You are on page 1of 7

GOV. ALFONSO D.

TAN COLLEGE
Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN (ED142)

I. IMPORMASYON
Paksa: Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
Baitang: 8 Nakalaang Oras: 1:00 – 2:00 PM
Guro: Bb. Kharen Dabon
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman: popular sa kulturang Pilipino.
Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
Pagganap: bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
Kasanayang a. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasiyon ang mga salitang ginagamit
Pampagkatuto: saimpormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). F8WG-IIIa-c-30:
Layunin: a. natutukoy kung lalawiganin, balbal, banyaga at kolokyal ang mga salita;
b. naipapakita ang kahalagahan ng mga uri ng impormal na mga salita: at
c. nakapagbibigay halimbawa para sa bawat uri ng mga salitang
ginagamit sa impormal na komunikasyon
Sanggunian:
Kagamitan: Laptop, TV, Cartolina, Felt-tip-pen
Kasanayan: Pakikinig, Pagsulat, Pagsasalita, at Pagbasa
Kakayahan: Makakasagot sa mga katanungan tungkol sa paksa.
Pamamaraan: Pasaklaw

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang hapon klas?

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.

Amen! (Nanalangin ang lahat)

Bago kayo magsiupo ay pakihanay nang


maayos ang inyong mga upuan at pakipulot
ang mga basura sa sahig.
Pagbilang ko nang tatlo dapat
nakaupo na ang lahat. Isa, dalawa,
tatlo...

Muli, Maligayang hapon sa ating lahat! Maligayang hapon din po sir.

Kamusta kayo ngayong hapon na ito? Mabuti po!

Masaya ako na makasama kayo sa aking


klase.
Klas, magtatala ako ng mga lumiban sa klase. (Tinatawag ang pangalan ng mga mag- aaral)

Sa loob ng ating klase mayroon lamang akong


tatlong(3) alituntunin na kailangan niyong
sundin.

 Makinig kung may nagsasalita.


 Itaas ang kamay kung nais sumagot o
may gustong linawin.
 Makilahok sa talakayan.

Malinaw ba klas? Opo, ma’am.

a. Pagganyak
Gawain 1- Babasahin ang seleksyon na
naglalaman ng iba’t ibang impormal na salita.

Besh, ito ang front page ko for all your bashers:


Kebs! Sure ako hindi ka mukhangPurita Kalaw.
Wiz ko naman getchingers kung bakit china-
chaks ka nila pati ‘yungloving na sutabembang
mo eh simbait m naman si Sr. Fausna. ‘Lam
mo, tigilan na ang krayola. Umendeavor nalang
tayo ng fudams sa mall para maiba ang
hanash.Yung mga bagets naman na chumurva
sa ‘yo, isipin mo na lang baka Tomy Lee
Joneslang sila that moment. At the end of the
day, umiwas sa kung anech-anech
nakanegahan. Nakakalerki ‘yan. Tandaan mo,
they hate you kasi havey mo angincomparable
na Brilliante Mendoza. Um, pak ganern! (Binasa ang seleksyon)

1. Ano ang naobserbahan mo sa selseksyong


binasa? Ang aking naobserbahan sa seleksyong
binasa ay gumagamit ito ng mga kakaibang
mga salita.
Tama! Ang mga salitang ginagamit ay
kakaiba.

2.Madali mo bang maunawaan ang mensahe


nito? OO o Hindi? Bakit? Ang Para sa mga kabataan madali lang itong
maunawaan pero sa mga may edad na hindi
nila agad makukuha ang pangunahing ideya sa
bawat salita.
Mahusay!

3.Sa iyong palagay, tama ba na gumamit ng


ganitong wika sa pakikipagtalastasan?
Ipaliwanang ang iyon. Sa aking palagay wala namang mali sa
paggamit ng ganitong wika sa
pakikipagtalastasan lalo na kung ang iyong
kausap ay nakakaintindi.
Tama! Ito ay nakadepende sa taong iyong
kausap dahil mas maging epektibo ang
komunikasyon kung ang dalawang tao na nag-
uusap ay pareho ng layunin at naiintindihan ang
isa’t-isa.

Kagaya ng seleksyong binasa ang mga salita


ay may iba’t-ibang uri.

