You are on page 1of 5

GURO ASIGNATURA: Filipino

BAITANG Baitang 7 MARKAHAN: Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:


1.Natutukoy ang gamit ng mga ponemang suprasegmental
(tono, diin, antala) sa pagpapahayag.
2.Nakapagsasagawa ng mga gawain tulad ng dula-dulaan,
saling-himig at pagbabalita (newscasting) na ginagamitan ng
ponemang suprasegmental.
3.Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
suprasegmental (tono, diin, antala). F7PN-IIIa-c-13
A. PAMANTAYANG Ang mga mag-aaral ay:
PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
(Content Standard) pampanitikan ng Luzon.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay:
(Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
II. PAKSANG-ARALIN PONEMANG SUPRASEGMENTAL
F7PN-IIIa-c-13
III. KAGAMITANG PANTURO 1. MELCs: P. 170
2. Curriculum Guide: page 144
3. Slide deck
4. ICT Materials, larawan, Gadgets

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangunguna sa
pagdarasal. Ang mga mag-aaral na may ibang relihiyon ay
maaaring manalangin sa kung ano ang kanilang tradisyon.
2. Paghahanda ng silid at PINOY TSEK
Pagbati
Pangungumusta ay gagawin. (gagamit ng mga emoji)

Isaayos ang mga upuan at pulutin ang mga kalat.

Ngitian ang mga katabi.

Oras na para matuto.

Yumuko at batiin ang guro maging ang ibang guro sa likuran.


3. Pagtsetsek ng atendans Sa pagtatala natin ng liban, tayong lahat ay aawit.

Tumingin sa kanan, tumingin sa kaliwa.


Hanapin mo, Hanapin mo, sino ang wala? (uulitin ng lahat)

Sa kalihim ng klase, may liban ba ngayong umaga?


4.Pagbabanggit ng mga Tandaan ang 3K ni Sir:
patakaran sa loob ng silid
Kooperasyon
Kahusayan
Kaayusan

A. PANLINANG NA GAWAIN Magpapakita ang guro ng ilustrasyon ng baybayin. Kailangang


(pagbabalik-aral o pagpapakilala ng i-decode ng mga mag-aaral ang salita upang mabuo ang
bagong aralin) hinahanap na salita.

Pedagogical Approach: Salita: Pabula


Multidisciplinary Approach

Across Curriculum or Subject


Integration: Araling Panlipunan/
English Basahin nang sabay-sabay ang nabuong salita.
Within Curriculum: Filipino Ano muli ang kahulugan pabula?
B. AKTIBITI SQUID GAME

Pedagogical Approach: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa tatlo sa pamamagitan ng


Collaborative approach/ pagbibilang. Ang bawat pangkat ay may kanya-kanyang laro na
Constructivism kailangang mapatagumpayan. Bubunot ng piraso ng papel ang
kinatawan ng bawat pangkat upang malaman ang laro na
Strategy: ICT integration through kanilang isasagawa.
Interactive game
Unang pangkat: Red light, Green Light.
Skills: Numeracy Skills/ Critical and Pipili ang bawat pangkat ng kanilang sagot batay sa tanong na
Creative thinking ibibigay ng guro.

Ikalawang pangkat: The Marble Game.


Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga bilog na naglalaman ng
titik, matapos ito, pagsasama-samahin nila ang mga titik upang
makabuo ng salita.

Ikatlong pangkat: Crossing the bridge


Layunin ng laro na ito na patawirin ang mga manlalaro sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salita upang makabuo
ng pangungusap. Gagawin nila ito sa loob ng sampung
segundo.

Ang pangkat na magtatagumpay ay pagkakalooban ng dagdag


na puntos para sa mga susunod pang gawain.
C. ANALISIS 1. Paano mo mailalarawan ang iyong naramdaman matapos
ang laro?
Pedagogical Approach: Inquiry-
based approach/Reflective approach 2. Sa larong Red light, Green Light, ay ginamit ang salitang
“pito”. Suriin natin ang mga pangungusap.
Skills: Critical thinking/ Higher Order
Thinking Skills Hal. 1: Pito ng pulis ang gumambala sa masikip na eskinit.
Hal. 2: Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito sa hanay ng mga
Assesment: Diagnostic bahay ang barong-barong ni Aling Rosa.

Paano nagkaiba ang kahulugan ng dalawang ito?

3. Suriin ang mga pangungusap mula sa larong Crossing the


Bridge:

Tito Jose ang pangalan niya.


Tito/ Jose ang pangalan niya.

Paano nagkaiba ang kahulugan ng dalawang ito?

D. Abstraksyon Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang


kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
Pagtugon sa Layunin blg. 1 pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono,
haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita.
Pedagogical Approach:
Constructivism approach/ Inquiry- Paghihinuha: Sa iyong palagay, ano kaya ang kahulugan
based Approach
ng salitang “diin” sa pagsasalita?
Skills: Literacy skills
Ang diin ay ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig
Strategy: Discussion through flow sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang
charts and comics ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay,
ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan
Assesment: Formative nito.

Basahin ang mga salita.

BU-hay Aling pantig ang may diin?

bu-HAY Aling pantig ang may diin?


Bakit mahalaga ang gamit ng diin sa pagpapahayag?

May tanong ba tungkol sa paksang ito?

