You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Calatagan, Batangas

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang tula na Haiku?


a. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
b. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
c. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
d. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
2. Paano malalaman ang sukat ng isang tula?
a. Sa pamamagitan ng pagbibilang sa salita sa bawat taludtod
b. Sa pamamagitan ng pagbibilang ng bawat titik ng bawat taludtod
c. Sa pamamagitan ng pagpapantig-pantig sa bawat salita
d. Sa pamamagitan ng pagbibilang ng bawat pantig sa bawat taludtod
3. Ito ay isang uri ng Tayutay na ikinakabit ang katangian, galaw o kilos ng tao sa isang bagay, halaman, o element.
a. Pagwawangis c. Pagsasatao
b. Pagtutulad d. Pagmamalabis
4. Ito ang tawag sa tayutay na naghahayag ng isang paglalawaran na mahirap maganap sa tunay na buhay.
a. Pagwawangis c. Pagsasatao
b. Pagtutulad d. Pagmamalabis
5. Ito ay isa sa mga unang panitikan ng daigdig na kung saan ang mga hayop o bagay na walang buhaya ang
gumaganap na pangunahing tauhan.
a. Pabula c. Maikling Kuwento
b. Alamat d. Tula
6. Isang uri ng panitikang nahahati sa mga yugto na mayroong mga tagpo at itinatanghal sa tanghalan o entablado.
a. Sanaysay c. Debate
b. Dula d. Tula
7. Ito ang pinaka-kaluluwa ng isang dula.
a. Direktor c. Iskrip
b. Manonood d. Aktor
8. Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.
a. Direktor c. tagsulat ng iskrip
b. Manonood d. Aktor
9. Ito ay bahagi ng dula na paglabas-pasok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
a. Yugto b. Tagpo c. eksena
10. Sangkap ng dula na kung saan ay marahang tinutukoy ang naging lunas sa tunggalian sa dula.
a. Sulyap sa suliranin c. Kasukdulan
b. Saglit na kasiglahan d. Kakalasan / Kalutasan
11. Ito ay teksto kung saan ipinagtatanggol ng manunulat ang posisyon sa isang paksa o usapin gamit ang mga
ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at pag-aaral.
a. Sanaysay c. argumentatibo
b. Dula d. Tula
12. Ang mga sumusunod ay katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatibo maliban sa…
a. Malinaw at lohikal na transisyon
b. Mga impormasyon na haka-haka lamang
c. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga talata
d. Matibay na edidensiya para sa argumento

Panuto: Gamit ang bilang 1-4, iayos ang mga salita sa bawat set ayon sa tindi o antas ng kahulugan ng mga ito.

13. 14. 15.


__madamot __pagmamahal __mayaman-yaman
__sakim __pagliyag __mayaman
__ganid __pagsinta __ubod ng yaman
__gahaman __paghanga __walang kasingyaman

16. 17.
__paghamak __nakagugulat
__pag-alipusta __nakatatakot
__pagkutya __nakasisindak
__pang-aapi __nakahihilakbot
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pagsisimulat ng iba’t-ibang kuwento. Tukuyin ang estilo ng
pagsisimula nito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Paglalarawan ng tauhan D. pagsasalaysay


B. Paglalarawan sa tagpuan E. usapan o dayalog
C. Mahalagang kaisipan F. Kagulat-gulat

18. Maliit lamang sa simula ang kumpulan ng taong nasa bakuran ng munisipiyo, ngunit nang tumaas ang araw, at
kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
(Tata Selo ni Rogelio Sikat)
19. “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
“sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti
sana sa iyo ang … buhay.” (Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute)
20. Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi
ang mamasyal kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. (“Si Stella at ang mga Kaibigan niya sa araw ng
Pasko”)
21. Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero
may mga perpektong sandal. Gaya ng mga sandalling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay
Susie. ( Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan, M.D.)
22. Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdaig upang lasapin ang biyayang handog ng
itinuturing nilang Bagong Paraiso. (Sa Bagong Paraiso ni Efren Reyes Abueg)

Panuto: Piliin ang salitang tutukoy sa damdamin ng nagsasalita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Pagtatampo D. pagkatuwa
B. Pagsisisi E. panghihinayang
C. pagkagalit
23. “Dapat nag-aral ako ng maaga para hindi ako nagmamadali ngayong gabi”.
24. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan hindi na maalis at kailangang papinturahan!”
25. “Hindi na lang ako sasama. Hindi ninyo naman talaga ako gustong makasama.”
26. “Buong araw nakabukas ang aircon kahit walang tao! Sayang ang kuryente!”
27. “Yehey! Nakuha ko na ang cellphone na matagal ko ng gusto!”

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

28. “Ikaw ang anay sa aking palasyo”


29. Naging bato na ang puso ni Amira dahil sa mapait na karanasan.
30. Si Ana ang naging ilaw ng mamatay ang kanilang mga magulang.

You might also like