B. Paglalahad

Sa oras na ito klas ay ating alamin ang isa


pang makabuluhang aralin ng gramatika
tungkol sa….

Basahin ng sabay-sabay. “Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na


Komunikasyon”

a. Paglalahad ng nilalayon

Makinig kayo nang mabuti klas

sapagkat
pagkatapos ng ating talakayan, kayo ay aking a. natutukoy kung lalawiganin, balbal,
inaasahang… banyaga at kolokyal ang mga salita;
Basahin sa lahat... b. naipapakita ang kahalagahan ng mga uri
ng impormal na mga salita: at
c. nakapagbibigay halimbawa para sa
bawat uri ng mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon.

Maraming salamat sa pagbabasa.

C. Paglalahad ng Tuntunin

Klas, ating kilalanin muna kung ano ang


kahulugan ng Impormal na Komunikasyon. Ang mga salitang karaniwan at palasak na
ginagamit sa nga pang-araw-araw na
Ang Impormal na Komunikasyon klas ay… pakikipag-usap.

Maraming salamat sa pagbabasa klas.

Sa madaling salita klas, Ang paggamit ng


mga salitang ito ay nagpapadali sa
komunikasyon at nagpapahayag ng mga
ideya o kaisipan sa mabilis at epektibong
paraan, dahil ang mga ito ay nauunawaan at
kilala ng karamihan ng mga tao.

Halimbawa:
Kumusta?
Salamat
Pasensya
Oo
D. Pagtatalakay
Ang impormal na salita klas ay may
apat na uri
1. Lalawiganin
2. Kolokyal
3. Balbal
4. Banyaga
1.Simulan natin sa unang uri klas, ang
Lalawiganin. Basahin sa lahat. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang
ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-
pansin ang mga lalawiganin salita, bukod sa
iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito.
Maraming Salamat.

Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nagiging


malinaw ang pagkakakilanlan at pagkakaiba-iba
ng bawat pook o lugar. Ang ganitong uri ng mga
salita ay nagbibigay-tuwa sa mga taong taga-
roon at nagpapahayag ng kanilang pagmamalaki
sa kanilang lokal na kultura at tradisyon.
Halimbawa:
Pangasinense: Arok (ulo)
Ilokano: Agpataud (pag-aalaga)
2.Panglawang uri ng impormal na salita klas ay
kolokyal.
Ano naman ang kolokyal?
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may
Ibig sabihin, ang mga ito ay maaaring maging anyong repinado at malinis ayon sa kung
bahagi ng komunikasyon sa iba't ibang sitwasyon sino ang nagsasalita.
at konteksto, ngunit mayroong kalakip na
pagkakataon na maging hindi kaaya-aya sa ilang
mga tagapakinig.
Halimbawa:
Pormal na Salita Impormal na Salita
Piyesta - Pista
Nasaan? - Nasan?
3.Pangatlong uri ng impormal na salita ay Balbal.
Ano naman ang balbal?
Mga salitang noong una ay hindi tinatanggap
ng matatanda at mga may pinag-arala dahil
Sa unang pagkakataon, maaaring hindi ito hindi raw magandang pakinggan.
itinatanggap ng ilan dahil sa kanilang
pangangatwiran na ang mga ganitong salita ay
hindi angkop o hindi magandang pakinggan.
Halimbawa:
Erpat - tatay
yosi - sigarilyo
4.Pang-apat na uri ng impormal na salita ay
Banyaga.

Ano naman ang banyaga? Ito ay mga salitang mula sa ibang wika.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak,
wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika o mga salitang banyaga
na walang salin sa wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng pagtanggap at paggamit ng
mga salitang banyaga, nagiging mas malawak
ang kakayahan ng isang wika na maipahayag
ang mga kaisipan at konsepto mula sa iba't
ibang kultura at disiplina.
Halimbawa:
Computer, Burger, Muscle

Pagpapahalaga
Bakit mahalagang gumamit tayo ng wasto at
angkop na wika sa pakikipagtalastasan? Mahalaga ang paggamit ng wasto at
angkop na wika sa pakikipagtalastasan
sapagkat ito ay nagpapahayag ng
kalinawan at nagbibigay-daan sa
epektibong komunikasyon
Mahusay! Sa pamamagitan ng wastong
paggamit ng wika, nauunawaan ng mga kausap
ang ating mga saloobin, kaisipan, at intensyon.
Ang wastong wika ay nagpapababa ng
posibilidad ng maling pagkaunawaan at
pagkakamali sa komunikasyon.

