloilo ang epiko ni

7
Labaw Donggon na kakikitaan ng kabayanihan kagaya ng nakalipas na aralin sa
unang markahan ang epiko ng Mindanao na pinamagatang Prinsipe Bantugan. Sa
pagkakataon ito ay mailalahad naman ang pakikipagsapalaan ni Labaw Donggon
laban sa mga mapagkamkam na kaaway.
Matutunghayan sa modyul na ito ang paglalahad tungkol sa pagpapahalaga
sa kinagisnang kultura ng mga taga- Visaya.

Epiko
Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagtataglay ng
kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan , Maaari ring ito’y nakasulat sa
anyong patula o patalata.Ang tema nito ay may kinalaman sa mga
mamamayang naninirahan sa kapuluan ng Bisaya .Nahahati sa apat na
bahagi ang epiko ng Bisaya .Ito ay ang mga sumusunod.

APAT NA EPIKO NG BISAYA

HARAYA MARAGTAS

LAGDA HINILAWOD

Layunin ng pagbasa na ito na maunawaan ang mga bahagi ng maikling


kuwento at bubuo pakawadrong pagkukuwento.
HABANG BUMABASA
Basahin ang epiko at gawin ang pakuwadrong pagkukuwento o Story Frame.
Labaw Donggon
Epiko ng Iloilo

Ang epikong ito ay tungkol kay Labaw Donggon na masasabing mahilig sa


magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang
karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapon at Dumalapdap. Kasisilang pa
lamang nila sa daigdig ay nakapagsasalita na sila.
Nang dumating ang panahon ng pagnanais ni Labaw Donggong mag-asawa
na, nagpaalam sa ina upang tumungo sa Handog, isang malayong pook. Sa may
paanan ng Ilog-Halawod ay may nakatirang napagandang babaing si Anggoy
Ginbitinan. Nagpaalam si Labaw sa ina upang magtungo roon. Laban man sa
kalooban ng ina na umalis si Labaw Donggon dahil sa napakabata pa nito’y napilitan
din itong pumayag. Binigyan niya ng damit na may engkanto ang anak. Lumipad ito
sa ibayo ng ulap na dala-dala ng hangin. Nakalagpas ito sa pagsubok ng ina ng
dalaga. Kaya nagtagumpay siya kay Anggoy Gibitinan.
8
Ilang linggo lamang silang nagsama, nabalisa na naman si Labaw Donggon.
Nais naman niyang puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng
ilog at bukal. Nakatira ito sa ilalim ng lupa. Ito si Anggoy Doronoon. Hindi siya napigil
ng asawa sa pagtungo sa ilalim ng lupa. Nakamit din niya si Anggoy Doronoon.
Nagsama sila ng ilang panahon. Pagkatapos, muling bumalik si Labaw Donggon kay
Ginbitinan. Nagsama silang muli. Nabalisa na naman si Donggon pagkalipas ng ilang
panahon. May magandang babae sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit si
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan. Nais
niyang mapangasawa ito. Humingi si Donggon ng pahintulot sa dalawang asawa
upang puntahan si Nagmalitong Yawa. Ayaw man nila, wala silang nagawa.
Hindi naging madali para kay Donggon na makamit si Nagmalitaong Yawa
sapagkat may asawa na ito. Naglaban sila ni Saragnayan. Inilubog ni Donggon nang
pitong taon sa tubig si Saragnayan, ngunit hindi niya ito napatay. Binayo na niya ito
nang binayo, wala pa ring nangyari. Pinaikot na niya nang pinaikot sa mga ulap si
Saragnayan, hindi pa rin ito namamatay. Siya na ang sumuko sa pagod pagkalipas
ng maraming taon.
Nang mapagod na si Donggon at saka nanlaban si Saragnayan. Sa gayo’y
naitali niya si Donggon at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng
kanilang lutuan.
Samantala, nanganak naman si Doronoon. Isang lalaki. Si Buyung
Baranugun. Nakapagsalita at nakatindig agad ang bata pagsilang sa maliwanag.
Hinanap na ang kanyang ama. Si Ginbitinan man ay nanganak din. Isang lalaking
pinangalang Asu Mangga. Naghanap din ng ama.
Nagkasalubong ang dalawa sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si
Baranugun at lulan ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila
hinahanap ang palikerong ama. Nakarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw.
Sumangguni sila sa kanilang bolang kristal. Napag-alaman nilang nakakulong sa
ilalim ng lutuan ang kanilang ama.
Kahit na mga bata pa sila, nakipaglaban sila kay Saragnayan. Ngunit wala
silang magawa. Hindi nila mapatay si Saragnayan. Pinuntahan ni Baranugun ang
kanyang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Sinabi nitong mapapatay
lamang ito kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat
diong kanin ang puso ng baboy-ramo.
Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng
magkapatid ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang
naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya
napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang
daigdig at nagdilim. Iyon ang unang lindol at unang gabi.
Ngunit hindi nakita ng magkapatid ang ama sa pinagkulungan dito. Tumulong
na rin sina Humadapnon at Dumalaplap sa paghahanap kay Donggon. Pagkalipas
ng maraming araw, natagpuan din nila sa loob ng isang lambat sa pampangin ng
maybahay ni Saragnayan.
Nawala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Donggon dahil sa labis na
paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang dalawaang babae. Ngunit
hindi pa rin tumigil si Donggon. Sinabi niya sa dalawang asawa na nais niyang
mapangasawa si Malitong Yawa. Nagsiklab sa galit ang dalawang babae, ngunit

