You are on page 1of 4

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakatamang sagot.

I. PAMPANITIKAN
A. KAALAMANG BAYAN

Panuto: Iguhit sa patlang ang ♥ kung ang pangungusap ay tama at palitan naman ang salitang
may salungguhit kung ang pangungusap ay mali.

1. Ang tula ay maituturing na pinakamatandang uri ng sining.


2. Bugtong, bugtong “Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Ang sagot ay pating”.
3. Ang layunin ng palaisipan ay pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa iisang lugar.
4. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang
natira? Lima dahil lumundag lamang at hindi umalis
5. Ang paalalang “Barya lang sa umaga” ay halimbawa ng isang tugmang de gulong.
6. Ang bugtong ay binibigkas ng patula.
7. Makikita rin ang mga tugmang de gulong sa mga traysikel.
8. Si Maria kong Dende, Nagtinda sa gabi.Nang hindi mabili Umupo sa tabi.Ito ay
halimbawa ng Tulang panudyo

B. DULANG PANTELEBISYON
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

9. Ito ay sangkap ng Dulang Pantelebisyon na siyang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat


mahahalagang tagpo o damdamin.
a. Diyalogo c. Tauhan
b. Musika/tunog d. Sinematograpiya
10. Ito ay binubuo ng gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang
malapit sa katotohanan.
a. Dulang Pantanghalan c. Dulang Kalye
b. Dulang Panradyo d. Dulang Pantelebisyon/Pampelikul
11. Ito ay sangkap ng Dulang Pantelebisyon na tumutukoy sa pag-iilaw,komposisyon,galaw at iba pang
Teknik na my kaugnayan sa kamera.
a. Sinematograpiya c. Nilalaman
b. Tauhan d. Diyalogo
12. Ang Dulang Pantelebisyon/Pampelikula ay tinatawag ding_____________.
a. de kahong libangan c. de kahong telebisyon
b. de kahong tanghalan d. de kahong akda
13. Ito ay sangkap ng Dulang Pantelebisyon na kung saan tumutukoy sa linyang binibitawan ng mga
nagsipagganap.
a. Diyalogo c. Kuwento
b. Musika/tunog d. Sinematograpiya

C. MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO, MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG BAYAN


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.
14. Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Tauhan c. Tagpuan
b. Banghay d. Tema

15. Ito ay tumutukoy sa pook, lugar, at panahon na pinangyarihan ng kuwento?


a. Tauhan c. Tagpuan
b. Banghay d. Tema

16. Ito ay ang pinakamahalagang tauhan sa akda, sa kanya umiikot ang kuwento.
a. Pangunahing Tauhan c. Katunggaling Tauhan
b. Pantulong na Tauhan d. Tauhang Bilog

17. Ito ay uri ng taugang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan,


a. Pangunahing Tauhan c. Katunggaling Tauhan
b. Pantulong na Tauhan d. Tauhang Bilog

II. WIKA AT GRAMATIKA


A. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang may wastong diin at isulat ito sa patlang ayon sa
wastong gamit nito sa pagnungusap.

18-19.Dumating na ____________ siya kagabi na may dalang maraming ____________ para gamiting
panghukay sa ginagawang bahay.
/paLA/, /PAla/
20-21.Mamayang ____________ darating ang mga bisitang ____________ na mga negosyante upang
magbahagi ng lektyur.
/haPON/, /HApon/
22-23.____________ng mga ____________ ang tanawin mula sa aming kinatatayuan.
/puNO/, /PUno/

24-25.Binilhan ng __________ si Lina ng kanyang nanay at ma_________ niya itong tinanggap.

/SAya/, /saYA/

26-27. Hindi _______ ni Jona ang __________ niya sa pagtitinda ng mais.


