You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng South Cotabato
Silangang Distrito ng Polomolok
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG POLOMOLOK

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO – 7

Pangalan: _________________________________________________ Baitang/Seksiyon: ______________________

A. Panuto: Basahin ang teksto sa loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang
“upang mabasa.” Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad
kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng alamat ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan,
at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabubuting katangian tulad ng kasakiman,
katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan itong kapupulutan ng aral.

1. Batay sa iyong nabasa sa itaas, ano raw ang isinasaad sa isang Alamat?
a. Kultura ng mga Banyaga c. Mga aral mula sa Bibliya
b. Pinagmulan ng mga bagay-bagay d. Kasaysayan ng Kabisayaan
2. Ano ang kadalasang taglay ng isang Alamat?
a. Totoong mga pangyayari b. Kaisipan c. Pangyayaring may kababalaghan d. Kasaysayan
3. Mula sa nabasang teksto, ang alamat ay karaniwang kapupulutan ng ___________________.
a. aral b. ginto c. isla d. masasamang ugali
4. Bukod sa magagandang katangian na mababasa sa isang Alamat, tinatalakay rin dito ang mga ___________.
a. kasaysayan b. agham c. masasamang katangian d. epiko
5. Alin sa mga sumusunod ang mga magagandang katangian ng isang tao na mababasa sa isang Alamat?
a. kalinisan ng kalooban, katapatan, at kalungkutan c. katapangan at kakisigan
b. kalinisan ng kalooban at pagsisisi d. kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan

B. Tukuyin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na mga salitang nakasalungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Ang kasaganaan at kapangyarihan ni Tulalang ay napabantog hanggang sa malalayong lugar.


a. natanyag b. mahangin c. dumapo d. umiwas
7. Si Tulalang ay hinalinhan ng dalawang kapatid nang siya ay mapagod sa pakikipaglaban.
a. tinakasan b. nilayuan c. pinalitan d. iniwasan
8. Ang mahangin na heneral ay napahamak sa ginawa niya.
a. mabuti b. baliw c. mayabang d. mapanghusga
9. Naghinala ang hari ng Bagyo hinggil sa tunay na pagkatao ng kanyang bagong alipin.
a. nanaginip b. nagsuspetsa c. umiwas d. nalungkot
10. Ang pagbabalatkayo ni Tulalang bilang alipin ay natuklasan ng hari ng Bagyo.
a. pagkukunwari b. pagtatago c. lihim d. paglalakad

C. Tukuyin kung anong elemento ng maikling kuwento ang isinasaad sa bawat bilang. Bilugan ang iyong sagot.

11. Anong elemento ng maikling kuwento ang nagsasaad kung kalian at saan naganap ang kuwento?
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. suliranin

1
12. Ang elemento ng maikling kuwento na nagsasaad kung sino-sino ang gumanap sa kuwento ay ang ______.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. suliranin
13. Ang elemento ng maikling kuwento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay
tinatawag na ______________.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. suliranin
14. Alin sa mga sumusunod ang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng banghay sa isang maikling kuwento?
a. simula - saglit na kasiglahan – kakalasan – kasukdulan - wakas
b. simula - kasukdulan - kakalasan - saglit na kasiglahan - wakas
c. simula - saglit na kasiglahan – kasukdulan – kakalasan – wakas
d. simula – kakalasan – kasukdulan – saglit na kasiglahan - wakas
15. Sa maikling kuwentong “Si Pinkaw", ang mga tauhan ay nakatira malapit sa tambakan ng basura. Anong elemento ng
maikling kuwento maibibilang ang “tambakan ng basura”?
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. suliranin

D. Banghayin ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling kuwentong “Si Pinkaw” ang mga
pangungusap sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa ibaba.
A. Sumakit ang tiyan ng mga anak ni Pinkaw, dali-dali niya itong isinakay sa kanyang kariton at pumunta sa
pinakamalapit na doktor, sapagkat walang doktor na tumugon sa kanya, itinulak niya ang kanyang kariton
papuntang bayan.
B. Nalaman ni Pinkaw na wala nang buhay ang anak niyang panganay na si Poray. Pagkaraan ng ilang oras, narating
niya ang ospital ngunit namatay rin ang kanyang anak na si Basing. Pagkaraan ng dalawang araw ay namatay rin si
Takoy.
C. Isang araw, tinutukso-tukso ng mga batang kalye si Pinkaw, pilit nila itong pinalilibutan at pinapagbabantaang
kukunin ang kanyang anak. Umiyak si Pinkaw at nagbantang magsusumbong sa Meyor.
D. Namatay ang lahat ng anak ni Pinkaw na naging dahilan ng kanyang pagkabaliw. Ngayo’y makikita mo na lamang
siya na tinutukso-tukso ng mga bata sa kalye.
E. Si Pinkaw ay mabait at matulungin noong di pa siya nababaliw, minsan nga’y tinutulungan pa niya ang mga
kagaya niyang nagkakariton, pati na iyong mga pulubi sa tindahan. Mahilig kumanta si Pinkaw kahit na hindi
maganda ang kanyang boses. Masaya si Pinkaw kahit na ganoon lamang ang kanyang kalagayan.