9
ipinaliwanag ni Donggon na pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal at
kinakailangan sa matapang na kawal ang magkaroon ng maraming babae.
Ipinagdasal pa ng dalawang babaing lumakas muli si Donggon. Nagbalik naman ang
dating kakisigan at lakas nito.

Gawain 4: Pakuwadrong Pagkukuwento o Story Frame


Habang binabasa ang epiko ay gawin ang pakuwadrong pagkukuwento o
story frame.
Tauhan

Tagpuan

Banghay

Wakas

PAGKATAPOS BUMASA
Gawain 5: Ilahad Mo Nga!
Sa gawaing ito ay makikilala ang pangunahing tauhan sa epikong “Labaw
Donggon” sa pamamagitan ng paglalahad. Isa-isahin ang mga katangiang ipinakita
ng pangunahing tauhan ayon sa…
10
SA ISIP

SA SALITA

SA PUSO

SA GAWA

Tekstong Naglalahad

Ang Editoryal o Pangulong-tudling ay isang mapanuring pagkukuro ng patnugot ng


pahayagan sa napapanahong pangyayari sa paligid upang makapagbigay-kaalaman,
makaaliw, mabigay-puri, at makapanghikayat sa mga mambabasa. Maaaring gamitin ang
mga pang-ugnay na nanghihikayat.
Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang ideya o
pangungusap o parirala. Ito ay ang mga pangatnig, pang-ukol, at pang-angkop. Ginagamit
rin ito sa paghihikayat sa anumang pakay o nais tangkilikin ng isang taong nagsasalita na
maaaring isang produkto, pagpapakilala sa isang lugar o pook, aktibidad na nakalilibang.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang totoo, tunay, talaga, sadya, pero, ngunit at
iba pa.

Pang-ugnay na Paglalahad

Isang anyo ng pagpapahayag na ang layunin ay magbigay linaw sa isang


kaisipan

Ito ay maaaring sa anyong pasalita o pasulat


Layunin din nitong maturo ng isang paraan ng pagsunud-sunod
Ginagamitan din ito ng mga salitang nag-uugnay sa isang ideya o
kaisipan tulad ng (Una, ikalawa, ang huli, sumunod, pagkatapos at iba
pa.)

Pagyamanin Natin

11
Naunawaan mo ba ang epiko ng mga Iloilo? Nalaman mo na ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng epiko ng Mindanao at Kabisayaan. Ngayon naman ay susuriin
natin ang kaugnayan paglalahad.
Maragtas
Epiko ng Visayas

Ang Maragtas ay tungkol sa sampung datung taga-Borneo na


pinagmalupitan ng isang malupit na Sultan, si Sultan Makatunaw. Kinamkam niya
ang lahat ng yamang ng kanyang nasasakupan pati asawa, anak at dalaga ay
pinupugayan niya ng dangal.
Binalak ng Datung Paiborong na labanan ang malupit na Datu. Una, dahil
nais halayin ang asawa ng Datu. Ikalawa, totoo naming daw na ang kalupitan nito
ay labis na nagpapahirap sa lahat.
Dahil dito kinausap ni Datu si datu Sumakwel. Sinabi niya ang kaniyang
balak na hindi naman sinang-ayunan ni Datu Sumakwel. Una, alam niyang hindi
niya magagapi ang Sultan. Ikalawa, marami ang namatay at ikatlo, iba ang
kaniyang plano, ang lisanin ang Borneo.
Nilisan ng sampung Datu ang Borneo at napadpad sila sa pulo ng Panay.
Una binili nila ang lugar sa hilaga ng isang salakot na ginto kay Datu Marikudo
Ikalawa, ibinigay nila ang kuwintas na perlas sa asawa nito na si Maniwang-
tiwang. Pagkatapos nito, umalis na si Datu Puti at dalawa pang Datu. Sumunod
naiwan si Datu Sumakwel at siyang namuno sa mga naiwan.
mula sa Perla Guerrero, R. H. (2018). Kayumanggi Baitang 7. Cavite: Leo-Ross Publications.