/KIta/,/kiTA/

28-29. Gumawa ng _____ si Annie ng mga pangalan ng _____ na paborito niyang makita sa gabi.
/taLA/, /TAla/

B. DENOTASYON AT KONOTASYON
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pahayag batay sa denotasyon at konotasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot. .
30. Mahal ang ipinagbibiling gintong kutsara sa mall. Ano ang denotasyon ng mga salitang may
salungguhit?
a. kutasarang gawa sa ginto c. laki sa yaman
b. kutsara ng kahirapan d. laki sa hirap
31. Ang aking kababata ay may gintong kutsara sa bibig. Anong ang konotasyon ng mga salitang may
salungguhit?
a. laki sa hirap c. kutasarang gawa sa ginto
b. laki sa yaman d. kutsara ng kahirapan
32. Siya ay isang mabuting haligi ng tahanan. Anong ang konotasyon ng salitang may salungguhit na
ginamit sa pangungusap?
a. ama c. bahagi ng bahay
b. pag-ibig d. poste
33. May mata si Mayor sa kaniyang mga empleyado upang malaman niya kung sino ang hindi kumikilos
sa oras ng trabaho. Ano ang konotasyon ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. minamahal c. pagtingin
b. ispiya d. galit
34. Kailangan kong magsunog ng kilay para makapasa ako sa eksam sa susunod na linggo.
a. mag-ahit ang kilay c. mag-aral nang mabuti
b. sunugin ang kilay d. magtrabaho
35.Usad pagong ang pila sa jeep kaya gabi na ng siyang makauwi. Ano ang konotasyon ng salitang may
salungguhit sa pangungusap?
a. mabilis c. dahan-dahan
b. mabagal d. walang pila
36. Pantay na ang paa ng madatnan ni Jona ang kanyang ama sa ospital. Ano ang konotasyon ng
salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. buhay c. nakaratay
b. patay d. malakas
37. Mabangis ang buwayang nahuli sa lawa. Ano ang denotasyon ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. uri ng reptilya na naninirahan sa katubigan c. hayop na mabait
B. uri ng hayop na inaalagaan sa bahay d. uri ng hayop na makikita sa gubat
38.. Hindi tumuloy si Jane sa kanyang pupuntahan ng makakita siya ng itim na pusa sa daan. Ano ang
konotasyon ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. swerte c. masama
b. kinatatkutan d.malas
39. Maraming buwaya ang nakaupo sa gobyerno. Ano ang konotasyon ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. mabuti c. tapat
b. kurap d. masama

C. ANAPORIK AT KATAPORIK
Panuto: Isulat sa patlang ang AN kung ang mga sumusunod na pahayag ay ANAPORIK at KN
naman kung ito KATAPORIK.
_____40. Tanghali na nang magising si Rona kaya naman ay hindi siya nakadalo sa kanilang
online class.
_____41. Sila ang nagbibigay sa akin ng dahilan upang magpursige sa buhay. Ang aking pamilya
ang nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa akin.
_____42. Dapat natin itong ipagmalaki at pagyamanin. Ang kulturang Pilipino ay pagyamanin at
ipagmalaki.
_____43. Nakakabighani ang ganda ng Bohol,sagana ito sa likas na yamang tanging sa doon
lamang makikita.
_____44. Nakalimutang dalhin ni Judy ang kanyang baon para sa pananghalian.
_____45. Nahuling nangongopya ng guro sina Joshua at Adam kaya kinausap sila ng kanilang
guro.
_____46. Sila ay dapat nating igalang at pahalagahan sapagkat sila ay ating mga magulang.
_____47. Nahagip ng humaharurot na kotse si Daisy kaya isinusod siya sa Ospital.
_____48. Ang mga anak ay kaloob ng Diyos. Sila ang dahilan kung bakit patuloy na nagsisikap ang
mga magulang.
_____49. Kayo ang kinabukasan ng ating bayan,kabataan sa bagong henerasyon.

D. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng katotohanan at kung nagpapahayag ng mali, isulat naman ang salitang
MALI.
______ 50. Ang balita ay magkasamang opinyon at katotohanan.
______ 51. Kailangang ang mga impormasyon sa balita ay may kinikilingan o kinakampihan.
______ 52. Tinatawag na balita ang makatotohanan at napapanahong pangyayari na naganap na,
nagaganap o magaganap pa lamang sa loob at labas ng bansa.
______ 53. Baligtad na piramide ang anyo ng balita upang maipakita ang pinakatampok.
______ 54. Hindi kailangan ang pamatnubay sa balita.
______ 55. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.

