You are on page 1of 7

REVIEWER FILIPINO 8 2nd Quarter

ARALIN #1: TULA


● TULA
- Isang masining anyo ng panitikan na binubuo ng saknong
- Nagpapahayag ng marangal na damdamin o kaya
nagsasalaysay ng pangyayari sa pamamagitan ng piling-pili at
maririkit na salitang inihahanda ang may karitan.
- Naglalarawan ito ng buhay ng tao
- Maipahayag ang damdamin ng manunulat

● (4) Apat Na Anyo Ng Tula


1. Malayang taludturan
2. Tradisyunal na tula
3. May sukat walang tugma/Berso Blangko
4. Walang sukat na may tugma

● Roman Numerals
- Ang ginagamit sa pag pangalan ng saknong

● Censura
- Ang ginagamit sa paghahati

1.) Malayang Taludturan


- Walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo

2.) Tradisyunal
- May sukat, tugma, at mga matalinghaga(malalim) na salita.

3.) Berso Blangko


- Tulang may tiyak na bilang ng pantig ngunit huling pantig ay
hindi magkatugma

4.) Walang sukat na may tugma


- Tulang walang tiyak na bilang ng pantig ang huling pantig ay
magkatugma
ARALIN #2: PANLAPI
● Panlapi
- Ang panlapi ay bahagi ng isang salita na karaniwang
ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng ibang
salita. Ang pangunahing layunin ng panlapi ay nagbibigay ng
dagdag na kahulugan o impormasyon sa isang salita.

● Uri ng Panlapi
1. Unlapi
2. Gitlapi
3. Hulapi
4. Kabilaan
5. Paglahom/Paglagom

1.) Unlapi
- Ay isang panlapi na nasa harapan o nilalagay bago ang ugat
ng isang salita.
HAL:
a. (UM)asa
b. (UM)inom
c. (MAG)laba
2.) Gitlapi
- Nilalagay sa gitna ng mga salitang ugat
HAL:
a. b(UM)asa
b. H(IN)anda

3.) Hulapi
- Ikinakabit o inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat
HAL:
a. sulat(AN)
b. tambak(AN)

4.) Kabilaan
- May unlapi at hulapi
HAL:
a. (KA)alam(AN)
b. (KA)sinta(HAN)
5.) laguman
- May unlapi,gitlapi, at hulapi
HAL:
a. (PINAG)s(UM)igaw(AN)
b. (PAG)s(UM)ikap(AN)

ARALIN #3: DENOTASYON AT KONOTASYON


● Denotasyon
- O kaya denotatibo
- Ito ay ang literal na kahulugan ng salita mula sa diksyunaryo

● Konotasyon
- O kaya konotatibo
- Batay sa nagiging damdamin ng isang tao at kung paano niya
nagagamit ang isang salita sa pangungusap.
- Pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
Ang kahukugan nito ay iba sa pangkaraniwang kahulugan

HAL:
Buwaya
Kono - madamot o sakin
Deno - isang uri ng hayop na mabangis

Ahas
Kono - traydor o taksil
Deno - Isang uri ng hayop na gumagapang

ARALIN 4: URI NG WIKANG TAGALOG


1.) Tulang Liriko o Pandamdamin
- Ipinahahagyag dito ng makata ang kaniyang
pansariling damdamin at isipian at hindi gaano ang
mga pnalabas na pangyayari at tagpo sa buhay.
- Itinatampiok ito sa anyong oda, elihiya, at soneto

2.) Tulang Pasalaysay


- Nagglalahad ito ng mga tagpo o pangyayari na
natatagpuan sa mga taludtod
- Nagsasalaysay ito ng isang kuwento o pangyayari at
naglalarawan ng tauhan at tagpuan
- Itinatampik ito sa tulang epiko

3.) Tulang Pandulaan


- Ginawa ito upang itanghal na ang usapan ay sa
paraang patula. Masasalamin dito ang mga tagpong
lubhang madula na maaaring maganap sa araw-
araw na buhay. ( may sagutan )

4.) Tulang Patnigan


- Tulang sagutan na itinatanghal ng mga
natutunggaliang makata ngunit hindi sa paraag
padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran sa paraang
patula
- Balagtasan ang halimbawa nito

