You are on page 1of 6

CLARENDON COLLEGE, INC.

Roxas, Oriental Mindoro


Tel fax: (043)289-7056 / clarchsdept@gmail.com

JUNIOR HIGH SCHOOL Department


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8
GRADE 8 - N.V.M. Gonzalez

A. PAMANTAYANG NILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa isang dakilang


akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang
suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan,

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakakabuo ng makatotohanang radio broadcast na


naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at kasalukuyan.

K. PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda. (F8PN-IV-a-b-33)

I. LAYUNIN
a. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag o binasa.
b. Nakagagawa ng isang role play gamit ang mga salik na dapat isaalang-alang sa matagumpay na
komunikasyon.
c. Naaalala ang mga mahahalagang tao na naging bahagi ng kanilang buhay.
II.Paksang Aralin
a. Paksa: Sa mga Mababasa at Kay Selya (Saknong 1-68)
b. Sanggunian: Wow, Filipino 8
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Visual Aids
III. Pamamaraam
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Bago tayo magsimula, tayo mun ay panalangin.
_________, pangunahan mo ang panalangin. Panginoon, maraming salamat
po sa araw na ito, maraming salamat po
sa gabay at palaging pag-iingat sa
amin….Amen.

b. Pagbati
Magandang araw klas! Magandang umaga Binibining Ngujo
welcome to grade 8 jade mabuhay
Kumusta ang bawat isa?
Ayos naman po.
c. Pagsasaayos ng Silid Aralan
Bago umupo, pulutin muna ang mga kalat na inyong
makikita. Susunod ang mag-aaral.
d. Pagtatala Ng Liban
Kapag binanggit ko ang inyong pangalan sabihin ay Naririto po.
“naririto po”.

B. Pagbabalik-aral
Ano ang ating tinalakay kahapon?
Ang ating tinalakay po
kahapon ay tungkol sa Social
Awareness Campaign.
C. Pagganyak
Gawain 1. “Pair Me”
Ang bawat mag-aaral ay bubunot ng papel sa loob ng
kahon. Ang papel na kanilang mabubunot ay may larawan na .
Panuto: hanapin sa mga kaklase ang ka-biak ng puso

Unang Larawan:

Ikalawang Larawan:

D. Paglalahad
Base sa inyong nabuong larawan, ano sa tingin Sa aking pananaw po
ninyo ang ating tatalakayin ngayong umaga? ang ating tatalakayin ngayong umaga
ay tungkol sa Kahusayang
Komunikatibo.

Mahusay!

E. Pagtatalakay
Ayon kay Hymes, may mga salik na dapat isaalang-alang
sa matagumpay na komunikasyon sa kaniyang aklat na
Foundations of Sociolinguistics: An Ethnographic Approach
(1974) at nilagom niya sa akronim na SPEAKING.

S – Setting. Ito ay ang pisikal


at sosyal na espasyong
pinangyayarihan ng komuniksyon.
Kasama rito ang lugar, oras, panahon,
at kalagayan ng komunikasyon.
P – Participants. Sila ang mga
kalahok sa komunikasyon. May mga
kaniya-kaniyang tungkulin ang mga
kalahok na ito. Maaaring sila ang
nagbibigay ng mensahe (speaker) o
tumatanggap ng mensahe (receiver).
Kalahok sa usapan o saksi (audience).
Kalahok ngunit hindi naririnig ang
usapan (eavesdropper).
E – Ends. Ito ang layunin sa
pagpapahayag; ang intensyon kung
bakit nagyayari ang komunikasyon.
Bakit mo sinasabi ang imposmasyon.
Gusto mo bang magturo, magpatawa,
mang – inis, magpakilos at iba pa?
A – Act of Sequence. Ito ang
daloy ng komunikasyo; ang
pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging bumubuo sa proseso ng
komunikasyon.
K – Key. Ito ay ang tono ng
komunikasyon. Makakatulong ang
pagtatakda ng tiyak na to para maabot
ang layuning pangkomunikasyon.
I – Instrumentalities. Mula sa
salitang “instrumento”, tumutukoy ito
sa tsanel o paraang gamit sa
komunikasyon. Maaring ito ay bibig sa
normal na pagsasalita, maaari ring
radio o telepono o teksto sa imahe ng
isang poster.
N – Norms of interaction and
interpretation. Ito ang mga tuntuning
gumagabay sa tamang paggamit at pag-
unawa sa isang wika. Nakadepende ang
mga tuntuning ito sa napagkasunduan
sa loob ng etnolingguwistikong
pangkat,
G – Genre. Ito ang uri ng
pahayag o tekstong binubuo. Kung ito
ba ay tismis, kuwento, balita at iba pa.
May kaniya-kaniyang katangiang dapat
taglayin ang bawat diskurso o teksto at
may sari-sariling pamantayan na dapat
sundin.
Nauwaan ba?

