You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Bayan ng Mindanao


Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT IBA PANG WIKA
Marawi City

MALA-MASUSING
BANGHAY ARALIN
PARA SA
PAGPAPAKITANG
TURO

RAYMARK C. MOLO
Aplikante
MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy o nabibigyang kahulugan ang di-berbal na komunikasyon;
B. Nakagagawa ng isang maikling dula gamit ang mga anyo ng di-berbal na
komunikasyon;
C. Napapahalagahan ang di-berbal na komunikasyon;

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Di-berbal na komunikasyon
b. Sanggunian: www.slideshare.net
c. Kagamitan: Laptop,

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
a.1 Panalangin
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin.
a.2 Pagbati
Isang napakagandang umaga sa inyong lahat.
a.3 Pagtala ng mga lumiban sa klase
Mayroon bang lumiban sa ating klase?
a.4 Pagbigay ng alituntunin
Bilang mag-aaral, ano ang gagawin ninyo kapag may nagsasalita sa harap?
a.5 Pagpasa ng takdang-aralin
Ipasa ang inyong takdang aralin sa harapan ng walang ingay.

B. Panlinang na Gawain
b.1 Pagbabalik aral
Tatawag ang guro ng isa o dalawang mag-aaral para magbigay ng rebru
tungkol sa nakaraang talakayan.
b.2 Pagganyak
Gawain 1:
Panuto: Humanap ng kapares at pag-uusapan ninyo kung ano ang mga pangarap ninyo
sa buhay.
Gabay na tanong:
 Ano ang napapansin ninyo sa inyong kausap habang nagsasalita?
Gawain 2:
Magpapakita ang guro ng isang larawan ng sikat na aktor na si Mr. Ben. Tatanungin
ang mga mag-aaral kung ano ang napapansin nila kay Mr. Ben sa tuwing ito ay
nakikipagtalastasan o nakikipag-usap sa mga tao.
b.3 Paglalahad
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang paksang tatalakayin.
b.3 Pagtalakay
Ipapabasa ng guro ang kahulugan ng di-berbal na komunikasyon.
Ipapaliwanag ito ng guro at magbigay ng ilang mga halimbawa.
Anyo ng komunikasyong di-berbal:
 Oras (Chronemics) – Ang oras ay maaaring magtataglay ng mensahe.
 Espasyo (Proxemics) – Ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at
ng ibang tao ay maaring may kahulugan.
 Katawan (Kinesics) – Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y
higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag na
body language.
 Pandama (Haptics) – Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch bilang
tagahatid ng mensahe
 Simbolo (Iconics) – Ito ay mga larawan na may mga ibig sabihin.
 Kulay – Maaring magpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
 Paralanguage – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa mga salita.
Ipapaliwanag ng guro ang kahalagahan ng di-berbal na komunikasyon.
b.4 Paglalapat
Papangkatin ng guro ang klase sa dalawa. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang
maikling dula na gumagamit at nagpapakita ng di-berbal na komunikasyon gamit ang mga
anyo na tinalakay. Itoý itatanghal sa harap ng klase.
Rubriks para sa Pagtataya ng Role Play
Kraytirya Lubhang Kasiya-siya Kasiya-siya Nalilinang
(4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Script
Teamwork at
Partisipasyon
Pagkakaganap ng Tauhan
Paggamit ng Di-berbal
na Komunikasyon Ayon
sa Anyo
Kabuuang Iskor
Kabuuan ng Lahat ng
Iskor

Marka:
16: 100% - Napakagaling ng ipinakita
11-14 – 95% - Magaling na ipinakita
10-5 – 85% - May kakulangan sa ipinakita
4-1 – 80% - Hindi nagpapakita ng kahusayan

b.5 Paglalahat
Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:

 Sino ang makapagbubuod ng di-berbal na komunikasyon?


 Ano ang kahalagahan ng di-berbal na komunikasyon sa araw- araw nating pamumuhay?

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang titik na tamang sagot.
_____ 1. Ito ay isang anyo ng di-berbal na komunikasyon na tumutukoy sa mga larawan ng may
ibig sabihin.
A. simbolo C. oras
B. kulay D. espasyo
_____ 2. Ito ang uri ng komunikasyon na hindi gumagamit ng wika.
A. berbal C. di-berbal
B. heptics D. proksemiks
_____ 3. Ito ay ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha ng tao upang maunawaan ang mensahe ng
tagapaghatid.
A. kinesics C. pictics
B. oculesics D. proksemiks

______ 4. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita.


A. pagbibigay-diin C. tiginting na tinig
B. lakas ng boses D. paralanguage
_____ 5. Ito ay tumutukoy sa distansyang inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at sa
ibang tao.
A. espasyo C. oculesics
B. kinesics D. pictics
Susi sa Pagwawasto:
1. A
2. C
3. A
4. D
5. A

V. Takdang Aralin
Panuto: Isulat sa kalahating putol ng papel. Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang
lima (5) hanggang sampung (10) pangungusap.
1. Bakit mahalaga ang sanib puwersa ng berbal na komunikasyon at di-berbal na
komunikasyon sa pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan at pamumuhay?

You might also like