You are on page 1of 6

1

LUCBAN ACADEMY FILIPINO 9


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT KABANATA 1: Aralin 3

Pangalan: Lexia Eirich M. Nanagas


Petsa:
Antas at Seksyon: 9- Fidelity Guro:Gng. Glecy Racelis

ARALIN 3: Tula
Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
ni Usman Awang
(Tula mula sa Malaysia, Salin sa Filipino ni A.B. Julian)

Gramatika/ Retorika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1.Naiiugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang/nabasang tula
2.nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
3.Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
4.Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya

PANIMULA
Tula
Ang tula ay isang pampanitikan ng buhay,hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang may aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito’y
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita , pagbilang ng pantig, at paggamit ng
magkakatugmang salita. Ang tula ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan, damdamin,
imahinasyon at mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating ng may katha sa mga bumabasa
at nakikinig ang kanyang nararamdaman at iniisip.

YUGTO NG PAGKATUTO
A.PAGTUKLAS
Gawain 1: SIMULAN NATIN
Suriin ang larawan at sagutin ang tatlong tanong (pahina 61)
Sagot:
1. Ang nakikita ko sa larawan ay isang puting kalapati.

2. Kapag nakakita ako ng putting kalapati ang naaalala ko ay kapayapaan.

3. Ang simbolo nito ay pagiging malaya sa mata ng bansa at nagsisimbolo ng kasiglahan,


kalayaan, at pagmamahal.

Alamin Natin
Basahin mo ang bahaging Alam Mo Ba? sa mga pahina 61 upang makilala mo ang sumulat ng tulang
pag-aaralan natin.

B.PAGLINANG
Gawain 2: Payabungin Natin (pahina 62-63.
Titik A. Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga salita.
B. Tukuyin at ipaliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang
Taludturan

Sagot:
Titik A.
FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9
Glecy Racelis
2

Kahulugan Mahirap na salita Kasalungat


Nag-aalinlangan Agam-agam nakatitiyak
Lumipad paitaas Pumailanlang Bumulusok paibaba
Masama Palamara Mabuti
Pagdududa Panghihinala Pagtitiwala
Bumagsak Gumuho Tumayo
Lumakad Humayo Manatili

Titik B.

1. Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan


Sa kanyang putting pakpak na hanap ay kapayapaan
Habang sagisag ng pagkasundo’y patuloy na pumapailanlang.
Ipaliwanag: Ang ibigsabihin ng lumipad ay kaya mong pumunta sa isang lugar gamit ang hangin
at ang pumapailanlang naman ay lumilipad ka pataas.

2. Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan


Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.
Ipaliwanag: Ang kapayapaan ay kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan.

3. Puting kalapati, maglibot ka sa mundo.


Maglakbay ka hanggang sa makakaya mo.
Ipaliwanag: Ang ibig sabihin ng maglibot ay mamasyal o gumala at ang maglakbay naman ay
pumunta sa isang lugar papunta sa iba pang lugar.

Pagbasa at Pag-unawa sa Tula ( malayang talakayan

LUCBAN ACADEMY FILIPINO 9


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT KABANATA 1: Aralin 3

Pangalan: Lexia Eirich M. Nanagas ISKOR:


Petsa:
Antas at Seksyon: 9- Fidelity Guro:Gng. Glecy Racelis

FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9


Glecy Racelis
3

Unang Linggo- Aralin 3 Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan (tula)


Gawain 3: Pagsusuri
Suriin ang nais ipahiwatig ng mga nakatalang taludtod mula sa tulang tinalakay. Sumangguni sa pahina
66- 67. Isulat ang titik at buong pahayag.
1. A. may nabubuong pag-aalinlangan na puso at isip ng mga tao sa mga pangyayaring nagaganap
sa mundo na walang katiyakan.

2. A. ang pagasa at kagalakan sa mundo ay nararanasan kung bawat tao ay lagging nakangiti at tulad
ngbulaklak ay lagging sariwa

3. B. sa tahimik na gabi lamang mararanasan ang tunay na kapayapaan

4. B. Ang mga taksil ay kagaya ng alabk na dagling mawawala at masisira

5. C. Ang kapayapaan ay isang repleksyon ng maganda at bagong buhay na mundo

Gawain 4: Pag-uugnay
Sagutan ang bahaging Buoin Natin na makikita sa pahina 68.
Sagot:

1. 
3. 
2. ANGRY FACE

Sagot:
Binuong waring isang FB post
Dahil sa pandemyang nananalata sa buong mundo marami ang natatakot at nababahala kung hanggang
kelan ito matatapos. Bakuna nga ba ang kalutasan para ito ay mapawi. Ito ang tanong nang mga taong
bayan dahil marami sa kanila ay may agam-agam. Ayaw magpabakuna dahil natatakot hindi alam
maganda ang maidudulot. Sanay matapos na ang kalbaryong dinaranas para bumalik na sa normal ang
lahat.

