You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
DATU MATILONDO GALMAK NATIONAL HIGH SCHOOL
BIWANG, BAGUMBAYAN, SULTAN KUDARAT
Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino -9

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. Nasusuri ang elehiya batay sa tema, mga tauhan at tagpuan
b. Nakapagpapahayag ng sariling damdamin batay sa tema ng elehiya
c. Nakasusulat ng elehiya kung saan nagpapakita ng pag-alaala sa mahal sa buhay
sa pamamagitan ng pangkatang gawain.
II. Paksang Aralin
a. Pangatlong Markahan Aralin 3,3:
“Elihiya sa kamatayan ni Kuya”
b. Aklat sa Grade 9 “Panitikang Asyano”
c. TV, Laptop,
III. Pamaraan: Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban
d. Paglalahad ng layunin
Gawaing Pagkatuto 1: Pagbabalik-aral
Panuto: Magbibigay ang guro ng mga katanungan tungkol sa huling
pinag-aralan at itataas lamang ang kanang kamay ng nais sumagot.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang ating huling pinag-aralan?

2. Ano ang kahulugan ng Semantika?


B. Pagganyak
GAWAIN 1
Magpapakita ang guro ng mga larawan at magtatawag ng mga
mag-aaral upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa larawan.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Sino dito ang may faceboook account? May nakita na ba kayo ng
kaibigan sa Facebook na may ganitong profile picture?
3. Ano kaya ang dahilan ng paggamit nila/ninyo ng ganitong
larawan?

C. Aktibidad
Gawain 2: (MENSAHE PAPUNTANG LANGIT):

Sa kalahating papel, isusulat ng mga mag-aaral ang mensaheng nais na iparating sa kanilang
mahal sa buhay na yumao na. Ipapaskil ito sa pisara pagkatapos.ay pipili ng mga mag-aaral na
magbahagi sa klase ng kanilang isinulat. Pagkatapos ay sasagutin ng mga mag-aaral ang
sumusunod na tanong.

Pamprosesong tanong:
1. Para sa mga nakaranas na mawalan ng mahal sa buhay ano ang
iyong naramdaman sa karanasang ito?
2. Ano ang ginagawa mo para maibsan ang iyong nararamdaman o
pagdadalamhati?

D. Analysis
SAGUTIN:
1. Anong emosyon ang namayani sa inyo matapos maysagawa ang ikalawang
aktibi?

E. Abstraksiyon
Talakayin ng guro kung ano ang Elehiya.
Magpapalabas ng bidyu ang guro tungkol sa Elihiya sa Kamatayan ni Kuya.
(https://www.youtube.com/watch?v=hu3urdn93Gs)

F. Aplikasyon:
GAWAIN 3: Pangkatang Gawain: MAGKAISA’T MAGSULAT
Kakatha ang bawat pangkat ng isang elehiya kung saan nagpapakita
ng pag-alaala sa mahal sa buhay. Kinakailangan na binubuo ito ng apat
na saknong na may tig-2 na taludtod, at tugmaan. Bibigkasin ng buong grupo ang
nasulat na akda sa harap ng klase.
Pamantayan sa Pagmamarka:

Kraytirya 5-4 puntos 3-2 puntos 1 puntos Kabuuan

NILALAMAN Mabisang
naipahayag
ang mensahe
ng elehiya.
Angkop at
wasto ang mga
salitang
ginamit sa
pagbubuo.
SIMBOLISMO Ginamitan ng
higit sa tatlong
simbolismo o
pahiwatig ang
isinulat na
elehiya.
KOOPERASYON Nakilahok ang
lahat ng
miyembro sa
pangkatang
gawain lalo't
higit sa
pagsulat ng
elehiya at
pagbigkas nito
sa klase.
PAGSUNOD SA Buong husay
PANUTO na sumunod
sa panuto ang
pangkat. May
tamang bilang
ng taludtod at
saknong, at
wastong
tugmaan.

G. Pagtataya| Ebalwasyon
Aha! Natutuhan ko na!
Isulat ang salitang “Filipino” kung wasto ang pahayag, “Wika” naman
kung hindi.
1. Ang akdang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay isang panitikang
nagmula sa Kanlurang Asya. (Filipino)
2. Ang Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulaybulay
o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin. (Filipino)
3. Ang linyang “Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay” ay
nangangahulugang pagpapakamatay. (Filipino)
4. Pagkakaroon ng hamog ang ibig ipahiwatig ng linyang “Sa gitna ng
nagaganap na usok sa umaga.” (Wika)
5. Palaging mayroong sukat, tugmaan at simbolismo ang isang elehiya.
(Wika)
H. Kasunduan |Takdang Aralin
Basahin ang “Ang mga Dalit kay Maria “Mula sa unang himno

Inihanda at ipinasa ni:


NASRULLAH M. GALMAK
Gurong Nagsasanay

Iminungkahing pagtibayin ni:


JOHN MARK H. FORRO
Gurong Tagapagsanay

You might also like