16. Alin sa itaas ang simula ng kuwentong “Si Pinkaw”?


17. Alin naman sa itaas ang saglit na kasiglahan sa kuwento?
18. Alin naman sa itaas ang naging kasukdulan ng kuwento?
19. Alin ang naging kakalasan ng kuwento?
20. Alin sa itaas ang naging wakas ng kuwento?

E. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kapag ang pahayag ay nagsasaad ng tamang hakbang sa pakikipanayam. MALI naman
ang isulat kapag hindi. Isulat sa patlang ang sagot bago ang bilang.

________________21. Magsuot ng tamang kasuotan at maging magalang sa pagtatanong


________________22. Maghanda ng balangkas ng mga itatanong.
________________23. Gawing nakatatamlay ang pagtatanong.
________________24. Tumingin sa kinakausap. Ipakitang interesado ka sa mga sagot.
________________25. Umalis na lamang kaagad pagkatapos ng panayam upang hindi ka na masyadong nakaaabala.

F. Gamitin nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Bilugan ang iyong sagot.

26. Ako ay nakakuha ng mataas na marka ___________ ako ay nag-aral kagabi.


a. sapagkat b. tuloy c. kaya d. dahil dito
27. Hindi ako nakatulog kagabi ___________ inaantok ako ngayon.
a. tuloy b. dahil c. sapagkat d. mga
28. Ayaw kong kumain ng durian ____________ busog na ako.
a. tuloy b. bunga nito c. kaya naman d. dahil

2
29. Ang kapatid kong babae ay namili ng maraming pagkain ______________, marami siyang pera.
a. palibhasa b. tuloy c. kaya naman d. bunga nito
30. Tumakbo kami nang napakalayo kahapon __________ nanakit ang aking mga binti.
a. dahil b. kaya naman c. palibhasa d. sapagkat

G. Tukuyin ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa epikong “Tulalang”. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

31. Madalas ay sama-samang nagpupunta sa gubat ang magkakapatid upang kumuha ng ubod ng rattan para sa kanilang
pagkain. Ano ang sinisimbolo ng ubod ng ratan?
a. matinding kahirapan b. kawalan ng disiplina c. kayamanan d. kahalagahan
32. Napagpasiyahan ng magkakapatid na manirahan sa torogan o palasyo. Ano ang sinisimbolo ng torogan o palasyo?
a. karangyaan b. kahirapan c. kawalan ng disiplina d. kahalagahan
33. Araw at gabi ay walang tigil sa pagtugtog ng musika ang mga alipin sa kaharian. Ano ang sinisimbolo ng pagtugtog ng
musika ng mga alipin?
a. kasiyahan b. kalungkutan c. kawalan ng disiplina d. kahalagahan
34. Siya ang hiyas ng kanilang pamilya. Ano ang sinisimbolo ng salitang hiyas?
a. kasiyahan b. kalungkutan c. kawalan ng disiplina d. kahalagahan
35. Pagdating sa kaharian ay nabalitaan niyang sinalakay ng hari ng bagyo ang kaharian. Ano ang sinisimbolo ng hari ng
bagyo?
a. kasiyahan b. kalungkutan c. kapangyarihan d. kahalagahan

H. Kilalanin ang katangian ng mga tauhan sa epikong “Tulalang” batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

36. “Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Allah at hindi ko kayo pababayaang magutom.” (Tulalang)
a. matapang na kapatid b. mapagmahal na kapatid c. mapagpanggap na kapatid
37. “Simula sa araw na tio ay huwag na kayong mag-aalala sa iyong pagkain. Simula ngayon ay hindi na kayo
magugutom. Anumang bagay ang inyong gugustuhin ay mapapasainyo.” (Mahiwagang matanda)
a. makapangyarihan b. mayabang c. masipag
38. “Tulalang, nais naming manirahan sa iyong kaharian. Handa kaming magpasakop sa iyong kapangyarihan.” (mga tao)
a. pagsasamantala b. pagbubunyi c. pagpapakumbaba
39. “Tulalang, hinahamon kita! Kung hindi ka makikipaglaban sa akin ay sasakupin ko ang buo mong kaharian.” (Heneral
Agio)
a. mahilig makipag-away b. likas na matapang c. tunay na makapangyarihan
40. “Tulalang, papayag akong pakasal sa iyo upang magkaroon ng bagong hari sa aming kaharian.” (Macaranga)
a. mapagmahal sa kaharian b. mapagmahal sa sarili c. mapagmahal sa kalikasan

-----WAKAS-----

You might also like