III. PAG-UNAWA SA BINASA


Panuto: Basahin at unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa dalawang balitang nasa ibaba.
Matapos basahin ay kilalanin ang mga hinihingi sa bawat patlang, lagyan ito ng angkop na
sagot upang mabuo ang kaisipan.

Bagong COVID-19 variant, nasa Pilipinas na nga ba?


Umabot na sa mas maraming bansa ang bagong variant ngCOVID19 virus naunang nakita sa UnitedKingdom
(UK). Ang unang kaso nito sa Amerika ay mula sa isang lalaking wala umanong travel history habang naitala ng Taiwan ang
unang kaso nito mula sa isang pasaherong umuwi galing Britain noong Linggo. Umabot na rin ang bagong variant sa Chile
mula sa isang babaeng galing sa London noong nakaraanglinggo. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III,
nakatutok na ang Philippines Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institutes of
Health ng UP sa pagsusuri ng mga sample ng Covid-19 patients. Ayon sa executive director ng Philippine Genome Center
na si Cynthia Saloma, nasa laboratoryona nila ang mga sample. “Pinagsabay-sabay natin ‘yung mga sample ng nag-positive
sa airport, pati na rin November at December samples…Probable middle of January or after the first week of January
malalaman natin kung meron tayo o wala.” ani Saloma. Dagdag ni Saloma, kailangan pang aralin kung epektibo pa rin ang
mga na- develop nang bakuna laban sa bagong variant ngCOVID-19. Sa palagay ni Saloma, hindi maiiwasan ang pagpasok
ng bagong variant sa bansa bagaman mapipigilan ang pagkalat nito kung maikaquarantineagad ang mga biyahero. Nasa 20
bansa na kabilang ang UK at US ang sakop ng travelrestrictions na nagsimula na ngayong araw at tatagal hanggang Enero
15 para maiwasan ang pagpasok ng bagong variant.
Pangmundong Pagbabakuna kontra Covid, maaaring tumagal ng higit anim na taon!
Aabot pa ng mahigit anim na taon bago mabakunahan ang mundo kontra COVID- 19 ayon sa mga eksperto.
Dapat umanong ibahagi sa mga lumalagong bansa ang bakuna upang masiguronghindi lalabas ang
mgabagong COVID variants ayon sa isa sa mga infectous disease experts ng Australliana si Sanjaya
Senanayake. “And if we continue this global vaccine rollout, while in other parts of the world infection continues
unhecked, then we will seemore sinisters starin…Therefore, If you are believer in vaccine nationalism, wanting
the best impact of vaccination in your own country, you also have to embrace vaccinealtruism…” Kamakailan,
hininto ng South Africa ang roll out ng AstraZeneca vaccine dahil sa mga data na nagpakitang hindi ito gaanong
epektibo sa bagong strain ng virus. Kailangan pa ang mga masusing pag-aaral sa mga malakihang grupo
upang mapatunayan ang bisa ng bakuna. Malaki ang pinagkaiba sa Sistema ng kalusugan sa pagitan ng
bansang Australia at South Africa.
56. Ang pagkakaroon ng ___________ ay naging banta sa kalusugan at buhay ng maraming tao
gayundin naharap tayo sa pandemya na hanggang sa kasalukuyan ay hamon sa
pandaigdigang ekonomiya.
57. Payo ng mga eksperto sa pangkalusugan na dapat ang lahat ng tao ay magkaroon
ng__________ upang may laban ang katawan sa anumang virus at bagong variant pa nito.
58. ________________ ang tawag kapag kailangan munang manatili sa isang lugar ng bagong
dating na manlalakbay o biyahero at matiyak na ligtas siya sa anumang virus upang hindi na
makahawa pa.
59-60.. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakatutok na ang
______________________
at ____________________ sa pagsusuri ng mga sample ng Covid-19 patients upang makita
ang epekto ng bakuna.

******** “Ang pagiging matapat sa mga maliliit na bagay ay may kalakip na gantimpala” ********

You might also like