You are on page 1of 6

Banghay Aralin Paaralan: PHINMA – Cagayan de Oro College

Inihanda ni ECE QUINIT CAPILI


Petsa/Oras: Ika- 23 ng Enero, 2020

9:00 AM – 10:30 AM 4TH FLOOR PHINMA HALL BUILDING


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga ilang uri ng tula na umusbong sa Pilipinas
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakagagawa ng isang maikling tula.

C. Kasanayang Pampagkatuto
Matalinong nakikinig upang makalahok sa mapanuring talakayan sa
klase

II.
PAKSANG-ARALIN/
Uri ng Tula na Umusbong sa Pilipinas
NILALAMAN
(Haiku,Tanka,Tanaga,Soneto,Ambahan)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Internet:
1. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource TV

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


Larawan, Marker,PPT

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Aralin Bago tayo magsimula sa klase,
at/o Pagsisimula ng Bagong -Manalangin tayo
Aralin -Pagtatala sa mga lumiban
-Pakiaayos o pakihanay sa inyong mga upuan
- pakipulot sa inyong mga basura

Magkakaroon ng bilang para sa Pangkatan

- Magkakaroon tayo ng pangkatan ma kung saan ay mahahati


ang klase sa dalawa bawat grupo ay bibigyan ng 3 (tatlong)
larawan bawat mag aaral ay kailangan bumuo ng tula gamit ang
mga larawan na nasa inyo.
- Magaling klass!
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Pinaliwanagg ng guro kung bakit sila ipinagawa ng tula upang malaman
kung gaano ka importante ng tula lalo na sa ating kasaysayan
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa
sa Bagong Aralin Kasaysayan ng tula sa pilipinas

D. Pagtalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
TULA
Bagong Kasanayan #1

E. Pagtalakay ng Bagong Pagtatalakay sa paksa


Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan Pagkakaron ng Group Dynamic

Pipili ng kaprehas ang amg mag-aaral pagkatapos ay bubunot ang isa


ng paksa at ang isa naman ay bubunot kung anong uri ng tula ang
kanilang gagawin

Paksa : Pag-ibig, edukasyon, wika, Kalikasan


Uri : Ambahan, Soneto, Haiku, Tanka, Tanaga

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Tatawag ang guro ng isang miyembro bawat grupo na
Araw-araw na Buhay sasagot sa tanong ito na :

Bilang Filipino Major paano mo ituturo ang mga uri ng tula sa mga mag-
aaral ?

H. Paglalahat ng Aralin Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na magbigay ng sariling


lagom sa paksa.

-Naunawaan ba ang paksang tinalakay natin sa araw na ito?

-May mga katanungan ba o klaripikasyon?

-Kung wala na, magkakaroon tayo ng maikling pasulit.


I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa isangkapat
na papel.

1. Ang karaniwang sukat ng mga taludtod nito ay 5-7-5


2. Taliwas sa haiku at tanka
3. Ito ay binubuo ng labingapat (14) na taludruran, isang
tulang liriko na tungkol sa masidhing damdamin at
kaisipan
4. . Ito ay isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga
Bisaya.
5. ay isa ring uri ng maikling tula na mula sa bansang
Japan. pantig.Ang karaniwang paksa ng mga tanka ay
damdamin, pag-ibig, at iba pang emosyon

J. Kasunduan/ Takdang Aralin


Hanapin ang mga kahulugan ng
LIRIKO
AWIT
KORIDO
 UMUSBONG NA MGA URI NG TULA SA PILIPINAS

 AMBAHAN

 ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan. Ito ay isa sa mga sinaunang anyo ng
pagtula ng mga Bisaya. Ito ay may sukat na pipituhin ang bawat taludtod.

 MANGYAN

 Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ang katawagan sa kanila na
Mangyan ay may kaugnayan sa salitang magus at majika dahil may karunungan sila tungkol sa ilang
salamangka gaya ng lumay at kulam. Naninirahan sila sa mga liblib na pook ng Mindoro. Itinuturing silang
isa sa mga "mahiyaing tribo."

