You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY NG PAAGTUTURO SA FILIPINO PARA SA IKALABING-ISA NA BAITANG

OKTUBRE 24, 2020 4:00-7:00

I – MGA LAYUNIN:

A. Nasasabi ang pagkakaiba ng uri ng komunikasyon.


B. Nakapaglalarawan at nakapaghahambing ng mga halimbawa ng iba't ibang uri ng
komunikasyon.
C. Nakabubuo ng halimbawa ng mga uri ng komunikasyon

II – PAKSANG-ARALIN:

A. Paksa: Uri ng Komunikasyon


B. Sanggunian:: Kakayahng Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Pragmatik at
Istratedyik p.177-192
C. Mga kagamitang tanaw-dinig: Laptop, Powerpoint Presentation

III – PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:

Magandang hapon sa inyong lahat!


Magandang hapon din po Bb. Lavega.

Manitiling nakatayo ang lahat para sa


panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral upang pangunahan ang
pagdarasal.)
(Ang napiling mag-aaral ay nagdasal.)
Maaari ng magsi-upo ang lahat.
Maraming salamat po. (Umupo na ang mga
mag-aaral.)

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw?
Wala po.

Mabuti kung gayon.


Bago natin simulan ang bagong
talakayan, atin munang balikan ang
huling paksang tinalakay natin.
Ma’am, ang huli pong aralin na ating tinalakay
ay tungkol po sa Kakayahang
sosyolingguwistiko.

Ano ang kakayahang


sosyolingguwistiko?
Ang kakayahang sosyolingguwistiko po ay ang
kakayahang gamitin ang wika ng may
naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong komunikasyon.

Mahusay! Mukhang handa na anglahat


sa ating bagong aralin.

B. Paglalahad:

Ngayon, nais kong tingnan niyo ang


larawan na nakapaskil at tukuyin kung
anong ipinapakita nito.

(Ipinakita ang mga larawan na


nagpapakita ng komunikasyon.)

Mayroon pong dalawang taong nag-uusap.

Mabuti! Ngayon naman ay ang


pangalawang larawan. Ano ang
ipinapakita nito?
Gumagamit po sila ng cellphone upang mag-
usap.

Tama! Ngayon, ano sa tingin niyo ang


nagagansap sa pagitan ng mga taong na
sa dalawang larawan?
Mayroon pong nagaganap na komunikasyon.

Mahusay! Ang ating aralin sa araw na ito


ay tungkol sa komunikasyon at mga uri
nito
Ano nga ba ang komunikasyon?
Maaari mo bang basahin ang kahulugan
Lae? Ang komunikasyon ay tungkol sa pamamahagi
o pakikipagpalitan ng impormasyon sa
anumang paraan.
Tama! Ang komunikasyon ay ang paraan
ng pakikipagpalitan ng impormasyon o
mensahe sa anumang paraan at ito ay
may dalawang uri. Maaari bang pakibasa
ng Komunikasyong Berbal Eden?
Ang komunikasyong berbal ay paraan ng
pakikipag-komunikasyon na ginagamitan ng
wika upang maipahayag ang nais ibahaging
impormasyon o kaalaman sa pamagitan ng
pagbigkas o pasulat na pamamaraan.
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa
ng komunikasyong berbal?

(Nagsitaasan ng kamay)

Sige, Willows.

Ang halimbawa po ay ang pakikipag-usap sa


text gamit po ang cellphone.

Mahusay! Sino pa? Oh sige, Chae.


Gaya po ng ating ginagawa ngayon, ito po ay
isang halimbawa ng komunikasyong berbal.
Magaling! Ngayon naman ay makikibasa
ng kahulugan ng Komunikasyong di-
berbal, Rigor.
Ang komunikasyong di-berbal ay paraan ng
pakikipag-komunikasyon kung saan ang
ginagamit na paraan ay mga sensyales o
galaw ng katawan para magbahagi ng
impormasyon.

Salamat. Ngayon, sino maaaring


magbigay ng halimbawa nito?
(Nagsitaasan ng kamay)

Sige, Torvas.