1. Ano ang paksa ng Maragtas? ____________________________________


2. Sino si Sumakwel sa epikong Maragtas? ___________________________
3. Paano nagkaroon ng lupain sa Kabisayaan ang mga sampung Datu?
____________________________________________________________

Pagsasanay 1
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang mga pangyayari sa epikong Maragtas
sa pamamagitan ng paglalahad.
Ang Maragtas ay (1)_____________________________________________,Si Sultan
Makatunaw (2)______________________________________________________________
Binalak ng Datung Paiborong na labanan ang malupit na Datu. Una,
(3)__________________________________. Ikalawa,(4)____________________________
____________________________. Dahil dito kinausap ni Datu si datu Sumakwel. Sinabi niya
ang kaniyang balak na hindi naman sinang-ayunan ni Datu Sumakwel. Una
(5)______________________________________.Ikalawa,(6)_________________________
__________________________________Nagkaroon ng sariling lupain ang pangkat ng datu.
Una (7)_____________________________________Ikalawa,________________________
(8)__________________________________________________________________________
_________________.Pagkatapos nito, (9)______________________________________
_________________________________________________________________________ .
Gawain 6: Dagdag Kaalaman
Pagkatapos basahin ang epikong Labaw Donggon, handa ka na ba sa gawaing
ito? Dagdagan mo pa ang kaalaman upang lubos mong maunawaan ang daloy ng
mga pangyayari sa epikong.

12
A. Isulat sa loob ng kahon ang mga pangyayaring naganap sa epikong
“Labaw Donggon”.

Ang epiko ay nagsimula_____________ Ikalawang niyang inibig____________


________________________________
________________________________ _______________________________

May tatlong anak ang mag-asawang


At ang huli niyang inibig_____________
Abyang at Paubari sina_____________
________________________________
________________________________

Una niyang inibig__________________________ Sa wakas ng epikong ito____________


_______________________________________________ ________________________________

B. Panuto: Ilahad ang pakikipagtunggali ni Labaw Donggon sa asawa ni Nagmalitong


Yaw na si Buyong Saragnayan.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Tandaan natin

Gawain 7: UsapTayo!

13
Tandaan natin na ang epiko ay bahagi ng ating kultura kaya sa gawaing ito
lagyan ng dayalogo ang mga lobo ng usapan tungkol sa pagpapahalaga ng mga
Kabisayaan sa kanilang kultura sa anyong paglalahad.

Isabuhay natin

Lubos mo ng nakilala ang kaugalian at paniniwala ng Kabisayaan sa


pagtalakay sa epiko sa pamamagitan ng paglalahad kaya naman handang-handa ka
14
na para isagawa ang kabuuan ng iyong natutuhan. Tiyak na mabubusog ka sa mga
pagkaing Bisaya. Namit gid!

Gawain 8: Sarap Diva!


Maalat, matamis, maanghang at maasim. Ano nga ba ang lasa ng pagkaing
Bisaya? Subukan mong gumawa kasama ang iyong pamilya ng isang video na tila
cooking show tungkol sa paghahanda ng pagkaing Bisaya gamit ang iyong
cellphone sa paraang paglalahad. Kung wala naming gadget ay maaring gawin ito
sa colored paper o special paper sa malikhaing paraan, may mga larawan at
paglalahad. Isulat sa nakalaang kahon ang mga paraan kung papaano ito
inihahanda. Maaari ring mag-upload o magpasa ng isang video tungkol sa
paghahanda ng pagkain ng mga Kabisayaan.

Halina’t Tikman ang Pagkaing Bisaya

Pangalan ng Pagkain_________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Rubriks sa Pagbuo ng Video at Paglalahad


Itiman ang bilog ng angkop na bilang batay sa sariling pagtataya

Pamantayan 1 2 3 4 5
1. Kaugnayan sa paksang tinalakay
tungkol sa Kabisayaan
2. Paggamit ng pang-ugnay na naglalahad
3. Kaangkupan ng mga salitang ginamit
4. Husay at galing sa paglalahad ng
Proseso ng paghahanda ng pagkain
KABUUAN

Interpretasyon: Napakahusay 16-20 Mahusay-husay 6-10


Mahusay 11-15 Paghusayan pa 1-5

Tayahin Natin

15
Sa bahaging ito ay tatayahin ang lahat ng iyong natutuhan mula sa pagtalakay
ng epiko at paglalahad ng mga kultura ng Kabisayaan. Sundin ang panuto sa bawat
bahagi at maging tapat sa pagsagot.

