You are on page 1of 3

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon.

Ginawa
ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay
nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal
na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman
ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa
ang nagmamahalan (lalaki at babae).
Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa
Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong
parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring
makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan
na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang
makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay
maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na
nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.

Ponemang Suprasegmental- ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,


malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.
Ang Anapora ay mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
1.Sina Bonifacio at Sulayman ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Manileño.
2.Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila'y totoong
nagagandahan dito.
3. Anong saklap ang mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan.
4. Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang.
5. Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong
pakakasalan.
Ang Katapora naman ay mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
1.Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
2.Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista'y totoong
nagagandahan dito.
3. Ika’y siyam na taong gulang na. sa edad mong iyan Temujin ay dapat ka ng pumili ng iyong
mapapangasawa.
4. Bakit sa tribongMerit siya magmula? Hindi naman iyon an gating tribo?
Ang Pangatnig ay salitang nag-uugnay ng dalawang ideya o salita sa isang pangungusap.

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.


(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang


kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.


(kung, kapag, pag)

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

 Ang panaguri at kaganapang pansimuno ay ang panlahat ng bahagi ng pangungusap.


 Ginagamit ang panuring sa pagpapalawak ng pangungusap.
 Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong pag-uugali na
pakikitungo sa kapwa.
 Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o
aspekto.
 Mas mahaba ang tanka kaysa sa tanaga.
 Ang sanaysay ay tumatalakay sa mahalagang isyu sa kapaligiran.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga tanghalan o entablado. Maraming
elemento ang dula at ang ilan sa mga ito ay ang skrip, dayalogo, aktor, tanghalan, direktor,
manonood, tema. Ang dula sa Pilipinas ay isinasagawa na bagamat sa informal na paraan
bago pa man dumating ang mga mananakop.

Mga Elemento ng Dula:


Iskrip - tinatawag din na kaluluwa ng isang dula.
Dayalogo - mga linyang binibitawan ng aktor sa dula.
Tauhan - ito ang nagsasabuhay ng mga tauhan sa isang dula. Sila ang nagpapakita ng aksyon,
damdamin at nagbibigkas ng dayalogo sa isang dula.
Tanghalan - ito ang lugar kung saan itinatanghal o ipinapalabas ang isang dula.
Direktor - ang direktor ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip. Nagbibigay ng suhestyon sa
mga aktor kung paano gagampanan ang tauhan sa dula.
Manonood - grupo ng tao sumasaksi o nanonood ng dula.
Tema - tinatawag din itong paksa ng dula. Ito ang pinaka ideya ng isang dula.

Ang mga modal ay mga salitang nagbibigay ng turing sa mga salita at tinatawag rin na mga
salitang mala-pandiwa. Ilan sa mga uri nito ay ang mga sumusunod:

1. Pagsasaad ng pagnanasa o pagkagusto- gusto,nais, ibig

2. Sapilitang pagpapatupad- hindi, dapat

3. Hinihinging mangyari- kailangang

4. Pagsasaad ng posibilidad- maaari, pwede, marahil, sana, kung, possible.

OK LANG KUNG BAGSAK KA SA KANYA; ANG MAHALAGA SA ASIGNATURA


KO PASADO KO.

You might also like