You are on page 1of 4

Asignatura Filipino Baitang 7

WEEK 2 Markahan 4 Petsa May 8-12, 2023


I. PAMAGAT NG ARALIN
 Kahulugan at Katangian ng Korido
 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna
II. MGA
PINAKAMAHALAGANG A. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)
KASANAYANG B. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
PAMPAGKATUTO Adarna (F7PSIVa-b-18)
(MELCs)

 Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)


K- Natutukoy nang wasto ang mga katangian ng korido
III. LAYUNIN
S- Nasusuri ang kahulugan at mga katangian ng “korido”
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna (F7PSIVa-b-18)
K- Naipapaliwanag ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna sa kasalukuyang panahon
S- Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna
A- Naipapakita ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng Ibong Adarna bilang bahagi ng
panitikang Pilipino

Sanggunian:
Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode- Ikaapat na Markahan
Learner’s Packet (LeaP)
Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe, Roselyn Salum et. al.
https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna-buod

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

AKTIBITI

A. Motibasyon/Panimula:
Basahin nang malikhain ang mga sumusunod na pahayag https://www.youtube.com/watch?v=DpetZJFjhWQ
ANALISIS

Gawain sa Pagkatuto
V. YUGTO Bilang 3 AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
NG PAGKATUTO
Panuto: Paghambingin ang dalawang tula sa ibaba at tukuyin kung alin ang napabilang sa korido batay sa mga
katanungang
Katangianinilahad
ng isangsa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (3 puntos bawat bilang.)
Korido

 Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat taludtod


 Isinulat upang basahin at hindi upang awitin.
 Binibigkas na may tiyempong mabilis o allegro dahil maiikli ang mga taludtod.
 Ang mga tauhan dito ay may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga kababalaghan o supernatural.
 Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan alang-alang sa pag-ibig.
 Nagtataglay ng aral sa buhay at butil ng karunungan.
 Higit sa lahat, ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay hindi maaaring mangyari sa totoong buhay.

Mga Halimbawa ng Korido Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay,
Mariang Alimango, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo
1. de Villas
Ilan angnisukat
Joseng
debawat
la Cruz, Prinsipe
linya Florenio
sa tulang ni Ananias
“Sirena ng Pasig”Zorilla.
at sa tulang “Buhay ng Mangingisda”?

2. Matatawag bang halimbawaSanggunian: Ibong


ng tulang korido Adarna
ang atng
“Sirena ang Tatlong
Pasig”? Prinsipe, Roselyn
Ipaliwanag Salum et. Al
nang mabuti.
https://www.slideshare.net/cli4d/ang-korido
3. Isa bang halimbawang tulang korido ang “Buhay ng Mangingisda”? Pangatwiranan nang maayos.
C. Pakikipagpalihan
D. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang ng bawat bilang na tumutukoy sa katangian taglay ng korido at ng
ABSTR AKSYON
Ibong Adarna.
1. Binubuo
Panuto: ng bubble
Ilagay sa 8 pantigmap
sa isang taludtodpaglalarawan
ang tamang at apat na taludtod sa isang at
sa kahulugan saknong.
katangian ng Ibong Adarna. Sa
bubble ng2. K
Ang
ahamga
lagahtao
an,sa akdang itong
magbahagi aysariling
kabilang sa tungkol
ideya mga mahihiwagang nilalang
sa kahalagahan tulad ng ng
ng pag-aaral Diwata
IbongatAdarna,
Diyos.
3. Sinasabing
bakit kailangan ang akdang ito ay nagmula pa sa bansang Europa.
itong pag-aralan?
4. Ang panitikang ito ay minahal at inangkin ng ng mga Pilipino dahil sa mga paksa at aral na taglay nito.
5.Pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
6. Ang tono ng akdang ito ay mabilis o allegro.
7. May taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi
magagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan.
8. Lumaganap sa Pilipinas ang akdang ito sa panahon ng mga Hapon.
9. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng Korido.
_____10. Mga prinsipe at prinsesa ang mga pangunahing tauhan ng akdang ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Ibigay ang sariling ideya sa mga sumusunod na sitwasyong nakabatay sa kahalagahan ng pag-aaral ng
“Ibong Adarna”. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Si Kenn ay palaging nagmamano sa mga nakatatanda sa kaniya.


Halimbawa: Si Kim ay palaging nagmamano sa mga nakatatanda sa kaniya.

Batay sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna:


Si Kenn ay nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda dahil palagi siyang nagmamano.
1. Sa pagtulong ni Noel sa mga taong nangangailangan sa oras ng kagipitan ay agad siyang tinulungan
ng mga ito.
Batay sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna:
______________________________________________________________
2. Hindi sumusuko si Ameil sa lahat ng problemang kaniyang kinakaharap kahit gaano man ito kabigat.
Batay sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna:
______________________________________________________________
3. Laging nagdarasal si Grace sa lahat ng oras para gabayan siya ng Poong Maykapal.
Batay sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna:
______________________________________________________________
VI. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

APLIKASYON
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang tanong sa loob ng kahon. Sumulat ng dalawang talatang may
apat o higit pang mga pangungusap. Gawing batayan ang rubrik para sa pagbibigay ng puntos. Isulat ito sa
sagutang papel.

Sa iyong sariling ideya, bakit kailangang pag-aralan mo ang akdang Ibong Adarna?

VII. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilan ang sukat ng pantig ng koridong Ibong Adarna sa bawat taludtod?


A. 12 pantig B. 8 pantig C. 9 pantig D. 10 pantig
2. Paano binabasa ang Korido?
A. Paawit B. Pasigaw C. Patula D. Mabilis
3. Ano ang himig ng koridong Ibong Adarna?
A. adante B. allegro C. alagra D. pasentro
4. Ano ang dalawang anyo ng tulang Romansa?
A. awit at korido B. dalit at soneto C. epiko at ballad D. epiko at korido
5. Ang karaniwang mga tauhan sa isang korido na katulad sa Ibong Adarna ay
A. Prinsipe at prinsesa B. ordinaryong nilalang C. Diyos at mga Diwata
6. Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang
Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong
Adarna kahit ito ay dayuhang panitikan?
A. Dahil ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastila at lahat ng kanilang dinala ay dapat nating pahalagahan.
B. Dahil ito ay bahagi ng kulturang Pilipino at kapupulutan ng mga aral.
C. Dahil magiging tanyag tayo kapag alam natin ang mga akdang pampanitikang katulad ng Ibong Adarna.
D. Dahil ito ay kasama sa mga aralin sa Filipino.
7. Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. Ang mga tauhan
ay pawang napapabilang sa mga kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa, hari at ilang dugong bughaw. Naging
palasak ang mga tulang romansa sa Europa. Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa. Alin sa mga
sumusunod ang di kaugnay ng pahayag?
A. Ang Ibong Adarna ay may mga tauhang napapabilang sa mga kaharian tulad nina Reyna Valeriana,
at Haring Fernando.
B. Ang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga kamangha-manghang pangyayaring katulad ng mga tulang
romansa.
C. Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan kaya ito’y
isang tulang
romansa.
D. Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay kaya ito’y
tulang romansa.
VIII. PAGNINILAY
a. Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga
gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP

Bilang 1 Bilang 3

Bilang 2 Paglalapat

Sagot sa Pagtataya:

1. B 2. D 3. B 4. A 5. A 6. B 7. D

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)
Grade 7- Einstein
Grade 7- Cattleya
Grade 7- Magnolia

Inihanda ni: Sinuri ni:


JONATHAN C. VILLASON
RENEE C. ARIATE MT I
Guro

You might also like