Panuto: Tukuyin ang salita/ pahayag na inilalarawan o binibigyang-kahulugan


sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-10


Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang pangungusap ay naglalahad ng kultura
ng Kabisayaan at ekis naman kung hindi.

_____1. Ang Sinulog Festival ay isang pagdiriwang na gianaganap tuwing sasapit


ang Ikatlong linggo ng buwan ng Enero.
_____2. Bicol Express, isang uri ng pagkaing Bicol na niluluto sa gata at may
halong maanghang ng sili o labuyo.
_____3. Likas na sa mga taga Bisaya ang pagiging masinop sa salapi kung kaya’t
nabansagan itong kuripot sa negatibong kawatagan.
_____4. Isang paraan ng panliligaw ng mga taga-Bisaya ang paghaharana sa
kalagitnaan ng gabi.
_____5. Ang Ilig Festival isang pagdiriwang na ginaganap tuwing sasapit ang ika-28
ng Abril hanggan sa ika-5 ng Mayo ng mga taga-Dumalag Capiz.
Pagdiriwang ito ng mga magsasaka sa kanilang mga kasuotan nayari
sa katsa at iba pang dahon.
_____6. Ang Negros Occidental ay kilala sa dalawang bagay. Una, lugar na
pinagkukunan ng asukal at ang huli, pagdiriwang ng Maskara Festival
bilang tanda ng pagiging masayahin.
_____7. Ang epikong Alim ay ipinagmamalaki ng mga taga Antiqu na
matatagpuan sa pulo ng Panay.
_____8. Sikat sa mga Bisaya sa tradusyong ito na matapos
makapanganak, inililibing ang inunan (placenta) sa tabing-dagat
upang maging malusog ang bata sa kanyang paglaki. 
_____9. Mahilig magtanin ng mga gulay ang mga taga Bisaya kung kaya’t sikat sa
kanila ang lutong pinakbet.
_____10. Pinapaniwalaan din ng mga taga Bisaya ang di pagwawalis habang may
burol dahil umano ito’y magiging panganib na maaaring mamatay ang
isang kasapi ng pamlya.

Para sa bilang 11-15


Panuto: Palitan ng tamang sagot ang mga nakasalungguhit na salita. Isulat sa
unang patlang ang tamang sagot.
______________11. Ang epikong Magartas ay mula sa lalawigan ng Mindanao
______________12. Salat na salat sa kultura ang Kapuluang ng Bisaya una,
sa pamahiin, ikalawa sa Festival, ikatlo sa pagkain at huli
sa Sining.
______________13. Ang Masskara Festival ay buhat sa pulo ng Bohol.
______________14. Kilalang-kilala ang mga taga -Bisaya sa larangan ng
pagsayaw partikular na ang mga taga Cebu.
______________15. Ang epikong Hinilawod aymaituturing na pakamaikling
epiko ng Kabisayaan.

16
Gawin natin

Para magkaroon pa ng malawak na kaalaman tungkol sa Kabisayaan, narito


ang karagdagang gawain na magbibigay pa ng mas malawak na kaalaman tungkol
sa kanilang kultura.

Gawain 9: Paggawa ng Picture Card


Panoorin ang iba’t ibang kultura ng Visayas sa pamamagitan ng pag-click ng
link na ito https://www.youtube.com/watch?v=_xFpsLYaodo . Ang link na ito ay
naglalaman ng kultura sa kapuluan ng Visayas. Matutunghayan dito ang makukulay
na festival ng ibang lalawigan, pananamit, kaugalian, magagandang kasuotan at iba
pa. Ilahad ang iyong napanood.

Kultura ng Visayas
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Repleksiyon ng Natutuhan

Gumupit o magdikit ng mga larawan na nagpapakita ng kultura ng Visayas na


iyong naibigan. Maaring magsulat ng reaksiyon tungkol dito.

Sanggunian:

17
Perla Guerrero, R. H. (2018). Kayumanggi Baitang 7. Cavite: Leo-Ross
Publications.
https://www.youtube.com/watch?v=_xFpsLYaodo

Canva for Education

DedEd EdTech Advanced OER Cartoon Story

Development Team of the Module


Writer: TIRSO F. FABUL
Editors:
Content and Language Evaluators:
LORIE ROSE D. GUBAC
ZHA-ZHA N. MEJOS
CHEYRELL C. SAPIN

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: NATHANIEL C. MACAAMBAC


Layout Artist: ZHA-HA N. MEJOS
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

18
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

19

You might also like