 MANGYAN

 Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan.
Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro

 Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito
sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa
hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila
nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

 AMBAHAN NI AMBO

 SONETO

 Soneto, sa Ingles ay sonnet. Ito ay binubuo ng labingapat (14) na taludruran, isang tulang liriko na tungkol
sa masidhing damdamin at kaisipan.Ito ay nagpapabatid ng malinaw na kahulugan. Ito rin ay tinatawag na
tulang pandamdamin.Si William Shakespeare ay kilala sa pagsulat ng soneto. Sumulat sya ng halos 154
soneto at inilathala sa Shakepeare's sonnets.Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/413211#readmore

 halimbawa ng soneto ni Shakespeare:


Soneto 130
Mata ng irog ko’y hindi maningning na langit, (a)
Labi niya’y hindi kasing pula ng rosas.(b)
Kung ulap ay puti, ang balat niya’y putik.(a)
Buhok niya’y alambreng tinik na napakatigas.(b)
Samutsari ang kulay ng mga bulaklak,(c)
Subalit walang bulaklak sa pisngi niya, (d)
At ang mga pabango’y may halimuyak(c)
Na di maaamoy sa kanyang hininga (c)
Kung kausap ang irog, ako’y natutuwa,(e)
Subalit mas masarap makinig sa musika.(f)
Ewan ko kung paano maglakad ang diwata;(e)
Ang irog ko, napakabigat ng paa.(f)
Gayunman, lintik! ang irog ko’y walang katulad.(g)
Lahat ng paghahambing ay madaya at huwad.(g)

 Haiku

 Ang haiku ay isang uri ng maikling tula na mula sa bansang Japan.Ito ay may tatlong taludtod na may
kabuuang sukat na 17.Ang karaniwang sukat ng mga taludtod nito ay 5-7-5.Ang karaniwang paksa ng mga
haiku ay kalikasan.
 Ulilang damo

 Sa tahimik na ilog

 Halika, sinta!

 — Gonzalo Flores

 LAHAT NG ORAS

 Ang kaibigan,

 Iyong maaasahan

 Sa kagipitan

 TAPAT

 Kung maghahanap

 Iibiging kausap

 Dapat ay tapat.

 Tanka

 Kagaya ng haiku, ang tanka ay isa ring uri ng maikling tula na mula sa bansang Japan.Ito ay may limang
taludtod na may kabuuang sukat na 31.Tatlo sa mga taludtod nito ay may sukat na 7 pantig, samantalang
ang dalawang taludtod ay may sukat na 5 pantig.Ang karaniwang paksa ng mga tanka ay damdamin, pag-
ibig, at iba pang emosyon.Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/857786#readmore

 PAG-IBIG #1
7 - Ito ang laging hiling
7 - Ito ang laging sambit
7 - Lahat na'y nahumaling
5 - Ito naman ay
5 - Dapat ibigay

 TANAGA

 Taliwas sa haiku at tanka, ang tanaga naman ay nagmula sa Pilipinas. Ito'y waring haiku ng Pilipinas.Ito ay
may apat na taludtod.Ang bawat taludtod ay karaniwang sukat na pito, walo o di kaya'y siyam.Ang tanaga
ay naglalaman ng mga matatalinghagang kahulugan.

NILILIYAG

Ang kanyang tinging titig,

Sa sintang iniibig,

Ay luksong malalagkit,

May alab din ng init.

 MGA TANONG

1. Ang karaniwang sukat ng mga taludtod nito ay 5-7-5

2. Taliwas sa haiku at tanka

3. Ito ay binubuo ng labingapat (14) na taludruran, isang tulang liriko na tungkol sa masidhing damdamin at
kaisipan
4. . Ito ay isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya.

5. ay isa ring uri ng maikling tula na mula sa bansang Japan. pantig.Ang karaniwang paksa ng mga tanka ay
damdamin, pag-ibig, at iba pang emosyon

 MGA SAGOT

1. Haiku

2. Tanaga

3. Soneto

4. Ambahan

5. Tanka

You might also like