You are on page 1of 3

Filipino

Tula
- Ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, ng kadakilaan, - ang tatlong bagay na
magkakatipontipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatanng matawag na tula. “Julian Cruz
Balmaceda”
- Ay panggagad, tulad ng panggagad ng isang pintor ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.
“Fernando Monleon”
- Ay kamalayang nagpapasigasig. “Alejandro G. Abadilla”

Ang pagbibigay interpretasyon sa isang tula ay isang masusing proseso. Walang mali at walang tama ngunit
umaayon pa rin ito sa gustong ipahiwatig ng may akda.

Elemento ng Tula
1. Sukat - bilang ng pantig sa bawat taludtod at saknong. Karaniwang gamitin ang wawaluhin, lalabindalawahin,
lalabing-animin, at lalabing-walohing pantig. (Julian et. al, 2017)
2. Tugma - ang pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita sa taludtod. (Julian et. al, 2017)
Uri ng Taludturan
Kopla (2), Triplet (3), Quatrain (4), Sextet (6), Soneto (14)

Kayarian ng Taludturan
- May sukat at tugma
- Di-tugmaang taludturan (Blank Verse) - may sukat ngunit walang tugma
- Malayang taludturan (Free Verse) - walang sukat at tugma

3. Talinghaga - ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging kaakit-akit at
mabisa ang pagpapahayag. (Julian et. al, 2017)
4. Larawang-diwa (Imaginery) - ito ay ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa. (Julian et. al, 2017)
5. Simbolismo (Symbolism) - ito ang mga salita ng tula na may kahulugan sa mapanuring mambabasa.
(Julian et. al, 2017)

Opinyon - Isang pananaw ng isang tao o pangkat ng tao na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba.

Katuwiran - ay pagbibigay sanhi (dahilan, pag-uugnay) ng mga lipon ng mga salitang nagbibigay ng katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan. Mga ginagamit na halimbawa ay ang dahil sa, sapagkat at palibhasa.

Balagtasan
- Isang pagtatalong PATULA
- Ito ay hinalaw mula sa pangalan ni Francisco Balagtas
- Inilalahad dito ang saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may tugmaan.

Elemento ng Balagtasan
Tauhan - lakandiwa, mambabalagtas at manonood
Pinagkaugalian - sukat, tugma, at indayog
Paksa/Isyung Pinagtatalunan - napapanahong isyu na nagsisilbing tema ng pagtatalo
Mensahe/Mahalagang Kaisipan - paghahatid ng malinaw na mensahe sa mga tagapakinig

Ang pagpapahayag ng mga opinyon o katwiran, palagay, kuro-kuro at argumento tungkol sa mga isyu,
suliranin kalagayan at kaganapan sa kapaligiran ay magbibigay sa iyo ng mga ideya upang maging
handa sa pagdedesisyon sa buhay.

ANTAS NG WIKA
1. PAMPANITIKAN
- pinakamayamang uri ng wika kung saan kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan.
- gumagamit ng idyoma, tayutay at iba pang tono, tema at punto.
- wikang pampanitikan na malayang nagagamit sa paglikha ng dula, katha, palabas, at iba pang akdang
pampanitikan.

2. PAMBANSA
- ginagamit sa mga aklat, babasahin at pahayagan.
- wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
- salitag higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng kalakalan.

3. KOLOKYAL
- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na salita.
- ginagamit sa okasyon impormal at isinasaalang-alang ang salitang madaling maintindihan.

4. LALAWIGANIN
- karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangueno, Bicolano
at iba pang may tatak na lalawigan sa kanilang pagsasalita.
- mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

5. BALBAL
- itinuturing na pinakamababang antas ng wika na may katumbas na ‘slang’ sa Ingles.
- mga salitang pangkalye o panlangsangan.
- tinatawag ding singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.
- karaniwang nabubuo ng isang grupo na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.

PAGBIBIGAY NG DENOTATIBO AT KONOTATIBONG KAHULUGAN

1. DENOTATIBO
- Kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
- Karaniwang salita o simpleng salita.
- Literal o totoong kahulugan ng salita.

2. KONOTATIBO
- Pansariling pagbibigay kahulugan ng isang tao o pangkat iba sa pangkaraniwang kahulugan

SARSUWELA
- Sa huling bahagi ng panahon ng Kastila at unang bahagi ng panahon ng Amerikano.
- SEDISYOSO (Nakatulong sa pagpapaalab ng damdaming makabayan.)
- Ito rin ay naging isang mabisang behikulo sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t
ibang rehiyon.

Sarsuwela sa Iba’t ibang Rehiyon

Tagalog
1. “Walang Sugat” ni Severino Reyes (1861-1942)
2. “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad 3. “Kahapon, Ngayon at Bukas”, “Sinukuan Filipinas”, “Espanya” at “Lua
ning Balen” ni Aurelio Tolentino (1867-1915)

Kapampangan
1. “Ing Managpe” (“Ang Tagatagpi”, o ang aso sad ula na si Managpe) ni Mariano Proceso Pabalan Biron
(1862-1904) - Ito ay kinikilala bilang unang sarsuwelang naisulat sa Kapampangan o anumang wikang
Katutubo sa Pilipinas. Dahil dito, kinikilala si Mariano Proceso Pabalan Biron bilang Ama ng Sarsuwelang
Kapampangan.
2. “Alang Dios” (Walang Diyos) ni Juan Crisostomo Soto (1867-1918) – Sinasabing naging pinakapaborito ng
mga manonood.

Caviteno
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Pascual Poblete (1857-1921)
Hiligaynon
“Naghigugma sa Iya Duta (Ang Makabayan) ni Salvador Ciocon (1899) Ito rin ang itinuturing na
kauna-unahang sarsuwelang Hiligaynon.

Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip – nakasulat na sarsuwela
2. Eksena - paglabas-masok sa tanghalan ng tauhan at Tagpo – pagpapalit ng tagpuan ng sarsuwela
3. Aktor – gumaganap sa sarsuwela
4. Tanghalan – anumang lugar na pinagtatanghalan ng sarsuwela
5. Direktor – nagpapakahulugan sa sarsuwela
6. Manonood – nagbibigay-halaga sa sarsuwela

Ang SANAYSAY ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan,
kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.

Dalawang uri ng sanaynay: Pormal at Di-pormal

1. PAGLALAHAD - Ang paglalahad ay may layuning mag-isa-isa at magpaliwanag ng isang isyu o paksa.
2. PAGLALARAWAN- Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang
maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri.
3. PAGSASALAYSAY - Layunin nitong magkwento o maglahad ng mga pangyayari
4. PANGANGATUWIRAN – Layunin nitong umakit o makapanghikayat ng mambabasa na pumanig sa isang
isyu o paksa

SIMBOLO - ay sumasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.

PAHIWATIG - ay mga pahayag na di tuwiran ang kahulugan o mga pahayag na ay natatagong kahulugan
maaaring berbal o di berbal.

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng
guni-guni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Elemento ng Maikling Kuwento


A. Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba
pang tauhan sa kuwento.
B. Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
C. Suliranin - problemang haharapin ng tauhan.
D. Tunggalian - may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
E. Kasukdulan - makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
F. Kakalasan - tulay sa wakas
G. Wakas - ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
H. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
I. Paksang-diwa – pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
J. Kaisipan - mensahe ng kuwento.
K. Banghay - pagkakasunod ng pangyayari sa kuwento.

You might also like