You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
PROVINCE OF BATANGAS
St. Blaise Community Academy, Inc.
San Luis, Batangas/ chs_sbca53@yahoo.com
 043 – 740-960609997646638/ 09218539116

Name of Student: SECTION: ______________________


Present Address: Contact no.____________________
Subject Matter: Filipino 9
Topic: QUARTER 3: Mga Akdang Pampanitikan sa Kanlurang Asya

MODULE 2: ELEHIYA
Wika at Gramatika: Paggamit ng Angkop na mga Pang-uri sa Pagpapasidhi ng Ipinahahayag na Damdamin

ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?


Layunin:
1. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: - tema, - mga tauhan, - tagpuan -mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, -
wikang ginamit, at damdamin.
2. Naipahahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng may- akda o persona sa narinig na
elehiya at awit.
3. Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

BALIK- ARAL
JUMBLE-HULA
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa mga pahayag.

1. Ito ay isang kuwentong hinango sa banal na kasulatan.

B A A L P U R A
2. Ito ay di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gustong sabihin na may kahulugang patalinghaga.

G N O K I T A M O Y D I A H A P G Y A

3. Siya ang ang matalinong hari mula sa parabula ng Israel.

N O L S O O M

TUKLASIN
BIDYO-SURI
Panuto: Panoorin at unawaing mabuti ang isang bidyo, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong kalakip nito.
https://vt.tiktok.com/ZSdhA9gBs/

Pamproseng Tanong:
1. Ano ang mensaheng ipinararating ng bidyong pinanood?
2. Sa anong okasyon o pangyayari madalas kantahin ang narinig na awitin sa bidyo?
3. Naranasan mo na bang mawalan ng mahal sa buhay? Paano nakaapekto ang mga ganitong pangyayari sa buhay natin? Pangatwiranan.

Basahin at unawain ang akda ng Elehiya Para sa Isang Babaeng Walang Halaga na mula sa bansang Iraq na isinalin ni Eugene John D.A. D
Vega.
SURIIN
Elehiya Para sa Isang Babaeng Walang Halaga
(Elehiya ni Nazik al-Malaikah mula Iraq)
Salin ni Eugene John D.A. D Vega

Sa kaniyang pagpanaw, walang mukhang namutla,


walang labing nangatal
ang pinto’y di nagsaysay ukol sa kaniyang kamatayan
walang kurtinang nagpatuloy sa hanging may dalang pighati
walang mga matang sumilay sa kabaong hanggang
sa huling hantungan
kung di ang ‘di malirip na alaala’t di maaninag na nakaraang
bumubagtas sa landasin

1 | FILIPINO 9
Ang mga tipak ng balitang tila alimuom sa paligid
Samyong walang malagusan
Marahang humipil sa di masilayang panulukan
Habang ang buwa’y ibinubulong ang hikbi

Ang gabi’y walang malay na nakamasid


hanggang sa sumikat ang liwanag at tumanglaw sa tanan
kasabay ang pagkalam ng mga gutom sa sikmura
ang matalim na pagtaghoy sa mga tindera sa lansangan
ang nakikipagtunggaling mga batang lalaking napupukol ng bato

Marungis na tubig na dumdaloy sa gilid daan


langhap mula sa hangin
na buhat sa mga bubungan
humihimig nang malalim sa paglimot
humihimig mag-isa.

Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko o pandamdamin na nagpapahayag ng paninimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal. Ang
tulang liriko ay isang tula ng pananglaw na madaling makilala ayon sa paksa tulad ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Ang himig nito ay pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang,
at dahil sa kalungkutan ay pagnanais na ang maligayang araw ay daling maparam.
Ilan sa mga halimbawa ng elehiya ay ang” Elegy” ni Tomas Gray at “Awit ng Isang Bangkay” ni Bienvinido A. Ramos.