Opo
F. Paglalahat
Para sa iyong pananaw, bakit na kailangan na maging
malinaw at mahusay ang pakikipag-usap natin sa ibang tao sa
paraan ng kominkasyon? Para po sa aking sariling
pananaw, kailangan na maging
malinaw at mahusay ang pakikipag-
usap natin sa ibang tao sa paraan ng
kominkasyon upang maunawaan ng
ating kausap kung ano ang mensahe o
ideya na nais nating iparating.

Magaling!

G. Paglalapat
Gawain 1. Lights, Camera, Action!
Panuto: Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase, ang
bawat ang magbibigay ng pagsasadula sa tamang
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon at lugar. Sundin
ang ibinigay na pamantayn ng guro.

1. Ipapakita ang tamang pakikipag-usap kapag nasa loob ng


simbahan.

2. Ipapakita ang tamang pakikipag-usap kapag nasa parke o


lugar pasyalan.
PAMANTAYAN:
Napakahu Mahusay Katamta Di- mahusay
-say (20) -man (10)
(25)
Teamwork at Kasama ang Kasama ang May mga
Partisipasyon lahat ng lahat ng kasapi sa
kasapi ng kasapi ng pangkat na
pangkat sa pangkat sa hindi nakitaan
pagsasadula. pagsasadula ng pagganap.
ngunit may
kalituhan sa
kanilang
pagganap.

Paggamit ng Malinaw ang Hindi Walang


komunikasyon ipinakitang gaanong kalinawan ang
sa komunikasyon malinaw ang komunikasyon
pagsasadula sa ipinakitang na ipinakita sa
pagsasadula. komunikasyon pagsasadula.
sa
pagsasadula.

Paksa Naihayag ng Naihayag ang Hindi


maayos ang paksa sa naihayag ang
paksa sa pagsasadula. paksa sa
pagsasadula. pagsasadula.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Suriin kung anong bahagi ng speaking ni Dell Hymes (1974) ang tinutukoy ng sumusunod na
mga kaisipan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

__________1. Hukom, abogado ng prosekusyon, at abogado ng depensa.


__________2. Marinig bang mga testimonya at masuri kung may batayan ang kaso.
__________3. Mauunang magsalita ang mga abogado para magtanong; susunod ang saksi para sumagot;
pinakahuli ang hukom na magbibigay bg hatol.
__________4. Ang salitang “order” ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng kaayusan, hindi ng pag-order ng
pagkain.
__________5. Seryoso ang tono, maaaring maparusahan kung tatawa-tawa.
__________6. Korte
__________7. Natural na pagsasalita na pinalakas ng mikropono.
__________8. Ang teksto ay ang desisyon ng korte.
__________9. Mailahad kung ano ang aktuwal na nasaksihan para mapatibay ang kaso.
__________10. Biktima, akusado, mga saksi.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutin ang tanong nang patalata. Ang sagot ay hindi limang sa walong pangungusap.

Kung ikaw ay makikipag-usap sa mga nakakatanda, paano mo ipapakita ang tamang pakikipag
komunikasyon sa kanila? Sa paanong paraan?

VI. REMARKS
Inihanda ni: Iniwasto ni:

JAY MARK F. MANOY B. ELISA MAY F. GUSI


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like