Ang halimbawa po nito ay pakikipag-ugnayan


gamit ang iba't ibang ekspresyon ng mukha
na nagpapahiwatig ng kanyang damdamin at
nararamdaman sa kausap.
Magaling! Ang komunikasyong di-berbal
ay may iba’t ibang anyo. Maaari mo
bang basahin Naya?
Mga anyo :

Una, Kinesika ito ay ekspresyon ng mukha.

Salamat. Magbigay ng halimbawa, Theo.

Ang halimbawa po ay galaw ng mata.


Magaling. Ilan pa sa mga halimbawa ng
Kinesikay ay ang kumpas, at tindig.

Makikibasa ng pangalawang anyo, Pangalawa, Proksemika – ito ay tungkol sa


Bogum. layo o distansya sa pagitan ng tao.

Salamat. Magbigay ng halimbawa,


Henry.
Halimbawa po ay nahihiya si Juan kay Juana
kaya ito po ay nakadistansya ng isang metro.

Mabuti. Maaari rin na ang layo ay


nagpapahiwatig sa pagkakaroon o
kawalan ng interes.

Sunod, makikibasa Haroro.

Pangatlo, Kronemika ito ay pandama o


paghawak.
Salamat. Magbigay ng halimbawa,
Cerebro.

Halimbawa po ay tapik.
Magaling. Ilan pa sa mga halimbawa nito
ay ang pisil, batok at hablot.

Makikibasa ng huli, Soohyuk. Pang-apat.Paralanguage - ito ay ang paraan


ng pagbigkas

Salamat. Maaari ka bang magbigay ng


halimbawa?

Halimbawa ay bilis, lakas ng boses at taginting


ng tinig Katahimikan, Kapaligiran, Simbolo at
Kulay.

Tama! Maraming Salamat. Naintindihan


ba ng lahat?

Opo, Ma’am.
Mabuti kung gayon.

C. Pagsasanay:

Ang lahat ay kumuha ng isang buong


papel. Isulat ang pangalan, taon at
seksyon.

Panuto: Sagutan ang mga


sumusunod. Isulat lamang ang
titik ng tamang sagot.

1. Ito ay anyo ng komunikasyong


di-berbal na tumutukoy sa
pandama o paghawak.

a. Kinesika
b. Proksemika
c. Kronemika
d. Paralanguage

2. Ito ay anyo ng komunikasyong


di-berbal na tumutukoysa
paraan ng pagbigkas.

a. Proksemika
b. Kronemika
c. Kinesika
d. Paralanguage

3. Ito ay anyo ng komunikasyong


di-berbal na tumutukoy sa
ekspresyon ng mukha.

a. Paralanguage
b. Kinesika
c. Proksemika
d. Kronemika.

4. Ito ay anyo ng komunikasyong


di-berbal na tumutukoy sa sa
layo o distansya sa pagitan ng
tao.
a. Proksemika
b. Paralanguage
c. Kronemika
d. Kinseika

(Mga inaasahang sagot sa pagsusulit)

1. C.
2. D.
3. B.
4. A.

Tapos na ba ang lahat?


Opo.
Kung tapos na ang lahat ay makikipasa
ito sa inyong kanan pagkatapos ay ipasa
ito sa taong nasa inyong unahan at saka
ipasa sa akin.
(Nagpasa)

Nakapagpasa na ba ang lahat?

Opo, Ma’am.

IV – PAGPAPAHALAGA

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Naintindihan ba ng lahat ang aralin?


Opo, Ma’am.

Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?

Opo, Ma’am!
Naunawaan ba ang aking mga paliwanag?
Tama lang ba ang lakas nga king tinig? Narinig
ba ng lahat?
Opo, Ma’am.

Wala bang mga tanong?


Wala po.

V – TAKDANG ARALIN

Para sa inyong Takdang-Aralin. Gumuhit ng


isang Venn Diagram sa inyong notebook at
ilista ang pagkakaiba ng dalawang uri ng
komunikasyon.

You might also like