You are on page 1of 10

2nd Quarter Filipino 10

LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

I. I. Panimulang Nilalaman

A.Pamantayang Nilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin

B. Pamantayang Pagaganap
Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla
(social media)

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


• Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula.
• Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula.
• Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.
• Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.

E. Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa sarili nilang kakayahan ay makakagawa o


makakabuo ng sariling Tula tungkol sa napapanahong isyu at gamit ang mga
matatalinghagang Pananalita.

II. Nilalaman
Panitikan: Tula

Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita


2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

PAGTUKLAS:

Gawaing Bilang 1. Guess Clue?

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at ibigay ang salitang
inilalarawan ng mga ito. Gamiting gabay ang mga clue na nasa ibaba.

1.Bahagi ng tula na binubuo ng mga taludtod.

S K N N

2. Isang akdang pampanitikan na nagpapayahag ng damdamin ng isang


tao.

U A

3.Ito ay tumutukoy sa natatagong kahulugan ng isang tula.

A I N H G

4. Tumutukoy sa magkaparehas na tunog sa bawat taludtod.


U M

5.Tumutukoy sa maririkit na salita na ginagamit sa tula.

A I T N
2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Gawaing Bilang 2. Online Talakayan!

TULA
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang
anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag
ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.
Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito
ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay
matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
Mga Elemento ng Tula
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
➢ Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay
karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro
Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.
➢ Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga
halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr.
Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.
➢ May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit
ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
➢ Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa
bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga
mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga
salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at
ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata.
Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa
dalawa o higit pang taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang
pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang
sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Gawaing Bilang 3. Pagbasa ng Akdang Pampanitikan


2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Pagsasanay Bilang 1. Graphic Organizer

Panuto; Sagutin Ang Graphic Organizer Sa Ibaba.


2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Gawaing Bilang 4. Online Talakayan!

Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang


paggamit ng mgasalita?

Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging
mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng
kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na


kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anumang wika.

Halimbawa:

1. Butas ang bulsa – walang pera

2. Ilaw ng tahanan – ina

3. kalog na ang baba – gutom

4. alimuon – tsismis

5. bahag ang buntot – duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)


Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y
nangangahulugang pagiging mukhang perang tao samantalang ang ikalawa’y
tumutukoy sa mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal.

Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na


natatanging kahulugan.

Halimbawa:

1. silid-aklatan - karunungan o kaalaman

2. gabi – kawalan ng pag-asa

3. pusang-itim – malas

4. tanikalang-bakal – kawalan ng kalayaan

5. bulaklak – pag-ibig Palay siyang matino,

Nang humangi’y yumuko, Nguni’y muling tumayo: Nagkabungang ginto!

(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang


nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.
2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Gawain Bilang 5. Hanapin mo!

Panuto: Hanapin mo ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay kahoy sa mga
salitang nasa loob ng dahon. Isulat ang titik sa sagutang papel.
2nd Quarter Filipino 10
LESSON 10
Panitikan: Tula
Gramatika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Gawain Bilang 6. I-angkop mo!

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang mga sagot mula sa
mga salitang nasa loob ng kahon

You might also like