Sa iyong palagay, maituturing bang mababa ang


mga taong gumagamit ng wikang pabalbal
bakit? Ito ay maaaring ipahiwatig na ang isang
tao ay hindi seryoso sa kanilang
pakikipag-usap o hindi nila
pinahahalagahan ang kausap.
Yes, gayunpaman, hindi dapat agad na ituring
na mababa ang mga taong gumagamit ng
wikang pabalbal. Maaaring may iba't ibang mga
dahilan kung bakit sila gumagamit ng ganitong
uri ng wika, tulad ng kanilang kultura,
kapaligiran, o pangangailangan.

E. Paglalapat
Panuto: Tukuyin kung lalawiganin, balbal,
kolokyal, o banyaga ang mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa
linya ang iyong sagot.

1.Ang sarap ng nasi ninyo, mabango


at masarap kainin.
2.Ang ganda ng childwai ng isang
Ivatang nakilala ko sa paaralan.
3. In-na-in talaga ang pagkuha ng
kursong may kinalamana sa
teknolohiya sa ngayon.
4. Hanep ang saya pala talagang
mag-aral gamit ang kompyuter.
5. Ewan ko ba sa mga taong ayaw
tumanggap ng pagbabago.

Araling Pagpapahalaga

Sino dito ang makapagbabahagi kung ano ang


relasyon ng Guro at Mag-aaral klas?
Ang guro ang siyang nagbibigay kaalaman
sa mga mag-aaral po sir. Ang mag-aaral
naman po sir ay ang tagatanggap ng
kaalaman mula sa Guro.
Ano pa?
Maliban sa sinabi niya po sir na ang
ugnayan ng guro sa mag-aaral. Ang guro rin
po sir ay naging pangalawang ina sa mga
mag-aaral.
At ang mga mag-aaral naman po sir ay mga
anak ng guro.
Magaling! Ang relasyon o ugnayan ng
mag-aaral at guro ay mutual. Ang guro
ang nagbibigay kaalaman sa mga mag-
aaral gayundin ang mga mag-aaral ay
ang tumatanggap sa kaalaman na
itinuturo sa mga guro. At tsaka
nagiging mga anak ang mga ito ng guro
at nagiging ina rin ang mga guro sa mga
mag-aaral.

Malinaw ba ang punto ko klas?


Opo sir.

Wala na ba kayong gustong linawin


tungkol sa ating talakayan?
Wala na po sir.

F. Paglalapat
Panuto: Iantas ang mga salita ayon sa antas ng
damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
Pagkatapos gawin, ibahagi ito sa harap ng
klase.

Unang Pangkat (sasagutan)

*Ligaya 1. Tuwa
*Tuwa 2. Ligaya
* Galak 3. Galak

Pangalawang Pangkat (sasagutan)

*Takot 1. Pangamba
*Pangamba 2. Kaba
*Kaba 3. Takot
III. EBALWASYON

Panuto: Ibigay ang mga salitang may kaugnayan sa isa’t isa. Piliin lamang ang inyong mga
sagot sa loob ng kahon. (2 puntos bawat bilang)

Kagubatan Karagatan Katawan


Puno silid aralan uhaw

1. bulaklak: hardin :: pisara: .


2. Berde: kapaligiran :: asul: .
3. Espiritwal: kaluluwa :: pisikal: .
4. Puso: katawan :: prutas: .
5. Tinapay: gutom :: tubig: .

Mga sagot;
1. Silid-aralan
2. Karagatan
3. Katawan
4. Puno
5. uhaw

IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pag-aralan ang susunod nating aralin na pinamagatang “Sundiata: Ang Sinaunang
Epiko ng Mali. Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa kwaderno ng Filipino at maghanda
ang lahat sa pagbabahagi nito ngayong Abril 13, 2023 ng umaga.

Inihanda ni:

Pre-Service Teacher

Approved for class utilization:

Cooperating Teacher

You might also like