ARALIN #5: BALAGTASAN


● Balagtasan
- Ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang patula
- Masining na panitikan
- Nagpapakita ng pagtatalo ng opinyon o katwiran
- Textong / panitikang argyumenteytib

● Textong/Panitikang Argumentative o Argyumenteytib


- Naglalahad ng mga proposisyon o mga paksa na pwedeng
pag usapan upang mahikayat at magpaliwanag

● MGA TAUHAN
1. Mambabalagtas/Makata (2) - sila ang nagtatalo sa isang
paksa
2. Lakambini/Lakandiwa (1) - ang nagpapadaloy ng palitan ng
katwiran
3. Manunuod - audience o pagbibigay reaksyon sa
pamamagitan ng pagpapalaki pakan.

● Tatlong uri ng texting argumentative

1. Argyumenteytib-Puna
- Nagbibigay ito ng pansariling paniniwala at pagpapahalaga
hinggil sa paksang binibigyang pansin.

MGA HUDYAT
Pagsang-ayon
 sa aking palagay,
 satingin ko,
 base sa aking pananaw,
 ayon sa aking kaalaman,
 para sa akin

2. Argyumenteytib-Persweysib
- Ito’y naglalahad ng mga konsepto pananaw o opinion. Upang
kombinsihing pamanig ang mangbabasa o nakikinig sa
kanyang paniniwala.

Pagtanggi / di pangsang-ayon
 hindi ko tanggap,
 ayaw kong,
 bagama’t maganda ang iyong katwiran subalit
 Mali ang iyong sinabi
 Hindi ako sumasang-ayon

3. Argyumenteytib-Explanasyon
- Ito ay naglalayong pagpapaliwanag ng mga pangyayari,
bagay o idea
LESSON 6: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Duplo: Ang Pinaghulagpusang Anyo

 Malay na binago ng mga makata ang duplo nang likhain nila ang
balagtasan. Sa pulong ng Kapulungang Balagtas noong Marso 28,
1924, iminungkahi ni Lope K. Santos ang pagdaraos ng makabagong
duplo upang gawing katangi-tangi at nakaugnay sa tulang Tagalog.

Saan Isinilang ang Balagtasan?

 Isinilang sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas, isang


“Katipunan ng mga mananagalog at makatagalog,” na idinaos sa
gusali ng Insituto de Mujeres na noon ay nasa daang Tayuman,
Tundo, Maynila, na naganap noong Marso 28, 1924. Ito ay bilang
parangal kay Balagtas na ang tunay na kaarawan ay Abril 2.

Abril 6 - Naganap ang unang balagtasang may Iskrip.

Dalawang makatang naglaban sa pagalingan sa Pagbigkas.

 Mga mambabalagtas: Jose Corazon De Jesus at Florentino T. Collantes


 Paksa: Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan

Muling nagtagisan ang dalawang makata sa pagalingan ng pangangatwiran na


walang Iskrip.

 Paksa: Panganori’t Alapaap


 Petsa: Oktubre 18, 1925

Tinaguriang “Hari ng Balagtasan sa taong 1925” (Prinsipe ng Balagtasan)


si De Jesus noong unnag Linggo ng Nobyembre.

Pag-agaw ng Korona
 Nagtagumpay si Collantes na agawin ang Korona noong 1927 sa
kaniyang pagtatanggol ng Anti-koalisyon laban sa panig ng
Koalisyon ni Batute.

Balagtasan
 Isang anyo ng panulaan ang balagtasan. Hinango ang salita sa
pangalan ni Francisco Balagtas bilang pagpaparangal sa dakilang
manunulat. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang
panig tungkol sa isang paksa. Ipinahahayag ng mga manunulat o
mambabalagtas ang mga saloobin o pangangatwiran sa paraang
patula.

 Ibinatay nila ang anyo nito sa mga naunang uri ng patulang


pagtatalo tulad ng karagatan, huwego de prenda, at duplo.

 Ang mga mambabalagtas o makata ay nagbibigay aliw sa


pamamagitan ng katatawanan, simpleng pag-aasaran,
pambihirang talas ng isip, at dramatikong paglalahad.

You might also like