You are on page 1of 5

ANG GURYON

ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
BANGHAY ARALIN
SA ASIGNATURANG FILIPINO

I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang nga mag-aaral ay inaasahang;
a. natutukoy ang hawig ng Guryon sa tao sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
kanilang buhay;
b. naibabahagi ang mensaheng nais ipabatid ng tula; at
c. nakasusulat ng sariling maikling tula na naaayon sa kanilang buhay.

II. Paksang-Aralin
A. Pamagat: Ang Guryon
Uri: Tula
May-akda: Ildefonso Santos
B. Kagamitan: Larawan, makukulay na papel at graphic organizer.
C. Sanggunian: Claudio.Perez,Marina. "Ildefonso Santos," filipino Americans,
library. CA.gov, 7 7 (PDF)

III. Pamamaraan
A. Pangganyak
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa tatlo. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
isang envelope na naglalaman ng mga ginupit-gupit na larawan o mga letra na maaaring
magbuo ng isang salita. Bubuuin ng bawat pangkat ang larawan o salita sa loob ng isang
minuto. At kapag natapos na ay maaari nang ipaskil ang nabuong larawan o salita sa
pisara.

Unang Pangkat

GURYON Pangalawang pangkat

Ikatlong pangkat
Gabay na Tanong:

Guro Mag-aaral
 Unang pangkat
Ano ang larawan na inyong nabuo? -Ang larawang aming nabuo
ay isang saranggola.

 Ikalawang pangkat
Ano ang salita na inyong nabuo? -Ang salita na aming nabuo ay
salitang Ang Guryon.

 Ikatlong pangkat
Ano ang larawan nainyong nabuo? -Ito ay isang saranggola.

B. Paglalahad
 Batay sa mga salita at larawan -Ang paksang ating tatalakayin
inyong nabuo, ano sa inyong sa araw na ito ay tungkol sa
palagay ang magiging paksa Guryon.
natin sa araw na ito?

 Ang paksang ating tatalakayin sa araw na ito ay isang tula na pinamagatang Ang
Guryon ni Ildefonso Santos.

ANG GURYON
ni Ildefonso Santos

C. Paghahawan ng Balakid
Ang bawat mag-aaral ay may hawak na numero na magpepresenta sa
kanilang sarili. Tatawag ng numera ang guro at ang matatawag na numero ay
siyang sasagot sa pisara.

Panuto: May dalawang hanay ng mga salita nakapaskil sa harapan. Pupunan ng


mga mag-aaral ang bawat kulang na letra sa hanay B upang makuha ang
kasingkahulugan ng salitang nasa hanay A. Paghahanda ang guro ng
parirala na maaaring gamitin upang ganap na makuha ang sagot.

HANAY A HANAY B
1. GURYON SA__NG_O_A
2. PATPAT B__B_O
3. MAG-IKIT M_G-I__T
4. MAGKILING T_M_G_LI_
5. LAGUTIN P_T_LI_

Gamitin sa pangungusap ang bawat salita na nasa hanay A.


D. Pagtatalakay
Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang tulang Ang Guryon ng sabay-sabay.

Gabay na tanong:
 Ano ang sumisimbolo sa mga kulay na pula, puti at asul sa tula?
 Ano ang hiling ng magulang sa anak sa pangalawang saknong ng tulang Ang
Guryon?
 Ano ang nais ipahiwatig ng tulang Ang Guryon na maaaring maihalintulad sa
buhay ng tao?

Papangkatin muli sa dalawa ang klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng graphic
organizer na sasagutan ng mga mag-aaral.

Unang Pangkat (TCR graphic organizer)


Panuto: Ibigay ang pangunahing ideya na mababasa sa bawat saknong ng tulang
Ang Guryon at isulat ang sagot sa nakalaang espasyo na makikita sa graphic organizer.

Pangalawang pangkat (For the main time graphic organizer)

Pamantayan
 Nilalaman 25 puntos
 Pagkakaisa 5 puntos
 Presentasyon 10 puntos
 Disiplina 5 puntos
 Pagkamalikhain 5 puntos kabuuan: 50 puntos
E. Paglalahat
 Ano ang aral na inyong napulot sa pagbasa ng tula?
 Paano mo maihahalintulad ang iyong sarili sa isang guryon?
 May maganda bang maidudulot ang pagbabalanse ng buhay ng tao?

F. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel sagutin at piliin ang titik mg tamang sagot.
Sagot lamang ang isusulat sa papel.

1. Sino ang may-akda ng tula?


a. Ildefonso Delos Santos
b. Ildefonso Santos
c. Ildefonso Santo
2. Pula, puti at asul ay sumisimbolo sa _____.
a. Bahaghari
b. Kalayaan
c. Watawat
3. Kasingkahulugan ng salitang mahina.
a. Marupok
b. Madunong
c. Mapatid
4. Ang guryon ay mas kilala bilang ______.
a. Eroplano
b. Saranggola
c. Ibon
5. Anong uri ng akda ang "AngGuryon"?
a. Sanaysay
b. Maikling kwento
c. Tula

II. Ipaliwanag
1. Sumulat ng isang saknong na tula tungkol sa iyong sarili o buhay.
Maaaring gumamit ng salita o bagay na maaaring maihambing sa iyong
karanasan.

IV. Takdang Aralin


 Basahin at siyasatin ang akdang Tatlong mukha ng kasamaan ni Salvacion M.
Delos Alas.
Tanong: Bakit mahalaga ang karunungan sa isang maunlad na bansa? Isulat ang
sagot sa isang kalahating papel.

You might also like