Ang ikalawang bahagi ng ponemang suprasegmental ay ang


tono.
Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na


tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman , at bilang 3 sa mataas.

Basahin ang halimbawa:

Sina Karla iyon, di ba?


2 3

May su-nog!
2 3

Batay sa mga halimbawa, paano nakatutulong ang tonos a


pagpapaabot ng nais natin sabihin?

May tanong ba tungkol sa paksang ito?

Ang ikatlong bahagi ng ponemang suprasegmental ay ang


antala.

Paghihinuha: Ibahagi ang iyong ideya ukol sa salitang


“antala”.

Ang antala ay bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang


higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ) at dalawa o
isang guhit na pahilis (//).

Suriin ang bawat pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga


ito.

Hindi// ako si Joshua.


Hindi ako si Joshua.

Paano mo bibigyang-paliwanag ang gamit ng antala sa


pagpapahayag?

May tanong ba hinggil sa mga paksang tinalakay?

Pagpapahalaga

Pagtugon sa Layunin blg. 3


Bakit mahalaga na ating isaalang-alang ang mga ponemang
suprasegmental sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na
Pedagogical Approach: Inquiry- pamumuhay? Ipaliwanag.
based approach/Reflective approach

Skills: Critical thinking/ Higher Order


Thinking Skills
Paglalapat
Kung ikaw ay nasa sitwasyon na kung saan ay nagkakaroon ng
Pagtugon sa Layunin blg. 3 gulo dahil sa pagkakaroon ng maling interpretasyon sa sinasabi
ng bawat isa, ano ang iyong gagawin?

Pedagogical Approach: Inquiry-


based approach/Reflective approach

Skills: Critical thinking/ Higher Order


Thinking Skills/Hypothetical
reasoning

E. Aplikasyon "Bakit talented ang beshy ko?”

Pagtugon sa Layunin blg. 2 Papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo sa pamamagitan


ng “skip counting by 10”. Ang pangkat 1 ay ang grupo ng mga
Pedagogical Approach: mag-aaral na nakabigkas ng numero 10-50, pangkat 2 naman
Collaborative/Integrative/Constructivi ay mga nakabigkas ng 60-100, at pangkat 3 naman ang
sm
nakabigkas ng 60-150. Ang bawat mag-aaral ay
Skills: Numeracy skills magpapamalas ng kanilang talento sa pagtatanghal na
nababatay sa gawain na kanilang mabubunot. Bibigyan lamang
Strategy: Differentiated and ng 10 minuto upang maghanda at 2 minuto upang itanghal.
developmentally appropriate learning
tasks Pangkat 1: Dula-dulaan na ginagamitan ng ponemang
suprasegmental ukol sa napapanahong isyu sa inyong
barangay na kailangang bigyang solusyon sa pamamagitan
ng pagpupulong.

Pangkat 2: Saling-himig ukol sa pag-ibig na


kinasasangkapan ng ponemang suprasegmental

Pangkat 3: Maikling pagbabalita na nagtataglay ng


ponemang suprasegmental ukol sa masamang dulot ng
droga sa kabataan

Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa– 20
Kasiningan sa Pagtatanghal – 15
Pagkakaisa – 15
Kabuoan- 50 puntos

V. PAGTATAYA/ EBALWASYON A. Panuto: Tukuyin ang gamit ng ponemang suprasegmental


(diin) sa pahayag. Piliin at isulat ang wastong sagot upang
Pagtugon sa Layunin blg. 1 mabuo ang pahayag.
1. Sumambulat sa kaniyang mukha ang mainit na (A-bo, a-BO)
Pedagogical Approach: Inquiry- mula sa kaldero.
based 2. Lalong umitim ang (PA-sa, pa-SA) sa binti ni Dakky nang
lagyan ito ng gamot.
Skills: Thinking and critical skills
B. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa
Assesment: Summative layunin nito. Isulat ang bilang 1 kung mababa, bilang 2 kung
katamtaman, at bilang 3 kung mataas.
(Designed, selected, and organized 3. kunin mo = ____, pag-uutos nang pagalit
formative assessment strategies 4. kumusta = ____, malungkot at nag-aalala
consistent with curriculum
requirements) C. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng pangungusap ayon sa
tamang antala nito. Isulat ang titik ng tamang sagot.

5. Hindi/ si Layla ang nanalo sa paligsahan.

a. Hindi nanalo si Layla.


b. Binibigyang-diin na si Layla ang nanalo.
c. Walang kasiguraduhan na si Layla ang nanalo.

Susi sa Pagwawasto
1. a-BO
2. pa-SA
3. 3
4. 1
5. b

IV.. TAKDANG ARALING Sumulat ng maikling talata ukol sa temang nasa ibaba gamit
ang 10-15 pangungusap. Iugnay ito sa kahalagahan ng
Skill: Writing and Thinking Skills paggamit ng ponemang suprasegmental. F7PN-IIIa-c-13 Isulat
ito sa iyong kwaderno.

“Ang komunikasyon ang naglalapit sa pusong magkalayo.”

Pamantayan sa Pagmamarka

Kaangkupan sa paksa- 10
Daloy ng Kaisipan- 10
Wastong Balarila-5
Kabuoan- 25

Inihanda ni:

CRISANTA Q. ALFONSO
Teacher 1 Applicant

You might also like