You are on page 1of 3

Barotuan National High School

Barotuan, El Nido, Palawan


El Nido Del Norte District

Ikalawang Markahang Pagsusulit


FILIPINO 9

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Pagsusulit I.

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pahayag at katanungan. Pagkatapos bilugan ang titik
na nagtataglay ng tamang sagot.

1. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?
a. Kapalaran ng tao c. Kaginhawaan ng tao
b. Humihinga pa d. Kasiglahan ng tao
2. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensiyong nais ipabatid sa kausap.
a. Tono b. Diin c. Haba d. intonasyon
3. Ang tulang Haiku ay binubuo ng ilang taludtod o linya ang bawat saknong?
a. Apat b. Pito c. Labimpito d. Tatlo
4. Ano ang kabuuang bilang ng pantig sa tulang Tanka?
a. 21 b. 35 c. 31 d. 2
5. Ano ang sukat ng bawat taludtod o linya ng tulang Tanka?
a. 5-7-5-7-7 b. 7-7-5-7-5 c. 5-7-5-7-7 d. 7-7-7-5-5
6. Paano mo malalaman ang sukat ng isang tula?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa salita sa bawat taludtod
b. Sa pamamagitan ng pagbibilang bawat titik ng bawat taludtod
c. Sa pamamagitan ng pagpapantig-pantig sa bawat salita
d. Sa pamamagitan ng pagbibilang ng bawat pantig sa bawat taludtod
7. “umuulan ba kahapon?”
a. Nagtatanong c. nagpapahayag
b. Nag-aalinlangan d. nagbubunyi
8. “Ikaw ba talaga iyan?”
a. Nagtataka c. Naninigurado
b. Nagtatanong d. Nananabik
9. Tinaguriang “Ama ng sinaunang pabula”
a. Alejandro Abadilla c. Aristotle
b. Aesop d. Vean de la Fontaine
10. Itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu.
a. Si Mabuti b. Si Maganda c. Si Kasyapa d. Si Ama
11. Ang nagsasabi na ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.
a. Alejandro G. Abadilla c. Aesop
b. Jean de la Fontaine d. Aristotle
12. Ang dulang ito ay pawang kabiguan ang wakas.
a. Melodrama b. Komedya c. Trahedya d.Tragikomedya
13. Ito ay lakas, bigat ng tinig sa pagbigkas ng pantig.
a. Hinto b. Tono c. Antala d. Diin
14. Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari sa kuwento?
a. Panimula c. suliranin
b. Kasukdulan d. wakas
15. “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tito Rey.” Anong elemento ng maikling kuwento ang lantad sa
pahayag na ito?
a. Tagpuan c. banghay
b. Tauhan d. tema

Pagsusulit II

Panuto: Basahin at kilalanin kung anong akdang pampanitikan ang sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring


tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran.
2. Isa sa mga unang panitikan sa daigdig.
3. Ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig na nahahati sa limang taludtod.
4. Ito ay may kabuuang labimpitong bilang ng pantig na may tatlong taludtod.
5. Isang uri ng pagpapahayag ng saloobin sa paraang papataas ang antas nito.
6. Isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
7. Ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita
sa harap ng tagapakinig.
8. Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang
mahalaga o napapanahong isyu.
9. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati
at pagsasalitain.
10. Tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na
pangyayari sa akda.

Pagsusulit III

Panuto: Iantas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi o digri nito. Punan ng bilang 1,2, at 3 ang patlang
sa tapat ng salita.

1. sigaw __________
bulong __________
hiyaw __________
2. hikbi __________
hagulgol __________
nguyngoy __________
3. sakit __________
hapdi __________
kirot __________
4. damot __________
sakim __________
ganid __________
5. pagkutya __________
pag-alipusta __________
pag- aapi __________

Pagsusulit IV

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto at MALI kung hindi.

1. Ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin ay tinatawag ding paraan ng


pagpapahayag ng emosyon o saloobin.
2. Ang damdamin ay isang emosyon na ang ibig sabihin ay ang pansarili ng pagtugon sa mga
pangyayaring nagaganap sa araw-araw na buhay.
3. Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod, ngunit tama ang
kabuuan nito sa bawat saknong ng Tanka ay may 17 pantig.
4. Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng matalinghagang salita/ pahayag upang mas kawili-wili at
kabigha-bighani ito.
5. Ang matalinghagang salita ay literal na mga salitang may simpleng kahulugan o di kaya’y halos
tiyak ang kahulugan nito.
6. Ang maikling dula ay tinatawag na iisahing yugtong Dula.
7. Ang paraan ng pagbubuo ng sanaysay ay maaaring nagsasalaysay, naglalarawan, nakikipagtalo at
nanghihikayat.
8. Ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.
9. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.
10. Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga
pangungusap at sugnay.

Pagsusulit V

Panuto: Ibigay ang sumusunod ayon sa kahilingan.

1-4 - Uri ng Dula ayon sa paksa o nilalaman

5-9 – Layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay

10-12 – Mga tinutukoy na pang-ugnay

13-15 – Mga ponemang suprasegmental

Sumaiyo Nawa ang patnubay ng Poong mahal “


Inihanda ni:

ARLENE B. EDEM
Filipino Titser

You might also like