You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
PINAGLABANAN HIGH SCHOOL
Pinaglabanan, Goa, Camarines Sur
Junior High School School I.D. 301976

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


__________________________________

LAYUNIN
A. MELC Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
I. PAKSA

Kwarter 2-Aralin 3: ELEMENTO, SURIIN MO


SARILING TULA, ISULAT MO

II. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: SLM Filipino 10 Kwarter 2-Aralin 3 pp. 1-18
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Kagamitang Biswal, powerpoint presentation, larawan, rubriks

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak:
AWITIN NATIN!
Magpapatugtog ang guro ng awiting “Awit Kay Inay” ni Carol Banawa.
Maaari itong sabayan ng mga mag-aaral.
Matapos mapakinggan ang awitin, sasagutin ng mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Ilarawan ang anak.
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang pinakikinggan ang awitin?
3. Maaari bang maging tula ang kanta? O maaaring maging kanta ang tula?

B. Panimula/Paglalahad ng Aralin:
 Ilalahad ng guro ang paksang-aralin: TULA at MGA ELEMENTO NITO

PAGLINANG NG TALASALITAAN
 Magpapaskil ang guro ng konsepto sa pisara at tutukuyin ng mag-aaral ang salitang nais ipakahulugan
nito sa pamamagitan ng pagdikit nito sa patlang bago abg bilang.

TULA – isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.


SONETO – isang uri ng tula na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
TALUDTOD – ang linya ng tula na bumubuo sa saknong ng tula
TAYUTAY – isang anyo ng paglalarawan-diwa na kakaiba at malayo sa karaniwang paraan ng
pananalita at naglalayong magawang marikit upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at
pagdama ng sinuman sa damdaming ipinahihiwatig tulad ng simile, metapora, personipikasyon, at iba
pa.

C. Pagtalakay:
TALAKAYIN NATIN!
 Tatalakayin ng guro ang konseptong kaugnay sa MGA ELEMENTO NG TULA

TULA
Ang tula ay isang akdang pamapanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa
ating damdamin,at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan.

Mga Elemento ng Tula:

1. Tugma- ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula. Ang
dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig.
Uri ng Tugma:
a. Tugmang ganap- kapag magkapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod.
b. Tugmang d-ganap – kapag magkapareho lamang ang tunog ng huling salita sa bawat taludtod.
2. Sukat – Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
3. Talinghaga – tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay. Ito ang pinakapuso
ng tula o ipanhihiwatig ng may-akda.
Halimbawa: “Tinapay” ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay.
Talinghaga – Nararanasang gutom ng isang mahirap
4. Saknong – ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula
5. Simbolismo – ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o
kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
6. Kariktan – ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ng kabuuan nito.

Halimbawa:

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hidwang kaunlaran?
Kariktan – lalabindalawahing pantig, tugmang ganap at tayutay
7. Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula: una, ikalawa, o ikatlong panauhan.

Pangkatang Gawain:
***Bibigyang ng guro ng 15 minuto ang bawat pangkat upang tapusin ang kanilang Gawain.

Susuriin ng bawat pangkat ang saknong na ito ng tula ayon sa gawaing nabunot o nakaatas sa kanila.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
Ang aking napala’y palad ko pang tikis
Nasunog ang aking pakpak na maliit.”

Mula sa “Ang Matanda at Batang Paruparo” ni Rafael Palma


Mga Gawain:
1. Suriin ang saknong ng tula ayon elementong hinihingi.
Elemento Pagsusuri
a. Sukat
b. Tugma
c. Saknong
d. Kariktan
e. Persona

2. Iguhit ang nabuong imahe o pangyayari sa saknong ng tula.

3. Sa loob ng lima (5) pangungusap, ipaliwanag ang nais ipabatid o ipakahulugan ng saknong na ito.

***Pag-uusapan ang rubriks sa klase.


***Paglalahad ng kasagutan ng bawat pangkat.
***Pagbibigay-grado at puna ng guro.
***Pagbibigay ng feedback at karagdagang impormasyon ng guro.

D. Paglalahat:
 Magtatanong ang guro:
Ano ang tula?
Gaano kahalaga ang bawat element nito?
Magbigay ng isang element at tukuyin ang kahalagahan nito.

E. Paglalapat:
 Sa panahon ng pandemiya, paano nakatulong ang tula sa buhay mo bilang isang kabataan at mag-aaral?

F. Pagtataya:
Sumulat ng tatlong (3) saknong ng tula na tumatalakay sa ating kasalukuyang kalagayan. Malaya kang
pumili at magbigay ng iyong pamagat. Gamitin ang mga elementong tinalakay.
Rubriks:
Nilalaman 30 puntos
Paggamit ng elemento 20 puntos
50 puntos
G. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Kasunduan:
1. Basahin at unawain ang Aralin 4- Sipat at Lapat pp. 1-16
2. Ano-ano ang mga uri ng tayutay?
3. Sanggunian: http/panitikanngscotland.google.com

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng
remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pampagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais ong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

MARY GRACE C. BORROMEO


Guro sa Filipino 10

Mga Guro sa Filipino

MELALAINE P. BUENAAGUA JOSIE V. ALILANO ANNIE A. MAGAN DELILAH F. SERGIO


Taga-ugnay sa Filipino Guro I Guro I Guro I

Pinagtibay:

RONALD P. ENCISO, Ed. D.


Punong-guro I

You might also like