You are on page 1of 2

BINTAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan:________________________________ Seksiyon:_________________ Puntos:_______


A. Maramihang Pagpipili: Panuto:Basahin ang bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa
paglipas ng panahon.
a. salitang-ugat b. etimolohiya c. Anyo ng Salita d. Pandiwa
2. Ito ang pinakakalulwa ng dula.
a. aktor b. tagadirihe c. tanghalan d. iskrip
3. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng tauhan hanggang sa pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan.
a. aktor b. tagadirihe c. tanghalan d. iskrip
4. Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.
a. aktor b. tagadirihe c. tanghalan d. iskrip
5. Sila ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.
a. aktor b. tagadirihe c. tanghalan d. iskrip
6. Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing
a. pagtawag b. pagtatao c. pagmamalabis d. pagwawangis e. pagtutulad
7. Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari
upang bigyang- kaigtingan ang nais ipahayag.
a. pagtawag b. pagtatao c. pagmamalabis d. pagwawangis e. pagtutulad
8. Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na
walang buhay.
a. pagtawag b. pagtatao c. pagmamalabis d. pagwawangis e. pagtutulad
9. Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao
o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.
a. pagtawag b. pagtatao c. pagmamalabis d. elehiya e. pagtutulad
10. Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa.
a. pagtawag b. pagtatao c. pagmamalabis d. elehiya e. pagtutulad
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga panuntunan sa pagbuo ng mabuting karakter?
a. Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl. c. Gumamit ng mga tayutay sa paglalarawan.
b. Ilagay ang karakter sa isang banghay. d. Gumawa ng isang mas maunlad na
personalidad.
12. Isang proseso ng pagpapahiwatig o pagpapahayag batay sa sariling kaalaman.
a. Pagpapaliwanag b. Paghihinuha c. Pagtatanong d. Pagsasalaysay
13. Batay sa mga nabasang akda ano ang mensaheng naipabatid sa iyo?
a. Ang pasko ay tungkol sa regalo c. Hindi lang sa mga bata ang pagdiriwang ng pasko
b. Dapat magbigay ng aginaldo tuwing pasko d. Hindi mahalaga ang material na bagay mapasaya mo lang ang taong mahalaga at
nagmamahal sa iyo.
14. Bakit ibinenta ni Della ang kanyang buhok?
a. Para makabili ng aginaldo para kay Jim c. Mamasyal sila ng kanyang asawa
b. Ibibili ng handa para sa pasko d. Bibili ng mga gamit sa kanilang bahay
15. Anong mahalagang yaman ang naipagbili ni Jim para makabili ng aginaldo para kay Della?
a. mamahaling suklay b. Relos c. Buhok d. Kadena para sa Relos
16. Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng kawili-wiling pangyayari at
sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Binubuo ito ng iba’t ibang mga kabanata.
a. Dula b. Nobela c. Maikling Kuwento d. Parabula
17. Anong katangian ang nangibabaw sa pangunahing tauhan habang hinihila niya ang isda?
a. mabait b. matatag c. mabuti d. mapagpahalaga
18. Sa teoryang ito ipinakikita o mas lumulutang na ang naganap sa buhay ng tauhan at mga pangyayari ay
bunga ng kaniyang sariling pagpili o pagpapasya.
a. Eksistensiyalismo b. Feminismo c. Realismo d. Markismo
19. Ito ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan, at ang istilo ng awtor o may-akda.
a. Panonood b. Pakikinig c. Pagbasa d. Pagsusuri
20. Alin sa sumusunod na elemento ang makikita sa nobela na wala sa maikling kuwento.
a. Tauhan b. May Kabanata c. Tagpuan d. Tunggalian

Inihanda ni: Bb. Federica D. Salve, Guro sa Filipino 10


BINTAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Inihanda ni: Bb. Federica D. Salve, Guro sa Filipino 10

You might also like