You are on page 1of 4

GRADE 7 FILIPINO

Mga Elemento ng Tula

Tula
Ang tula ay masining na uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin.
Maraming mahahalagang kaisipan at damdamin ang naisusulat sa anyong
patula upang ibahagi ang mga bagay-bagay. Kadalasan, ang tema o diwa ng
tula ay batay sa karanasan sa buhay, sa mga pambansang isyu at mga
pangyayari sa lipunang ginagalawan ng tao.

Naiiba ang tula sa ibang uri ng panitikan dahil piling-pili ang mga salitang
ginagamit dito. Ang bawat salitang ginagamit ng manunulat ng tula o makata
ay mahalagang pampagising sa iba’t ibang damadamin.

Ito ay binubuo ng saknong o mga saknong. Ang saknong ay binubuo naman


ng mga taludtod.

A. Sukat
ang bilang ng pantig sa isang taludtod. Sa makalumang panulaang Filipino,
may apat na pangunahing sukat: aapatin, wawaluhin, lalabindalawahin, at
lalabing-animin.
Wawaluhin Lalabindalawahin

Habang maikli ang kumot, Itanong mo sa bituin ang pag-ibig


Magtiis na mamaluktot At sa iyo’s sasabihing ito’y tinig
At kung ito ay humaba Ng damdaming nasa puso’t nasa isip
Saka umunat na kusa. Nabubuhay sa pag-asa’t panaginip

B. Tugma
tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng hulihang pantig sa isang taludtod o
linya.
Lalabindalawahin
Dalawang Uri ng Tugmaan
a. Tugmang Ganap – magkakatulad Itanong mo sa bituin ang pag-ibig
ang tunog at huling titik ng huling At sa iyo’s sasabihing ito’y tinig
salita sa bawat taludtod. Ng damdaming nasa puso’t nasa isip
Nabubuhay sa pag-asa’t panaginip
GRADE 7 FILIPINO
b. Tugmang Di-ganap - kung saan ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig
bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang titik ay
magkakaiba.

May dalawang pangkat ng mga katinig:

Unang Pangkat: b, k, d, g, p, s, t

Kaygandang malasin ng alon sa dagat


Lalo na’t tahimik, kilos ay banayad
Ang mumunting isda na aking namalas
Pawang masisigla’t punong-puno ng galak

Ikalawang Pangkat: l, m, n, ng, r, w, y

May isang lupain sa dakong Silangan


Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.

C. Tayutay
isang pahayag na sadyang masinig at kaakit-akit. Nagpapahayag ito ng
makulay at mabisang pagpapakahulugan at lalong napalilitaw ang
kagandahan at kariktan ng tula.

a. Pagtutulad ( simile ) – paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang


bagay na magkaiba ng uri. Gumagamit ito ng ng mga salita o parirala tulad ng:
animo, tila, paris, katulad, gaya, wangis

Halimbawa:
Dahon…………….
Tila ka dalagang
Sa hampas ng hangin
Ay paindak-indak sa isang tugtugin

b. Pagwawangis (metaphor) – paggamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig


ng pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi ito
ginagamitan ng mga pariralag tulad ng, kawangis ng , gaya ng , animo’y ,
atbp.

Halimbawa:
Ako’y asong gala sa mga lansangan
GRADE 7 FILIPINO

c. Pagsasatao (personification) – pagsasalin ng mga katangian ng tao sa


isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng pandiwa.

Halimbawa:
Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.

d. Pagmamalabis (hyperbole) – isang pahayag na eksaherado o labis sa


katotohanan.

Halimbawa:
Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.

e. Panawagan (apostrophe) – isang pabulalas na pagkausap sa isang tao


(karaniwang patay o wala sa isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng
kalikasan a binibigya ng katangiang pantao.

Halimbawa:
Pag-ibig! Masdan ang ginawa mo.

f. Onomatopoeia - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan

Halimbawa:
Nakakatakot ang dagundog ng kulog kagabi.

g. Kabalintunaan (irony) - balintuna (ironic) ang isang pahayag kung


nilalagyan o kinakabitan ng isang katangiang hindi inaasahan ang isang
pangyayari o kung may nagaganap na taliwas o tila hindi sumasang-ayon sa
mga naunang detalye.

Halimbawa:
Umaaraw ngayon, pero umuulan sa puso ko.

D. Persona
tumutukoy sa nagsasalita sa akda at kung para kanino niya ito sinasabi.
Kalimitan ay gumagamit ang may-akda ng malinaw na persona o karakter
na siyang binibigyang- diin sa tula kung minsan naman ay depende sa
personal na karanasan o pananaw ng may akda.
GRADE 7 FILIPINO

E. Tema
ang pangunahing kaisipan o ideya na nangibabaw sa kabuuan ng tula. Ito
ay iba sa mga pantulong na ideya na makikita sa bawat saknong ng tula.
Kalimitang umiikot sa tema sa mga paksa ng tula gaya pag-ibig, o
karanasan sa buhay ng isang tao.

F. Himig o tono
F. Ang himig o tono ay tumutukoy sa damdaming namanayani sa tula.
Maaaring maging magkakaiba ang himig depende ito sa nangingibabaw
na damdamin sa tula. Maaaring ang himig ng tula ay pagkatuwa,
pagkalungkot, pagkatakot, pag-aalala, pagdaramdam at iba pa.
Makakatulong ang wastong pagpili o paggamit ng salita, paraan ng
pagkakabuo ng tula, bilang at haba ng mga linya at saknong at higit sa
lahat ay ang epektibong paggamit ng dating karanasan o kaalaman
tungkol sa paksa.

Mula sa:
Almario, Virgilio. (1991).Taludtod at Talinghaga. Anvil Publishing Inc. Pasig City.
Almario, Virgilio. (1984). Balagtasismo Versus Modernismo. Ateneo De Manila University. Quezon City.
Dayag, Alma M. et al. (2006). Pluma. Wika at Pagbasa. Phoenix Publishing House. Quezon City.
Santiago, Alfonso D. et.al. 1989. Filipino sa Bagong Henerasyon. Bookmark Inc. Makati City. p.45.

You might also like