You are on page 1of 2

SAN ANTONIO NATIONAL HIGH SCHOOL

San Gregorio, San Antonio, Zambales

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 9


Quarter 2 / Week 5-8
NAME: Grade & Section: Date:

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD. PILIIN ANG LETRA NG TAMANG SAGOT. ITIMAN () ang bilog na
angkop sa napiling sagot sa bawat bilang.

A. Suriin ang imahe at simbolo ng mga salitang nakapahilig:

1. Ang puso ni Li Huiquan ay para lamang sa alaala ng kaniyang ina.


a. pagmamahal b. Kadiliman c. Mang-aagaw d. Sagabal
2. Maraming ahas man ang umaligid sa pagtitinda niya ng damit at prutas, patuloy pa rin siya sa pagbabago.
a. Pag-asa b. Mang-aagaw c. Kadiliman d. pagmamahal
3. Ang itim na napagdaanan ni Li Huiquan sa kaniyang buhay ay ang pagkabilanggo nang matagal.
a. Pag-asa b. Sagabal c. Kadiliman d. pagmamahal
4. Tanikalang ginto ang naramdaman ni Li Huiquan sa bilangguan.
a. Kawalan ng kalayaan b. Paghihirap c. Kadiliman d. Masayang masaya
5. Ang tanging ilaw niya sa buhay ay sisikaping magbagong buhay.
a. Pag-asa b. Kababaihan c. Sagabal d. kadiliman
6. Ang tinik na humarang kay Li Huiquan sa pagbabago ay kaniyang nalampasan.
a. Pag-asa b. sagabal c. kadiliman d. pagmamahal
7. Malaki ang sugat sa puso ng batang si Li Huiquan sa pananabik sa mga araw na buhay pa ang kaniyang ina.
a. pagtitiis at matinding b. nagawang kasalanan c. pagmamahal d. kalayaan
pananabik
8. Ito ang damdamin ng mga nasa bilangguan, putol na tinapay at santabong sabaw.
a. pagtitiis at matinding b. Paghihirap ng bilanggo c. pagmamahal d. kalayaan
pananabik
9. Ang maruming kamay ng mga nasa bilangguan, pilit na itong itinatama sa paraan ng paggawa nang mabuti
sa kapwa.
a. pagtitiis at matinding b. nagawang kasalanan c. pagmamahal d. kalayaan
pananabik
B. Tukuyin kung anong elemento ng dula ang binabanggit sa bawat pahayag:

10. Ito ay ang lugar kung saan itinatanghal ang bawat tagpo.
a. Paaralan b. Kalsada c. Tanghalan d. Bayan
11. Sila ang nagbibigay-halaga sa dula. Sila rin ang karaniwang target ng pagtatanghal nito.
a. Aktor b. Manonood c. Pulis d. guro
12. Ito ang pinaka paksa ng isang dula.
a. Tauhan b. Banghay c. Tema d. Tagpo
13. Ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula.
a. Liham b. Akda c. Iskrip d. Tula
14. Ito ang tawag sa taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal?
a. Mandudula b. Mangguguyo c. Mandirigma d. Mandududa
15. Isang halimbawa ng akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
a. Dula b. Maikling kuwento c. Tula d. Sanaysay
16. Sa bahaging ito ipinakikita ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
a. Tauhan b. Tagpo c. Tema d. Tugma
17. Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
a. Iskrip b. Manonood c. Direktor d. Aktor
18. Ito ang mga binibitiwang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon.
a. diyalogo b. iskrip c. aktor d. manonood
19. Siya ang nag-iinterpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan
maging sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
a. Actor b. Director c. Mandudula d. manonood
C. Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat pahayag:

20. Isang maikling kuwento may aral at kalimitang hango mula sa Bibliya.
a. Parabula b. Pabula c. Sanaysay d. tula
21. Ito ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.
a. Konteksto b. Dimensyong pisikal c. Pisikal d. sosyal
22. Alin sa mga sumusunod ang matalinghagang pahayag ng nagsusunog ng kilay.
a. Nag-aaral ng Mabuti b. Iyakin c. Mabagal d. Nasunog ang kilay
23. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay.
a. Simula b. Gitna c. Wakas d. Wala sa nabanggit
24. Dito naman aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing tauhan.
a. Simula b. Gitna c. Wakas d. Wala sa nabanggit
25. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban at kaisipan ng lahat.
a. Simula b. Gitna c. Wakas d. Wala sa nabanggit

PERFORMANCE TEST

Panuto: Bumuo ng islogan mula sa mga kuwentong iyong nabasa na gamit ang imahe at simbolo. Isulat ang pamagat ng
kuwento at ang may-akda nito.. Isulat ang sagot sa likurang bahagi ng papel.

Prepared by Checked by:


MARIE ELAINE M. MALINAO JOVELYN R. FABABIER
Teacher I Secondary School Principal II

You might also like