WIKA AT GRAMATIKA

PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG IPINAHAHAYAG NA DAMDAMIN


May iba't ibang antas ng kasidhian ang pang-uri: lantay o pangkaraniwan, katamtamang antas, at masidhi.
Lantay ang karaniwang antas ng pang-uri, tulad ng antas ng mga panguring matalino, mayaman, palakaibigan, masunurin, at iba pa.
Ang ikalawang antas, ang katamtamang antas, ay nailalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita o pariralang tulad ng medyo, nang
bahagya, at nang kaunti, o sa pag-uulit ng salitang-ugat ng pang-uri o ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
1. Medyo maalinsangan ang panahon ngayon.
2. Labis nang bahagya ang iyong inihandang pagkain.
Ang huling antas ng kasidhian ng pang-uri, ang masidhi, ay nailalahad sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan.
1. Pag-uulit ng salita
Mga halimbawa:
a. Masayang-masaya ang mga estudyante sa araw ng kanilang pagta tapos.
b. Mataas na mataas ang markang nakuha ng kanilang paaralan sa nakaraang pambansang pagsusulit.
2. Paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-...-an, pagka-, at kay-.
Mga halimbawa:
a. Napakalamig pala sa Sagada.
b. Nagtataasan ang mga puno sa Bundok Makiling.
3. Paggamit ng salitang tunay
Mga halimbawa:
a. Tunay na masaya ang mag-asawa sa pagsilang ng kanilang panganay.
b. Ang pag-aaruga ng kaniyang magulang ay nagpapakita ng pagiging tunay na mapagmahal.

GAWAIN 1. HEXA TSART


Panuto: Suriin ang binasang elehiya ayon sa mga elemento nito. Isulat sa tsart ang mga kasagutan. Humanda sa pagbabahagi sa klase.

TEMA

TAUHAN TAGPUAN

PAGYAMANIN ELEHIYA

KAUGALIA
NO DAMDAMIN
TRADISYON

WIKANG
2 | FILIPINO 9 GINAMIT
GAWAIN 2. ISLOGAN KO’Y IHAHAYAG
Panuto: Bumuo ng isang masining na islogan na nagpapahayag ng pagmamahal sa isang mahal sa buhay na pumanaw na. Humanda sa pagbabahagi
sa klase. Ang pagmamarka ay base sa mga pamantayan na nasa ibaba.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG ISLOGAN


PAMANTAYAN DESKRIPSYON BAHAGDAN

Nilalaman May kaayusan sa paksa at malinaw na paglalahad 40%


ng islogan.
Pagkamalikhain Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga 20%
titik.
Orihinalidad Orihinal ang ideyang ginamit sa pagsulat ng 20%
islogan.
Kaayusan Malinis at maayos ang pagkakagawa 20%
Kabuuan 100%

ISAGAWA

HINIHINGI KO, IBIGAY MO


Panuto: Basahin at suriin ang talata sa ibaba. Tukuyin ang mga pang-uring nagpapapasidhi ng damdamin.

Walang kasingsakit ang mawalan ng isang taong minamahal. Lalo na kung maraming pagkasaya-sayang alaala kayong
pinagsaluhan ng taong ito habang siya’y nabubuhay pa. Madalas ay hindi natin maunawaan kung bakit kailangang magpaalam ng
isang tao, kung bakit kailangan niyang lumisan at kailangan mag-iwan ng napakaskit na pakiramdam. Lubhang matagal bago
makalimutan ng isang tao ang sakit na idinulot ng pagyao ng kanyang minamahal. Pero sabi nga, walang sugat na hindi nahihilom
ng panahon. Masakit na masakit man sa damdamin ang kamatayan ng isang minamahal, lilipas din ito at gigising tayo isang
umaga na puro maligayang karanasan ng pinagdaanan na kasama siya ang ating maaalala’t magbibigay inspirasyon sa ating araw.

TAYAHIN
Pagpapahalaga
Batay sa ating naging talakayan, ano ang iyong nalinang na kakayahan o “21 st century skills” na kalakip sa ating PVMGO?
(Communication, collaboration, creativity, critical thinking, productivity, leadership and technology literacy). Ipaliwanag.

Inihanda ni: Sinuri ni:

LINA D. SARMIENTO ANGELICA T. PETALCO, LPT


Nagpakitang Turo Cooperating Teacher

KARAGDAGANG GAWAIN

3 | FILIPINO 9

You might also like