Matapos mong basahin at unawain ang tula isa-isahin mo naman ang mga mga karaniwang nagiging
paksa ng mga tula sa partikular sa Asya.
Paksa ng Tula:
1.Tulang Makabayan
2.Tula ng Pag-ibig
3.Tulang Pangkalikasan
4.Tulang Pastoral
Ilan pang mga paksang malimit gamitin ng mga makata sa paggawa ng tula:
 Ibat’ ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali
 Paksang may kinalaman sa pang-araw-arw na buhay
 Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang -asal
 Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap
FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9
Glecy Racelis
4

Pagsulat ng Journal
Paano makatutulong sa iyong buhay ang kaisipang hatid ng tulang napag-aralan?
Sagot:
Malaki ang maitutulong nitong kaisipang hatid ng tulang pinag aralan ko. Sa aking paglaki maraming
pagsubok ang madadaanan ko, hindi ko maiiwasan ang mga away o gulo. Hindi sagot ang ang mag away
sa problema natin sapagkat ito ang paiiralin, mas lalong magkakagulo at hindi ito masasabi na tayo ay
may kapayapaan sa halip na mag away subukan nating unawain ang mga sinasabi ng mga tao.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN


May iba’t ibang paraang ginagamit upang maipahayag ang emosyon o damdamin ng mga tao. Ilan sa
mga ito ay sa pamamagitan ng:

1.Padamdam at maikling sambitla


Halimbawa: Galing! Aray! Ay! Yehey! Sakit! Sarap!
Grabe! W0w!
2.Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao.Padamdam ang tawag
sa ganitong uri ng pangungusap.Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng galit, tuwa, lunkot , inis, o gigil.

3.Mga panungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan.


Halimbawa:
 Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita ( kahulugan: manahimik na lamang)
 Sana kunin ka na ni Lord (kahulugan: mamatay ka na sana)
 Isa kang anghel sa langit (kahulugan:mabait at mabuting tao)
Naunawaan mo na ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, Bilang pagsasanay sagutan
mo ang bahaging Madali Lang Yan sa makikita mo sa pahina 76. Isulat ang titik at salita ng iyong
magiging sagot.
Sagot:
1. E. pasasalamat

2. D. panghihinayang

3. C. pagtatampo

4. B. pagkatuwa

5. A. pagkagalit

C.PAGPAPALALIM
Upang lalo mong maunawaan ang araling ating tinalakay gawin ang mga sumusunod na bahagi ng
pagpapalalim. Tutulungan ka ng mga gawaing ito upang mas lalo mong maunawaan at mapahalagahan
ang iyong pagiging Asyano.

LUCBAN ACADEMY FILIPINO 9


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT KABANATA 1: Aralin 3

Pangalan: Lexia Eirich M. Nanagas ISKOR:


Petsa:
Antas at Seksyon: 9- Fidelity Guro:Gng. Glecy Racelis

FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9


Glecy Racelis
5

Ikalawang Linggo – Aralin 3: Tula


Iba’ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o
Damdamin
Gawain 5: Pananaliksik at Paglalahad
Gamit ang internet, magsaliksik ng iba pang halimbawa ng tula sa Timog- Silangang Asya. Ilahad
sa talahanayan ang pamagat ng iyong nakalap na tula, ang may-akda nito,ang nangibabaw na paksa, at
magbigay rin ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa tula.

Pamagat ng Tulang May-akda Paksa Mahahalagang Kaisipang


Nasaliksik Nakapaloob sa Tula

Pilipinas, Ikaw ang Aking By Markos20 Mahalin ang bayan ng Mahalin ang Bansang
Bansa pinagkukunan ng yaman kinagisnan, at ipagtanggol sa
mga dayuhan. Ibiging
mabuti at maging malaya
upang mapanatili ang ganda
at yaman ng Bansa.

Gawain 6: Ipahayag Mo!


Sagutan ang bahaging Tiyakin Na Natin na makikita sa mga pahina 77-78. Ipahayag ang iyong
damdamin tungkol sa mga kababaihan sa Malaysia gamit ang mga paraan ng pagpapahayag na nakatala
sa bawat bilang. Basahin at unawaing mabuti ang panuto.
Sagot:
1.Padamdam o sambitla
 Grabe naman ang inferiority background sa Malaysia!

 Sakit naming isipin na nabubuhay lang ang mga babae sa anino ng mga lalaki!

2.Pangungusap na nagpapahayag ng tiyak na damdamin


 Pasensiya na, pero di ako pabor sa pagtrato nila sa mga babae sa kanilang pamilya.

 Nakakainis isipin na may ganitong klaseng kaugalian sa isang bansa.

3.Pagpapahayag ng damdamin sa hindi deretsahang paraan


 Mamuhay ka ng patas at walang pag-aalinlangan(mamuhay nang pareho lamang).

 Mas mabuting di na isinilang kung pura kapighatian mararanasan(mas mabuting di na ipinanganak


kung pasakit lang ako dadanasin).

D.PAGLILIPAT
Gawain 7: Isulat Mo!

FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9


Glecy Racelis
6

Ang bahaging ito ay inilaan upang mapagtibay ang iyong natutuhan. Magagamit mo ang iyong
natutuhan upang mabuo ang isang gawain na may kinalaman sa pagbuo ng isang tula na naglalarawan ng
pagpapahalaga ng pagiging mamamayan ng Asya. Sundin ang pormat ng tula sa ibaba.
 Tatlong saknong na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong
 Walang sukat at tugma
 Malayang bumuo ng sariling pamagaT
Ang pamantayan sa pagmamarka ay ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.

TULA
PAMAGAT

______________________________________________

1
Ang pagiging isang mamamayan sa Asya ay dapat ipagmalaki
Ngunit may iba pa rin na ginagawa itong kakulangan ng kagadahan
Sa panlabas na anyo hanggang sa mga kaya nitong gawin.

11
Ang pagiging Asyano ay ipinagmamalaki
Tayo ay pare-pareho sa labas at sa loob
Magkaroon man tayo ng maraming pagkakaiba

111
Mga mamamayan ng Asya na kayumangi ang mga balat
Mga anyo, kulay, kultura talagang ikay mamamangha
Mamamayang Asyano sa isip, sa puso at buong katauhan

FOR LUCBAN ACADEMY USE ONLY | Filipino 9


Glecy Racelis

You might also like